- 50 -
Magkayakap kaming nagpakahulog sa aming kama.
Nakabalik na kami sa silid kung saan kami nagising, kung saan kami natulog sa loob ng limang taon!
Tumatawang humalik sa aking bumbunan ang pinakamamahal ko’ng kabigkis habang kinukuskos ko sa mabango niya’ng dibdib ang aking ulo.
”Napakasarap ng ating pinagsaluhan kanina!” sabi niya na bahagyang nangangamoy alak ang bibig. ”Parang `di pa rin ako makapaniwalang limang taon tayo natulog, pero ibaang sinasabi ng aking tiyan! Gusto ko pa rin kumain hanggang ngayon!”
”Isabukas na natin iyon, mahal,” sabi ko sa kanya habang pataas ang mga halik ko sa kanyang leeg. ”Ngayong gabi, ikaw lang ang nais ko’ng kainin!”
Napahagikhik si Marius.
”Hindi pa rin ako makapaniwalang limang taon tayong nawala!” patuloy niya habang hinuhubad ko ang suot niya’ng tunika. &r
Congratulations! ✪ Naabot ninyo ang huling kabanata ng kuwentong "Ginto't Pilak" ♡ ʕ•́(ᴥ)•̀ʔっ Maraming salamat po sa pagsubaybay sa aking munting storya :) sana po makapagiwan kayo ng 'REVIEW' sa main page ng story na ito para sa kin. Inline Comments are also very welcome ♥ at kung nais n'yo pa po ako'ng suportahan, pwede nyo ako'ng ibili ng kape! https://ko-fi.com/psynoidal Maraming salamat uli! Hanggang sa muli, - ako Psynoid Al Alex Rosas G. Vecino
Hello Dear Readers! ʕ•́(ᴥ)•̀ʔっ Maraming-maraming salamat po sa pagsubaybay sa kuwentong ito! Actually, ito po ay isang side story para sa mas mahabang kuwento (in English) na 'Phasma' whose story actually takes place in the new world, 10,000 years in the future. Ang Phasma po ay isang young adult fantasy adventure novel na on-going dito sa GoodNovel(hindi po ito BL or boys love ʕˆ(ᴥ)ˆʔ ) general patronage po ito, with a bit of dark fantasy here and there. Sana po ay nagustuhan ninyo ang storya na ito, at maisipang basahin din ang Phasma na sigurado po ako, ay magugustuhan din ninyo! Pwede rin po kayong magpakape kung nais pa ninyo ako'ng pasalamatan at suportahan!Hanapin n'yo lang po ako sa ko-fi dot com! look for psynoidal ʕ-(ᴥ)-ʔ may mga specials po at extras doon na naghihintay para lamang sa inyo! Muli po, salamat at mag-ingat po ang lahat! - ako
Ginto't Pilak Unang Bahagi Una ko siyang nakilala nang magkaroon ng isang pagsasalo sa palasyo. Siya ang ika-tatlong prinsipe ng pamilyang Ravante na kilalang mga Encantado mula sa isla ng Hermosa. Ako naman ang ika-apat na prinsipe ng pamilyang Heilig, anak ng kasalukuyang Emperador, at susunod sa trono. Kami ang mga Panginoon ng Kulog at Kidlat na may kapangyarihang pasunurin ito. Pitong taon ako noon, siya, mag lilima pa lang, at pareho kaming sabik sa kalaro. Madalas kaming nakakulong sa palasyo, iniingatan, inilalayo sa mga mabababang uri ng nilalang na maaring 'makadumi' sa amin. Kaya laking tuwa namin nang maiwan kami sa loob ng silid aklatan, habang ang mga magulang namin ay nagtungo sa ibang lugar upang mag-usap. "Anong pangalan mo?" tanong ko sa kaniya, "Ilang taon ka na? Bakit may takip ang iyong mukha?" "Ako si Claudius Marius Angelo Rav
Ika-dalawang Bahagi "Wala na ba sila?" tanong ni Marius na nagtatago sa likod ko. "Hindi ko alam..." Biglang may kumatok nang marahan sa pinto. "Sino kayo?" matapang kong itinanong. "Prinsepe Theodorin," tawag ng boses mula sa labas. "Ito ang hari ng Hermosa, si Haring Domingo." Nanlaki ang mga mata ni Marius. "Kasama mo ba sa loob ng silid ang aking anak?" Lumapit ako sa pinto at muling nagtanong, "Paano ako makasisiguradong ikaw nga si Haring Domingo?" "Narito ngayon ang iyong ama..." sagot niya. "Theodorin." Narinig ko ang boses ng aking ama na tila nananamlay. " Theodorin, buksan mo ang pinto," patuloy nito. "Hindi ba't binilinan namin kayo na huwag aalis sa silid sa baba?" "Amang hari!" bubuksan ko na sana ang pinto, ngunit muling nag-alinlangan, "Ano po ba ang nangyari? Sino ang nagpumilit pumasok sa aking silid?" "Anak, makinig ka nan
Ika-tatlong Bahagi "Itay, totoo po ba na mapanganib ako sa ibang tao?" tanong ni Marius sa kaniyang ama. "Kailangan ko po bang magsuot muli ng maskara? Habambuhay?" Malungkot na tinitigan ni Haring Domingo ang munting prinsipe. Napabuntong hininga siya at niyakap ang kaniyang anak. "Hayaan ninyo akong magpaliwanag." Tumignin siya sa akin. "Sapagkat ang bagay na ito ay nauukol sa inyong dalawa." "Ang mga purong maharlika na mula sa pamilyang Ravante ay may lahing diwata,” paliwanag niya, “kaya tayo ay ipinapanganak na mga enkantadong malakas ang kapangyarihan sa mahika. Ang elemento natin ay tubig na nagbibigay ng buhay, at ang ating kapangyarihan ay ang pagmamanipula ng mga tao.” “Isa sa mga katangian ng mga pamilyang Ravante ay ang napaka gandang mukha na nakakapang-akit, lalo na sa mga nilalang na mas mahina sa atin. Isa pang kakayahan na bihirang lumabas sa ating dugo ay ang Dilang Pilak, na siyang namana nating dalawa
Ika-apat na Bahagi “Handa ka na ba, Marius?” kumatok ako sa pinto bago ko binuksan ito. Nakita ko si Marius, ang aking matalik na kaibigan, na nakatitig nanaman sa salamin. Tanging maiksing tuwalya lang ang kaniyang suot na nakatakip sa kaniyang p*********i, at nakita kong basa pa ang mahaba niyang buhok na kulay pilak. “Hay, hanggang ngayon ba naman ay pinagmamasdan mo pa rin ang iyong sarili?” tanong ko sa kaniya habang pumipili ng damit sa kaniyang aparador. “Magmadali ka na, Marius, parating na ang aking ama mula sa kabisera!” “Theo, sa tignin mo ba ay masyadong namumula ang aking mga mata?” tanong niya sa akin. Ako naman ay napailing. “Ayan ay dahil nagpumilit ka pang hintayin ang pag-ulan ng mga tala kagabi,” paalala ko sa kaniya. “Inabot tuloy tayo ng pagsikat ng araw.” Kinuha ko ang mas malaking tuwalya na nakabalumbon sa kaniyang kama at pinunasan ang kaniyang buhok. “Hindi kaya mapansin i
Ika-apat na Bahagi “Handa ka na ba, Marius?” kumatok ako sa pinto bago ko binuksan ito. Nakita ko si Marius, ang aking matalik na kaibigan, na nakatitig nanaman sa salamin. Tanging maiksing tuwalya lang ang kaniyang suot na nakatakip sa kaniyang p*********i, at nakita kong basa pa ang mahaba niyang buhok na kulay pilak. “Hay, hanggang ngayon ba naman ay pinagmamasdan mo pa rin ang iyong sarili?” tanong ko sa kaniya habang pumipili ng damit sa kaniyang aparador. “Magmadali ka na, Marius, parating na ang aking ama mula sa kabisera!” “Theo, sa tignin mo ba ay masyadong namumula ang aking mga mata?” tanong niya sa akin. Ako naman ay napailing. “Ayan ay dahil nagpumilit ka pang hintayin ang pag-ulan ng mga tala kagabi,” paalala ko sa kaniya. “Inabot tuloy tayo ng pagsikat ng araw.” Kinuha ko ang mas malaking tuwalya na nakabalumbon sa kaniyang kama at pinunasan ang kaniyang buhok. “Hindi kaya mapansin i
Ika-anim na Bahagi “Sigurado ka bang ayaw mong kumain kasama ang iyong mga bisita?” tanong ko kay Marius pagdating ng tanghali. Kasalukuyan kaming nasa pangalawang palapag ng kuwadro ng mga kabayo. Nakahiga kami sa sahig na puno ng dayami. “Sobra akong nanghina sa dami ng mga taong bumati sa akin na hindi ko naman kilala,” sabi ni Marius na minamasahi ang magkabila niyang panga. “Kinailangan ko pang ulitin at batiin ang kanilang mga pangalan!” “Nanghina ka ba talaga? Samantalang hindi ka naman tumayo man lang sa upuan mo?” sarkastiko kong sagot. “Nakakalula pa rin iyon, Theo!” nakasimangot nanaman siya sa akin. “Buti na lang at nakamaskara ako, kung hindi, ay malamang nangalay na ang mukha ko sa pilit na pagngiti!” “Hindi mo naman kailangan ngumiti, sa ganda ng iyong mukha ay sapat na iyon pambati sa lahat ng iyong mga bisita.” Natuwa ako nang makitang namula ang mukha ni Marius. Inabot ko ang ka
Ika-pitong Bahagi “Nananaginip ka ba ng gising?” naiinis kong sagot kay prinsipe Lucuis. “At paano mo naman balak makipag-bigkis sa amin ni Marius?” hindi ko napigil na matawa. “Ang proseso nang pagbibigkis ng isang enkantong Dilang Pilak ay nangyayari lamang, isang beses sa kaniyang tanang buhay, at isang tao lang ang kaniyang nakakaparehas. Paano mo nasabing nais mong makipag-bigkis sa amin?!” “Sa pamamagitan ng isang kapatiran,” sagot niya sa akin. “Sa isang samahan na hindi kayang pigtasin nino mang babae o lalaki.” “Isang samahan?” ulit ko. “Oo, isang kasunduan na maging kasangga ninyo at kapatid, habang dumadaloy ang dugo sa aking mga ugat.” Napatitig ako sa prinsipe ng Ignus, ang kaharian na matagal nang may hidwaan sa aming mga taga-Heilig. Nakatitig siya sa akin, diretso at maliwanag ang tingin ng kaniyang mga mata. “Isang kapatiran?” tanong kong muli sa kaniya.