Share

(46) Ika-apatnapu't-anim na Bahagi

- 46 -

“Saan kayo nanggaling!?” tanong ni Haring Domingo na may halong takot at galit. “Dalawang linggo kayo nawala!”

“Ha?” gulat na bigkas ni Nico, “Pero wala pa kaming dalawang oras sa kabilang mundo!”

“Kabilang mundo?” muling tanong ng hari. “Sinasabi ko na nga ba ipipilit ninyo itong gawin!”

“Nagawa naming magbukas ng lagusan papunta sa ibang mundo, ama.” sagot ni Marius sa kaniya. “Maaari tayong manirahan doon hanggang sa mawala ang salot sa hangin dito sa ating mundo.”

“Kung may maililikas pa tayo!” sagot ni Haring Domingo.

“Bakit po, may nangyari nanaman ba?” tanong ni Nico.

“Nang gabi na kayo ay nawala, dumating ang malalaking alon. Nagawa nitong lampasan ang matataas na bahura at bulubundukin na hinarang ni Theodorin.” salaysay ni Haring Domingo. “Bagamat hindi na kasing lakas dahil sa mga harang, marami pa rin ang natupok sa pagbahang dulot ng mga alon.”

“Ang

psynoid_al

Apat na kabanata na lang ang natitira! :D `Wag po kalimutan mag-vote at magiwan ng comment o review!

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status