Nagkatagpo ang dalawang malakas na nilalang, at sa kanilang pagkikita, ay nagawang magkabigkis sa isa't-isa. Ngayong may nagbabadya na digmaan, kailangan nilang iligtas ang kanilang sarili, pati na rin ang kanilang mundo, bago pa ito tuluyang magunaw nang dahil sa kasakiman ng mga namumuno rito. ====================== For the first time in the empire's history, a Golden Child and a Silver Enchanter are bonded at a very young age. Both are very powerful magi and are sought after by many to use for their own selfish needs, but all Prince Theo and Prince Marius wants, is to travel the world together and live quietly in their paradise home in the kingdom of Hermosa. But news of war has broken their peaceful days, as the Emperor calls upon his heir, Prince Theo, to fight the aggressive Ignus kingdom who has risen in revolt against the empire. The two have no choice but to fight to save their empire, as well as themselves from the greed and ambition of the ones who want to rule ov them.
View MoreGinto't Pilak
Unang Bahagi
Una ko siyang nakilala nang magkaroon ng isang pagsasalo sa palasyo. Siya ang ika-tatlong prinsipe ng pamilyang Ravante na kilalang mga Encantado mula sa isla ng Hermosa. Ako naman ang ika-apat na prinsipe ng pamilyang Heilig, anak ng kasalukuyang Emperador, at susunod sa trono. Kami ang mga Panginoon ng Kulog at Kidlat na may kapangyarihang pasunurin ito.
Pitong taon ako noon, siya, mag lilima pa lang, at pareho kaming sabik sa kalaro. Madalas kaming nakakulong sa palasyo, iniingatan, inilalayo sa mga mabababang uri ng nilalang na maaring 'makadumi' sa amin. Kaya laking tuwa namin nang maiwan kami sa loob ng silid aklatan, habang ang mga magulang namin ay nagtungo sa ibang lugar upang mag-usap.
"Anong pangalan mo?" tanong ko sa kaniya, "Ilang taon ka na? Bakit may takip ang iyong mukha?"
"Ako si Claudius Marius Angelo Ravante, ika-tatlong prinsipe ng pamilyang Ravante at ang susunod sa trono," sagot niya na tila nagbabasa sa isang aklat. "Ikinagagalak kitang makilala, Prinsipe Theodorin Tanis Adelbert Heilig."
"Tinanong ko rin kung ilang taon ka na, at ano ba iyang nakatakip sa iyong mukha?" Diretso ang katawan niya, ni `di tumitingin sa akin.
"Ako si Claudius Marius Angelo Ravante, ika-tatlong prinsipe ng pamilyang Ravante at ang susunod sa trono," muli niyang sinabi. "Ikina-"
"WAH!" pasigaw ko siyang ginulat. Napatalon siyang bahagya sa kaniyang pagkakatayo at tumingin sa akin. Napuno ng luha ang mga mata niyang kulay lilak, ngunit `di ito tumulo.
"Alam mo, walang ibang tao sa paligid," nakangiti kong sinabi. Ginulo ko ang mahaba niyang buhok, inalis iyon sa pagkakatali. "Ang ganda ng buhok mo, parang ang kuwintas na pilak na suot ng ina kong Reyna," sabi ko, habang hinahawi ang sarili kong buhok na kulay ginto.
"W-wag mong guluhin ang aking buhok!" sabi niya.
Napatingin akong muli sa kaniya.
"May alam ka palang ibang salita!" biro ko.
Hala, mukhang iiyak nanaman siya!
"Halika, doon tayo sa silid ko, marami akong laruan doon!" aya ko sa munting prinsipe.
Nagningning ang kaniyang mga mata nang panandalian lamang, sabay tingin sa baba.
"Pero, sabi ng aking ama, dito lang daw tayo manatili sa silid at maghintay sa kanilang pagbalik."
"Ano ba ang iyong ama? Isa ba siyang hari?" mayabang ko’ng itinanong.
"Oo, siya ang hari ng bansang Hermosa!" pagmamalaki niya sa akin.
"Ako naman ang anak ng Emperador!" pagmamataas ko. "Ang iyong ama ay isa sa mga alagad ng aking ama’ng Emperador, kaya kung sasabihin kong maglalaro tayo, siguradong hindi siya magagalit!"
Napaisip nang sandali ang batang prinsipe. "Siya nga ba?" tanong niya na may alinlangan. "Totoo ba ang sinasabi mo?"
"Oo,” sagot ko, ”kaya sumama ka na sa akin, maglaro tayo!"
Pumito ako, nagtawag ng hangin na siyang punong elemento ng mga may dugong Heilig. Inutusan ko ito upang ilipad kami sa tore kung nasaan ang aking silid. Maghapon kaming naglaro doon, ako at ang batang prinsipe na may suot-suot na maskara.
"Anong itatawag ko sa iyo?" tanong ko sa kaniya.
"Marius!" sagot niya habang tumatalon sa ibabaw ng aking kama.
"Tawagin mo naman akong Theo." Hinawakan ko ang maskara sa mukha niya. "Para saan ba ito? May sugat ka ba sa mukha? Nakakatakot ba ang iyong itsura?"
"Hindi ko alam," sagot niya, "mula bata pa ako, may suot na akong maskara..."
"Ba't `di mo tanggalin?"
"Sabi ni ina at ni ama, huwag na huwag ko raw tatanggalin."
"Ibig mong sabihin, ni `di mo pa nakikita ang sarili mo sa salamin?"
"Salamin?" tanong siya sa akin.
Napakunot ang aking noo. Hinatak ko siya papunta sa malaking salamin sa tabi ng aking kama. Tumayo kami sa harap nito, kung saan ako’y nagsimulang sumayaw. Natawa si Marius na gumaya sa akin. Hanggang d****b ko lang siya noon.
"Para siyang tubig, ngunit `di siya tumutulo!" sabi niya, sabay hawak sa salamin. "At matigas siya na parang yelo..."
"Halika, alisin natin ang takip sa mukha mo!" Hinawakan ko ang kaniyang maskara at inusisa. Pilit ko itong tinanggal, ngunit tila nakadikit ito sa kaniyang mukha.
"Huwag, magagalit sila ama..." pilit niya.
"Huwag ka’ng mag alala, hindi ba sabi ko sa iyo, mas mataas ako sa tatay mo dahil, anak ako ng Emperador? `Di ka niya pagagalitan kapag nalaman niya’ng ako ang nag-alis ng maskara mo!"
Sinubukan ko muling alisin ang maskara, ngunit ni hindi ito gumalaw.
"Ayaw talaga, Theo. Hayaan mo na lang, baka masugatan ako `pag pinilit mong tanggalin ang maskara!"
"Hmm..."
Tinignan ko'ng muli ang takip sa mukha ni Marius. Ang maskara ay gawa sa pilak. May mga kakaibang simbulo na naka ukit dito. Sa aking pagtitig, tila naging mga letra ang mga simbulo. Inisa-isa ko itong basahin -- kalasag, enkwentro, kapalaran, kapangyarihan... hindi ko pa rin maintindihan.
"Alam mo, may naalala akong isang kuwentong nabanggit sa akin minsan ng isa sa mga nagsisilbi sa palasyo," sabi ko sa kaniya habang pinaglalaruan ang mahaba niyang buhok. "May isang prinsipe raw na nabalot sa sumpa," patuloy ko, "at dahil doon ay nagiging mabangis na hayop siya tuwing sasapit ang gabi, ngunit dahil sa pagmamahal ng isang magandang prinsesa, naalis niya ang sumpa sa pamamagitan ng isang h***k."
"Ibig mo bang sabihin, may nagsumpa sa akin?" takot na itinanong ni Marius.
"Hindi naman siguro, pero maaring isang magandang prinsesa lamang ang makapag tatanggal ng iyong maskara!"
"May magandang prinsesa ba dito sa inyong palasyo?"
"Hmm..." ako'y napaisip. "Masyado pang bata ang nag-iisa kong kapatid na babae, at sa totoo lang, mukha siyang matsing na walang balahibo."
"Ano iyong... matsing?"
"Isang hayop iyon na mukhang maliit na tao, pero di sila nagsasalita at natatakpan sila ng balahibo." Napaisip akong muli. "Kailagnan pa nga pala ng pagmamahal para mawala ang sumpa."
"Mahal ako ng ina kong Reyna, at napaka ganda niya..." sagot agad ni Marius, "pero, hindi natatanggal ang maskara ko kahit ilang beses pa niya akong halikan."
"Hmm... maganda rin ang aking ina, subukan kaya natin siya?"
”Siya nga ba?”
”Oo, at maari natin siyang puntahan ngayon sa kaniyang silid!”
Natuwa ako sa aking plano, hinawakan ko ang mga kamay ni Marius upang isama sa silid ng aking ina.
"Siguradong hahalikan ka niya agad kapag nalaman niyang may sumpang nakapataw sa iyo! Parang ganito!"
Pagkasabi noon, ay niyakap ko ang batang prinsipe, sabay h***k sa parteng pisngi ng kaniyang maskara.
Nagulat kami nang biglang malibot ng nakasisilaw na ilaw ang mukha ni Marius!
Nang mawala ang liwanag, nakita ko ang maskara na tila niyebe na natunaw mula sa kaniyang mukha. Natakot si Marius at biglang umiyak.
"Anong nangyari?!" tanong niya sa akin, "Nalulusaw ba ang aking mukha?!"
"Huwag kang mag-alala!" pilit ko siyang inamo, "Sandali, pupunasan ko ang mukha mo!"
Agad kong inabot ang kumot sa kama upang pinunasan ang kaniyang mukha. Sa bawat daan ng tela ay tila natutuyo ang likidong pilak, hanggang sa tuluyan na itong mawala. Napatitig ako sa bata sa aking harapan.
"Marius?" Tinawag ko ang pangalan niya. Mariin ang pagkakapikit ng kaniyang mga mata. "Marius, dumilat ka!"
Dahan-dahang dumilat si Marius. Ang kaniyang lilak na mata ay puno pa rin ng takot at pag-aalala. Ang kutis niyang napaka puti ay nag kulay rosas nang makita niya akong nakatitig sa kaniya. Naghiwalay ang mga labi niyang kasing pula ng mansanas at nagsabing, "Nawala ba ang aking mukha?"
Bigla akong natawa. "Hindi," sagot ko habang humahalakhak, "tignan mo sa salamin!"
Hinarap ko siya sa salamin upang makita ang kaniyang sarili. Ang mala-porcelanang balat na ubod ng kinis, ang mapupulang pisngi at labi, matangos na ilong at mukhang tila hinubog ng isang maestro na pinalibutan ng pilak na buhok na parang talon ng tubig na umaagos pababa sa kaniyang balikat.
"Napaka ganda mo!" sabi ko sa kaniya. Lalong namula ang mukha ni Marius.
"Nawala ang maskara..." taimtim niyang ibinulong. "Nawala ang sumpa!"
Biglang may bumalibag sa aking pintuan. Laking gulat naming dalawa nang masundan pa ito, na tila may mga kawal sa kabila na pilit pinababagsak ang pinto ng aking silid!
"Sino kayo?" pasigaw kong tanong. "Sino kayong walang respeto sa prinsipe ng imperyo?!"
Walang sumagot. Patuloy pa rin ang ingay na nagmumula sa kabila ng pinto. Itinaas ko ang aking kamay at nagtawag ng mahika. Pinuntirya ko ang hawakang ginto sa aking pinto at pinaulanan ito ng matatalim na kidlat. Noon lamang natigil ang kaguluhan sa labas.
Hello Dear Readers! ʕ•́(ᴥ)•̀ʔっ Maraming-maraming salamat po sa pagsubaybay sa kuwentong ito! Actually, ito po ay isang side story para sa mas mahabang kuwento (in English) na 'Phasma' whose story actually takes place in the new world, 10,000 years in the future. Ang Phasma po ay isang young adult fantasy adventure novel na on-going dito sa GoodNovel(hindi po ito BL or boys love ʕˆ(ᴥ)ˆʔ ) general patronage po ito, with a bit of dark fantasy here and there. Sana po ay nagustuhan ninyo ang storya na ito, at maisipang basahin din ang Phasma na sigurado po ako, ay magugustuhan din ninyo! Pwede rin po kayong magpakape kung nais pa ninyo ako'ng pasalamatan at suportahan!Hanapin n'yo lang po ako sa ko-fi dot com! look for psynoidal ʕ-(ᴥ)-ʔ may mga specials po at extras doon na naghihintay para lamang sa inyo! Muli po, salamat at mag-ingat po ang lahat! - ako
- 50 -Magkayakap kaming nagpakahulog sa aming kama.Nakabalik na kami sa silid kung saan kami nagising, kung saan kami natulog sa loob ng limang taon!Tumatawang humalik sa aking bumbunan ang pinakamamahal ko’ng kabigkis habang kinukuskos ko sa mabango niya’ng dibdib ang aking ulo.”Napakasarap ng ating pinagsaluhan kanina!” sabi niya na bahagyang nangangamoy alak ang bibig. ”Parang `di pa rin ako makapaniwalang limang taon tayo natulog, pero ibaang sinasabi ng aking tiyan! Gusto ko pa rin kumain hanggang ngayon!””Isabukas na natin iyon, mahal,” sabi ko sa kanya habang pataas ang mga halik ko sa kanyang leeg. ”Ngayong gabi, ikaw lang ang nais ko’ng kainin!”Napahagikhik si Marius.”Hindi pa rin ako makapaniwalang limang taon tayong nawala!” patuloy niya habang hinuhubad ko ang suot niya’ng tunika. &r
- 49 -“At bakit naman ako magiging Emperador?”Iyan ang tanong ko sa dalawang hari sa aming harapan.Napatunganga sa akin si Nico at si Haring Domingo.”Hindi ba’t dapat lang na koronahan ka na namin bilang punong tagapamahala sa bagong mundo’ng ito?” sabi ni Haring Domningo.”Hindi naman ako papayag na mas mataas pa ang posisyon ko sa iyo!” sabi naman ni Nico na sumimangot sa akin. ”Hindi ako pinanganak na dugong bughaw, at sa totoo lang, hindi ko ginusto ang posisyon na `to, kung `di lang `to pinilit sa `kin ng mga tao!””Pero bagay na bagay ito sa `yo!” sabi ni Marius na nakangiti sa kaniya.“Ay, ikay, Dilang Pilak! Ngayon lang kita narinig magsalita, pero `wag mo ako’ng ma-utuasang manatili sa posisyo’ng ito, ha?” biro nito sa aking kabigkis.“Pero, hindi ba’t bagong
- 48 -Nilibot naming dalawa ni Marius ang mga tindahan. May mga nagkakalakal ng damit sa isang tindahan, at kapalit ng suot naming makapal na tunika, ay kumuha kami ni Marius ng tig-isang balabal. Namasyal kami sa paligid at naaliw sa mga tanawin nang mga tao na sama-sama – mapa Heilig, Ravante, o Ignasius man. Lahat sila masayang nagbabatian at nagtutulungan. Binigyan nila kami ng mga pagkain, laruan, at mga palamuti. Isang kumonidad na walang discriminasyon sa isa’t-isa.May grupo ng mga bata na lumapit kay Marius. Mga batang ginto ang buhok ngunit madilim ang kulay ng mga mata. Mga pulang buhok na kasing bughaw ng langit ang mata. Mukhang ito na nga ang pinangarap naming mundo kung saan ang lahat ay pantay-pantay at nagkakaisa.Nagdala ang mga bata ng mababangong bulaklak na ikinuwintas nila sa aking kapares. Tuwang-tuwa naman si Marius na nakipagsayawan at nakipaglaro sa kanila, hanggang sa buma
- 47 -Katabi ko na si Marius sa aking paggising.Nakahiga kami sa malapad at malambot na kama sa isang silid na bago sa akin. Natatakpan kami ng kumot, at kapwa nakasuot ng manipis na tunika na yari sa malambot na tela.Lumapit ako upang siya ay yakapin ng mahigpit. Maayos na ang aking pakiramdam, wala nang pagod. Hinalikan ko ang dulo ng ilong ni Marius at napangiti nang unti-unti siyang dumilat.“Kamusta, mahal?” tanong ko sa kaniya.“Inaantok pa,” sagot niya na nagsumiksik muli sa aking dibdib.“Ayaw ko pa ring bumangon...”Hinawakan ko ang kaniyang baba at itinaas ito upang halikan ang matatamis niyang labi. Nangiti si Marius na gumanti rin ng halik at binalot ang kaniyang mga braso sa aking batok.Lumalim ang aming mga halik. Pumaibabaw ako sa katawan niyang porselana, hinimas ang mala-sutla niyang balat mula leeg papunta sa kaniyang dibdib,
- 46 - “Saan kayo nanggaling!?” tanong ni Haring Domingo na may halong takot at galit. “Dalawang linggo kayo nawala!” “Ha?” gulat na bigkas ni Nico, “Pero wala pa kaming dalawang oras sa kabilang mundo!” “Kabilang mundo?” muling tanong ng hari. “Sinasabi ko na nga ba ipipilit ninyo itong gawin!” “Nagawa naming magbukas ng lagusan papunta sa ibang mundo, ama.” sagot ni Marius sa kaniya. “Maaari tayong manirahan doon hanggang sa mawala ang salot sa hangin dito sa ating mundo.” “Kung may maililikas pa tayo!” sagot ni Haring Domingo. “Bakit po, may nangyari nanaman ba?” tanong ni Nico. “Nang gabi na kayo ay nawala, dumating ang malalaking alon. Nagawa nitong lampasan ang matataas na bahura at bulubundukin na hinarang ni Theodorin.” salaysay ni Haring Domingo. “Bagamat hindi na kasing lakas dahil sa mga harang, marami pa rin ang natupok sa pagbahang dulot ng mga alon.” “Ang
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments