Share

CHAPTER 5

*****

Chapter 5

Sophia’s POV.

Nagpa-pasalamat ako nitong mga nakara-ang araw na wala ang amo namin. Ewan ko, kung na saan ito pero okay na rin ‘yon dahil wala ng manggu-gulo sa akin.

Nitong mga nakara-ang araw, ako palagi ang naglilinis ng kuwarto nito. Dahil tumawag daw ito kay Manang Malou na para paalalahanan ako lang daw ang pa linisin sa kuwarto.

Alam ko naman ‘yon dahil ito na mismo ang nag-sabi bakit kailangan pang i-remind.

Napa-irap na lang ako. At ito pa, nitong mga nakaraang araw ‘pag tapos na ang trabaho nila palagi silang pumupunta sa Divisoria.

At ‘yong leave ni Manang Malou tatlong araw lang dahil nga sa umalis si Sir Travis.

Hindi naman daw sa walang tiwala kay Manang Elen pero kasi si Manang Malou talaga ang totoong taga-pangalaga nitong bahay ‘pag wala daw si Sir.

 Nandito ako ngayon sa kusina, katatapos ko lang din kasi mag-linis sa kuwarto kaya tumambay muna ako sa kusina.

“Ikaw, Sophia wala ka bang gagawin ngayon?” tanong ni Rica.

“Wala muna. Tina-tamad ako, at saka kung pwede kayo na lang muna ang pumunta sa Divisoria.” Tumayo ako para mag-timpla ng kape.

“’Wag na muna tayong pumunta ngayong araw.” Natawa ako sa sinabi ni Rica.

“Araw-araw ba naman tayo doon. Mau-ubos budget ko sa inyo.” Kumuha ako ng kape sa cabinet.

Pagkatapos kong mag-timpla, bumalik ako at umupo.

“Sisihin mo si Ashey.” ani ni Rica.

“Teka nasaan pala si Ashey?” nag-taka lang ako dahil himala wala ito ngayon sa kusina.

Kaming tatlo kasi kapag tapos na kami sa aming gawain, naka-gawian na namin ang tumambay sa kusina walang ibang ginawa kundi ang mag-chikahan.

“Sumama kay Manang Elen. Nama-lengke sila.” Tumango na lang ako at ininom ang kape ko.

Nag-iisip ako kung ano ang gagawin ko ngayong tapos na ang trabaho ko. Natawagan ko na ang Lola ko noong isang araw kaya hindi na muna ako ta-tawag doon. Sinabihan ko na ang pinsan ko na ta-tawag ulit ako sa susunod na araw pa.

“Ano gagawin natin ngayon?” Umupo si Rica sa upuan na kaharap ko lang.

“Wala akong maisip.”

“Mag-omegle tayo.”

“Ano ba ang Omegle?” tanong ko rito.

“Hindi mo alam ang Omegle?” Umiling ako.

Dahil totoo naman wala talaga akong alam.

“Bakit? Ano bang meron sa Omegle? Naka-kain ba ‘yan?” Nasapo ni Rica ang noo nito.

“Sa ‘yo ata pu-puti ang buhok ko.” Tinaasan ko lang ito ng kilay.

“Bakit? Ano ba kasi ‘yan?” ngunot noo kong tanong.

“Bukod sa pagpunta sa Divisoria, isa din ‘yan sa ginagawa ni Ashey.”

“Bakit hindi ko alam na may iba pa kayong gina-gawa?”

“Hindi ba namin na sabi sa ‘yo ang tungkol sa Omegle?” Mabilis akong umiling sa kaniya.

Tumayo ito at pumasok sa kuwarto. Sinundan ko lang ito ng tingin.

Ano ba gagawin niya? Hanggang sa lumabas ulit ito na may dala nang cellphone.

Umupo si Rica sa inupuan nito kanina.

“Ito.” Pinakita nito sa akin, “Omegle is one of the social media platform, it is an app where you can talk to strangers.”

“Ah!” Tumango-tango lang ako.

Magaling mag-English si Rica dahil gaya sa akin matalino pero hindi nakapag-tapos ng pag-aaral dahil sa kakapusan ng pera. Hanggang high school lang si Rica, na hinto rin dahil namatay ang papa at may sakit ang mama kaya nag-trabaho na lang si Rica.

Hindi rin naman kasi matanggap ang High School graduate ngayon sa mga company, kaya no choice kundi ang mag-trabaho bilang katulong.

“Kahit sino pwedeng maka-usap diyan?” Sumilip ako.

“Oo. Pero mostly ang kinaka-usap namin ni Ashley ay mga foreigners.” Nag-type ito, at wala akong alam kung ano ang ginagawa nito.

“Pwede pala?”

“Oo, nga! Omegle is for everyone.”

May alam naman ako tungkol sa data dahil nag-f******k din naman ako, ang Omegle lang talaga ang unfamiliar sa akin.

“Hindi ba kayo nakikipag-usap sa mga Pinoy na andyan din?” Sumimsim ako ng kape.

“Juice colored! Dzai, last time namin naka-usap na Pinoy ni Ashey, aba! Nag-h***d ba naman bigla. Kaya ayon na trauma kami ni Ashey.” Hinampas ako ni Rica. Kailangan talaga may kasamang hampas?

“Eh! Na trauma na pala kayo, bakit niyo pa rin ginagawa ‘yan.”

“Pangpa-wala ng boredom. At saka minsan lang kami nakikipag-usap sa mga Pinoy ‘pag maayos ka-usap.” Tinukod nito ang braso sa mesa.

“Ah! Gano’n.”

“I-try natin.” Umiling ako, “’Wag ka nang KJ. Malay mo dito mo ma-hanap ang ka-forever mo.” Hinawakan pa nito ang kamay ko.

“Naku! Ayoko ng gano’n. Gusto ko sa personal ayaw ko sa social media love.” Inalis ko ang kamay niyang nakahawak.

“Choosy pa ‘to. Ako at si Ashey may ka MU dito.”

Rica opened the data and next she opened the app of Omegle. And she’s on her camera.

“Sinong gusto mong maka-usap, dzai?” Nilingon ako nito at inayos-ayos pa ang buhok.

“’Wag muna akong isali, ikaw na lang.” Inirapan lang ako nito.

Inubos ko na ang kape ko at tumayo para hugasan ang baso na ginamit ko. Pagkatapos ko itong hugasan bumalik ano sa tabi ni Rica.

Kinuha ko ang cellphone na nasa bulsa ko. At nag-f******k.

“Hi! Oh! It’s you again.” Rinig kong sabi ni Rica.

Umalis ako dahil ayaw kong maka-istorbo. At ayaw ko din na masali ako sa usapan nila. Hindi dahil sa ayaw ko sa makipag-usap, na-we-weirdohan lang ako marahil at hindi ako sanay.

Pumasok na lang ako sa kuwarto. At na higa sa aking kama.

Nag-scroll ng scroll lang ako, tinatamad akong mag-react sa mga profile picture nila. Ang sa akin kasi hindi basta-basta makikita dahil naka-lock ang profile ko, kaya hindi ma-tingnan ang nga pictures ko ‘pag hindi ko friends. Sorry na lang talaga sa mga stalker ko.

Nagulat ako sa message, ang laman lang naman ng mga message nito ay tanong kong pwede siyang ligawan. Eh! Ayaw ko naman mag-reply.

At saka alam ko sa mga chat na ‘yan wala ni isang kaibigan ang nag-chat dahil ayaw ni lang sa chat sila manga-musta. Gusto ng mga kaibigan ko tawag, dahil para malaman talaga na okay lang ako.

May kaibigan akong magaling sa ganyan, ‘yong malalaman niya kung okay lang ang isang tao sa pakikinig lang ng mga boses the way na mag-salita ang ka-usap niya.

Kaya kahit anong iwas ko malalaman at malalaman nila ang kalagayan ko dito. Sinabi ko sa kanila ang lahat na nangyari sa akin except lang ang about kay sir.

Hindi ko naman kailangan ikuwento ‘yon buti na lang at hindi nagtanong ang mga ‘yon.

Nagsawa ako sa ka-ka-scroll kaya nag open ako ng account ko sa I*******m. Naki-connect lang ako sa wifi dito sa bahay na ‘to.

Pag-open ko pa lang may one new follower ako. Ng tingnan ko kung sino ito nagulat ako ng si Sir Travis.

@handsomest_travis ang username nito. He followed my account 5 days ago. Dahil wala akong magawa, I stalk his account.

I want to see his pictures that he posted. He posted a pictures of a hair.

Buhok siguro ng babae niya. Napa-iling na lang ako. Tiningnan ko ang ibang pictures nito at sa lahat ng pictures nito may mga kasama siyang sexy na babae.

Ito siguro ‘yong sinasabi ni Ashey na pumupunta ang mga lalaki tuwing gabi sa club para mag-hanap ng chicks nila. Paano ko na sabi na nasa club ito may mga disco lights at sexy ang suot.

Meron ding nasa beach si Sir, ang mga babae naman naka-bikini.

I-follow back ko ba ‘to. Nalag-lag ang cellphone ko at sa sapol sa ilong ko dahil sa may biglaang kumatok.

Hinimas-himas ko ang aking ilong.

Ang sakit! Kung sino man ponchio pilato na kumatok, maka-katikim talaga sa akin.

Lumapit ako sa pintuan at binuksan ito. Si-singhalan ko na sana pero hindi ko natuloy dahil sa balisang mukha ni Rica.

Nangunot ang noo ko, “Anong nangyari sa ‘yo?”

“Eh! Lumabas ka na muna. Dumating and donya kasama na naman ang i-pokrita.” Umirap si Rica.

“Sino?”

“Wala ba kaming na i-kuwento tungkol sa kanila?”

“Wala. Sino ba ang mga ‘yan? Hindi naman pwede ang parents ni Sir dahil sabi niyo matagal na itong patay.”

Nitong mga nakaraang araw na i-kuwento nila sa akin ang tungkol sa parents ni Sir. Pero hindi nila alam kung ano ang iki-namatay ng mga ‘to si Manang Malou lang daw ang naka-kaalam.

“Bakit? Sa lahat ‘yan pa ang naka-limutan.” Kinamot ko ang batok ko.

“Bakit masamanga ang ugali ng donya na ‘yan?” Hinila ako ni Rica.

“Halika na! ‘Yong donya medyo okay pa, pero ‘yong i-pokrita na ‘yon feeling asawa ni Sir.”

Nagpahila na lang ako kay Rica. Mabilis ang bawat hakbang namin para maka-rating kaagad sa living room.

Nadaanan namin ang kusina at andoon pa si Ashey. Hinihintay siguro kami.

“Tara na!” Nag-sign of the cross ang iba naming kasamahan kasama na sina Rica at Ashey.

Kaya nag-sign of the cross na rin ako. Gaano ba kasama ang mga taong ‘to at ganito na lang ang takot ng mga kasamahan ko.

Mga Comments (8)
goodnovel comment avatar
Myleen Ignacio
nice story
goodnovel comment avatar
Elaine Pacadar
nice story
goodnovel comment avatar
Nosnip Alager
Hanggang chapter5 lng
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status