Share

Into The Dark
Into The Dark
Author: Totoy

Kabanata 1: Thanks but No Thanks

Mabilis na naglayag ang paningin ko sa paligid nang marinig ko ang kaluskos at mga yabag mula sa 'di kalayuan, kung nasaan ako naroon. Matatas na puno ang nakapalibot sa akin at mga damong malalago kung saan may nagtatagong nilalang. Naging alisto ako at tila naka-fight mode agad ang sistema ko para sa pwedeng mangyari.

Dahan-dahan akong humakbang paabante habang pinapakiramdaman ko ang paligid dahil alam kong sa dilim maaaring mayroong nakatagong taong lobo na para sa akin isang kaaway kahit na sa physical na kaanyuan, kapareho ko sila.

Pumosisyon ako nang lumakas ang kaluskos mula sa malalagong damo. Alam kong parating na ang nilalang na 'yon at kailangan kong maging handa.

Napaatras ako nang lumabas mula sa malalagong damo ang tatlong malalaking baboy ramo na handang-handa nang sumugod para gawin akong gabihan pero hindi ko sila papahintulutang gawin iyon dahil hindi ako pinanganak para lang gawing pagkain ng kahit na sinong nilalang.

Kinondisyon ko ang aking sarili para magpalit anyo. Hindi ko sila magagawang tapatan kung dalawang paa ko lang ang nakalapat sa lupa. Kailangan ko pa ng dalawang mga paa para pantayan sila.

Naramdaman ko ang utay-utay na pagbabago sa katawan ko. Ang kulay ng mga mata ko'y naging kulay asul na tila isang kalangitan. Ang mga ngipin ko'y pumosisyon at nagkaroon ng pangil. Ramdam ko kung paano humaba ang matitilos kong kuko at ang paglabas ng puting balahibo sa buo kong katawan. Para bang nababali ang mga buto ko at muli itong nabubuo sa ibang hugis at mas lumalaki ang mga ito.

"Grrrr!" tila naninindak na boses ng mga baboy damong gutom. Humakbang ang mga ito at pinalibutan ako.

"Grrr!" ganti ko para ipakitang hindi nila ako masisindak. Humakbang ako paatras para dumistansiya at humanda sa magiging atake ng mga gutom na baboy na ito.

Mabilis ang mga mata ko kaya't nakita ko ang tumalong baboy damo patungo sa akin, sinalubong ko siya at bumagsak kami sa lupa na siya ang nasa ilalim. Nagpipiglas ang baboy damo habang sinusubukan kong ibaon ang mga kuko ko sa katawan niya. Kaya lang biglang naramdaman ko ang pagdagan sa akin ng isa pang baboy damo.

Mga galit na girian ang maririnig sa gubat na iyon.

Buong lakas na tumalon ako kasama ang baboy ramo sa likod ko, tumalbog siya palayo at nakita ko ang paghampas niya sa malaking puno. Sumugod ang isa pa, tumalon ako at bumaba sa likod niya. Muli akong tumalon at sa paglapag ko, isang kalmot ang iginawad ko sa baboy damo. Narinig ko ang boses niya na dulot ng sakit.

Tumalon muli ako dahil alam kong pasugod ang isa pa. Isang iglap lang ay tumalbog na siya sa malaking puno  at bumagsak sa lupa ng nanghihina. Alam ko ang kapasidad ko sa laban at alam ko ring sapat ang aking lakas para maitapon ang mga iyon.

"Grrr!"

Umatras na ako at mabilis na tumakbo palayo sa gubat na iyon. Malalaking puno at malalagong damo ang dinadaanan ko at tila isa akong kotseng tumatakbo ng sobrang bilis.

Nang marating ko ang bahay sa gitna nang gubat na iyon, bumalik na muli ako sa dati kong anyo. Wala na akong saplot kaya kinuha ko ang damit na naroon sa labas at sinuot iyon.

"Saan ka na naman ba nanggaling, Syrie?" salubong sa akin ni Trina. "Kanina ka pa naming hinahanap."

Hindi ko siya pinansin, dire-diretso lang ako patungo sa kusina para uminom ng tubig.

Sanay na akong makipaglaban sa mga mababangis na hayop sa gubat at nagbibigay 'yon sa akin ng satisfaction na hindi ko maipaliwanag.

"Umalis ka na naman, Syrie? Why didn't you tell me?"

Humarap ako kay Vernon na seryoso ang mukha habang nakatingin sa akin. Ang maputla niyang mukha pero naglalaman ng magagandang hugis roon na hindi maikakailang napakagwapo niyang bampira.

"Do I need to do that, Vernon? Kaya ko na ang sarili ko at hindi ko na kailangang magpaalam pa kung aalis ako o hindi. I'm not a child anymore." Humakbang ako patungo sa sala at narinig ko ang pagsunod nilang dalawa.

"Don't be so stubborn, Syrie kahit kabisado mo na ang gubat hindi ka pa rin dapat lumalabas ng mag-isa. Hindi lahat ng nilalang sa gubat na ito kilala mo at alam mo ang kakayahan. Paano kung matagpuan ka ng grupo ng mga lobo?"

Umikot ang mga mata ko sa sermon ni Vernon na kahit iba-iba ang salitang ginamit, iisang lang ang ibig sabihin-huwag akong lumabas mag-isa.

"Tama si Vernon, Syrie hindi sa lahat ng oras kaya mo ang sarili mo," segunda naman ni Trina.

Umupo ako sa upuan sa sala at itinukod ang noo ko sa aking daliri. Naririndi na ako sa sermon ng mga ito, eh.

"Haist! You guys worrying for nothing. Hindi naman ako tanga para ipahamak ang sarili ko. Hindi pa ako nagsisimulang maghigante, Vernon at hindi ko sasayangin ang buhay ko," ani ko na may diin sa mga huling salita.

"As I expected," mahinang sabi ni Vernon na nasapo na lang ang noo.

"Siyanga pala where's Persuz?"

"Pinatawag raw ni Volter," sagot ni Trina.

Tumango-tango lang ako at hindi na umimik.

Magkapatid si Trina at Vernon at kapwa sila pinsan ni Volter na tinuring kong kapatid. Kapwa sila mga bampira at ako lang ang natatanging taong lobo sa matataas na pamilya ng mga bampira. At dahil doon kaya ako humiwalay kay Volter. Naiiba ako at maraming bampira ang tumututol sa akin na manatili roon.

-

"SIGURADO ka bang hindi na kita kailangang samahan, Syrie?" tanong ni Trina habang inaayos ko ang sarili ko para pumunta kay Volter. Nagpadala kasi siya ng bampira rito para sabihing pumunta ako sa kaniya.

"Just stay here, Trina," hindi lumilingong sabi ko. "Hintayin mo na lang si Vernon at sabihing pinatawag ako ni Volter."

Humarap ako sa kaniya at nagpaalam na. Sumakay ako sa kabayo at mabilis na pinatakbo iyon.

Habang mabilis na tumatakbo ang kabayo, nagulat ako at nabahala nang huminto ito, muntik pa akong mahulog sa likod ng kabayo na alam kong nababahala dahil sa nilalang na nasa paligid. Ginalaw ko ang tali ng kabayo para pakalmahin siya pero mukhang wala iyong epekto dahil mas lalo pang naging agrisibo ang bawat galaw nito.

Kaya naman bago pa ako mahulog sa likod ng malikot na kabayo, bumaba na ako mula roon at nagmasid. Alam kong may mga nilalang sa paligid na nagmamasid. Takipsilim na, kumakalat na ang dilim sa paligid. Kulay kahel na ang mga ulap at malalamig na simoy ng hangin ang dumadampi sa balat ko.

Pagkababa ko sa kabayo, mabilis itong kumaripas ng takbo patungo sa kung saan, hinayaan ko na lang dahil alam kong muli na naman akong sasabak sa laban.

Suminghot ako para maamoy ko kung anong nilalang ang nasa paligid. Malapit lang sila at alam kung anumang sandali ay susugod na ang mga ito. Napakunot ang noo ko subalit hindi mababangis na hayop o taong lobo ang nasa paligid, kung 'di mga bampira.

Umatras ako habang umiikot ang aking paningin sa paligid. Kumaluskos ang malagong damo. Hindi iisa, kung 'di maraming kaluskos sa paligid. Lalo akong naging alisto. Alam kong hindi ako sasantuhin ng mga bampirang iyon kahit pa kakampi ang turing ko sa kanila.

"A woman werewolf. Hmm!"

Mabilis akong bumaling sa pinagmulan ng boses at nakita ko ang lalaking nakangisi na tila sabik na ibaon ang matutulis na pangil sa aking leeg.

"Swerte naman natin, bro," winika naman ng isa pang lalaki na lumitaw sa kabilang bahagi.

"Matagal-tagal na rin simula no'ng nakapatay ako ng isang taong lobo," sabi ng naunang lalaki habang malalim ang tingin sa akin.

"Can we join us?"

Lumingon naman ako sa babaeng nagsalita at nakita ko ang dalawang babaeng bampira na kapawa may mahabang mga buhok. Nakasuot din sila ng jacket na kulay black. Ganoon din ang dalawang lalaki. Sadya bang mahilig sa black ang mga bampira?

Ngumisi ako. "It will gonna be fun." Binigyan ko sila ng palabang mga tingin, saka pumosisyon para ihanda ang aking sarili.

"It will," sagot ng ikalawang lalaki.

Hindi ba nila ako kilala? Tinuturing akong kapatid ni Volter at siguradong lagot ang bampirang gagalaw sa akin.

Nakita ko kung paano magpalit ng anyong ang mga bampirang mapuputla. Ang mga mata nila ay mabilis pa sa alas kwatrong naging pula. Humaba ang mga pangil nila at naging matitilos ang kanilang mga kuko na tila isang matalas na kutsilyo.

Binuka ng mga bampira ang kanilang mga kamay habang nakalabas ang mga pangil na parang nanggigigil sa akin. Sinuklian ko naman iyon.

"Grrr!" Saka inilabas ko ang mga ngipin kong mapuputi. "Hindi niyo ba ako nangakikila? Pagsisisihan niyo ang kapangahasan niyo."

"Kailangan pa ba naming kilalanin kung sino ka?" tanong ng isa at nagtawanan sila.

"Sa tingin mo ba kaya mo kaming lahat?" tanong ng isa sa mga babaeng bampira.

"What do you think, girl?" mataray kong balik. "Hindi ako naging taong lobo para lang talunin ng mga pipitsuging bampirang kagaya niyo," dagdag ko.

Gumuhit ang inis at galit sa mukha ng mga bampira na tila kahit anong segundo ay susugod na sila. Sila marahil ang ilan sa nga bampirang hindi ako gusto.

"Masyado kang mayabang," balik ng unang lalaking sumulpot.

"Well, kung 'yon ang opinyon mo, eh, 'di sige," nang-iinis kong bato sa kaniya, saka tumawa.

"Huwag ng maraming salita, laban kung laban," sabat naman ng isa pang babae.

Nagtinginan ang mga bampira at nagtanguan. Naging handa agad ako, umatras ako para dumistansiya.

Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagsugod ng dalawang lalaki at sa kabila naman ang pagsugod ng dalawang babae. Kinalkula ko ang magiging galaw ko. Hindi pa ito ang panahon para maging taong lobo ako. Tumalon ako nang malapit na sila, napatingala ang apat ng sabay-sabay. Mabilis akong bumagsak sa likod ng dalawang lalaki at hinawakan ang kanilang mga damit. Buong lakas ko silang binuhat at tinapon sa malagong mga damo.

Mabilis ang pagkilos ko, tumalon muli ako nang sumugod ang dalawa pa. Halos sabay silang nagpakawala ng suntok at kalmot na agad kong naiwasan. Sinubukan pa nila akong sipain na naiwasan ko rin sa pagyuko ko. Ako naman ang nagpakawala ng mga suntok, naiwasan nila ang ilan doon pero hindi ko hinayaan na hindi ako makakatama sa kanila. Napaigtad sila nang tumama ang suntok at sipa ko sa kanila.

Nakabangon na ang dalawa mula sa pagkakahagis ko, mabilis silang nakalapit sa akin, ginawaran nila ako ng suntok kaya naman tumalbog ako sa kung saan. Napangiwi ako pero mabilis din akong nakabawi. Hindi ako ang tipong ganoon lang kadaling mapabagsak.

Tumakbo ako patungo sa dalawang lalaki, alam ko nang gagamitin nila ang mga bilis nila pero hindi nila alam na gagamitin ko ang mabagal na galaw para makita ko kung saan sila titira. Binuka ko ang dalawa kong kamay, saka pumihit patalikod at doon ko nahuli ang leeg ng dalawang lalaki pero nakalimutan ko ang dalawa pa, huli na. Pero ganoon na lang ang pagtataka ko dahil walang lumapat sa aking kahit ano at narinig ko na lang ang pagdaing ng dalawang babae sa sakit. Dahil doon, mas hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa leeg ng dalawang lalaki. Buong lakas ko silang itinapon. Kita ko ang paghampas nila sa malaking puno kasunod ang paglaho nila.

"You, okay?"

Pumihit ako paharap sa lalaking may baritonong boses. Alam ko, hindi siya normal na taong lobo. Nararamdaman ko ang kakaiba niyang presensiya.

"Did someone told you to help me?" mataray kong sabi sa matipunong lalaki na nagmamay-ari ng magandang hulma ng ulo't mukha. Tila masyadong ginalingan ang pagbuo sa lahat ng parte ng mukha niya. Ang makakapal na kilay, matangos na ilong, kulay asul na mga mata na medyo malalim kung titingnan at ang medyong makapal niyang labi na parang kasing lambot ng mamahaling kama.

Nagulat ang lalaki sa tinuran ko. Hindi siya makapaniwala na sa kabila ng pagtulong niya nagtaray pa ako.

"Huh?"

"Do you think I will praise you just because you helped me? No way! I can fight by myself at hindi ko kailangan ng tulong ng kahit na sino," mayabang kong litanya.

Isa siyang kaaway at hindi ko kailangang makapante o makaramdam ng gaan ng loob.

Hindi makapaniwalang ngumiti ang lalaki. Napasinghap pa siya. "Hindi ko alam na may katulad mo pala sa lahi ng mga taong lobo. Tinulungan kita because the situation needed it. Hindi ba pwedeng magpasalamat ka na lang. Iisang lahi lang ang pinagmulan natin."

Ngumisi ako. "As you wish! Hindi ako magpapasalamat sa 'yo and besides I do not belong to your breeds...I'm different!" inis kong sabi. "Matagal na akong hindi kasama sa inyo at kahit kailan hindi magiging sa inyo."

Mabilis akong tumakbo palayo sa lalaking iyon. Alam kong kalaban siya pero bakit hindi ko sinimulan sa lalaking 'yon ang paghihigante ko?

Comments (5)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
ang sungit nman ni Syrie, d n nga nagpasalamat nagsungit pa.........
goodnovel comment avatar
Totoy
salamat po...️
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
Ang sungit mo syrie ikaw na nga Ang tinulungan
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status