NAPAHINTO KAMI ng makaramdam ako ng kakaibang enerhiya sa paligid ng gubat. Nandito kami para maglagay ng iba't ibang patibong sa paligid ng village para sa paghahanda sa maaaring gawing pagsugod ng mga bampira.
Sinenyasan ko sila na huminto. Kasama ko si Marcus, ang magkapatid na si Trina at Vernon, saka si Colby at ang ilang mga lobo para tumulong sa amin. Nagsimula na ang madilim na gabi at nararamdaman kong may kalaban sa paligid.
"Magsipaghanda kayo may kalaban sa paligid," mahina kong paalala sa kanila. Hindi nga ako nagkamali dahil mayamaya pa'y umulan ng palaso mula sa kung saan. Mabuti na lang at nakailag kaming lahat at nakatago sa malalaking puno na nakakalat doon. Nagulat pa ako nang muntik na akong tamaan ng ligaw na palasong iyon ng sumilip ako sa kinatataguan ko.
"Mag-ingat kayo, mapanganib ang palasong ginagamit nila," paalala ko sa mga kasama ko na nagtago sa malalaking puno na iyon. Nakita ko 'di kalayu
HINDI MAIPALIWANAG ang sayang bumabalot sa akin ngayon habang pinagmamasdan ko ang mga lobong nasa village na na tanaw ko mula sa kinaroroonan ko. Ito na iyong pinapangarap kong pagkakataon at sitwasyon. Ang bawat isa ay makangingiti na ng masaya, na walang banta. Na hindi nila kailangang matakot sa banta ng kasamaan. Ang lahat ngayo'y makapamumuhay na ng masaya at payapa."Nagawa mo, Syrie. Nagawa mong ipaglaban ang lahing pinagmulan mo."Naramdaman ko si Marcus na yumakap sa akin mula sa likod ko. Nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam na si Marcus lang ang nakakapagpabuhay niyon. "Nagawa natin, Marcus. Nagawa nating iligtas ang marami. Nagawa nating ipaglaban ang kapayapaan at ang kabutihan," balik ko. Marahan kong hinaplos ang braso niya habang masaya akong nakangiti habang nakikita ko ang bawat lobo na payapaya nang mamumuhay."Maraming nangyari, Syrie pero ang lahat ay nakatakdang magtapos sa ganito. Nabulag ka sa
"VOLTER AKONG harapin mo!" pagkuha ko sa atensyon niya. Humarap siya sa akin at ngumisi matapos niyang patayin ang lobong kalaban niya. "Hindi na ako makapaghintay na patayin ka," madiin ko pang dagdag."The feelings is mutual, Syrie," seryosong ani Volter. Bakas sa mukha niya ang galit at kagustuhang mapatay ako pero hindi ko siya hahayaang gawin iyon. "Sisiguraduhin kong sa pagkakataong ito, ako naman ang magwawagi, Syrie. Ikaw naman ang matatalo ko," determinado aniya na marahil ang tinutukoy ay ang pagkatalo ko sa kaniya noon sa isang pagsasanay.Tumawa ako. "Natalo na kita noon sa duelo at sigurado akong magagawa ko uli iyon sa iyo," matapang kong balik.Ngumisi si Volter. "Masyado kang mayabang, Syrie. Tingnan natin kung hanggang saan ka kayang dalhin ng katapangan mo.""Sa tagumpay, Volter. Dadalhin ako ng katapangan ko sa tagumpay laban sa iyo," seryoso kong balik sa kaniya.
HUMAHANGOS AT halatang takot na takot ang lobong iyon nang dumating siya sa silid ni amang Trigo kung nasaan kami. Animo'y hinabol siya ng sampung kabayo. Bigla akong nakaramdam ng kaba nang makita ko ito na Natatakot. "A-ang mga bampira! Na-nandiyan na sila!" anunsiyo ng lobong iyon ba halata ang takot at kaba sa boses nito. Mabilis kaming napatayong lahat at gulat na nagkatinginan sa isa't isa. "Kailangan nating maghanda!" ani amang Trigo. "Ihanda ang mga lobo at ilikas ang mga bata," utos pa niya na agad namang tumalima ang mga lobong nandoon. "Magsipaghanda kayo, sasalubungin natin sila sa gubat!" Mabilis na lumabas ng silid si amang Trigo matapos niyang sabihin iyon. Mabilis na nagsipaghanda ang mga naroon habang ako'y napatulala. Nakaramdam ano ng pangamba at kaba sa pwedeng mangyari. Ito na ba ang tuluyang pagwawakas ng kasamaan o patuloy na paghahari ng kasamaan? "Syrie!"
NAPAHINTO KAMI ng makaramdam ako ng kakaibang enerhiya sa paligid ng gubat. Nandito kami para maglagay ng iba't ibang patibong sa paligid ng village para sa paghahanda sa maaaring gawing pagsugod ng mga bampira.Sinenyasan ko sila na huminto. Kasama ko si Marcus, ang magkapatid na si Trina at Vernon, saka si Colby at ang ilang mga lobo para tumulong sa amin. Nagsimula na ang madilim na gabi at nararamdaman kong may kalaban sa paligid."Magsipaghanda kayo may kalaban sa paligid," mahina kong paalala sa kanila. Hindi nga ako nagkamali dahil mayamaya pa'y umulan ng palaso mula sa kung saan. Mabuti na lang at nakailag kaming lahat at nakatago sa malalaking puno na nakakalat doon. Nagulat pa ako nang muntik na akong tamaan ng ligaw na palasong iyon ng sumilip ako sa kinatataguan ko."Mag-ingat kayo, mapanganib ang palasong ginagamit nila," paalala ko sa mga kasama ko na nagtago sa malalaking puno na iyon. Nakita ko 'di kalayu
HINDI KO maipaliwanag ang sayang bumalot sa akin nang muli akong makatapak sa village ng mga lobo. Para akong naging bagong nilalang na binabalot ng espirito ng pagiging isang ganap na lobo. Naramdaman ko rin na may bahagi sa akin na napunan. Ito na ba 'yong pakiramdam na buo ako? Na buo ang pagkatao ko? Ang sarap pala niyon sa pakiramdam, na maramdaman mong buo ka na dahil kilala mo na kung sino at ano'ng pinagmulan mo, kasabay ng pagkilala mo sa iyong sarili.Hindi naman nahirapan si Trina at Vernon na makisalamuha sa mga bampira, ang totoo nga nito animo'y madali nilang naibagay ang kanilang sarili sa lugar at sa mga lobo rito. Nasa kabilang bahay sila tumutuloy at pinagsisilbihan ng mga lobo.Simula nang makabalik ako sa village, halos ayaw nang humiwalay sa akin ni Yena dahil daw na-miss niya ako ng husto at ganoon din naman ako sa kaniya. I miss her so much. Lahat sa village na ito pinanabikan ko. Tahimik kong pinagmamasdan si Yena na
"ANO'NG GAGAWIN natin ngayon, Syrie?" nababahalang tanong sa akin ni Trina. Kahapon lang ay pinagtabuyan kami ng mga bampira sa mansyon dahil sa kapangahasan namin at hindi ko rin alam kung ano'ng sunod na hakbang ang dapat naming gawin. Ito na ba ang panahon para lumapit ako sa mga lobo at makipagkaisa sa kanila? Pero paano?"Hindi ko rin alam, Trina. Hindi ko alam ang sunod nating gagawin. Hindi ko alam kung paano lalapit sa mga lobo dahil alam ko ang ginawa kong kasalanan sa kanila," malungkot kong sagot kay Trina. Alam ko kasi kung paano ko sila nasaktan nang pinagbintangan ko sila at pinagdudahan at ngayong kailangan ko sila saka ako lalapit?"Wala tayong magagawa sa ngayon, Trina kung 'di ang maghintay sa sunod na mangyayari, sa sunod na hakbang na gagawin nila Volter. Nararamdaman kong malapit ng lumabas ang itinatago nila sa atin," segunda naman ni Vernon."Sa tingin niyo, tuluyan na ba tayong itinakwil ng