Share

Kabanata 5: Kiss

"Huh? Ginawa mo 'yon, Syrie?" gulat na reaction ni Vernon ng malaman niya ang mga naganap at ang pagkompronta ko kay Volter.

Tumango ako. "Hindi ko alam kung bakit naniwala ako kay Marcus."

"Pero bakit gusto kang patayin ng mga taong lobo na 'yon kung kasapi na sila ni Volter?" tanong naman ni Trina.

Seryoso akong tumingin kay Trina maging si Vernon. "Anong ibig mong sabihin?"

"Nakakapagtaka lang kasi, Syrie." Saglit siyang huminto. "Kung nagsisinungalin si Marcus, bakit niya pinatay ang mga kalahi niya? Hindi rin ito ang unang beses na sinubukan kang patayin ng mga alagad ni Volter. Kung hindi si Volter baka may ibang taong nasa likod nito," mahabang paliwanag ni Trina sa konklusyon niya.

Hindi ako nakaimik. Tama si Trina, hindi lang naman ito ang unang beses na gusto siyang patayin ng mga kakampi ni Volter. Kung hindi si Volter sino? Bampira ba o lobo ang nasa likod ng pag-atakeng iyon?

"At sino naman ang gagawa nito sa iyo?" nagtataka ring tanong ni Vernon.

"Wala akong ideya," naguguluhan kong sagot. "Kung sino man siya, kailangan kong malaman," determinado kong saad. Hindi ko hahayaang makasagabal ang kung sino mang nasa likod ng pag-atakeng iyon sa mg plano ko.

"Paano?" kunot-noong sabi ni Trina at umupo sa sofa.

"Hindi ko rin alam kung paano, Trina basta kailangan kong malaman kung sino man ang gustong pumatay sa akin."

Hindi ko na alam ngayon kung sino ang dapat kong pagkatiwalaan kung pati 'yong dapat kakampi ko tila gusto akong patayin.

Kung gayon, dapat pang maging mapagmasid ako at makiramdam sa mga lobo o bampirang malapit sa akin dahil baka isa sa kanila ang may planong patayin ako.

"It's not Volter, Marcus there's someone who want me to die," madiin kong sabi kay Marcus nang dumating siya sa batis.

Ngumiti siya. "If it is not Volter, sino?" tanong niya.

"Hindi ko pa alam at kailangan kong malaman kung sino man siya," matapang ko sabi.

"I can help," alok niya.

"Paano?"

"I have a plan." Umupo si Marcus sa malaking bitak na bato at nagmwestrang lumapit ako sa kaniya.

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kaniya. "what's your plan?" diretsa kong sabi.

"It's already working, Syrie magtiwala ka na lang sa plano ko at makikilala mo kung sino ang nasa likod ng mga pag-atake sa 'yo," tila kompiyansang sabi niya.

"Paano ka makakasigurong magtatagumpay ang plano mo?" O tama bang magtiwala ako sa plano ni Marcus gayong kalaban siya at hindi dapat pagkatiwalaan.

Kailangan kong isiksik sa isip ko na plano lang ang lahat ng ginagawa ko kung kaya pinipilit kong mapalapit kay Marcus kahit isa siyang kaaway at banta sa mga plano ko.

"Hindi ko alam, Syrie basta magtiwala ka lang at malalaman mo kung sino sila." Tumayo si Marcus sa pagkakaupo at tumingin sa malinaw na tubig ng batis.

"Come here, Syrie," mayamaya'y tawag niya sa akin.

Hindi agad ako sumunod. Tumaas ang mga kilay ko pero sa huli sumunod pa rin ako at lumapit sa kaniya. Tumabi ako sa kaniya at tumingin din sa malinaw na tubig kung saan siya nakatingin.

"Bakit balak mong maligo?" tanong ko dahil sa pagkakatingin niya sa tubig na para bang gusto niyang maligo roon.

"Nakikita mo ba ang sarili mo sa tubig, Syrie?"

Napakunot ang noo ko sa tanong niya na napakawalang kwenta dahil alam naman niya ang sagot.

"Oo, bakit?"

Yumuko si Marcus at kumuha ng katamtamang laki ng bato sa lupa. Nagtaka ako nang ihulog niya ang bato sa tubig daan para gumalaw-galaw ang tahimik na tubig at masira ang imahe ko.

"Someone distorted your image, Syrie at 'yong ikaw na nakita mo sa tahimik na tubig, hindi dapat ikaw 'yon," makahulugang turan ni Marcus habang nakatingin sa tubig.

Sa sobrang lalim ng sinabi niya, hindi ko naintindihan. "Hindi ko maunawaan, Marcus," nakatingin kong sabi sa kaniya habang naguguluhan ako. Pilit kong inuunawa ang lahat ng mga sinabi niya.

"Marami kang 'di alam sa sarili mo maging sa mga taong nakapaligid sa 'yo," patuloy niya.

At ano namang alam ng lalaking ito sa pagkatao ko? Kung magkapagsalit siya akala mo'y mas kilala niya ako kaysa sa mga taong nakapaligid sa akin.

Sorry na lang kay Marcus dahil hindi ako madaling makuha kung 'yon ang inaakala niya. Hindi niya ako makukuha sa mga kasinungalin at gawa-gawa niyang kwento.

"Wait, Marcus naguguluhan ako sa mga pinagsasasabi mo. Pakilinaw, please!" Kailangan kong umaktong interesado sa mga sinasabi niya para makuha ko pa ang loob niya.

Humarap siya sa akin. "Malalaman mo rin lahat pagdating ng panahon, Syrie at sana matanggap mo ang lahat ng katotohanang malalaman mo," seryosong aniya habang nakatingin sa mga mata ko. Napakalalim niyon na para bang dinadala ako sa kung saan na nagdulot ng kakaibang pakiramdam sa akin.

Ewan ko pero may bahagi sa akin na gusto kong paniwalaan ang mga sinasabi niya pero mas nanaig ang bahaging hindi ko dapat siya paniwalaan dahil isa siyang kaaway.

Umiling ako at mapait na ngumiti. "Anong katotohanan, Marcus? Ano ba talagang alam mo tungkol sa akin? Gusto kong malaman." 

"I'm sorry, Syrie hindi ko pa maaaring sabihin ang lahat sa 'yo, may tamang panahon para roon." Lumapit siya sa akin at masuyong tumingin sa mga mata ko. Naramdaman kong kinuha niya ang mga kamay ko at marahan 'yong pinisil. Kapagkuwa'y inilapat niya ang kanang kamay sa pisngi ko at masuyo 'yong hinaplos na naghatid ng samu't saring pakiramdam. Parang may kung ano sa tiyan ko na nagdulot ng mabilis na pagkabog ng d****b ko. Pakiramdam ko rin nag-iinit ang mukha ko. Tama pa ba 'tong nararamdaman ko?

"Please, kung ano man ang malalaman mo, magtiwala ka sa akin, Syrie," makahulugan pa niyang dagdag.

Hindi agad ako nakagalaw dahil nararamdaman ko ang katawan ni Marcus sa akin. Pilit kong kinokontra ang isip ko na huwag maniwala sa mga sinasabi niya. Lilinlangin lang niya ako. Pero kahit anong pilit ko may tinig na nagsasabi sa isip ko na baka totoo ang mga narinig ko.

Ngumiti ako, pilit nilalabanan nag temtasyon na bumabalot sa akin. "Sige, maniniwala ako sa 'yo, Marcus dahil sinabi mong maniwala ako," ani ko. Sasakyan ko na lang lahat ng sasabihin niya sa akin.

"I will protect you, Syrie basta paniwalaan mo lang ako." Matamis na ngumiti si Marcus at mas inilpit pa ang mukha sa mukha ko hanggang magkadikit na ang mga noo namin. Wala akong makapang pagtutol. "Kaya kong ibuwis ang sarili kong buhay maprotektahan ka lang. Mahalaga ka sa sa akin, Syrie."

Nanuot sa ilong ko ang mabango niyang hininga. Ang sarap sa tainga ng mga katagang binitawan ni Marcus. Marahil kung hindi ko siya itinuturing na kaaway, baka mahalin ko siya.  

"Protektahan mo lang ako pero huwag mong ibuwis ang buhay mo para sa akin," pabulong kong balik. "Please, tulungan mo akong makilala ka at pati ang sarili ko, Marcus." 

Parte ito ng plano, Syrie ang sakyan siya sa mga sinasabi niya.

Sumang-ayon ang isip ko sa paalalang iyon. Tama, mas madali kong makukuha ang loob niya kung sasakyan ko ang mga sinasabi niya. Ngunit hindi ko maitatangging apektado ako sa mga narinig ko mula sa kaniya, na tila ba bahagi ako ng mga 'yon. 

Tumango si Marcus at muling hinaplos ang pisngi ko. Nagtama ang mga mata naming dalawa na tila mayroong enerhiya roon dahilan para hindi kami makabitaw. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, mabilis na tibok ng puso, ligaya at hindi mapaliwanag na excitement at saya. Ano bang meron sa 'yo Marcus? Bakit ganito na lang mag-react ang sarili ko sa 'yo? Alam kong kaaway ka pero bakit iba ang epekto mo sa akin?

Tila automatic ang mga mata ko ng maramdaman ko ang paglapat ng labi ni Marcus sa labi ko. Hindi ko alam kung paano mag-response at hindi ko rin alam kung paanong walang pagtutol sa katawan ko. 

Marahang gumalaw ang mga labi niya habang nananatili ang labi ko sa ganoong posisyon. Dinadama ko lang ang malambot niyang labi.

Ilang sandali pang nagtagal ang h***k na iyon bago kami kapwa bumitaw. Yumuko ako habang sapo ko ang labi ko. Pakiramdam ko mapulang-mapula ang pisngi ko dahil sa hiya. "I-I'm sorry, Marcus I don't really know how to kiss," mahina kong sabi.

Kung isa ito sa paraan para madali kong makuha ang tiwala niya, gagawin ko para sa plano kong pasukin ang mundo nila at hanapin ang mga lobong may ukit na buwan sa kanang kamay. Pero hindi ko itatanggi nagustuhan ko rin ang h***k na 'yon. That was my first time.

Saglit na walang response si Marcus, tanging narinig ko lang ang pagtawa niya na ang sarap pakinggan. Ewan ba.

"You're a great fighter but you don't know how to kiss?" natatawa pa rin niyang sabi.

Sumimangot akong nag-angat nang tingin sa kaniya at umatras. "Masaya ka roon, Marcus? Ano bang alam ko sa paghalik, eh buong buhay ko nandoon ako sa gitna nang gubat at nakikipaglaban," depensa ko.

"Uh-uh! Sweetie, chill lang ako lang 'to," aniya na natatawa pa rin. Lumapit siya sa akin at tinapatan ang bibig sa tainga ko. "I'm satisfied with your kissing skills, Syrie" aniya.

Tumaas ang balahibo ko sa katawan dahil sa hininga ni Marcus na nanuot sa tainga ko. Lalo na sa pagtawag niya sa akin sa ganoong tawag. 

Napaka-romantiko noon. Mabilis ko siyang pinalo sa braso. "Stop flirting me, Marcus," singhal ko. Natatawa lang siya.

"Uh-uh!"

Natawa na lang din ako sa 'di ko malamang dahilan. Mukhang magiging masaya ang plano ko dahil sa mga galawan ni Marcus. 

Sige lang, landiin mo ako hanggang tuluyan kitang mahawakan sa leeg at ituro sa akin ang mga lobong hinahanap ko.

"HOW'S the plan, Syrie?" salubong sa akin ni Persuz nang makauwi ako galing sa gubat kung saan nagtagpo kami ni Marcus.

Dumeretso ako sa sofa. "Don't worry it is working, Persuz," kumpirma ko sa kaniya na may matamis na ngiti.

"Well that's good, Syrie," nakangiting aniya. "Pero tandaan mo kalaban pa rin sila at huwag mong hayaang mahulog ka sa lalaki 'yon and if it's happen, you'll be the one who lose," paalala niya na tila may pagdududa sa kakayahan ko at sa plano ko.

"I know that, you don't need to remind me Persuz, I know my limitation," seryoso kong sabi. Alam ko nga ba talaga ang limitasyon ko sa plano ito?

"Kung ganoon, good luck." Tumayo siya at ngumiti, saka naglakad palabas ng bahay.

Alam ko na ang posibilidad na mangyari sa planong ito at handa ako sa lahat ng iyon. Protektado ang puso ko kahit aminin ko mang apektado ako sa mga ginagawa ni Marcus sa akin.

"OPPS! Sinong nagsabi sa 'yong pwede mo akong yakapin, huh?" agad kong pigil kay Marcus nang akmang yayakapin niya ako ng makarating ako sa batis kung saan kami palaging nagkikita.

Sumimangot si Marcus. "Damot mo, yakap lang naman, eh," parang batang nagtatampong sabi ni Marcus. "Na-miss lang naman kita, eh."

Natawa ako sa naging reaction niya. "Miss agad? Parang kahapon lang nagkita tayo ah? Isa pa, we are not yet official, Marcus," paglilinaw ko.

Nagkaroon ng malaking pag-asa sa puso ko na magtagumpay sa plano ko. Mukhang hulog na hulog sa akin ni Marcus at magagamit ko 'yon laban sa kaniya.

"Ganoon? Even we've kissed?" Tumango ako na nagpasimangot sa mukha ni Marcus. "Uh-uh, fine," dagdag pa niya kasabay ang pagtaas ng dalawang kamay sa ere, tanda ng pagsuko.

Natawa na lang ako at napailing dahil sa kapilyuhan ni Marcus. "How's your plan, Marcus?" biglang seryoso kong tanong.

Dapat kong alamin kung ano na ang plano niya na pwedeng makatulong sa akin para malaman kung sino pang kalaban meron sa paligid ko.

"It's working but no progress yet." Biglang nawala ang kapilyuhan niya at napalitan ng pagkaseryoso.

"Sinubukan kong magmasid sa kampo ni Volter at wala akong nakitang kahina-hinala roon bukod sa mas dumaraming mga taong lobo sa kampo," pagtatapat ko.

Nabahala si Marcus, gumuhit ang galit sa mukha niya. "Damn!" narinig kong mura niya habang makikita ang pagkagigil sa mukha niya. "Is this how Volter play? Gagamitin niya ang mga taong lobo para patayin ang mga kalahi nila."

Hindi ko mawari pero nakaramdam ako ng awa at simpatiya kay Marcus. Gusto ko siyang yakapin at sabihing magiging okay din ang lahat at babalik din ang mga taong lobo sa kung nasaan sila dapat. Hindi ko alam o baka bahagi ito ng pagkatao ko? 

Mali 'to, Syrie hindi pwedeng maawa sa lahi nila at wala kang pakiaalam sa nangyayari sa kanila. Nagising nag isip ko sa paaalang iyon.

"Magtiwala ka sa mga kalahi mo, Marcus kung mayroon mang umalis para kalabanin kayo, mayroon pa ring nandiyan para lumaban at ipagtanggol ang lahi ng mga taong lobo," seryoso ngunit pagpapanggap na sabi ko. Pagpapanggap nga ba?

Paulit-ulit kong sinasaksak sa isip ko na nandito ako para sa plano ko at hindi para makisimpatiya sa mga lobo at maawa sa kanila.

"And I'm hoping that you're one of those werewolves who are there to fight for our clan, Syrie," baling niya sa akin.

Hindi ako nakaimik at umiwas ng tingin kay Marcus. Hinding hindi iyon mangyayari dahil hindi ako sasapi sa mga taong pumatay sa pamilya ko. Kalaban ko sila at hindi kailanman magiging kaanib.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
Naku Syrie makiramdam k rin parang ginagamit k lng ni Volter kaya dapat makinig k kay Marcus
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
nakakakilig naman nag kiss sila......... Minsan Syrie pakinggan mo Rin Ang nararamdaman mo kesa sa sinasabi ng iba
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status