Share

CHAPTER 4

Sinundan ko lang nang tingin ang pag-akyat nila pero bago ito mawala sa paningin ko na kita ko pa ang pagkaway ng batang ‘yon sa’kin. Napakaway rin ako 

nang wala sa oras.

"Mike, Mia meet your mother." Natuon na ang atensiyon ko sa mag-aama. 

"You mean, new mother?" Lumapit sa’kin ‘yong Mike at niyakap ako. 

Kusang nag-react ang katawan ko at napayakap din sa kaniya. Hindi ko alam pero

mukhang kahit itong katawan ko nagugulat sa biglaang nangyayari. 

"I don't need a new mother." Malditang wika no'ng Mia. 

"Kung si Miles na uto

niyo daddy, kami ni Mike hindi." Muli nitong wika. 

"Then, Thank you." Nagulat naman sila sa sinabi ko. "For informing me about

your feelings. If both of you hate me, don't worry the feeling is mutual. Solved

the problem. Hindi na natin kailangan pang magplastikan." Seryosong wika ko. 

"Atleast parehas nating alam na hindi natin gusto ang isa't isa. Hindi na ako

mahihirapan pa na magpanggap ‘di ba?" Nginitian ko sila.  "Puwede niyo na ba

kaming iwan? May pag-uusapan pa kasi kami na hindi niyo puwedeng

marinig." Muli ko ulit silang nginitian.  Tinarayan ako ni Mia bago umakyat. Natawa naman si Mike bago sumunod kay Mia.

"Colette, hindi mo kailangan patulan ang mga bata."

Seryosong ibinaling ko ang tingin ko kay Kuya Chase. "Kuya, anong ginagawa mo

rito?" Seryosong tanong ko. 

"Nagtatrabaho ako ngayon dito kila Atlas." Mabilis na tugon nito. 

Napaisip ako sa sinabi niya. "Kuya Chase, mas malaki ang maitutulong mo sa kompanya kung doon ka

magtatrabaho. May chance pa tayo na mabayaran ang utang natin sa devil na

ito," seryosong wika ko. "Mababawi niyo pa ako," dagdag ko pa. 

"Tinanggal ako ng gagong Haley na ‘yon sa pwesto ko bilang director ng

kompanya. Madami nang nangyari simula nang mawala ka, 

Colette," seryosong wika ni Kuya Chase. 

What?

"Ano? Baka naman may ginawa ka kuya kaya kaniya tinanggal?"

"Sinabi ko na Colette, madami nang nangyari simula nang mawala ka. Hindi na ‘yon ang Haley na kilala mo."

Takte. Masyadong madrama itong si kuya Chase, umalis na ako lahat-lahat siya pa

rin ang pinakamadamdamin sa aming tatlo. Panigurado akong nagkaroon na

naman ng alitan ang dalawa 'to. 

"Kuya Chase, pinapalaki niyo na naman ba ang maliit na

problema?" seryosong tanong ko rito. 

"Hindi maliit na problema 'yon, Colette. Gusto ka niyang kunin!" Sa

pagkakataong ito tinaasan niya na ako nang boses. Nagulat ako dahil doon.

Bakit nagtataas ng boses itong si kuya Chase? Ano naman kung gusto akong kunin ni

Kuya Haley? Natural lang na kunin niya ko sa kamay ng demonyong ito.

"Kuya anong mali ro’n? Gusto niya akong mabawi sa demonyong ito," sabay turo kay Atlas. "At wala akong nakikitang mali ro’n. Ano bang problema, huh?"

"Hindi mo na kailangan pang malaman ang lahat Colette, basta sumunod ko na lang sa sinasabi ni Atlas dahil ‘yon ang mas nakabubuti sa iyo."

Huh? Bakit ko naman susundin ang sinasabi ni Atlas? Bakit galit na galit si Kuya Chase kay Kuya Haley?Ano ba talaga ang nangyari sa

kanila? At higit sa lahat bakit gusto ni Kuya Chase na manatili ako sa piling ni Atlas?

"Mixer, ihatid mo na si Zoe sa kwarto namin. May pag-uusapan lang kami ni

Chase. Bumaba ka agad pagtapos, may ipapagawa ako sa iyo." Gulat na gulat kong itinuon ang paningin ko kay Atlas. 

"Anong tinawag mo sa’kin?" Gulat kong tanong. Lumapit ito sakin at muling ipinalupot ang braso niya sa aking baywang at hinawi

ako palapit sa kaniya. "Zoe. Why baby? You want me to call you baby not Zoe?"

"N-no..." tinulak ko ito palayo. "Hi-hindi lang ako sanay na tinatawag ako sa

pangalang... Z-zoe." 

Shit! Mura ko sa isip. 

Naihilamos ko ang mukha sa sariling palad. Isa lang ang tumatawag sakin na Zoe at walang iba kundi si papa. It's been five

years nang huli kong marinig ang pagtawag sa’kin sa pangalan na yan. At hindi ko

inaasahan na sa demonyong 'to ko pa maririnig ‘yon. 

"Bakit?... Bakit kailangan mong ipaalala ang sakit huh?"

Napayuko ako, kasabay no'n ang pagtulo nang luha sa aking mata. Nami-miss ko na

sila mama. Lalo na si papa.

Mas lalo akong naiinis sa lalaking 'to. Bakit niya biglaang pinaalala sila papa sa’kin? Ano bang ginawa ko sa lalaking 'to at labis niya akong sinasaktan ng ganito?

Isinandal niya ko sa kanyang d****b, hinamplos-hamplos niya ang aking likod.

"Thank you," mahinang bulong ko sapat para marinig niya. Gusto kong magpasalamat sa lalaking 'to kasi tinawag niya ako sa pangalan ko na ‘yon. Pinaalala niya sa’kin ang masasayang alaala ko kasama sila mama at papa. Nakaka-miss din pala. Tinulak ko ito palayo pinunasan ko ang luha sa aking mata. 

"Huwag mo na ulit akong tatawagin sa pangalang Zoe, just call me

Colette," seryosong wika ko rito. 

"Nope, I call you baby," malamig na wika nito. 

Tsk!

"Bakit ka nagsinungaling sa batang ‘yon?" seryosong tanong ko. 

Tumawa ito. "Hindi ko inaasahan na ‘yan ang itatanong mo. Well, mukhang

hindi ka rin na suprise sa nakita mo."

"Hindi na nakakagulat ‘yon. Inaasahan ko naman na meron ka nang anak, 

dahil diyan sa libangan mo. Ang gusto kong malaman kung bakit ka

nagsinungaling sa batang ‘yon?" seryosong tanong ko. 

"Nang maipanganak si Miles namatay na rin ang kanyang ina dahil sa sakit sa

puso. Hindi na kita ni Miles ang kanyang ina. Noong mga panahon na ‘yon ikinasal naman tayo."

"Huh?"

Ikinasal kami? Wala akong natatandaan na ikinasal ako sa kaniya.

"Yeah, pero tinakbuhan mo ko at isang malaking kahihiyan ‘yon para sa’kin at sa... pamilya ko," malamig ngunit may galit na wika nito. 

"Naging laman tayo ng balita at nalaman nila na umalis ka ng bansa. Para

hindi ako mapahiya sa lahat ng tao. Sinabi ko na lang na kailangan mong

operahan sa puso kaya ka pumunta ng america at ginamit ko naman ‘yon para 

hanapin ka," muling wika nito. Hindi pa din kami kinasal. Hindi niya pa rin ako asawa. 

"Habang lumalaki si Miles, ipinapakita ko sa kaniya ang mga picture mo kaya

ikaw ang kinikilala niyang ina."

Isang katangahan ang ginawa niyang desisyon. Hindi niya ba naisip na baka

malaman din ng batang ‘yon na hindi talaga ako ang tunay niyang ina? Labis niyang

masasaktan ang damdamin ng inosenting batang ‘yon once na malaman niya na hindi ako ang tunay niyang ina.

"Isang kang tanga Atlas, hindi mo ba naisip na labis mo lang masasaktan ang

damdamin ng anak mo kapag nalaman niya ang totoo?" seryoso ko itong tiningnan sa kanyang mata na nakatingin ngayon sa’kin at hindi mo makikitaan ng

emosyon. 

"Woman, stop arguing with me. Paniwalaan mo na lang ang pinaniniwalaan ng

batang ‘yon." Malamig muli na wika nito. 

Ang demonyong ito nasisiraan na ng ulo. 

Natawa ako, "Gusto mong paniwalaan ko rin ang sarili ko na anak ko ang

batang ‘yon? Atlas, ayukong saktan ang damdamin ng batang ‘yon kaya 

hanggat maaga sabihin mo na ang totoo sa kaniya."

Gago ba siya? Gusto niyang magpanggap ako na ina nang batang ‘yon! Hindi niya 

talaga iniisip ang damdamin ng sarili niyang anak.

"Isa pa Atlas hindi talaga tayo kasal hindi mo ko asawa, kaya tigilan mo na ang kabaliwan mo. Gusto lang kita i-inform na kapag na bayaran na ni Kuya Haley

ang utang namin sa inyo aalis na din ako dito," may diin kong wika. 

Hinila niya ang aking braso at mahigpit itong hinawakan. 

"It seems you haven't figured your situation yet! Woman, ikaw ang magiging kabayaran sa utang ng iyong mga magulang. Wag mo kong sisisihin sa nangyari sayo dahil si Haley ang siyang nagbigay sayo sakin." Mas lalo niya

pang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko. Napangiwi ako dahil do’n. "Take care of my child and learn to be my wife!" Malamig ngunit may galit na

wika nito. 

"Woman, I'm not negotiating with you. This is a command," wika

niya pa bago ako binitawan. "Mixer, ihatid mo na siya sa kwarto ko," malamig na utos nito.Nanlambot ang aking mga tuhod. Seryoso talaga siya sa mga sinabi niya. Wala na ba akong pag-asa na makaalis at makalayo mula sa kaniya? 

Ma, Pa, anong gagawin ko?

"Madame, tayo na po." Hindi na ako nakipagtalo pa sinundan ko na lang si Mixer. 

"By the way woman, I have something to tell you."Nakakasampong hakbang

palang ako ng bigla itong magsalita. Napahinto ako sa paglalakad at lumingon sa

kaniya. 

Nakatalikod ito sakin. 

"Don't go outside in a twelve midnight. Stay in our room, tandaan mo ‘yan," malamig na wika nito. 

Huh? Paano kung nauuhaw ako? Ang weird, bakit bawal lumabas ng kwarto pagsapit ng alas-dose?

"And also don't you dare talk to Haley again, " malamig ngunit may diin na wika nito.

"Wh-" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang bigla itong naglakad paalis. Ano bang problema niya? Pati ang pakikipag-usap ko kay kuya Haley

pinagbabawalan na rin niya?! Sino ba siya sa akala niya?!

"I hate you, you fucking devil!" galit na galit kong singhal rito. Hindi 'to puwede, gagawa ako ng paraan para makaalis sa lugar na ito. Sisiguraduhin kong makakaalis ako rito. Hindi ko yata masisikmura pa kung magtatagal pa ako sa lugar na 'to kasama siya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status