Share

Chapter 2

Chapter 2: Aberrant.

-

“Erin, wake up!” Naramdaman ko na lang na may istorbong gumigising sa akin sa kaya naman tinignan ko kung sino iyon. Ugh! I just remember, wala na nga pala ako sa America. Sanay akong magpahinga every Sunday. I’m supposed to chill like a villain today, but what the hell?!

“Ano bang meron?” Iritang tanong ko nang bumangon ako. Tumingin siya sa pinto kaya tinignan ko kung anong meron doon, agad akong napabangon ng wala sa oras. Walang pakialam kahit na magulo ang buhok ko.

“Tito Axel?” Hindi siguradong banggit ko sa pangalan ng lalaking nakasuot ng asul na lab gown. Tumango siya kaya dali dali akong tumakbo para yakapin ito. I still remember him, I mean how can I forget him?

“You’ve grown up a lot. By the way, mag-asikaso ka na. Kailangan mong pumunta sa office ko, magpasama ka na lang sa roommate mo dahil baka maligaw ka.” Sabi nito nang guluhin niya ang buhok ko habang nakangiti. Tumango lamang ako at pagtapos noon ay lumabas na siya.

My parents are former gangster. Si Daddy, he used to be the leader of strongest gang here at Monstrous academy. They called their gang as Devil And Real Kings also known as D.a.r.k. Cringe, right? But I still find it cool. Isa si tito Axel sa member kaya kilala ko siya. ‘Yung about kay Mommy naman, kung paano siya naging gangster. It’s a long story.

Ilang oras ang lumipas at tinatahak na namin ni Akira ang sinasabi niyang keen’s lab. Ipinaliwanag niya rin sa akin na may ilan pang building dito sa academy na may ibang pangalan.

“Ayan, nandito na tayo. Balik na ko sa room natin ah?” Sabi nito nang makapasok kami sa isang asul na building at huminto sa tapat ng isang malaking pinto. Kumatok ako ng tatlong beses at saka pumasok sa loob kung saan tumambad sa akin ang isang lalaking nakabaligtad sa sofa.

“Alex, sinabihan na kita na umayos ka ng upo kapag nandito ka sa office ko. Where’s your manners?” Suway ni Tito Axel nang lumabas ito mula sa isang pinto na narito rin sa loob ng office. Mukka namang napansin na niya ako dahil nilapitan niya ako at gano’n din iyong lalaking tinawag niya sa pangalang Alex. Wait, that name sounds familiarㅡwhere did I hear that again?

“Nandito ka na pala, still remember my son? Alex?” Tanong ni Tito and yeah, now I remember. If my memory serves right, he’s the genius boy.

“Erin? Ikaw na ba ‘yan?” Nakangiting tanong ni Alex at tumango lamang ako ng bahagya atsaka ibinaling ang atensyon kay Tito. It’s really weird na naaalala ko pa ‘yung mga ‘yon. In fairness, talas ng memory ko.

“Stay here Alex.” Utos ni tito Axel atsaka pumasok sa pinto kung saan siya galing kanina. Sinundan ko siya roon at tumambad sa akin ang kulay asul na pader, isang ergonomic chair at isang transparent screen. Iyon lang ang nakaagaw ng atensyon ko. Inalalayan niya ako paupo roon at may kung ano siyang kinuhang VR box.

“It looks like a VR Box pero iba ‘to, once na masuot mo ‘to. Mapupunta ka sa Virtual world, may mga challenges kang haharapin and after that, malalaman natin kung anong kind mo.” Paliwanag ni Tito and I was like, seriously? That kind of thing exists?

Tumango na lamang ako at maya maya ay dahan dahan na niyang isinuot sa akin ‘yung parang VR box. I don’t know why pero nakaramdam ako ng pagkahilo, I slowly closed my eyes but when I open it, nasa ibang lugar na ako. Where the hell am I? Walang katao tao rito.

“Tulong!” Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses, isang batang lalake, nasa itaas siya ng isang building at may taong nakamaskara ang nakahawak sa likod nito. Mukhang balak niyang itulak ang bata, seriouslyㅡwhat’s going on?

Mabilis akong lumingon ako sa paligid, tanging truck ng b****a lang ang nakikita ko. Nang marinig kong nagbilang ang taong nakamaskara ay nagsimula akong mag-panic ng kaunti. I don’t know what to do, san lang kasi ay in-explain sa akin ni Tito ang mangyayari sa loob ng virtual world. Well! Whatever, bahala na si batman.

Mabilis akong tumakbo papunta sa truck na puno ng b****a. Sinubukan kong paganahin ang makina gamit ang dalawang wire na naroon since walang iyong susi, luckily nag-start naman iyon nang walang kahirap-hirap. Saktong bago matapos ang pagbibilang ng taong nakamaskara ay naipwesto ko na iyong truck sa exact place na pagbabagsakan ng bata.

Nang marinig ko ang ingay ng mga plastic sa likod ay nagmadali akong umakyat sa itaas, but the weird thing is nandoon pa rin yung taong nakamaskara. Tumalon rin siya?

“Let him go.” Kalmadong sabi ko ngunit bigla na lamang itong sumugod sa akin, sinubukan niya akong suntukin pero itinulak ko lang siya.

“Fuck, ang baho mo!” Reklamo ko atsaka ko hinila ‘yung bata, tumalon ako habang buhat ko siya at nang makakita ako ng pwedeng pagtaguan ay balak ko na sanang ilagay yung bata doon pero may nakatutok ng baril sa kanya. Mabilis akong humarang para saluhin iyong bala pero nag dilim na lang ang lahat, para akong mauubusan ng hininga. What the hell? I almost diedㅡor not.

“Is this really possible? You’re a keen, Insolent and Intrepid. Posible ba magkaroon ng aberrant without the experiment?” Boses ni Tito Axel, I came back to my senses at tinanggal ang nakakabit sa ulo ko.

“Aberrant? And what the hell is that?”

“Deviating from the ordinary, usual, or normal type. Exceptional ka and you don’t belong in any kind.” Bahagyang kumunot ang noo ko atsaka tumayo. I don’t really know what’s going on pero naalala ko yung sinabi ni Akira, na hindi ako makakapasok dito kung hindi ako mag-fi-fit sa kahit anong kind na required sa school na ito.

“So meaning? I don’t belong here? What? Lilipat na naman ba ako?”

“No, you can stay here. Para saan pa at naging Uncle mo ako? I will assign you as Intrepid since boldness ang ipinamalas mo sa test, but here’s the deal, wag na wag mong ipagsasabi na Aberrant ka. It’s dangerous, delikadong malaman ng iba ang totoong kind mo.” Sabi ni tito at tanging pagtango na lang ang nagawa ko.

Ang complicated naman sa eskwalahan na ito, ang daming chechebureche. But hell! That was fun, I mean n-aenjoy ko yung virtual world kahit papaano.

“Then, what should I do next?” Tanong ko habang pinapanuod si Tito Axel na ayusin iyong bagay na ginamit ko para sa test.

“Sasamahan ka ni Alex sa room A, kunin mo ‘yung uniform and sched mo. Mag-papicture ka rin para sa i.d, hereㅡ” Mayrokn siyang inabot sa akin na blangkong kulay pula na papel at nagtataka iyong kinuha. “That’s your test result, ibigay mo ‘yan sa taong nandoon.”

“Niloloko niyo ba ako? Walang nakasulat. Sabi ko pero nginisian niya lamang ako at inalalayang lumabas sa kwartong iyon. Nabigla naman ako ng hawakan ni Alex ang balikat ko at marahang itulak palabas ng office. Tahimik na kaming naglalakad sa hallway. One word to describe the atmosphere right now. Awkward. Yes, sobrang awkward.

“So Aberrant ka.” Pang basag katahimikan niya, dahilan para manlaki ang mata ko. Kakasabi lang ni tito na delikadong malaman ng iba ang totoong kind ko and now what? Bukod sa aming dalawa ay mayroon nang nakakaalam ng sikreto ko.

“How did you know? Nag-eavesdrop ka ba?”

“No, hindi ko naman sinadyang marinig. Don’t worry, hindi ko ipagsasabi. Sure kasi ako na kapag kumalat ‘yon, mapapatalsik ka rito or worse baka pag-xperimentuhan ka pa.” Sabi nito nang tabihan niya ako sa paglalakad. Seriously, sumasakit ang ulo ko sa sistema ng eskwelahan na ‘to.

Pagdating namin sa room A, agad kong inabot ang papel sa kaisa-isang tao na naroon. Naiwan si Axel sa labas ng pinto kaya naman dalawa lang kami ng staff ang tanging nasa loob.

“Transferee?” Tanong nito pero hindi ako sumagot. Ipinasok niya iyong papel sa parang polaroid na camera at saka itinapat sa akin.

“Smile.” Sabi nito ngunit hindi ako ngumiti, asa naman na ngingiti ako para sa kanya. But hell, nanlaki na lang ang mata ko nang makita kong ID na yung pulang papel na ipinasok niya sa camera. Tinignan ko ‘yon at nandoon na yung pangalan at kung anong kind ako. Wow! Just wow!

Nang makamove on na ako sa nakita ko ay kinuha ko na rin ang mga dapat kunin. Monday na kasi bukas and I’m sure na kahit ayoko, kailangan ko pa ring pumasok.

•••

Another day sa loob ng weirdong school. Monday na and it was my first day, I got out of my bed early, gaya ng nakasanayan ay dumiresto ako ng banyo ngunit laking gulat ko nang biglang tumakbo si Akira papunta sa akin, kanina ay lang nakahiga pa siya ah?

“Erin, ako muna please? Iihi lang ako.” Sabi nito habang nakacross ang mga legs niya, halagang nagpipigil.

“You know what? Ang baho ng hininga mo, sige na umihi ka na! Tch.” Iritang sabi ko pero nag-peace sign lang siya sa akin at hindi man na-offend sa sinabi ko. Geez, kagigising lang niya at ang lakas ng loob niyang magsalita ng gano’n kalapit sa akin. What a shameless person.

One hour had passed and I’m done with my morning routine. Okay na ako at paalis na. I took a look at my schedule, five minutes na akong late sa first subject. Ipinagkibit balikat ko na lamang iyon at lumabas na ng kwarto kahit pa sinabihan ako ni Akira na sabay kaming lumabas ng dorm.

Pagtungtong na pagtungtong ko sa sa field, naramdaman ko agad ang atensyon na nakukuha. Some students even gave me a dirty look and it seriously annoys me, really. Anong problema nila?

“Erin, wait mo ko!” Sigaw ni Akira at ilang segundo lang ay sinasabayan na niya ako sa paglalakad pero sa isang iglap, bigla na lang siyang nawala sa tabi ko. Agad ko siyang nilingon at nakitang nakaupo na ito sa damuhan. What did just happened?

“Tumingin ka kasi sa daan.” Sabi ng lalaking nakabangga kay Akira. The hell? Maraming estudyante ang nagtawanan dahil sa nangyari, I gave them my deadliest glare at nang akma ng aalis ang walangyang lalake na ‘yon ay agad kong hinubad ang rubber shoes ko at ibinato sa kanya.

Biglang tumahimik ang paligid, as in tanging pagwasiwas lang ng puno ang maririnig sa paligid. Dahan dahang humarap sa akin ang lalaking tinamaan sa ulo and the next thing I knew? Napapalibutan na ako ng iba pang mga kalalakihan. Oh! Here’s comes trouble.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status