Kanina pa ako nakaupo sa upuan na ‘to at kanina pa ako tinitignan ng lalaking ito. Ano bang kailangan niya sa akin?
“It is your first day in this academy as a student at naghahanap ka na agad ng gulo?” Mahinahong tanong ng lalaking nag ngangalang Travis Milfior. Iyon kasi ang nakalagay sa desk plate niya na may nakalagay na Intrepid’s leader. Ngumisi lang ako ng bahagya, so siya pala ang pinaka-leader ng Intrepid, which means I’m his responsible starting today. Too bad for him.
“I don’t go looking for trouble. Trouble usually finds me.” I answered smartly. How can I be so sarcastic at this moment? I’m sure I’m going to be punished for that.
“Really? Then let trouble finds you. I’m going to punish you. After class dumiretso ka sa indoor pool and clean the whole area including the crs and locker rooms.” Napanganga na lamang ako sa sinabi niya. Hindi ako nakapagreklamo dahil agad siyang umalis. He gotta be kidding me.
ㅡ
Nasa last subject na ako. Wala akong kilala rito but they kept on glancing at me.
“Do you have a staring problem?” Tanong ko sa tatlong babaeng nasa harapan na kanina pa tingin ng tingin sa akin. Anong oras na pero hindi pa rin dumadating ang prof.
“I told you, siya ‘yong babae sa cafeteria.”
“Oo mukhang siya nga. Pang-squatter kasi ‘yong attitude.”
“Mukhang nagkamali ng test sa kanya. She should be insolent, not intrepid.”
Hindi ko na lang pinansin ang bulungan nila. Ayokong dagdagan ang punishment ko, how come na kakapasok ko pa lang ay mapaparusahan na agad ako? He should warn me first. Tch.
Mabilis lumipas ang oras at talagang may nagsundo pa sa akin para lang siguraduhin na didiresto ako sa indoor pool. My life literally sucks today, what the hell.
“Wag ka mag alala, hindi lang naman ikaw ang may punishment ngayong araw kaya may makakasama ka sa paglinis.” Sabi ng sumundo sa akin. He looks like a janitor with his outfit. Nang makarating na kami sa tapat ng indoor pool, napanganga na lang ako. Seriously? Ang laki nito.
“Ito mga gamit, good luck.” Nakangiting sabi ng janitor nang ibigay niya sa akin iyong mop, pamunas at ilang chemicals pang linis. Sinamaan ko siya ng tingin at saka padabog na kinuha ang mga gamit na ‘yon.
Pagpasok ko sa loob, wala namang tao. Seriously, bakit ko ba ‘to gagawin? It’s just my first day! Pero wala na rin naman akong magagawa kaya susunod na lang ako sa gusto ng Travis na ‘yon. Inumpisahan ko sa locker room pero malinis naman na. Sunod kong pinuntahan ay ‘yong cr pero hindi ako nakapasok agad dahil sa boses na narinig ko.
“Aaah!” Sigaw ng babae mula sa loob.
“Ano? Panget, bilisan mo na d’yan at ‘yan akin na ‘yan.” Boses ng lalake, dahilan para pumasok na ako sa loob at tumambad ang isang babaeng nakaupo sa tiles habang iyong lalaki ay nakatayo sa harap niya.
“Ano? Bingi ka ba? Akin na sabi, eh!” Sigaw pa no’ng lalake at saka sinipa ang babaeng mukhang na-rape dahil sa gulo ng buhok nito. Mukhang siya ang naglinis ng locker room. Napatingin ako sa hawak niya, isang panyo. Ayan ba iyong pilit kinukuha ng kumag na ito? Mahirap ba siya at wala siyang pambili noon?!
˝Pwede bang ‘wag kayo rito? Mag lilinis ako.” Bored na sabi ko at agad nila akong tinignan and for some reason, biglang tumakbo iyong babae papunta sa akin. Medyo naawa naman ako kaya binitawan ko ang mga gamit na dala ko at saka siya hinila palabas pero hinabol kami noong lalake.
“Hoy! Sino ka ba?” Sigaw niya at pumaalinlang ‘yon dito sa buong indoor pool. Huminto kami at saka ko itinago ang babae sa likuran ko. Uh, seriously. Shield ba ako?
“Ako ang iyong konsensya.” Pilya ko pang sagot pero nginisian niya ako kasabay ng akma niyang paghila sa babae pero naunahan ko siya dahil itinulak ko na sa pool iyong babae bago pa niya mahawakan. Why so smart Erin?
“Pulube ka ba? Wala kang pambili ng panyo?” Tanong ko sa lalake.
“At ikaw naman na babae ka, panyo lang hindi mo pa maibigay, gusto mo pang saktan ka nitong kulot na ‘to.” Tinitigan ako ng masama noong lalake, but who cares? Hindi niya ako matatakot sa mga titig niyang ‘yan.
“Pumayag na nga akong gawin ‘yong punishment niyang si Jester, eh! Pero pilit niya pa kinukuha ‘tong panyo na bigay ng mommy ko, eh ilalagay lang naman niya sa ulo niya.” Reklamo noong babae at bahagya akong natawa. So ano? Albularyo ba siya? Nagtitigan lang kami noong Jester, waitㅡthat’s another familiar name.
“Manahimik kang panget ka!” Sigaw niya at bigla na lang siyang sumugod sa akin pero nakaiwas ako. I knew it, siya iyong laging tumatawag ng pangit sa akin noon.
“Hoy kulot salot, wala akong panahon para makipag-away, ah. Quota nanako ngayong araw. Ayoko nang madagdagan ang punishment ko.” Sabi ko at saka akmang tatalikod pero mabilis niyang nahila ang braso ko.
“What did you just call me?” Tanong niya.
“Kulot salot, kung ‘di mo naman maintindihan. Waitㅡano ba sa english ‘yon? Curly plague?” Biro ko at narinig kong tumawa iyong babae mula sa pool habang iyong Jester ay umuusok na ang ilong sa galit.
“Are you joking?” Tanong niya.
“Tanga ka? Kung joke ‘yon, eh ‘di sana may sinabi akong ‘joke’ sa dulo, sana in-inform kita para tumawa ka rin.” Buong pwersa kong tinabig ang kamay niya at saka nagpatuloy sa paglakad. Mukha namang wala na siyang lakas ng loob para sundan pa ako kaya pumasok na ako sa cr at saka inumpisahan ang paglilinis.
Seriously, I didn’t see this coming. Isang Erin Cross? Maglilinis ng cr?! What the hell. Hindi ako pinalaking maganda ng mga magulang ko para gawin ‘to.
Nasa kalagitnaan na ako ng paglilinis at malapit na akong matapos nang biglang pumasok si Zero. Nagkatitigan kami at nginisian niya ako nang makitang may hawak akong mga panglinis. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy pero nanlaki na lang ang mata ko nang talikuran niya ko at may kung ano na lang dilaw na liquid ang kumalat sa sahig.
“What the fuck! Did you just pee? On the floor?” Hindi makapaniwalang tanong ko. He just wistle and left like there’s nothing happened. Seriously. I want to smash his face! No choice ako but to clean his mess, this is so nasty! Kadiri talaga, gwapo pero ang baboy. Bwisit!
After a few minutes and finally! Natapos na rin ako. Paglabas na paglabas ko ng indoor pool ay may lalaking sumalubong sa akin. Nginitian niya ako ng matamis kaya medyo tumaas ang kilay ko.
“Bestfriend!” Aniya at nanlaki na lang ang mata ko nang ma-realize kung sino ang lalaking ‘yon. Oh my God!
“Xian?” Tumakbo ako palapit sa kanya, gusto ko man siyang yakapin ay hindi ko na ginawa dahil puro pawis ako. He’s my bestfriend when we were young. I can’t believe na ganito na siya kagwapo ngayon, and he still remember me.
“Seriously, you look like shit. What happened?” Tanong niya, minsan nakaka-offend din ang pagiging honest ng lalaking ito.
“Shut up, Xi. I’m being punished, okay?” Iritang sagot ko sa tanong niya. Hindi na siya ulit nagsalita, may kinuha na lang siya sa bulsa niya at saka ipinunas sa pawis ko. Hindi naman na ako nabigla sa ginawa niya dahil madalas niyang gawin sa akin iyon noong mga bata pa kami.
“Gano’n na ba talaga nag-level up ‘yang pagiging bad girl mo? What did you do para maparusahan ka agad sa unang araw mo rito bilang estudyante?” Tanong niya habang patuloy pa rin sa pagpunas sa akin na akala mo’y magulang ko siya. Hindi pa rin siya nagbabago.
Para pa rin siyang matanda kung umasta, eh samantalang mas matanda ako sa kanya ng limang limang buwan.
“Si Xander, tinuruan ko siya ng leksyon and there’s this one guy which I believe was the leader of Intrepidㅡ”
“Xian!” Sigaw ng pamilyar na boses. Huminto si Xian sa ginagawa niya at saka tumakbo papunta kay Zero. So, mag-bestfriend pa rin sila hanggang ngayon at mukhang close na close pa sila.
“Sige Xi, una na ako. Nasisira araw ko kapag nakikita ko mukha niya, eh.” Sabi ko sabay turo kay Zero. Hindi na ako nag abang sa mga sasabihin nila kaya nagmadali akong bumalik ng dorm para mag-shower.
1:00 p.m ang dismiss ng class ko pero 4:00 p.m na ako nakabalik ng dorm. Wow, just wow. Ang ganda ng first day ko, and I’m sure na mas lalala pa ang mga susunod na araw. Ugh!
Epilogue.-I really don’t know what to say. ‘Yong taong maraming buhay na sinira, ‘yong taong ginawang eksperimento ang buhay namin ng pamilya ko. ‘Yong taong nasa likod ng lahat ng ‘to ay lolo ko?!Hindi ako nagdalawang isip na kunin ang baril sa kamay ni mommy. Kinasa ko ‘yon at itinutok sa matanda, never kong matatanggap na ang isang taong gaya niya ay kadugo ko.“Anak.” Tawag ni mom pero hindi ko ‘yon pinakinggan.“Alam kong marami akong pagkukulang sa ‘yo Rain at sa ‘yo na rin Erin. But trust me, kailangan kong gawin ang lahat ng ‘to.” Sabi ng matanda pero hindi ko rin siya pinakinggan.
20: The hidden secret.-Matapos kong sabihin ‘yon ay agad kong hinawakan ang kamay ni Zero, nagpunta ako sa tabi niya at saka kinalabit ang gatilyo para paputukan ang dalawang armadong lalake.Nagpumiglas si Zero at saka ako siniko dahilan, para maitutok niya ulit sa akin ‘yong baril. He was about to pull the trigger pero mabilis akong sumugod para pigilan siya. Nag-panic ang mga taong nandito at saka nagtago, I knew it. Hindi sila marunong makipaglaban.Tinignan ko si Tito Winter at tahimik lang siyang nanunuod. Sinubukan ulit akong sikuhin ni Zero at hindi naman siya nabigong gawin ‘yon. Bahagya akong napaatras at saka siya sinugod ulit. This time sinigurado kong tatama na ang kamao ko sa mukha niya.
19:D.A.R.K and Tropang sisiw.-“Shhh, come with me.” Bulong niya at saka niya hinawakan ang kamay ko.“Saan po tayo pupunta? Paanoㅡ”“I’ll explain to you later.” Sabi niya nang huminto kami sa isang bakanting kwarto. Gulong-gulo na ang utak ko sa mga nangyayari.“Alam ko na ‘yong sitwasyon ni Zero. Jin contacted me andㅡ” Huminto sa pagsasalita tito nang makarinig kami ng putok ng baril. Damn it! Not again.“Kailangan na nating kumilos, Tito. Maraming inosenteng estudyante ang mapapahamak.” Mahinang sabi ko at tumango naman siya.
18: It’s going to end soon.-“Sinong nagpaputok ng barilㅡOh my God. Dad? You’re here.” Dali-daling bumaba ng hagdan si Chloe at mabilis na tumakbo para yakapin si Tito Jin, hindi rin naman napigilan ni Jester ang sarili kaya tumakbo siya para yakapin ang paborito niyang si Tito Father Jp.“Bakit kayo nandito? Paano? Anong oras kayo dumating?” Sunod-sunod na tanong ni Chloe.“Teka ‘Nak, hinay-hinay lang. Ilang araw na kayong nawawala, hindi namin kayo naco-contact so we made a decision na puntahan kayo, nagkataon naman na nakasalubong namin ang kaibigan niyong si Akira, sabi niya na nasa isang hidden place raw kayo tapos ‘yon, dinala kami no’ng kapatid ni Rain dito.” Paliwanag
17: It’s now or never.-“Ano na? Ano nang gagawin natin?” Halos magpabalik-pabalik ako ng lakad kakaisip kung paano namin ibabalik sa dati si Zero at kung paano namin siya kukunin.“Erin, relax. Hindi ka makakapag-isip ng mabuti kung nagpa-panic ka.” Ani Alex kaya huminto ako sa paglakad at tumingin sa kanila.“Kailangan nating makahanap ng paraan as soon as possible. Or kung hindi, ako mismo susugod sa building na ‘yon.” Nagkatinginan silang lahat dahil alam nilang seryoso ako at gagawin ko talaga ang bagay na ‘yon.“Give us at least one day. One day to plan everything.” Sabi ni Rozee.
16: Bring him back!-Halos padabog akong pumasok ng kwarto. Makita ko lang ang babaeng ‘yon ay nag-iinit na ang dugo ko. ‘Pag nakahanap ako ng paraan para makalabas dito, iiwan ko talaga siya.“God! Saan ka nanggaling?” Agad na pumasok ng kwarto sila Chloe. Ni hindi nga sila nag-abalang kumatok.“Kay tito Cloud, bakit?” Tumalon si Jennie sa kama ko at saka hinawakan ang kamay ko.“Kinausap ni Xian si Zero but there’s something wrong.”“What do you mean?” Kinakabahang tanong ko. Nagtinginan muna silang tatlo nila Rozee bago ulit sumagot.