Share

Chapter 6: Dad and Son bonding

HABANG nakatanaw sa malayo si Demon, makikita sa mga mata nito ang pananabik na mayakap at makapiling ang anak lalo na rin ang kaniyang asawa. Mayroong ngiti sa labi nito habang pinapanood ang anak na naglalaro ng basketball mag-isa.

Ilang sandali lang ay hindi na siya nakuntento pa at sinimulang ihakbang ang kaniyang mga paa papunta sa direksiyon ng kaniyang anak.

Napahinto ang batang si Darkien nang maramdamang may ibang presensiya malapit sa kinaroroonan niya. Hindi nito itinuloy ang pagshoot ng bola at lumingon sa kaniyang likuran. Sa hindi malamang dahilan, napangiti siya at lumapit sa lalaking hindi niya kilala. Isang metro ang pagitan ng dalawa at nanatiling nakatitig sa isa’t isa na may ngiti sa kanilang labi. Tila masasabing younger version ito ni Demon.

Inangat ng batang si Darkien ang kaniyang dalawang kamay na may dalang bola at pinasa niyo ang bola sa estranghero. Mabilis namang nasalo ni Demon ito at napngiti nang mas malawak pa. Alam niya ang ibig sabihin ng kaniyang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status