Share

Chapter 23: The explosion

NAPAKAPRESKO ng simoy ng hangin lalo na’t napapalibutan ang sementadong daanan ng mga naglalakihan at nagtataasang mga puno. Bagama’t masarap ito sa pakiramdam, nagbabadya naman ang malakas na ulan. Namumuo ang maiitim na ulap sa kalangitan at paunti-unti nitong kinakain ang kabuoan ng magandang liwanag ng araw.

Ang mga pasahero sa nasabing bus ay naglalakad na papunta sa sinabing nature spot. Sa kabila ng mahanging atmospera, makikitaan pa rin sa kanila ang pawis dala sa pagod. Napaghahalataang mga mayayaman sa lipunan.

“Halika rito, baby. Kakargahin kita,” tawag ni Allyce sa kaniyang anak.Umiling lang ito at ngumiti. “Kapag pagod ka na, sabihan mo si mommy, a.”

“Opo!” masaya nitong tugon at patalon-talon sa paglalakad.

Hahabulin na sana ito ni Allyce nang pigilan siya ni Demon. Napatingin agad si Allyce sa pagkahawak nito sa kaniya.

“Hayaan mo muna ang anak natin, mahal.” Nakangiti ito habang nakatitig sa kaniyang mga mata.

Umirap lang si Allyce rito at akmang susundan ang anak
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status