Share

Chapter 20: Off the pride

SA mainit na araw ng Miyerkules, isang kaguluhan ang nagpapainit lalo sa mga iilang batang nanonood sa awayan ng limang kamag-aral sa gilid ng parking lot ng pinapasukang eskwelahan ng mga ito. Ang kaawa-awang batang si Darkien ay walang awang pinagtutulungan ng apat na kamag-aral. Ang mga ito ay kapwa’y kaniyang mga bully na laking mayayaman at spoiled.

Kahit na anong gawing panlalaban ng batang si Darkien ay hindi pa rin niya kayang patumbahin ang apat na mas malaki pa sa kaniya.

“Hindi ka nababagay rito!” sigaw ng matabang bata at dinaganan si Darkien.

“Lampa! Lampa! Lampa!” sigawan ng tatlong kasamahan nito.

Ang matatabang kamao ng nakadagan kay Darkien ay tumatama sa kaniyang namumulang pisngi. Imbis na humiyaw sa sakit ay pilit siyang bumabangon at makaalis sa pagkadagan nito sa kaniya. Nang makahanap ng tyempo ay siya naman ang nasa ibabaw nito at hindi rin mabilang na beses ang pinatama niyang suntok sa matatabang pisngi ng bully.

Malakas na umiyak ang matabang bata at nanghing
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status