Share

Chapter 18: Semi-Family dinner

“Saan po kayo bababa, mam?”

Napabalik sa reyalidad si Allyce nang marinig ang pagtatanong ng taxi driver. Agad siyang napatingin sa rear mirror at nakitang nakatingin sa kaniya ang driver.

“Pasensiya na, manong. Doon lang po, pagkalampas ng malaking punong mangga na ’yon.” Sabay turo ni Allyce sa malaking punong mangga na nakatayo sa gilid ng kalsada.

“Sige po, mam.”

Tumango lang siya at ibinaling ang kaniyang ulo sa bintana. Ang kulay asul at dalandan na kalangitan ay naglalabanan, gayon pa man, ang magwawagi pa rin ay ang kadiliman ng gabi subalit ito'y sisikat ring muli at ang liwanag ang mananaig. Ngayon niya lang napansin na matagal na siyang nakatulala sa kawalan. Iniisip ang mga nangyari at mangyayari. Naguguluhan siya ngayon. Tama lang ang kaniyang ginawa na mag-commute dahil sa lalim ng kaniyang iniisip.

Naramdaman na lang ni Allyce na huminto ang sinasakyan niyang taxi. Napabuga siya ng malalim na hangin bago lumabas ng taxi. Tanaw niya sa kaniyang kinaroroonan ang kaniy
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status