Share

Chapter 3

After four years…

Year 2044.

"Mommy!" Ibinaba ko ang dokumentong aking binabasa nang makita na lumapit sa akin si Ashy. Luhaan ang kan'yang mukha at alam kong handa na siyang magsumbong.

"Si Nash... M-Mommyy! Away... niya ako!" Pumalahaw siya ng iyak kaya umalis ako sa aking upuan at dinaluhan siya. Sumulpot si Nash na nakasimangot.

"Mommy! I just told her that she shouldn't have brought her toys! Napapagod na akong magligpit." Napaiyak na rin si Nash at lumapit siya sa akin. Halos mapasapo ako sa aking noo habang pinapanood ang aking dalawang kambal na anak na mag-iyakan.

Kinarga ko silang dalawa at dumiretso ako sa kuwarto ng aking private plane. Nang makita ako ng aking flight attendant na nahihirapan sa aking pagbubuhat ay sinubukan niyang kuhain si Nash, ngunit mas umiyak lamang ito. Nagkatinginan kami at sabay na napabuntong-hininga.

"Cayer!" I called him.

Bumukas ang pinto na nasa aking harapan at bumungad si Cayer na nakasuot ng pormal na kasuotan. Isang typical na suot ng isang secretary. May suot din siyang eyeglass.

"Tito Cayiii!" Inabot ni Ashy ang kan'yang kamay sa aking secretary. At nakahinga ako nang maluwag nang kinarga ni Cayer ang aking anak. Binalingan ko si Nash at pinalis ko ang kan'yang mga luha.

"Stop crying na, Nash. This is the last time na ikaw ang magliligpit ng laruan ni Ashy, okay?"

"Y-Yes, Mommy," lumuluha pa ring saad ni Nash.

Akmang magsasalita pa ako nang in-announce na ng pilot na malapit na kaming mag-land sa kalupaan. Kaming lahat ay nagtungo sa aming mga upuan at sinigurado ko na maayos ang pagkabuckled ng seatbelts nila Ashy at Nash. Kinabit ko na rin ang akin at matapos ng ilang minuto ay nag-la-land na ang private plane.

"Mommy." Natatakot akong tiningnan ni Ashy kaya marahan ko siyang nginitian. Hinawakan ko ang kan'yang maliit na kamay.

"Mommy's here."

Napangiti rin siya at hinawakan din ang aking kamay.

"Mommy, you told us that there are so many kids sa i-stay-an natin. Where are they po?" Tumingala sa akin si Nash. "I don't have friends po sa Europe kaya I want to have friends here sa Philippines."

Inayos ko ang bahagyang nagulo niyang buhok. "Yes, Nash. Marami kayo magiging kaibigan doon."

"But is it true, Mommy? We... need to pretend l-like we're o-orphans too? Para... hindi kami mapahamak?"

Bumuntong-hininga ako at matagal na hindi nakasagot. "Yes, Ashy."

"It's fine, Mommy." Yayakapin sana ako ni Ashy ngunit may suot siyang seatbelt. "People shay that momish the besh!"

Ngumuso ang aking anak. Halatang nagpapa-cute. "Right, Mommy?"

"Yes, Dear." Napangiti ako. Wala akong choice. Kailangan ko silang itago upang mapanatili silang ligtas. Hindi ko kakayanin kung may mangyayaring masama sa kanila.

"We'll see Dad, right, Mommy?" Sumeryoso si Nash. "I can't wait."

Tiningnan ko lamang siya at tipid na napangiti.

Ang dami na palang nangyari. Parang kahapon lamang ang lahat...

Inalis ko ang seatbelt nila Nash at Ashy nang tuluyang lumapag ang eroplano. Sumilip sila sa bintana at napatili ang babae kong anak nang makita ang isang party na kasalukuyang nagaganap.

"Pero nasaan ang mga bata, Mommy?" takang tanong ni Nash.

"You'll see them later." Binalingan ko si Cayer at tinanguan niya ako.

Pumuwesto na kami malapit sa pintuan. At nang binuksan ng flight attendant ang pinto ay sumalubong sa amin ang takang bulungan ng mga tao.

"Nash... Ashy. Do you remember what I've told before we go here?"

"Yes, Mommy." Proud na ngumiti si Ashy. "You told us that the people here are dangerous."

"Yes, they are."

"And we need to be careful." Si Nash naman ang sumunod.

"Always remember those words, Ashy... Nash."

Tumango lamang ang aking mga anak kaya hinawakan ko na sila sa kanilang kamay. Si Ashy ang nasa aking kanan, habang si Nash naman ang nasa kaliwa. Naglakad na kami patungo sa pintuan.

Narinig ko ang singhapan ng mga tao nang tuluyan nila kaming makita. Madilim akong napangiti at nagsimula na kaming bumaba sa hagdanan.

"For real?! The great Shianna Scarlet Viacera is back?"

"OMG! Siya nga!"

"I can't believe this!"

"Bakit siya bumalik?!"

"This is insane!"

Lumapit sa amin ang napakaraming reporters nang tuluyan kaming makababa. Nilingon ko si Cayer na nasa aking likuran at agad siyang tumango. Pinindot niya ang kan'yang earpiece at may sinabing mga salita. Maya-maya lamang ay lumabas na ang mga batang nahanap ko sa ibang bansa. Some of them are Filipinos, ang iba naman ay may iba nang lahi. Lihim na napatili si Ashy at nilingon niya ako. Nginitian ko siya kaya nagmamadali niyang hinatak si Nash palayo upang sumama sa ibang mga bata.

Simula sa mga oras na ito... Kailangan ko nang magpanggap na wala akong anak. Dahil maraming nakapaligid sa akin na nais akong patumbahin.

Pero batid ko… na hindi ko sila maitatago nang matagal. Kaya habang maaga pa ay dinala ko na sila rito upang malaman nila kung gaano kadelikado ang mundong aking kinagagalawan.

"Shianna!" Nahawi ang press nang lumapit sa akin si Mom, kasama niya ang aking half-brother at ang stepdad ko.

"Bakit ngayon ka lamang nagpakita?!" Akmang sasampalin ako ni Mom nang malamig ko siyang tinitigan. Naputol lamang iyon nang dumating pa ang iba kong mga kamag-anak. Nakita kong lumapit din ang ibang guests. Napansin ko ang lalaking hindi nag-abalang tumingin sa aking direksyon, at lihim akong napangiti nang makilala ang lalaking ito.

Si Vincent.

"Guess what?" Binalik ko ang aking atensyon sa aking mga kamag-anak at sa mga guest. "I'm back."

Yes, nagbalik na ako after four years. At nagbago na rin ako. At sisiguruduhin ko na kayong lahat ay magbabayad.

Kayong lahat na nanakit sa akin at sa aking ama ay magdurusa.

At kahit nasa impyerno na kayo... sisiguruduhin kong magmamakaawa kayong patawarin ko kayo.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status