Share

Chapter 4 (Part 2)

Author: Ryytine
last update Last Updated: 2021-12-07 15:32:47

"Ang buong bansa ay nagulantang matapos magpakita ni Shianna Viacera ng Viacera Clan. Matapos ng apat na taon ay bigla na lamang siyang nagpakita sa grand opening ng Kalinga Charity, ang proyekto na binuo ng mga mayayamang tao. Ngunit habang nangyayari ang party ay isang pag-atake ang naganap—"

Gamit ang remote ay pinatay ng isang misteryosong lalaki ang television na kan'yang kaharap. Bahagyang madilim ang paligid dahilan upang hindi makita ang kan'yang mukha. Hawak niya ang isang shot glass na naglalaman ng isang mamahaling alak.

"Boss, nandito na si Ms. Ybañez."

"Papasukin n'yo siya." Nilapag ng lalaki ang baso sa center table na kan'yang kaharap. Agaw-pansin ang city lights na kitang-kita dahil sa floor to ceiling window ng kan'yang condo unit. Pag-aari niya ang buong gusali na may limampu at limang palapag. At kasalukuyan ay siya lamang ang nakatira rito kasama ang kan'yang mga tauhan na nag-iikot sa buong lugar.

Pumihit pabukas ang pinto ng kan'yang condo unit at bumungad dito si Ms. Ybañez na nakasuot pa rin ng spy suit. Naglakad siya papalapit sa lalaki at yumuko upang magbigay galang.

"You failed," saad ng lalaki.

"Forgive me, sir. But no one expected na ngayon magbabalik si Shianna Viacera."

"Forgiven." Madilim na ngumiti ang lalaki. "You see... I am so happy after finding out that she's back. After all, ilang taon ko ring hinintay ang kan'yang pagbabalik."

Hindi nagsalita si Ms. Ybañez at seryoso lamang na tumingin sa lalaki.

"Ahh. Na-miss ko talaga siya." Mahinang natawa ang lalaki. "Ready yourself. Dahil simula sa mga oras na ito, magiging lubhang nakakatuwa na ang mga mangyayari." Dinampot muli ng lalaki ang shot glass at sumimsim dito. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa isang mamahaling couch at nagtungo sa floor-to-ceiling window. Tinanaw niya ang city lights at maya-maya ay mahina siyang natawa.

"I can't really wait. Gusto ko na talaga siyang makita. That woman... siya lamang ang babaeng nakaagaw ng aking atensyon."

"Do you want me to bring her to you?"

"No." Umiling ang lalaki at uminom ng alak. "Hayaan mo siya. Dahil alam ko na darating ang panahon na magkikita kami. Dahil tadhana na mismo ang maglalapit sa amin."

Ngumiti ang lalaki at bumuntong-hininga.

"Let's see each other soon... Miss Viacera."

Shianna's POV

"Her health is fine. The results of the observation are negative. She's not injured. But she's been in a state of shock that's why she collapsed last night," saad ng doctor habang hawak ang isang clipboard. Nakahalukipkip ako habang seryosong nakatingin kay Lily na siyang kinarga ko kagabi. Tulad ng aking mga anak ay tatlong taon pa lamang din si Lily.

"Thanks, Doc." Binalingan ko siya at ngumiti. "Kailan siya puwedeng ma-discharge?"

"Tomorrow will be fine." Tiningnan niya ang kan'yang clipboard at saka tumikhim. "Well then. I need to go now."

"Thanks, Doc." Tumango lamang siya at lumabas na sa private room. Ilang segundo pa lamang matapos makaalis ng doctor ay pumasok na si Cayer sa kuwarto. Bumuntong-hininga ako at nilingon siya.

"What's the news?" Tumaas ang kilay ko.

"Lahat ay nabigla sa nangyari kagabi, Miss Shian. Sa iba ay masama ang naging epekto nito, ngunit sa iyo ay naging mabuti."

"Ano ang ibig sabihin mo?"

"Ang kuwalipikasyon mo bilang isang kalahok sa kompetisyon ng Kalinga Charity ay tumaas."

Napangiti ako nang marinig ang sinabi niya. Kinagat ko ang aking ibabang labi at mahinang natawa.

"That's good." Hinawi ko ang ilang hibla ng aking buhok na tumabing sa aking mukha. Unti-unting nalusaw ang aking ngiti nang may maalala. "How about the incident last night? May nahanap ka bang trace ni Ms. Ybañez?"

"I am still working with that. Lahat ay pulidong nalinis, Miss Shian. Kahit ang CCTV footages ay na-delete at hindi na maaaring ma-retrieve."

"Ganoon ba?" Bumuntong-hininga ako at sumulyap sa aking wristwatch. It's already ten in the morning. Muli kong binalingan ang batang payapang natutulog. Mabuti na lamang at hindi siya napahamak.

"Hindi pa rin kita pinapatawad, Cayer." Nagtiim-bagang ako. "Sana lamang ay hindi na muling maulit na mapapahamak ang aking mga anak."

"Alam mong imposible iyan, Miss Shian." Bigla kong nilingon si Cayer at nagkatinginan kami. Kinuyom ko ang aking mga kamao at maya-maya ay napahinga na lamang ako nang malalim.

Tama siya. Ako ang nagdala sa mga anak ko rito sa Pilipinas kahit na alam kong delikado. At parehas naming alam na kahit hindi ko sila dalhin dito—mapapahamak pa rin sila kahit ano'ng mangyari.

Dahil anak ko sila.

"The families involved in the party last night want to see you, Miss Shian. Nagpadala rin si Vincent ng email na nagsasabing nais ka niyang makausap."

"Oh?" Kumunot ang noo ko. "Paniguradong ginagawa nila ito dahil kalat na ang balita na hindi magkaayos ang mga mayayamang pamilya. For sure, gagamitin nila ako upang patayin ang balita. Tutal ay nasa akin ngayon ang atensyon ng lahat."

Kinuha ko ang aking bag na nasa sofa ng private room at binalikan si Cayer. Binuksan niya ang pinto ng kuwarto at bago ako tuluyang lumabas ay nilingon ko ang bata. Tila ay saglit na tumakas ang kaluluwa ko mula sa aking katawan nang makitang nakadilat siya.

"Miss Shian?"

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at nang dumilat ako ay nakapikit na muli si Lily. Napabuga ako ng hangin at tuluyan nang naglakad palayo.

Na-i-stress na ba ako? Kung ano-ano na ang nakikita ko.

"Ang mga maleta ko?" tanong ko kay Cayer matapos naming makalabas sa hospital. Sumalubong sa amin ang flashes ng mga camera at ang mga tanong ng mga reporter. Hindi ko na lamang sila pinansin dahil may iba ring mga tao ang nakaagaw ng aking atensyon.

"What the—" Nilingon ko ang mga iilang tao na um-attend sa party kagabi. Akmang lalapitan nila ako ngunit dumiretso na ako sa aking kotse. Sumakay agad si Cayer sa sasakyan at nag-drive siya palayo.

"Ang mga maleta mo ay nauna na sa Kalinga House," tugon ni Cayer sa aking tanong kanina. Sinapo ko ang aking noo at tumanaw sa side window ng kotse.

"Gusto ba talaga akong makita ng mga pamilyang kasali sa charity?"

"Yes." Napangiwi ako sa naging sagot niya.

Matapos ng ilang minuto ay pinarada ni Cayer ang sasakyan sa harapan ng isang engrandeng mansyon. Nauna siyang lumabas sa kotse at pinagbuksan ako ng pinto.

"Miss Shianna! Can we interview you?"

"Miss Viacera!"

Nalukot ang aking mukha at dumiretso sa loob ng mansion. My goodness! Sino ba ang nagpapasok ng mga reporter dito sa mansyon?

"Miss Viacera!"

"Please, say something!"

"Is it true that the families aren't in good terms?"

"Shit!" Napahinto ako sa paglalakad nang tumama ang aking noo sa isang matigas na bagay. Nag-angat ako ng tingin at pinigilan kong manlaki ang aking mga mata nang makilala ang lalaking nabangga ko. Nagtama ang aming paningin at halos manghina ako nang makita ang kan'yang madilim na mga mata.

"Mukha kang nagmamadali, Miss Viacera. Kaya ba hindi mo sinagot ang mensahe na ipinadala ko? I was inviting you to attend a conference with me."

Paano ko sasagutin kung hindi ko naman binasa! At isa pa, kay Cayer ko pinapahawak ang aking emails. Wala rin naman akong pakialam kung mag-message sa akin si Vincent.

"You." Madilim ko siyang tiningnan at tinulak. "Umalis ka sa daanan ko."

Napatitig sa akin si Vincent at maya-maya ay nabalot ng dilim ang kan'yang mukha. Umigting ang kan'yang panga na pinagsawalang-bahala ko. Nilagpasan ko siya ngunit marahas niyang hinawakan ang aking braso. Napasinghap ako at akmang sisigawan siya nang biglang may humablot sa kuwelyo ni Vincent.

"You really love to irritate her, Vincent. Too bad, hindi ko hahayaang basta-basta mo lamang siyang lapitan."

Napalunok ako at habang pinapanood si Cayer na hawakan ang kuwelyo ni Vincent. Naglalabasan ang kan'yang mga ugat at kahit may suot siyang salamin ay kitang-kita ang galit sa kan'yang mukha.

"Oh?" Ngumisi si Vincent. "So you're her knight in shining armor, huh?"

"I am her secretary."

Dinig ko ang bulungan ng mga staff na nakikiusyoso sa nangyayari. Mabuti na lamang at wala sa area na ito ang mga bata. Ang mga reporter din ay nasa labas ng mansion.

At sana ay walang pumasok.

Sinapo ko ang aking noo. My goodness! Anong drama na naman ba ito?

"You see... you keep on bothering Miss Shian. Hindi pa ba sapat ang nangyari noon?"

"And what if I tell you that it's not enough? Are you going to punch me, Cayer?"

"Cayer!" awat ko nang makitang namula na sa galit ang mukha ng secretary ko. Hindi nila ako pinansin kaya madramang bumuntong-hininga ako.

Wow! Hangin na pala ako.

"I know that you'd mastered martial arts. Pero tingin mo ba ay sapat na iyon upang katakutan kita?"

"I am not bragging that fact, Vincent." Lumamig ang mga mata ni Cayer. "But without a question, I know that I can beat you."

"Are you sure? I am the best, Cayer."

Napaatras ako at unti-unting humakbang palayo. Napaigtad ako nang sabay silang lumingon sa akin.

Oh, tingnan mo! Kung kailan ako aalis ay saka naman nila ako papansinin.

Gusto ko lang na makita ang mga anak ko. Bahala sila riyan. Ayoko nang makisali sa usapan nila. Tutal ay hindi naman ako nag-aral ng martial arts. At saka bakit pa ako mag-aaral niyon kung mayaman naman ako?

Puwede akong kumuha ng maraming bodyguards!

"Miss Shian, between Vincent and I, who do you think is the best?"

Humalukipkip ako at nagpasyang lapitan muli sila. Huminto ako sa mismong harapan nila.

"Tingnan n'yo ako," utos ko. Sabay nila akong tiningnan.

"Ano ang nakikita n'yo?" Tumaas ang kilay ko at tiningnan sila sa kanilang mga mata. "Si Shianna ang nakikita n'yo, 'di ba?"

Tipid silang tumango.

"That's right. At ngayon ay nakikita n'yo ang the best na tao na kaharap n'yo ngayon. Kaya don't fight, parehas kayong wala pa sa kalingkingan ko." Mapang-asar akong ngumiti at tinalikuran sila. I flipped my hair at natatawang naglakad palayo. Saglit kong nilingon si Vincent at lihim akong nabigla nang makita ang isang tipid na ngiti sa kan'yang mga labi. Ngunit kahit ganoon, lubhang madilim ang kan'yang mga mata na tila ay isang lawin. Binawi ko ang aking tingin at pasimpleng sumipol.

Ang ngiting 'yon? Ano ang ibig-sabihin nito? At bakit siya nakangiti?

Nanggigigil na ba siya sa akin? O na-realize niyang nakakaaliw ang ginawa ko?

I mentally slapped myself. Itigil mo na ang pag-iisip sa kan'ya, Shianna. Dahil alam mo, na matagal nang nagtapos ang kung anong mayroon kayo—kung mayroon nga ba talaga. Bumalik ako rito sa Pilipinas upang itama ang aking landas na namali ng direksyon. At noong mga oras na iyon, tanggap ko nang kalaban ko si Vincent.

At kung haharang siya sa mga plano ko...

Handa akong pabagsakin siya—kahit na siya pa ang ama ng mga anak ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Crazy Obsession   Chapter 299

    Mrs. Mauricia stood from her seat. Gayundin si Nero na napatingin kay Judas. Nagkatinginan ang dalawa at madilim na ngumiti si Nero habang si Judas ay nang-uuyam siyang nginitian. Shianna walked to them at lumapit kay Kael na nagbabasa ng diyaryo habang nakadekuwatro sa couch. Nilapag nito ang diyaryo sa kan'yang tabi at naglabas ng isang pakete ng sigarilyo. Kumuha siya ng isang yosi at sinindihan ito. The large had four long couches. Nasa front side si Kael at nasa left side naman si Nero at Mauricia. Across Kael's seat where were Shianna and Ivana were seated. Katabi naman ni Cayer si Judas on the right side.Isa-isa munang tiningnan ni Kael ang lahat bago nagsalita. Inilabas niya ang isang sealed plastic bag from his coat at ipinakita ito sa lahat. Kumunot ang noo ni Shianna nang makita ang itin na panyo. Sunod na inilabas ni Kael ang sealed bag na may strands of hair. "These two had matched. I did a DNA test and it's positive. It matched Violet.""So what to do with that black ha

  • The Billionaire's Crazy Obsession   Chapter 298

    Pinulot ni Judas ang evidences na nasa table at napahawak sa kan'yang baba nang pinagmasdan niya ang mga ito. Kumunot ang kan'yang noo at seryosong tiningnan si Shianna. "Saan niyo nakuha ang mga 'to? These papers" —sinulyapan niya ang mga papeles na nasa table, sunod ay ang larawan— "and these photos. Ebidensya ang lahat ng ito! Who owned these?" He licked his lips at napailing. Nilapag niya ang mga larawan at hinarap si Shianna na kay Ivana naman ang atensyon. Kinagat ni Ivana ang kan'yang labi at napabuntong-hininga. Diretso niyang tiningnan si Judas sa mga mata. "Ako ang kumuha ng mga litratong iyon at ng documents. I got those from Blanco Corporation na nasunog kanina lamang."Natahimik si Judas at sinulyapan si Cayer. Cayer was his mother's secretary. Although nagulat siya na makita itong kasama pa rin ni Shianna, wala naman dito ang atensyon niya. Wala rin siyang balak sabihin kay Harriet ang totoo. Mapapahamak lang si Shianna kung sakali."I'll be honest." Namulsa si Judas. "V

  • The Billionaire's Crazy Obsession   Chapter 297

    "Nagkasunog daw sa Blanco Corporation?"Napaangat ng tingin si Lorah matapos marinig ang sinabi ni Judas. Kasalukuyan siyang nasa kusina at nag-aalmusal. Alas-kuwatro pa lamang nang umaga ngunit nakaligo na siya at mag-aalmusal na lamang. Umupo si Judas sa metal chair sa harapan ng counter at nilingon si Lorah na parang walang narinig. Judas smirked. "I heard you have a meeting with Violet Fascis? Ano'ng pinag-usapan n'yo?""It's none of your business." Nagsalubong ang mga kilay ni Lorah at uminom ng malamig na tubig. Nilingon niya si Judas. "What the hell is happening to you? Pati ba naman meeting ko with Violet ay pinapakialaman mo.""That's because Violet Fascis is Sullian's cousin?" Kumunot ang noo ni Judas at sinulyapan ang kasambahay na naglagay ng breakfast sa harapan niya. "You know the Fascis reputation at tayo rin ang nag-lead ng laban against sa kanila. So you don't have reasons to talk with her—"Galit na ibinagsak ni Lorah ang kutsara sa counter at nagtitimpi na pinagmasd

  • The Billionaire's Crazy Obsession   Chapter 296

    Ivana covered her mouth. Napalingon siya sa pinto nang marinig ang sunod-sunod na yapak papalapit. Halos mapatili siya sa takot at dali-daling dinampot ang phone at pinatay ang tawag. Napalunok siya at nagtago sa gilid ng pinto. Ang pintig ng kan'yang puso ay rinig na rinig. Tumutulo ang pawis niya sa kan'yang leeg habang pinapakinggan ang yapak na nagtungo malapit sa pinto. Niyakap niya ang phone at taimtim na nagdasal na sana ay hindi pumasok si Violet sa silid.Pero parang hindi pa siya pinapatawad ng langit sa nagawa niyang kasalanan dahil mabagal na nagbukas ang pinto. Halos manigas si Ivana sa takot nang tuluyang bumukas ang pinto. Mas tinakpan niya ang bibig at tumigil sa paghinga. Titig na titig siya sa babaeng nasa harapan niya. Dahil nasa likod siya ng pinto, hindi pa siya nakikita ni Violet.Para kay Ivana, mas nakakatakot pa ang sitwasyong ito kaysa noong nalaman ng parents niya na kabit siya ni Dmitri. Ivana didn't know Violet. Ang mas kinakatakot niya ay kamag-anak ito n

  • The Billionaire's Crazy Obsession   Chapter 295

    Careful and slowly, Ivana got out of the office. Since Violet was using flashlight, hindi siya nahihirapang sundan ito. Ang tanging problema lang ay nahihirapan siyang mangapa sa dilim dahil ang daanan niya ay hindi na naiilawan.Violet used an elevator na siyang ikinahinto ni Ivana sa paglalakad. Using the other elevator, she opened it a little later. She waited for a bit and when it opened, nauuna na si Violet sa paglalakad. Hindi pa rin nito napapansin si Ivana na kanina pa nakasunod. Due to Ivana always escaping her parents kapag kailangan, nasanay na siyang kumilos nang halos walang nagagawang anumang ingay.Violet continued walking until she reached the end of an hallway which was the way to the backdoor. Nagtago si Ivana sa dilim nang lumingon si Violet sa kan'yang direksyon. Violet went outside. Nang makalabas ay saka sumilip si Ivana sa pinto. She saw Violet touching a wall. Mayamaya lamang ay isang tunog ng pagkaskas ang pumainlang nang ang bahagi nv dingding ay nag-slide pa

  • The Billionaire's Crazy Obsession   Chapter 294

    "Violet Fascis?" ang tanong ni Ivana matapos marinig ang sinabi ng kan'yang kapatid. Nakangusong tumango si Carolina at hinarap ang kan'yang ate."Yes. At after they talked, an announcement that Papa bought the Blanco Corporation was revealed. Knowing that kamag-anak ni Sullian ang dating C.E.O ng Blanco Corporation, tayo siyempre ang mapapasama. Para tayong mga supporter ng kriminal." Umirap si Carolina. "Gosh, gusto ko ns talagang lumayas sa pamilya na ito."Inis na nagdabog si Carolina at lumabas sa office ni Victor. Meanwhile, Ivana bit her lip at gumawa ng isang desisyon sa kan'yang isipan. Ten o'clock in the evening. Ivana was wearing black hat and black long trench coat. Nasa labas siya ng Blanco Corporation na sarado na ngayon. She had to be careful though, dahil naglilibot na ang mga guwardiya ngayong oras. Makakaabot sa kan'yang ama ang balita na nag-espiya siya kung siya'y sakaling mahuli siya.Aurelius family was the one of the most prestigious families. Although

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status