Share

CHAPTER 4

Parang biglang nag-slow motion lahat ng nasa paligid ni Sabrina nang marinig niya ang sinabi ni Matthew. Pakiramdam niya, pati ang bosesng binata ay nag-slow motion na rin dahil sa sakit na unti-unting bumabangon mula sa kanyang kaibuturan.

"Hoy! Naririnig mo ba ako?" tanong ni Matthew sa kanya na siyang nagpagising sa kanyang damdamin na unti-unti nang sinasaksak ng sakit na naidulot nito sa kanya.

"O-oo naman!" sagot naman niya sabay ngiti kahit na nasasaktan na siya.

"Eh, mukhang hindi naman, ah!" 

"Nakikinig kaya ako," pagrarason pa niya.

"Eh, bakit mukhang hindi ka masaya para sa akin?"

Diretsong napatingin siya sa mga mata ng kanyang kaibigan at nang makita niya ang lungkot sa mga mata nito dahil sa napuna nito sa kanya ay agad naman niyang pilit na pinapasaya ang kanyang sarili kahit na parang ayaw na niya.

"Ano ka ba? Siyempre, masaya ako para saýo," aniya saka niya hinawakan ang kaibigan sa balikat nito, "Pero, mas magiging masaya ako kapag tinanggap na ng girlfriend mo ang magiging proposal mo," dagdag pa niya saka siya sapilitang napangiti.

Hinawakan naman ni Matthew ang kanyang kamay saka ito mataman siyang pinagmasdan sa kanyang mga mata.

"Ang swerte ko dahil ikaw ang naging kaibigan ko," maaliawalas nitong saad, "Ang hiling ko lang sana ay makakatagpo ka ng lalaking mamahalin ka nang walang pag-aalinlangan, mamahalin ka ng buong-buo at walangg duda," madamdaming pahayag ng binata habang ang kalooban naman niya ay lihim na nasasaktan dahil para bang sinasabi na rin ni Matthew sa kanya na kahit kailan ay wala talaga sa isipan nito ang mahalin siya nang higit pa sa isang kaibigan kagaya ng kanyang ginagagawa ngayon.

Lihim niyang minamahal ang kanyang kaibigan nang higit pa sa isang kaibigan magmula pa noong matuto siyang magkakagusto.

"Ang drama mo naman!" nakangiti niyang saad, "Anong meron saýo ngayon at bakit ganyan ka kung makapagdrama?" tanong pa niya sabay pasimpleng binawi ang kanyang kamay na hawak-hawak nito.

"Naisip ko lang kasi na kapag nag-asawa na ako, wala nang mag-aalaga saýo kapag broken hearted ka kagaya noon. Wala nang dadamay saýo kapag nasasaktan ka."

Hindi niya naiwasan ang kanyang sariling napatitig sa kanyang kaibigang napakaseryosong binitiwan ang mga katagang ýon. Ganito kasi sa kanya noon ang binata, kapag nasasaktan siya noon dahil sa kanyang nobyo ay si Matthew talaga ang naging sandalan at naging takbuhan niya noon na siyang isa sa mga naging dahilan kung bakit mas lalo siyang nahuhulog dito kahit na anong pigil niya sa kanyang sarili.

"Ano ka ba, iba na noon kaysa ngayon kaya aasahan mong hindi na ako iiyak nang dahil lang sa isang lalaki. Kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko, no?" aniya habang pilit niyang pinapakalma ang kanyang sariling damdamin.

"Mas mabuting isipin mo ang sarili mo kaysa sa akin lalo na ngayong may balak ka nang mag-aasawa. Ano na lang ang iisipin ni Alheia kung sa akin ka pa rin magfo-focus," matabang niyang saad kahit na ang totoo ay gusto talaga niyang sasabihin na hindi na baleng may asawa na ang binata ay pwede pa naman siya nito damayan kung sakali mang kailangan niya ng karamay dahil wala namang masama kung magbibigay ka lang naman ng atensiyon kahit saglit lang para naman kahit papaano ay mapapagaan mo ang nararamdaman ng iyong kaibigan.

Kaibigan siya nito magmula pa noong mga bata pa sila kaya maiintindihan naman siguro siya ni Alheia kung sakali mang mangangailangan pa siya ng oras at atensiyon ni Matthew pero kakayanin pa kaya niyang makita ang binata kung masaya na ito sa piling ng ibang babae? Baka mas gugustuhin na lamang niya siguro ang magpakalayo-layo na lamang kaysa naman magtiis sa sakit na maari nitong maidudulot sa kanya kung sakali man.

"Hindi kita mahahatid ngayon kasi may dinner date kami ni Alheia," saad ni Matthew kay Sabrina ng gabing ýon habang abala siya sa harapan ng kanyang computer, nag-e-encode ng mga important documents ng kompanya.

Napaangat siya ng mukha saka siya diretsong napatingin sa kanyang kaibigan at nakita niya ang paawa effect na nasa mukha nito ng mga sandaling ýon.

Nakasanayan na kasi nilang dalawa na sabay na sila lumalabas ng kompanya para umuwi. Bago ito didiretso sa bahay ng mga ito ay idadaan muna siya sa kanilang bahay para daw magiging kampante itong safe siya sa kanyang pag-uwi.

Mula ng magtrabaho siya sa kompanya nina Matthew ay talagang hindi siya nito pinayagang mag-commute lang dahil iniisip nito ang kanyang magiging kaligtasan lalo na at babae pa naman siya pero iba na ngayon. Kaya na siya nitong iwan at baliwalain dahil sa nobya nito, dahil kay Alheia pero may magagawa pa ba siya para sa bagay na ýon?

Kaibigan lang siya ng binata habang si Alheia naman ay nobya kaya kung tutuusin, wala siyang kalaban-laban. Wala siyang lugar sa buhay ni Matthew maliban sa pagiging kaibigan lamang.

"Okay lang. Ano ka ba? Walang problema sa'kin ýon," nakangiti niyang saad at napangiti naman ang binata sabay pakawala ng isang buntong-hininga.

"Hayaan mo, sasabihan ko si Mang Karding na ihahatid ka mamaya kapag uuwi ka na," sabi pa nito.

"Huwag na para naman mas maagang makapagpahinga si Mang Karding. Kawawa naman ýong matanda," agad naman niyang tanggi pero talagang matigas ang ulo ni Matthew kapag hindi nasusunod ang gusto nito.

"Hindi ako makakatulog nang mahimbing mamaya kung hindi ko naman matitiyak kung safe lang ba ang pag-uwi mo."

"Hayaan mo, kapag nakauwi na ako tatawagan kita o ite-text kita para sabihing okay lang ang pag-uwi ko," sabi niya.

"Basta, ipapahatid talaga kita kay Mang Karding mamaya para naman mapanatag ang kalooban ko," pagpupumilit pa ng binata kaya wala na siyang nagawa pa kundi ang tumahimik na lamang at hayaan ito sa kung ano ang gusto nitong mangyari.

Naunang umalis ng kompanya ang binata habang si Sabrina naman ay naiwan habang tinatapos ang kanyang ginagawa. Nagpaalam na rin ang iba pa niyang katrabaho para mauna na ring umuwi.

Makalipas ang ilang sandali ay napatigil na lamang siya ng biglang tumunog ang kanyang phone. Isang notification ang kanyang natanggap mula sa isang social media kung saan naka-follow siya sa active account ng kanyang kaibigan at nang buksan niya ang kanyang phone ay saka lang tumambad sa kanyang harapan ang picture ng binata habang nakangiting kasama si Alheia sa isang sikat na restaurant habang ang nasa gitna ng mga ito ay mga in-order na pagkaing nakapatong sa ibabaw ng mesa.

Muling nadurog ang kanyang puso nang makita niya at mapagmasdan ang matamis na ngiti ng kanyang kaibigan habang ibang babae ang kasama nito at hindi siya.

"Sa totoo lang, balak ko nang mag-propose sa kanya." naaalala niyang sabi sa kanya ni Matthew.

Nabitawan niya ang hawak niyang phone saka siya napapikit at sa hindi niya sinasadyang pagkakataon ay dahan-dahan na umagos ang kanyang mga luha dahil muli na naman niyang nararamdaman ang sakit na kanyang naramdaman nang ipakilala ni Matthew sa kanila si Alheia nang gabi kung saan inaasahan talaga niyang sasabihin na ng kanilang mga magulang na silang dalawa talaga ang nais ng mga itong magkatuluyan habang-buhay.

Napasandal siya sa sandalan ng kanyang swevil chair habang nanatiling umaagos ang kanyang mga luha.

Masaya na si Matthew at kitang-kita naman niya iyon kaya kailangan pa ba niyang umasa na magkakaroon din siya ng pag-asang mapansin ng kanyang kaibigan o ito na 'yong tamang pagkakataon para kalimutan na ang kung anumang nararamdaman niya para sa binata?

Napahinto saglit si Sabrina sa kanyang paglalakad palabas ng kompanya nang makita niya mula sa labas si Mang Karding na mukhang naghihintay pa talaga para sa kanyang pag-uwi. Talagang tinupad ni Matthew ang sinabi nitong ipapahatid siya sa family driver ng mga ito.

"Mang Karding, bakit hindi na kayo umuwi?" tanong niya sa matanda at napangiti naman ito ng matamis nang makita siya.

"Bilin kasi sa akin ni Matthew na ihatid ka kaya hindi pa ako nakauwi," sagot naman ng matanda saka siya nito ipinagbukas ng pintuan ng sasakyan.

"Kaya ko naman, ho ang mag-isang umuwi. Isa pa, maaga pa naman kaya alam kong ligtas pa rin ako makakauwi," pahayag niya.

"Hayaan mo na. Nag-aalala lang talaga si Matthew saýo."

Wala na siyang ibang nasabi pa kundi ang tumahimik na lamang dahil kahit na anong gawin niya ay wala na siyang magagawa pa. Heto na si Mang Karding at naghihintay sa kanya.

"Ihahatid na kita," magiliw na saad ng matanda na agad naman niyang sinunod para lang makauwi na ito kaagad.

"Ang buong akala ko talaga ay ikaw ang type ni Matthew," biglang pahayag ni Mang Karding habang abala na ito sa pagmamaneho.

Napatingin naman siya sa matanda sa rear-view mirror dahil nagtataka naman siya kung bakit nasabi iyon ni Mang Karding.

"Sobra kasi siyang mag-aalala para sa kaligtasan mo kaya nasabi ko na rin sa sarili kong may gusto siya saýo. Hindi ko akalain na ibang babae pala ang type niya," dagdag pa nito at kahit mapait sa kanyang kalooban ay pinilit pa rin niya ang ngumiti para lang maipakita niya sa lahat na hindi niya apektado, na hindi siya nasasaktan sa kaalamang hindi siya ang mahal ni Matthew.

"Mang Karding, magkaibigan lang kami ni Matthew at hanggang du'n lang ýon."

"Eh, para saýo kaibigan mo lang ba talaga siya?"

Sandaling natahimik siya sa naging tanong ni Mang Karding. Pati ba ito ay nararamdaman na rin na may lihim siyang pagtingin sa kaibigan? Pero, bakit si Matthew, ang lalaking naging dahilan ng pagtibok ng kanyang puso ay hindi dama ýon? Hindi nga ba napansin ng binata ang tunay niyang nararamdaman para rito o sadyang naging manhid lang ito pagdating sa kanyang damdamin?

"Ano bang klaseng tanong ýan, Mang Karding? Siyempre naman! Kaibigan lang din ang tingin ko sa kanya," pagsisinungaling pa niya kahit na may agam-agam na siyang alam ng matanda kung ano nga ba ang tunay na laman ng kanyang puso.

"Alam mo, Brin. Wala namang masama kung aaminin mo sa kanya ang totoo."

Napatingin siya sa labas ng bintana habang si Mang Karding naman ay patuloy na nagsasalita na parang pinapangaralan siya nito sa mga bagay na nararapat niyang gawin.

"Walang masama kung sasabihin mo sa kanya ang tungkol sa nararamdaman mo para sa kanya. Nagpakatotoo ka lang, ýon ang mahalaga," dagdag pa nito habang pasimple siya nitong sinisilip sa rear-view mirror ng mga sandaling ýon habang abala ang mga kamay nito sa pagmamaneho.

"Natatakot ako, Mang Karding dahil kapag nagtapat ako baka lalayuan na niya ako, itatakwil bilang isang kaibigan niya kaya hangga't kaya ko, itatago ko na lang ang nararamdaman ko para sa kanya," pahayag niya habang nakatingin siya sa labas ng sasakyan habang may mapait na ngiti sa gilid ng kanyang mga labi.

Kung hindi man mapapasakanya ang kaibigan, mas okay na rin sigurong habang-buhay ay magiging kaibigan niya ito. Alam niyang matatanggap din niya ang katoohanang kahit na anong gawin niya ay hanggang kaibigan lang talaga siya ni Maatthew!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status