Share

Chapter 3

Author: Tearsxme
last update Last Updated: 2021-12-02 21:51:22

Nagtatakang napatingin si Matthew sa kanyang ina nang wala pa rin silang natanggap na tugon mula rito. Talagang nabigla ito sa kanyang dalang balita, hindi naman kasi pumasok sa kanyang isipan na ganu'n pala ang magiging epekto ng balitang 'yon sa kanyang pamilya.

"Ma?" tawag niya sa ginang habang ang lahat ng nandu'n ay kakaibang atmosphere na ang nararamdaman sa kanilang paligid na unti-unting bumabalot sa kanilang lahat.

Napatingin si Sabrina sa ginang at nang makita niya ang mahigpit na pagkakahawak nito sa basong may lamang tubig ay nagmamadaling agad niya itong nilapitan saka niya hinawakan ang kamay nitong nakahawak sa may baso.

"Tita," tawag niya rito na siyang nagpagising sa diwa ng ginang.

Napangiti siya nang kaytamis nang napatingala ito sa kanya.

At nang makita ng ginang ang matamis niyang ngiti ay saka ito parang nagising mula sa mahimbing na pagkakatulog at agad itong napatingin sa kanilanv lahat.

Nang makita nito ang anak habang katabi nito si Alheia na ipinakilala nitong girlfriend ay agad itong napangiti at pinasigla ang mukha.

Mabilis itong napatayo sabay lakad palapit kina Matthew.

"Hi!" bati nito kay Alheia habang si Sabrina naman ay lihim na napatingin sa kanyang kamay na agad tinabig nang bahagya ng ginang nang tumayo ito upang lapitan sina Matthew at Alheia. Nakaramdam siya nang konting pagkadismaya sa ginawa ng ginang dahil pakiramdam niya ay wala na siyang halaga para rito dahil may nobya na ang anak nito.

"Alheia, right?" tankbg nito sabay lahad ng kanan nitong palad sa harapan ng nobya ng anak.

"Yes po, tita. Alheia Marquez," pagpapakilala ng dalaga sabay magiliw na tinanggap ang palad ng ginang.

"Pasensiya ka na sa naging reaksiyon ko kanina, huh. Talagang nabigla lang ako. Itong anak ko kasi, mula nang nagkaroon ng wastong pag-iisip 'yan, ngayon pa lang talaga may ipinakilalang nobya sa amin," nakangiti nitong pahayag na siya namang lihim na ikinatuwa ni Matthew dahil buong akala niya ay hindi gusto ng kanyang ina ang pagkakaroon niya ng nobya.

"Okay lang po 'yon, tita. Naiintindihan ko po kayo," mahinhin na saad ng dalaga. "Ah, siyanga po pala. Para po sa inyo," sabi nito sabay abot sa dala nitong paper bag sa ginang.

"Regalo ko po para sa inyo," dagdag pa nito at napangiti naman ng kaylaki-laki ang ginang nang tanggapin nito ang paper bag na inabot ni Alheia.

"Hay, naku! Nag-abala ka pa," sabi nito, "Ikaw naman kasi, Matthew hindi mo man lang sinuway 'tong girlfriend mo na huwag na siyang mag-abala pa," baling ng ginang sa anak.

Natutuwang lumakad palapit ang binata papunta sa kinatatayuan ng kanyang ina saka niya ito inakbayan.

"Nahihiya kasi siyang dumalo sa kaarawan niyo nang wala man lang siyang maibigay kaya 'yon, I let her buy her gift for you pero kung ayaw mo sa gift niya, I am willing to accept it," pagbibiro ng binata na siyang nagpatawa sa lahat nang nandu'n pati na si Sabrina kahit na nadudurog na ang kanyang puso.

"Ano ka? Para sa akin 'to tapos kukunin mo?"

"Kung ayaw niyo lang naman," pagtatama nito sabay ngiti sa ina.

"Mapapasma talaga tayo kapag ipinagpatuloy niyo pa ang pag-uusap niyo diyan," singit naman ni Arturo sa kanyang mag-ina.

"Nagseselos ang Papa mo," pagbibiro ni Olivia.

"Hayaan niyo po, Pa. Bibili kami ng maganda kong nobya nang para sa'yo," masayang saad ng binata sabay akbay kay Alheia.

"Ano ka ba, nakakahiya," pabulong na saway sa kanya ng nobya habang pasimple nitong tinatanggal ang kanyang brasong nakaakbay sa batok nito.

"Umupo na nga kaya kayo para makakain na tayo," sabi ni Arturo na agad namang sinang-ayunan ng asawa nito.

"Halika, dito ka sa tabi ko umupo," aya ni Olivia sa nobya ng kanyang saka niya ito inalalayang makaupo.

Umalis din naman si Sabrina mula sa kanyang kinatatayuan sa may bandang likuran ng upuan ng ginang saka siya lumapit sa umupuan na okupado niya kanina kung saan katabi niya ang kanyang kaibigan.

Napagitnaan nilang dalawa ni Alheia si Matthew habang nasa kabilang gilid naman niya ang kanyang ina na kanina pa siya pinapakiramdaman sa bawat kilos niya.

"Kumain ka, huwag kang mahiya," sabi ni Arturo kay Alheia.

"Thank you po," nakangiti nitong saad, "Tita, heto po. Masustansiya po 'to. Maganda 'to sa kalusugan niyo po," baling nito kay Olivia habang sinasalinan nito ng ulam ang ginang.

Hindi naman naiwasan ng ginang na mapatingin sa dalaga habang giliw na giliw ito sa ginagawang pagse-serve sa kanya ng mga sandaling 'yon.

Nakatingin naman ang lahat kay Alheia na para bang hindi inaasahan sa mga naging aksiyon nito.

"Ano bang trabaho mo?" tanong ni Olivia, "Ano kasi, alam na alam niya kung masustansiya ba ang pagkaing 'to," dagdag ng ginang nang mapansin nito ang pagtataka ng lahat kung bakit naitanong nito ang tungkol sa trabaho ni Alheia.

"Ma, doktor po siya." Si Matthew na ang sumagot sa tanong ng ina.

"Talaga? Alam mo bang pangarap din ni Matthew ang maging doktor noon?"

Napaawang ang mga labi ni Alheia nang marinig niya ang tungkol sa bagay na 'yon.

Oo, pangarap ng binata ang maging doktor sana noon kaso dahil may takot ito sa dugo ay hindi na ito sumugal. Mas pinili na lamang nito ang sundan ang yakak ng ama.

Ang pagiging negosyante!

"Talaga po?" manghang tanong ng dalaga. "Bakit hindi ko alam ang tungkol du'n?" baling nito sa katabi nitong si Matthew.

"Eh, hindi naman ako naging doktor kaya hindi na kailangan pang ungkatin ang bagay na 'yon," katwiran ng nobyo.

"Hayaan mo, kung gusto mong makahagip ng maraming kaalaman tungkol sa kanya, pwede mo 'kong tanungin anytime."

"Talaga po, Tita?"

"Yes, of course!" maagap na sagot ng ginang.

"Thank you so much po," masiglang tugon ni Alheia sabay hawak sa palad ng ginang.

Napatingin si Sabrina sa kanyang palad na nakapatong sa ibabaw ng kanyang mga hita nang maramdaman niya ang patagong pagdantay ng palad ng kanyang sariling ina.

Napangiti ito sa kanya nang napatingin siya sa mga mata nito na para bang sinasabi nitong okay lang 'yan, life must go on.

Gustong-gusto man niya ang umiyak sa harapan nito pero hindi niya magawa dahil sa takot na baka kung ano na lamang ang iisipin ng lahat sa kanya.

Kaya imbes na umiyak ay pinilit na lamang niya ang ngumiti upang iparating sa ina na okay lang siya kahit ang totoo, wasak na wasak na siya sa kaloob-looban.

"Oh, pa'no ihahatid ko na muna si Alheia sa kanila dahil hindi siya maaaring mapuyat dahil may duty pa siya," paalam ni Matthew sa mga ito matapos silang kumain at nasa labas na sila ng hotel para na rin makauwi.

"Tita, happy birthday po ulit," sabi nito kay Olivia.

"Ow! Thank you," maagap na sagot ng ginang.

"Tito, thank you din po," baling nito sa ama ng nobyo.

"You can see us again if you are free," sabi naman ni Arturo.

"Soon po kapag hindi na po ako busy sa hospital," tugon nito, "Alis na po kami," baling nito kina Sabrina.

"Sige, ingat," sagot naman ni Sylvia pati na ang kanyang asawa at si Sabrina.

"Budz, maaga ka bukas, huh?" bilin ni Matthew sa kaibigan na lingid sa kanyang kaalaman ay kanina pa pala durog na durog ang damdamin.

"Oo naman! Kailan ba ako na-late?" pagbibiro ng dalaga sabay ngiti nang matamis kahit na ang pait-pait na ng kanyang nararamdaman lalo na nang humawak sa braso nito ang nobya.

"Oh, siya. Mauna na kami," paalam ng binata saka ito agad na binuksan ang pintuan ng sasakyan nito sa bandang katabi ng driver seat at saka niya inalalayan ang nobyang makapasok nang maayos sa loob.

Pagkatapos ay agad din itong lumapit sa bandang driver seat saka nito binuksan ang pintuan at bago pa man ito tuluyang pumasok sa loob ay napatingin muna ito sa kanila sabay kaway.

Kumaway ang dalawang ginang at kahit na labag man sa kalooban ni Sabrina ay napakaway na rin siya.

Nang nawala na sa kanilang harapan ang sasakyan ng binata ay namayani ang katahimikan sa kanilang lima at ang tanging ingay na lamang galing sa dumadaang mga sasakyan pati na ang ingay na likha ng mga taong nasa paligid ang kanilang naririnig.

"Oh, pa'no alis na rin kami," basag ni Roman sa katahimkang namagitan sa kanilang lima.

"Mas mabuti pa nga para naman makapagpahinga na rin tayong lahat," saad naman ni Arturo.

"Alis na kami, Mars. Salamat sa pag-imbita niyo sa amin," magiliw na saad ni Sylvia sa kaibigan.

"Tita, salamat po. Happy birthday po again," sabi naman ni Sabrina, "Alis na po kami," dagdag ng dalaga at nang sasakay na sana sila sa kanilang sasakyan ay agad na tinawag ni Olivia ang dalaga.

Agad namang napahinto si Sabrina sabay lingon sa ginang. Mabilis na lumapit ito sa kanya at walang babalang niyakap siya nito nang mahigpit.

"Sana maintindihan mo ako kung bakit ganu'n ang naging trato ko kay Alheia, ayaw ko kasing masaktan ang anak ko," sabi nito habang yakap-yakap siya nito na para bang inaalo.

"Ano ba kayo, tita. Okay lang po ako. Walang problema sa'kin 'yon," pagsisinungaling niya nang kasabay nang pagkalas niya mula sa pagkakayakap sa kanya ng ginang.

"Kahit ako, nabigla sa nangyari. Pero, hiling ko pa rin na mahuhulog sa'yo si Matthew dahil ikaw talaga ang gusto kong makatuluyan niya," litanya ni Olivia habang hinahaplos-haplos niya ang pisngi ng dalaga.

"Tita, huwag niyo ho akong problemahi dahil okay lang po talaga ako. Masaya po ako para kay Matthew. Kung saan ho siya masaya, suportado ko po siya at sana, ganu'n din kayo sa kanya," nakangiting pahayag ng dalaga at hindi alam ng ginang kung ano ang dapat nitong mararamdaman.

Masaya siya kahit papaano dahil sa wakas, umibig na rin ang kanyang anak pero aminado siyang na-disappoint siya nang malamang hindi si Sabrina ang babaeng nagugustuhan nito.

Nalulungkot at nasasaktan din siya para kay Sabrina dahil kahit wala mang sinasabi ang dalaga sa kanila, ramdam niyang may lihim itong  pagtingin sa kanyang binata at alam din niyang lihim itong nasasaktan ngayon dahil sa balitang inihatid sa kanila ni Matthew mismo.

Pero, wala na siyang magagawa tungkol sa bagay na 'yon dahil ang pangako nilang mag-asawa, kung sino man ang mamahalin ng kanilang anak ay labas na sila du'n. Hindi na sila mangingialam sa bagay na 'yon.

Nang nakauwi sa bahay ay mas pinili na lamang nina Sylvia at Roman na hayaan muna si Sabrina nang dumiretso ito sa kwarto nito matapos itong magpaalam na magpapahinga na.

Malalapad na ngiti ang ipinapakita ng anak sa kanila pero ramdam nila ang sakit na bumabalot sa puso nito, ayaw lang nitong umamin sa kanilang harapan.

Hanggang awa na lamang ang kanilang magagawa sa ngayon para sa anak pero alam nilang makakayanin din itong lagpasin ng dalaga. Malaki ang tiwala nila kay Sabrina!

Nang gabing 'yon ay walang ibang ginawa si Sabrina kundi ang umiyak na lamang. Kahit na pilitin man niyang pigilan ang mga luha ay sadyang hindi niya kaya dahil gusto talaga nitong lumabas mula sa kanyang mga mata.

Masakit para sa kanya ang malamang ang lalaking minahal niya sa loob ng ilang taon ay may ibang babaeng mahal na ngayon.

Ano pa nga ba ang kanyang magagawa maliban sa pag-iyak? Wala na. Kailangan niyang tiisin ang sakit at sikaping ipakitang okay lang siya at talagang masaya siya para sa kaibigan kahit hindi naman talaga.

"Ano? Maganda ba ang girlfriend ko?" nakangiting tanong ni Matthew sa kanya kinabukasan nang magkita sila sa loob ng kompanya nito.

"Oo naman! Bagay nga kayo, eh," tugon niya kahit na iba ang sinasabi ng kanyang kalooban.

"Really?!"

"Kailan ba ako nagsinungaling sa'yo?" balik niyang tanong.

Masiglang napalapit sa kanya ang binata saka siya nito inakbayan.

"Sa totoo lang, balak ko nang mag-propose sa kanya."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Bestfriend, My Lover   CHAPTER 22

    Inabutan ni Leo si Sabrina ng mineral water habang nakaupo ito sa isang bench para pakalmahin ang sarili. Umiiyak pa rin ito pero hindi na katulad kanina. Kumalma na ito ng konti.Agad naman nitong tinanggap ang inabot niyang bote ng mineral water habang nakatuon ang mga mata nito sa unahan.Umupo siya sa tabi nito habang pinakikiramdaman niya ang bawat kilos nito. Mabuti na lang at nasdaanan niya ito kaninang naglalakad pauwi kaya naisipan niyang sundan ito at sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nakita niya kung papaano ito sinubukang saktan ng isang lalaki. ngNi-report na rin nila ang tungkol sa nasabing lalaki at inaasikaso na ito ng mga pulis para maagapan at hindi na makapanakit pa ng ibang tao lalo na ng babae.“Sigurado ka bang okay ka na?” nag-aalala niyang tanong dito nang maihatid na niya ito sa tapat ng bahay nito. Marahan namang napatango si Sabrina bilang tugon sa naging tanong niya rito. Gusto pa sana niyang maniguro sa kalagayan nito pero wala na siyang nagawa dahil na

  • My Bestfriend, My Lover   CHAPTER 21

    Matapos ang eksenang ‘yon ay ganu’n pa rin ang pakikitungo ni Matthew sa kanyang asawa at para maging malinis ang pangalan niya sa mga mata ng kanyang pamilya ay ipinalabas nilang hiwalay na silang dalawa ni Alheia. May mga naniniwala pero mayroon ding hindi naniniwala. Kinausap nilang dalawa si Alheia patungkol sa bagay na ‘yon at agad din naman itong pumayag dahil sa pangako ni Matthew na pagkatapos ng tatlong buwan ay pakakasalan siya nito.Masayang-masaya si Alheia para du’n habang si Sabrina ay tahimik lang na nakikinig sa gilid habang ang puso ay palihim na nawawasak. Pero, dahil mahal niya ang kaibigan ay kailangan niyang tiisin ang sakit na ‘yon.Tahimik siyang naglalakad sa gitna ng maraming tao na nakakasabay niya habang ang iba naman ay nakakasalubong niya. Parang wala siya sa katinuan habang naglalakad dahil ang tanging laman ng kanyang utak ay ang pangako ng kanyang asawa sa ibang babae. Ang pangako nitong kasal!Bakit ba kailangan pang masaktan ang taong nagmamahal? Tano

  • My Bestfriend, My Lover   CHAPTER 20

    Matapos iparada ni Leo ang sasakyan nito sa harapan ng bahay kung saan nakatira sina Sabrina at Matthew ay agad itong lumabas para ipagbukas ng pintuan ang babaeng minamahal.“Thank you for bringing me home,” baling ni Sabrina sa binata.“If you need help, just give a beep. Okay?”Marahan siyang tumango bilang tugon sa sinabi nito sa kanya at nang hahakbang na sana ito papunta sa sasakyan nito ay siya namang pagdating ng sasakyang minamaneho ng kanyang asawang si Matthew.Napasunod ang kanilang tingin sa sasakyan hanggang sa tuluyan na nga itong pumasok sa garahe at maya-maya lang ay umibis mula rito ang kanyang asawa na kanina pa niya hinahanap, kanina pa niya hinihintay.“Good evening, sir,” magalang na bati ni Leo rito.“It’s already late in the evening but you still here. What’s the matter?” tanong ni Matthew sa isa sa kanyang directors sa kompanya.“Hinatid ko lang si Sabrina.”“Sabrina?” tanong ni Matthew sabay tawa ng nakakainsulto, “Ganu’n ba talaga kayo ka-close sa isa’t-isa

  • My Bestfriend, My Lover   CHAPTER 19

    Isang restaurant ang naging hantungan nina Alheia at Matthew ng mga sandaling ‘yon. Kung saan sila madalas pumupunta ay du’n siya dinala ng kanyang nobya.Sa totoo lang, naging masaya naman siya dahil ang buong akala niya ay hindi na siya kakausapin ng dalaga. Hindi niya alam kung tungkol saan ang pag-uusapan nilang dalawa pero ang alam lang niya ay naging masaya siya para du’n.“A-anong pag-uusapan natin?” tanong niya rito matapos kunin ng waiter ang kanilang order.Napatingin sa kanya ang nobya habang siya naman ay naghihintay sa mga sasabihin nito sa kanya.“Don’t you have anything to tell me?” balik-tanong nito sa kanya. “Don’t you have a plan to explain everything that happened or to say sorry for not considering my feelings before you make a plan to tell everybody about your real relationship with Sabrina?”Ramdam n ani Matthew ang galit sa boses ng dalaga. Hindi naman niya ito masisisi dahil alam niyang nasaktan niya ito ng labis-labis.“Sabrina asked me to act as her husband a

  • My Bestfriend, My Lover   CHAPTER 18

    Napatigil si Sabrina sa kanyang paglalakad papasok sa kanilang bahay nang dire-diretsong naglakad si Matthew papasok na para bang hindi siya nito napapansin.Padabog na isinara nito ang pintuan ng kwarto nito nang nakapasok na ito. Nanlulumong napaupo siya sa sofa na nasa loob ng kanilang sala habang ang kanyang mga luha ay nagbabadya namang umagos mula sa kanyang mga mata. Hindi na niya tuloy alam kung tama pa ba ang kanyang kasunduan na gustong mangyari.Oo, alam na ng lahat ang tungkol sa kanilang dalawa ni Matthew pero alam naman niyang nasaktan niya ang kanyang asawa. Alam naman niyang nahihirapan din ito sa naging sitwasyon nilang dalawa at para lang mapagbigyan siya sa kanyang kagustuhan ay pinilit nitong magiging okay kahit na hindi naman.“Anong kailangan mo?” malamig na tanong ni Matthew sa kanya nang pasukin niya ito sa loob ng kwarto nito. Nakahiga na ito sa ibabaw ng kama nito habang nakatagilid patalikod mula sa kanya.“Nag-usap na ba kayo ni Alheia?” lakas-loob niyang

  • My Bestfriend, My Lover   CHAPTER 17

    “Please, Alheia don’t make a mess,” muli pang pakiusap ni Matthew sa nobya pero mukhang ayaw na nitong makinig dahil sa galit n anadama.“Alheia?” sambit nito sa sariling pangalan. Hindi kasi ito sanay na tawagin ni Matthew sa pangalan lang dahil babe talaga ang naging tawagan ng mga ito. “I am your girlfriend, Matthew tapos tatawagin mo lang akong Alheia? Bakit kasali ba ýan sa naging usapan niyo ng babaeng ‘to?” muli nitong tanong kasabay ng muling pagduro nito sa kinaroroonan ni Sabrina.“Alheia, let’s get out of here. Let’s talk about it outside not here.” Sinubukang hawakan ni Matthew sa kamay ang dalaga pero hindi na niya nagawa pa dahil agad namang umiwas si Alheia palayo sa kanya.“Hindi ko alam kung ano pa ang napag-usapan niyo. Ang alam ko lang na kaya pinakasalan ng boss niyo ang secretary niya dahil sa inakit siya nito at may nangyari sa kanila,” pagbubutyag ni Alheia.Napaawang ang mga labi ng mga nakarinig habang si Sabrina naman ay hiyang-hiya sa narinig pero wala siyan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status