Share

CHAPTER 10

Author: Tearsxme
last update Last Updated: 2022-02-27 21:38:42

Pagkatapos ng kanilang secret wedding ay mas pinili ng dalawa na dumiretso na lamang sa Boracay para sa kanilang honeymoon. Ang nasabing honeymoon ay pinlano rin ng ina ni Matthew. Wala na rin sa kanilang kukuti na magkakaroon pa sila ng kasiyahan pagkatapos ng kasal dahil alam naman nila na magmumukha lang silang namatayan dahil sa mga nangyayari sa kanila.

Walang imikang na namamagitan sa kanilang dalawa habang nagba-biyahe sila papunta sa kanilang destinasyon. Hindi rin magawa ni Sabrina ang ibuka ang kanyang mga bibig para magsalita dahil sa takot nab aka bulyaw lang ang kanyang matatanggap na tugon mula sa kanyang asawa lalo na at wala talaga ito sa mood na makipag-usap matapos itong ikasal sa kanya ng sapilitan.

Hanggang sa mga sandaling ýon ay hindi pa rin talaga mawala-wala sa kanyang isipan na ang labis na pagsisisi kung bakit mas pinili niya ang kagustuhan niyang matikman ang higpit na yakap ni Matthew pati na ang matikman ang tamis ng bawat halik nito

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Bestfriend, My Lover   CHAPTER 22

    Inabutan ni Leo si Sabrina ng mineral water habang nakaupo ito sa isang bench para pakalmahin ang sarili. Umiiyak pa rin ito pero hindi na katulad kanina. Kumalma na ito ng konti.Agad naman nitong tinanggap ang inabot niyang bote ng mineral water habang nakatuon ang mga mata nito sa unahan.Umupo siya sa tabi nito habang pinakikiramdaman niya ang bawat kilos nito. Mabuti na lang at nasdaanan niya ito kaninang naglalakad pauwi kaya naisipan niyang sundan ito at sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nakita niya kung papaano ito sinubukang saktan ng isang lalaki. ngNi-report na rin nila ang tungkol sa nasabing lalaki at inaasikaso na ito ng mga pulis para maagapan at hindi na makapanakit pa ng ibang tao lalo na ng babae.“Sigurado ka bang okay ka na?” nag-aalala niyang tanong dito nang maihatid na niya ito sa tapat ng bahay nito. Marahan namang napatango si Sabrina bilang tugon sa naging tanong niya rito. Gusto pa sana niyang maniguro sa kalagayan nito pero wala na siyang nagawa dahil na

  • My Bestfriend, My Lover   CHAPTER 21

    Matapos ang eksenang ‘yon ay ganu’n pa rin ang pakikitungo ni Matthew sa kanyang asawa at para maging malinis ang pangalan niya sa mga mata ng kanyang pamilya ay ipinalabas nilang hiwalay na silang dalawa ni Alheia. May mga naniniwala pero mayroon ding hindi naniniwala. Kinausap nilang dalawa si Alheia patungkol sa bagay na ‘yon at agad din naman itong pumayag dahil sa pangako ni Matthew na pagkatapos ng tatlong buwan ay pakakasalan siya nito.Masayang-masaya si Alheia para du’n habang si Sabrina ay tahimik lang na nakikinig sa gilid habang ang puso ay palihim na nawawasak. Pero, dahil mahal niya ang kaibigan ay kailangan niyang tiisin ang sakit na ‘yon.Tahimik siyang naglalakad sa gitna ng maraming tao na nakakasabay niya habang ang iba naman ay nakakasalubong niya. Parang wala siya sa katinuan habang naglalakad dahil ang tanging laman ng kanyang utak ay ang pangako ng kanyang asawa sa ibang babae. Ang pangako nitong kasal!Bakit ba kailangan pang masaktan ang taong nagmamahal? Tano

  • My Bestfriend, My Lover   CHAPTER 20

    Matapos iparada ni Leo ang sasakyan nito sa harapan ng bahay kung saan nakatira sina Sabrina at Matthew ay agad itong lumabas para ipagbukas ng pintuan ang babaeng minamahal.“Thank you for bringing me home,” baling ni Sabrina sa binata.“If you need help, just give a beep. Okay?”Marahan siyang tumango bilang tugon sa sinabi nito sa kanya at nang hahakbang na sana ito papunta sa sasakyan nito ay siya namang pagdating ng sasakyang minamaneho ng kanyang asawang si Matthew.Napasunod ang kanilang tingin sa sasakyan hanggang sa tuluyan na nga itong pumasok sa garahe at maya-maya lang ay umibis mula rito ang kanyang asawa na kanina pa niya hinahanap, kanina pa niya hinihintay.“Good evening, sir,” magalang na bati ni Leo rito.“It’s already late in the evening but you still here. What’s the matter?” tanong ni Matthew sa isa sa kanyang directors sa kompanya.“Hinatid ko lang si Sabrina.”“Sabrina?” tanong ni Matthew sabay tawa ng nakakainsulto, “Ganu’n ba talaga kayo ka-close sa isa’t-isa

  • My Bestfriend, My Lover   CHAPTER 19

    Isang restaurant ang naging hantungan nina Alheia at Matthew ng mga sandaling ‘yon. Kung saan sila madalas pumupunta ay du’n siya dinala ng kanyang nobya.Sa totoo lang, naging masaya naman siya dahil ang buong akala niya ay hindi na siya kakausapin ng dalaga. Hindi niya alam kung tungkol saan ang pag-uusapan nilang dalawa pero ang alam lang niya ay naging masaya siya para du’n.“A-anong pag-uusapan natin?” tanong niya rito matapos kunin ng waiter ang kanilang order.Napatingin sa kanya ang nobya habang siya naman ay naghihintay sa mga sasabihin nito sa kanya.“Don’t you have anything to tell me?” balik-tanong nito sa kanya. “Don’t you have a plan to explain everything that happened or to say sorry for not considering my feelings before you make a plan to tell everybody about your real relationship with Sabrina?”Ramdam n ani Matthew ang galit sa boses ng dalaga. Hindi naman niya ito masisisi dahil alam niyang nasaktan niya ito ng labis-labis.“Sabrina asked me to act as her husband a

  • My Bestfriend, My Lover   CHAPTER 18

    Napatigil si Sabrina sa kanyang paglalakad papasok sa kanilang bahay nang dire-diretsong naglakad si Matthew papasok na para bang hindi siya nito napapansin.Padabog na isinara nito ang pintuan ng kwarto nito nang nakapasok na ito. Nanlulumong napaupo siya sa sofa na nasa loob ng kanilang sala habang ang kanyang mga luha ay nagbabadya namang umagos mula sa kanyang mga mata. Hindi na niya tuloy alam kung tama pa ba ang kanyang kasunduan na gustong mangyari.Oo, alam na ng lahat ang tungkol sa kanilang dalawa ni Matthew pero alam naman niyang nasaktan niya ang kanyang asawa. Alam naman niyang nahihirapan din ito sa naging sitwasyon nilang dalawa at para lang mapagbigyan siya sa kanyang kagustuhan ay pinilit nitong magiging okay kahit na hindi naman.“Anong kailangan mo?” malamig na tanong ni Matthew sa kanya nang pasukin niya ito sa loob ng kwarto nito. Nakahiga na ito sa ibabaw ng kama nito habang nakatagilid patalikod mula sa kanya.“Nag-usap na ba kayo ni Alheia?” lakas-loob niyang

  • My Bestfriend, My Lover   CHAPTER 17

    “Please, Alheia don’t make a mess,” muli pang pakiusap ni Matthew sa nobya pero mukhang ayaw na nitong makinig dahil sa galit n anadama.“Alheia?” sambit nito sa sariling pangalan. Hindi kasi ito sanay na tawagin ni Matthew sa pangalan lang dahil babe talaga ang naging tawagan ng mga ito. “I am your girlfriend, Matthew tapos tatawagin mo lang akong Alheia? Bakit kasali ba ýan sa naging usapan niyo ng babaeng ‘to?” muli nitong tanong kasabay ng muling pagduro nito sa kinaroroonan ni Sabrina.“Alheia, let’s get out of here. Let’s talk about it outside not here.” Sinubukang hawakan ni Matthew sa kamay ang dalaga pero hindi na niya nagawa pa dahil agad namang umiwas si Alheia palayo sa kanya.“Hindi ko alam kung ano pa ang napag-usapan niyo. Ang alam ko lang na kaya pinakasalan ng boss niyo ang secretary niya dahil sa inakit siya nito at may nangyari sa kanila,” pagbubutyag ni Alheia.Napaawang ang mga labi ng mga nakarinig habang si Sabrina naman ay hiyang-hiya sa narinig pero wala siyan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status