Shamelessly Yours
Shamelessly Yours
Author: Archeraye
Chapter 1: FREQUENTLY ASKED QUESTIONS

“Ano, may asawa ka na ba?”

“Ilan na ang anak mo?”

“Kailan ka mag-aasawa?”

“Huh?! Lampas ka na sa kalendaryo pero wala ka pa ring jowa?”

“Kaya ka siguro NBSB kasi choosy ka pagdating sa mga lalaki, ‘no! Hay naku!”

“Bakit ayaw mong magkaboyfriend? Babae ba gusto mo?”

“Naku! Tatanda ka talagang dalaga niyan, hija! Kapag may dumating, sunggaban mo na para mabigyan mo na ng apo ang mga magulang mo!”

Sumasakit na ang ulo ko dahil sa kabi-kabilang tanong at sinasabi ng mga pinsan at Tita ko sa akin. Ni hindi ko na nga alam kung ano ang uunahin dahil halos sabay sabay pa sila sa pagtatanong at lahat ng iyon isa lang ang bagsak.

Bakit wala pa ‘kong asawa sa edad kong trenta’y dos?

At ang sagot ko.

“I’m still not ready po.” then I will give them a small smile.

Mapa-family reunion, Christmas parties, family gatherings o kahit ano’ng okasyon pa ‘yan hindi talaga nawawala ang mga ganoong tanong sa akin. Nagsimula iyon noong tumungtong ako ng bente-otso, mga panahon na kung saan halos lahat ng mga kaibigan at pinsan ko ay na-engaged o nagpakasal na. Dati, tinatawanan ko lang iyon kasi sa isip ko masyado pa ‘kong bata para lumagay sa tahimik – where in fact marriage doesn’t mean settling down, it’s a new door opening for either a heavenly or hellish beginning.

Sino ba ang nagsabi na ang pag-aasawa ay masaya? I’ve seen so many Korean dramas who got married then later on filed a divorce because her husband cheated on her or they are not just compatible because of their differences. They just give me another reason not to date men. Kasi ‘yong iba, sa umpisa ka lang naman gusto tapos kapag tumagal na kayo biglang magbabago.

Consistency nowadays is nowhere to be found.

Mas lalong lumala ang pressure na binibigay nila sa akin noong tumungtong ako ng trenta at wala pa ring nagiging boyfriend o kahit kalandian na lang. For the past 30 years of my life, I was so busy and focus in achieving my goals and dreams in life.

“Siguro mapili ka kaya hindi ka pa rin nagkakaboyfriend, ‘no?”

“Naku! You’re too focus with your dreams, hija. Take a break! Get a life, magboyfriend ka naman.”

“Gusto mo i-reto kita? Iyong kaibigan ko may anak, Engineer daw iyon, baka gusto mo?”

“O hindi kaya iyong anak ng Ninang mo. Balita ko’y Manager na iyon ng isang sikat na hotel sa Bahrain. Give it a try, Melly!”

Hilong hilo na talaga ko sa paulit ulit nilang sinasabi o tinatanong sa akin. As usual my answer would be. . .

“I am fine without a boyfriend naman po. I’ll just patiently wait for the right one. Because if we’re meant for each other, destiny will always find a way,” marahan kong sagot.

But I guess no matter how hard I explained to them my reasons, they would always think that it’s so petty. Katulad na lamang noong sinabi ng Tita ko na walang ibang ginawa kung hindi ang mang-usisa nang buhay ng ibang tao.

“Destiny? Fate? Naniniwala ka pa rin doon? Ano ka, teenager? If I were you, I would rather go out, go to the bar, have fun! Sa ganoong paraan makakahanap ka. Hindi ‘yong mananatili ka lang sa study room mo at walang ibang ginawa kung hindi ang mag-compute ng grades. Life isn’t a fairytale, hija. You’re not Aurora nor Cinderella. Kung patuloy kang maghihintay, baka wala nang dumating para sa ‘yo.”

I rolled my eyes remembering those times when they bombarded me with a lot of questions. Kaya minsan ayaw ko na ring dumalo sa mga family gatherings namin dahil ako palagi ang sentro ng topic. They would always compare my life to others. Mabuti na lang at hindi gan’on sina Mama at Papa. They truly understand why I am still single.

I sighed and sipped on my cup of coffee. Tumingin ako sa labas at kitang kita ko mula rito ang mga tao. Some of them came here to unwind, to date their loved ones, and alone. . . just like me. Binaba ko ang kape, humilig sa aking inu-upuan at humalukipkip. Nakita ko ang isang lalaki na nakangiti habang kinukuhanan ng picture ang kanyang girlfriend. Tumaas ang kilay ko nang may tinawag siyang isang random stranger para kunan sila ng litrato. Umikot ang mga mata ko dahil sa pose nilang dalawa.

Okay, I won’t deny that sometimes I am bitter. Aminado naman ako na masarap din naman talaga magkaroon ng boyfriend. Someone who will loves you, cares for you, give you flowers or chocolates every anniversary, but I would always think that I can finance myself. I can buy myself a lot of chocolates if I want to. I can buy myself a bouquet of flowers if I want to.

Hell! I can book a flight to Maldives to date myself if I want to.

Isa pa, kung pagmamahal at pag-aalaga na lang din ang pag-uusapan hindi magpapahuli ang mga magulang ko riyan. Since then, they showered me with love and care. Hindi sila nagkulang. So I guess I don’t need a man in my life? O baka naman kailangan ko pang e-extend ang paghihintay ko?

O baka naman you are still stuck? There’s a voice at the back of my mind said. Umiling ako. Of course not.

“This is insane,” bulong ko at kinuha ang tasa ng kape at uminom. Nang matapos ay agad kong kinuha ang sling bag ko at umalis ng café na iyon. Nilagay ko ang aking kamay sa loob ng aking cardigan dahil ramdam ko ang lamig. Hindi mapirmi ang mga mata ko dahil sa ganda ng lugar na ito. I’m just walking alone here in Seoul. Isa sa mga dream destinations ko talaga nag makapunta rito at makapagpapicture sa mga lugar kung saan nagtaping ang mga paborito kong Korean dramas.

It’s fun to travel alone pero nakaka-inggit din iyong mga nakikita kong magbabarkada na magkakasamang nagta-travel. I wished that my friends were here, too. Kaso busy na rin sila sa kani-kanilang mga buhay.

Megan is with her husband and son, Silver Matthew. Kakapanganak niya lang three months ago and I am so happy for her. I missed her loudness. Siya ang pinaka-maingay sa aming magkakaibigan.

Callie is with her fiancé, Tungsten Vargas. Naghahanda na rin siya para sa kasal nila na magaganap next month at kailangang present ako roon. Paniguradong hindi ‘yon papayag kapag wala ako. Kung gaano kaingay si Megan, kabaliktaran niyon si Callie. Hindi ko nga alam kung papaano kami naging magkaibigan noon, eh. Sobrang tahimik.

Lastly, Levy is with her husband and her very beautiful daughter, Kianna. Natigilan ako nang maalala kong malapit na pala ang first birthday ni Kia. Ninang ako n’on kaya dito na rin siguro ako bibili ng i-re-regalo ko sa kanya. Kahit weird ‘yon, namimiss ko rin naman ang pagiging weird niya. Hindi ko nga alam kung paano siya napag-titiisan ni Argon, eh.

May malapit na mall akong nakita kaya agad akong pumasok doon at namili. Nang matapos ay agad akong bumalik sa hotel kung saan ako nagcheck-in. Nilagay ko sa gilid ng kama ang mga pinamili at nahiga dahil sa pagod.

Nagising ako na madilim na sa labas. I sighed and went outside. I shivered because it was so cold pero tiniis ko ‘yon dahil isa ito sa gusto kong balik balikan sa Korea. City lights is my therapy. Pumasok ako sa loob at binuksan ang paborito kong wine. Nagpahome service na lang ako ng bibimbap at bulgogi kasi tinatamad akong bumaba.

Kinuha ko ang cellphone at nagpatugog ng kanta. Habang hinihintay ang pagkain ay lumabas ako at tumambay sa balkonahe. I sipped on my wine and roamed my eyes around. Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari three weeks ago when I heard a familiar song.

Napapikit ako at inis na pinatay ang tugtog. Damn it! I will never go back to that place ever again! Uminit ang pisngi ko nang mas luminaw ang kalokohan na ginawa ko noon. Dali dali kong inubos ang wine at nagsalin pa ulit. My phone rang. Kinuha ko iyon at nakita na gustong makipag-facetime ni Callie.

I combed my hair using my fingers before answering her. Unang bumungad sa akin ang mukha ni Levy na may hawak na pagkain. My forehead creased. Wait, are they together?

“Hello, best friend naming single pa rin hanggang ngayon!”

I rolled my eyes. “Nasa bahay ka ba nina Callie?”

“Yes! Actually, Megan is here too—Megan, come here!”

The girl with a brown wavy hair sat beside her. May hawak pa siyang isang slice ng pizza. She waved her hand at me. Tumaas lang ang kilay ko.

“Kumusta?” aniya habang ngumunguya.

My eyed widened a bit. “Omg! Himala at hindi ka sumisigaw ngayon.”

Tumawa ng malakas si Levy. Siniko naman siya ni Megan at inirapan. “Paos ako.”

“Why?”

“Nagconcert kasi siya kagabi!” singit ni Levy.

Nagtagpo ang dalawa kong kilay. Megan is a good singer. Myembro siya ng banda noong college kami at doon sila nagkakilala ni Silver Andres na asawa na niya ngayon.

“Concert? Saan? Sinong kasama?”

Humagalpak ng tawa si Levy. Si Megan naman ay umiling lang habang natatawa rin.

“Edi sa banyo! Gamit ‘yong microphone ni Silver.”

“Leveria!” sigaw ni Megan na natatawa.

Nagulohan ako. “Bakit naman sila magco-concert sa banyo?”

Biglang tumahimik. Akala ko nga ay may dumaang anghel o kung anuman dahil literal na tumahimik ang dalawa kong maiingay na kaibigan.

“Perks of having a best friend who’s NBSB, huh?” I heard Callie’s voice on the line.

“I didn’t know what—oh my god, Megan! Are you for real?!” sigaw ko nang marealize kong ano ang pinag-uusapan nila.

Nagtawanan silang tatlo. Callie was behind them. Nakataas ang kilay at nakahalukipkip. The two girls were laughing out loud habang ako’y umiiling lang.

“Girl, you should try it! Magjowa ka na kasi!”

“No, thank you.”

“Alam mo ikaw, try mo kayang makipagdate. Life is short! Better go out and date every man,” wika ni Levy at binuntotan pa ng tawa.

“O baka sa darating na kasal ni Callie! I’m sure maraming dadalo na kamag-anak at kaibigan ni Tungsten, marami kang mapagpipilian.” si Megan.

Hindi ako sumagot. I sipped on my wine and shook my shoulders.

“You’re not interested, huh? Are you still waiting for him, Melody?” seryosong tanong ni Callie.

Nakaramdam ako ng inis. She’s bringing it up again! Pumikit ako nang bigla siyang pumasok sa isip ko.

“I told you, nakamove on na ‘ko sa kanya. It’s just that, I’m not in the mood to date someone. Alam niyo naman ang mga lalaki ngayon, bilang na lang ang matitino.”

It’s better to date a fictional character than guys in reality. Sa una lang sila magaling pero sa huli, mang-iiwan lang din ‘yan sila sa ere.

Related chapters

DMCA.com Protection Status