Share

Chapter 19: LET'S TALK ABOUT US

Humikab ako at kinapa ang aking unan na nasa aking tabi. Nang makapa ko ito ay kumunot ang aking noo. Teka nga. Bakit parang tumigas ata ang unan ko? Kinapa ko ulit pababa habang nakapikit nang may humawak sa kamay ko.

"Stop it, babe. Baka makapa mo ang hindi dapat makapa," someone whispered.

Agad akong nagmulat at nanlaki ang mga mata nang makita kung sino ang katabi ko. Napasigaw ako at kinuha ang kumot para takpan ang aking katawan.

"B-bakit ka nandito?! A-ano'ng ginawa mo sa akin?!"

Kumunot ang kanyang noo at bumangon. Hindi pa rin ako makapaniwala na magkatabi kami sa iisang kama! Ang naalala ko lang kagabi ay nakaupo ako sa kandungan niya at tahimik lang. Napapikit ako. Diyos ko! Nakakastress naman ito!

Malambing niyang hinawakan ang aking siko. "Hey."

Inilag ko ang aking siko at hinigpitan ang kapit sa kumot na akala mo'y ito ang unang beses na may nangyari sa amin. Kabado kong nilibot ang aking paningin. Kinakabahan dahil baka may makita siyang pregnancy essentials. Hindi pwed
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status