Share

Chapter 4: The love Story of Novie

Habang nag bobrowse si Novie ng malapit na kainan bigla itong natisod at agad namang nahawakan ni Justine sa beywang. Sandaling nagkasalubong ang kanilang mga mata na ikinagulat ni Justine ng mapatitig ito sa mukha ng dalaga. Hindi niya akalaing mas magandang babae ito sa malapitan! Tila nag-aanyayang h****n ang nang-aakit nitong mga labi lalo pa ang maumbok nitong dibdib na tila niyayaya siyang laruin ito. Lalo tuly bumilis ang ang pag pintig ng puso nito sa unang pagkakataon na ngayon lamang niya nararanasan. Subalit mabilis itong nakabawi at bahagyang itinulak ang dalaga.

 ‘’Arrayy!’’  Sigaw ni Novie na dumadabog at inayos ang damit dahil bahagya itong nalukot.

‘’I’m sorry,’’ taranta nitong sagot.

‘Muntikan na ako dun! Mabuti nalang at hindi niya napansin ang pamumula ng aking pisngi.’

‘’Okay kalang ba?’’ nag ala-lang tanong ni Novie.

‘’Pinapapawisan ka, may sakit ka yata? Gusto mo uwi nalang tayo?’’  tanong ulit nito.

              Humugot ng hangin at huminga ng malalim bago sumagot si Justine. ‘’Hindi okay lang ako, gutom lang yata ito, paano paano ang tagal mong dumating!’’  Kunwaring naiinis ito ng bahagyang ngumiti nang makabawi.

Ipinilig niya ang kanyang ulo at patagong pinagmamasadan ang kaibigan. Hindi niya mawari kong may nagbago ba sa kanya o kay Novie, dahil feeling niya ibang-iba ang dating ng dalaga sa kanya sa araw na iyon. Hindi siya mapakali at gusto niyang lagi lang kasama ang babae, sinasadya pa niyang gumalaw nang dahan- dahan para lang makasama pa ng matagal ang kaibigan.

---

 Sa mansion ng mga Štok naman habang nag hahapunan ang mag inang Miguel at Madam Tina.

“Kamusta na pala ang usad nang hiring team ninyo?” tanong ng Mama ni Miguel.

“We are working on it mom, hindi madali mag hanap ng competitive na designer but we are doing our best.”  Confident na sagot ni Miguel sa Ina.

‘’Please pag tu-unan ninyo ng pansin iyon, mukhang sobrang nag e-enjoy kayo sa mga holidays ‘nyo eh!’’ Seryoso nitong pahayag kay Miguel. Kilala ni Miguel ang ina, hindi ito nagbebero pagdating sa trabaho. Hindi lingid sa kaalaman ni Miguel na ina nito ang gumapang nang kompanya hanggang sa lumago. Alam din nito na dugo at pawis ang kanyang puhunan dito.

“Cancelled ang aking dinner appointment tonight at bukas clear your schedule, dito mag didiner si Jingky. So make sure na andito ka!” demand ng kanyang Ina.

‘’Tsaka bukas nga pala pag bumili ka ng mga toys para sa orphanage buy something nice para kay Jinky!’’ Dagdag na utos nito sa anak bago tumayo sa hapag kainan at deri-deretsong nagtungo sa kanyang kuarto.

              Labag man sa kalooban niya ay wala siyang magagagwa kung hindi ang tumalina sa utos ng ina.

‘’Ano nga pala yong sasabihin mo?’’ basag ni Novie habang naghintay sila nang kanilang order.

‘’ Excited naman ito! Mamaya sabihin o sayo relax kalang muna.’’ Sabi nito na sinasadyang binibitin ang alaga.

‘’Wala nuhh! Gawa-gawa mo lang iyong?’’ naasar na tanong nito sa kaibigan.

‘’ Okay- okay may hiring sa dalawang team namin para sa marketing at shoes designing and I’m thinking na pwede ka mag apply dun. Maganda ang benefits and I’m pretty sure kaya mo yun, besides yan talaga ang pangarap mo. Kahit sabihin natin na sa maliit na shop ng sapatosan ang experienced mo, hindi maipagkaila nang mga local consumer na maganda ang designs at quality nang shop na iyon. So if you want to honed your passion you should think big.’’  pangungumbinsi ni Justine sa dalaga.

‘’Sounds promising pero matanggap naman kaya ako?  pagkalaki-laking companya na iyon, matatalino at competitive ang mga pumapasok dun tsaka hindi naman talaga ako naka pag tapos ng university.’’ Nag ala-lang sagot niya kay Justine.

“Think about how far you can go at para din kay Styles.” Seryosong sabi nito. Sa puntong iyon nakumbinsi ni Justine si Novie na mag apply sa Štok Shoes Company.

‘’Thank you, you are my Gurdian Angel,’’ Sabay yakap at inamoy-amoy pa ito.

‘’Ano ba! Amoy pagkain ka eh!’’ bulyaw ni Justine sa kanya habang lihim na nangiti at kinikilig.

‘’Hoyyy! Mapag kamalan pa tayong mag jowa nito!’’ dag-da ang taboy kay Novie.

‘’Para kang engot di naman ako pangit nuh! Arte mo!’’ Inirapan niya si Justine.

 Pagkatapos nila magdinner hinatid ni Justine si Novie sa kanilang bahay at dumiretso narin itong umuwi.

‘’Paano tetext kita bukas kong anong oras mo kami susunduin sa mall, after ko mamili ng pang apply sa trabaho?’’ nahihiyang tanong nito sa binata.

Makulit na sumalute siya dito sabay sigaw,‘’YESS BOOSS!’’

Nangiti lang si Novie at naglakad na sa kanilang gate, ‘’Ciao!’’ sigaw nito na naka flying kiss pa.

Pinagmamasdan ito ni Justine ng nakangiti hanggang sa tuluyan ng makapasok siya sa kanilang Gate.

Dumeretso agad si Novie sa kuarto ni Styles at tulog na ito ng dumating siya. Hinaplos nito ang buhok ng anak at inaayos ang kumot, hinwakan ni Styles ang kamay ng kanyang ina nang mahigpit.

‘’Mommy,’’ mahinang sambit nito habang nakapikit at lalo pang hinigpitan ang hawak sa kanyang kamay. H*****k siya sa noo ni Styles at hinayaan na makatulog ulit ang anak.

Kinaumagahan kahit weekends maaga pang nagising si Cathy para mag handa ng almusal at gamit ng apo. Alam nito na lalabas ang dalawa kaya ipinahanda na din nang biscuit at water si Styles para sure itong may makain incase na magutmin sa byahe.

----

Samantalang si Miguel inaantok pa man kilangan nang bumangon para personal na ma mimili ng mga gamit at laruan nang mga bata sa orphanage.

Naka jeans at T-shirt lang ito, simpleng tao lamang si Miguel, lalo pa nun pagkatapos niya maoperahan sumasali siya sa mga charity event. Personal din itong nagbibigay ng mga scholarship program sa mga kapus-palad na mga estudyantng may matataas na grado.

Pamilya ang turing ng Mama niya sa mga Sarmiento, lalo pa at isang respected na business man ang ama ni Jinky, kaya click sila sa katayuan ng buhay. To be fair din kay Jingky  siya ang tumayong pamilya ni Miguel habang labas pasok sa hospital ito noong nasa abroad sila. Araw-araw bumibisita sila sa hospital.

---

Pagkatapos nila mag-almusal naligo na si Novie habang ang tita Cathy nito ang nag papaligo sa anak. Pumasok siya sa room ni Styles to check kong ready na ang anak. Pagbukas palang ng pintuan tinititigan ni Styles ang kanyang leeg na parang nagtataka,sandali pa at nagsalita ito

‘’Mommy you’re not wearing your necklace!’’ tanong nito.

‘’When you wear that, I feel like Daddy is with us,’’ sabi nito habang isinusuot ang kanyang maliit na medyas.

‘’Thank you son,’’ Nakangiting bulong ko dito sabay yakap sa kanya.

‘’Don’t please!’’ bahagyang pinihit ang aking kamay, ‘’magugulo ang aking suot,’’ kunot noong giit nito.

He is a little version of Nathan, cute bibong bat ana parang ama niya.

‘’Okay in ten minutes aalis na tayo and don’t forget your jacket baka lamigin ka sa mall,’’ Paalala ko.

Pagdating namin sa mall kahit maaga pa madami ng tao, karamihan mga magulang na may kasamang mga anak.

 As a mother we prefer sa umaga para hindi siksikan. As we intered the mall, Styles was amazed. Tuwang- tuwa siya makita ang mga batang nag sitakbuhan sa paligid.

We went from store to store of he’s interest, pagkatapos dinala ko siya sa senehan para manuod ng gusto niyang movie.

‘’It was the best day ever mom!’’ Excited niyang bulong sakin.

After movie dumiretso agad si Novie sa section kong saan siya makakabili nang damit at sapatos, binili din niya si Styles ng laruan. Nag pipila na sila sa counter habang hawak-hawak ni Styles ang kanyng hand bag.

Habang abala siya sa pag babayad napansin ni Styles ang isang mamang madaming dalang stuff toys for kids at may iba’t-ibang characters. Sinundan niya ito at napansin siya ng matangkad na lalaki.

‘’Hi man! are you alone?’’ nagtatakang tanong nito

‘’I’m with my Mom, and she’s in the counter.’’ Sagot nito habang malagkit ang tingin sa mga stuff toys.

‘’Do you want some? Sige, pumili ka ng character na gusto mo.’’ tanong nito habang titig na titig sa bata.

‘’What is your name? You got a nice big round eyes,’’ Tanong pa nito habang yumoyuko para makausap si Styles ng maayos.

‘’My name is Styles!’’ Sabay abot ng kamay para mag shake hands.

Napailing at napahalak-lak ito sa tuwa sa inasal ng bibong paslit.

‘’Cute naman ng anak mo Sir.’’ Sabi  ng sales lady na napadaan at napangiti naman si Miguel sa kanya.

‘’I am Miguel and it’s nice to meet you!’’ Inabot rin nito ang kanyang kamay.

‘’Can I have a Hwkeye Stuff Toy?’’ sweet na paki-usap nito kay Miguel.

‘’Of course,’’ Tsaka niya inabot ang nasa transparent paper bag at inabot ito.

Niyakap niya si Miguel.

‘’Oh! My Mom is waiting for me! Byeee!’’ Kumalas kay Miguel at tumakbo sa deriksyon ng kanyang Mommy ‘’Thank you Hawkeye!’’ Sigaw niya.  Napailing na lamang si Miguel.

‘’Okay we are done here,’’ Sabay lingon ni Novie.

 Bigla itong nagpanic ng mapansing wala si Styles sa tabi niya.

‘’Styles!’’ Tawag nito na parang sasabog ang dibdib. Sa isang iglap marami ang pumasok sa isip niya, dahil sa mga unfortunate na mga pang-yayari sa kanilang buhay sa nakaraan.

‘’Mommy! Mommy!’’ Malakas na boses ni Styles habang palinga- lingas siya sa paligid sa paghanap dito.  Nakita niya ang anak na humahangos palapit sa kanya.

 Lumingon pa si Styles sa elevator at nag wave bago dumiretso sa ina. May lalaki ding nag wave back sa kanya at mabilis na tumalikod para sumakay sa elevator.

Naka t-shirt lang ang lalaki at jens, matangkad, maputi at at halata ang maskuladong katawan kahit nakatalikod na ito.

 ’May ganito pala ka sexing lalaki na kahit nakatalikod?’ tanong ng dalaga sa sarili na lihim kinilig. ‘Jesus! Ano ba Novie ang iniisip mo?’ saway niya sa sarili.

‘’Mommy! Mommy!’’ kinalabit siya ni Styles

‘’Saan ka galing? At sino ang lalaking iyon?’’ tanong niton naiinis.

‘’Si Hawkeye po, ito nga bigay niya sakin.’’ Proud na sagot sa Ina at nilabas nito ang laman ng paper bag. Isang cute super Hero na Character, maganda din ang quality at mukhang mamahalin pa base brand nito. Sa isip-isip ni Novie gusto niya habulin ang lalaki para magpasalamat pero mabilis din itong nakaalis.

‘’Okay hold my hands! Tatawagin ko si Tito Justine para makapg lunch na tayo.’’

Sinundo sila Ni Justine at duon sila kumain sa malapit na restaurant nap ag mamay ari n kaibigan ni Justine.

‘’Ninong look at my new toy!’’ pagmamayabang ng kanyang ina-anak. ‘’He is my Super Hero, someone gave it to me,’’ kwento ni Justine habang pinapaikot-ikot pa ang laruan.

‘’So ganun ba? May bagong friend kana ha? Paano ako?’’ kunwari nagtatampo ito.

He put aside the stuff toy and and he hold Justine’s hand. ‘’I love you Ninong.’’ Sabi nito sabay bitaw ng kamay at binaling ulit ang atesnyon sa laruan.

Nag tawanan na lamang sila Novie at Justine, ‘’Styles got really good in turning things on and off.’’ Napailing na komento ng binata sa inaanak.

“Uo nga pala, ayaw kong isipin nila na nag apply ako dahil magkakilala tayo.”  

“Fair enough, deal Ms. Kuar!”.  Inabot ang kamay sakin para makipag-kamayan.

“Hoy! Ang kamay ko!” sigaw ko ng lalo pa nito hinigpitan ang pag hawak.  ‘’Fighting!’’ lalo pa pinisa ni Justine ang kanyang kamay.

Lihim na dinama ni Justine ang kanyang kamay saglit. ‘Ang lambot,’ bulong pa sa hangin.

‘Justine! ano ba pinag-iisip mo!’  naguguluhang sita pa sa sarili.

----

“Mommy! Mommy!” hurry up malalate na tayo!              ” Nagising ako sa malakas na sigaw ni Styles.

Nakakagulantang talaga ang lakas ng boses nito. Pupungas pungas pa ako habang nakapikit ang aking mga mata. Hinila nito ang kumot, “C'mon ayaw ko naghihintay si Daddy sa atin!” nakasimangot na sabi nito. Alas syete na ng umaga at maliwang na, mabilis akong nagtungo sa banyo at hindi nadin ako nag almusal.

Nakapag bihis na siya at nakaligo narin, ‘nahiya naman ako sa anak ko.’ bulong ko sa hangin na nakangiti dahil sa kanyang reaksyon. Napag-usapan namin kagabi na bisetahin namin ang puntod ng kanyang Dad.  Dapat maaga kami dahil matraffic ngunit ito siya ready na ready, ako hindi pa nakaligo at nakapag ayos. Binilisan ko na at humablot lang ako ng fitted shirt with matching long skirt. Iniwasan naming tanghaliin dun kasi pag ganyang oras masakit na ang sikat ng araw.

              Nag alay kami ni Styles ng bulaklak at nagsindi ng kandila. ‘’Dad yesterday I meet a friend. Hawkeye ang kanyang pangalan and he gave me super hero stuff toy.’’ Sabi ng anak ko habang nilalaro-laro ang kandila. Hindi ko ene-expect iyon, kahit kay Justine hindi niya binabanggit iyon pag binibisita kami, pero ang estrangherong lalaki na iyon naikwento pa sa ama.

              Dalawa at kalahating taon na rin akong nagluluksa sa aking kaloob-looban, pero minsan nakapanigas parin ng mundo ang pagkawala ng tatlong taong mahal ko sa buhay. Hindi ko maitago na araw-araw namimiss ko padin sila, I was my dad’s princess at reyna ako ni Nathan. Sometimes we may be surprised, confused and scared. Suddenly the outlook changes and yes there may also feeling that I’m still in unrealistic world. There may also feeling of anger that need to blame to someone for what happened pero mas pipiliin kong pagtu-unan at gabayan ang aking anak.

              Nathan my love from this day onward mamumuhay kami si Styles sa sitwasyong wala na kayo ni Papa. The pain now ay hindi nadin kasing sakit tulad ng sariwang pagkabigla at hindi pag tanggap ng inyong kamatayan. Palagi paring naririto ang pakiramdam ng kawalan pero sisikapin kong magiging maayos kami ng ating anak.

             

Yvaine

Hello readers! Thank you for taking your time check out my story, may mga errors po dito but I am trying my very best to improve everyday. This story is on going so abangan ang mga exciting na susunod na kabanata.

| Like

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status