MasukPinakasalan ni Solanna Tiu si Kaizer Anderson, ang malamig at walang pusong bilyonaryong minahal niya sa unang tingin. Ginawa niya ang lahat para maging mabuting asawa- lagi siyang nasa tabi ni Kaizer, kahit paulit-ulit nitong ipinaparamdam na hindi siya nito gusto. He's cold, arrogant, and even ruthless. Sinisiguro nitong si Solanna ang unang makikipaghiwalay sa kanilang dalawa. Hanggang sa bumalik ang babaeng minahal nito noon. Sa kanya, nakita ni Solanna ang Kaizer na matagal niyang hinihintay- maalaga, mapagmahal, at handang gawin ang lahat. Ibang-iba sa Kaizer Anderson na naklala niya. Doon niya napagtanto. Hindi pala sa hindi kayang magmahal ni Kaizer. Hindi lang siya ang mahal nito. Kaya sa wakas, pinili ni Solanna ang sarili niya at umalis. Pero nang tuluyan siyang mawala, saka lamang napagtanto ni Kaizer kung gaano siya kahalaga. Ngayon, ang lalaking minsang nagtulak sa kanya palayo ang siya namang nagmamakaawa na bumalik siya. Pero sa pagkakataong ito, si Solanna na ang pipili.
Lihat lebih banyakMalamig na ang mga pagkaing ilang oras niyang iniluto at hinanda. Napatingin si Solanna Tiu sa orasan na nakalagay sa wall ng dining area nila, mag-a-alas dose na ng gabi, patapos na ang araw.
Sa lumipas na ilang oras ay ilang beses na rin nagpabalik-balik ang tingin niya sa orasan habang pinipilit ipagtanggol ang lalaki sa kanyang isipan, baka may importante lang itong ginawa, baka traffic, baka may biglaang meeting, at kung ano-ano pa. 11:57 pm. Ang scheduled dinner nila ay alas-otso ng gabi dahil alam niyang male-late ito ng uwi. Napatingin siyang muli sa mesa. Maganda ang pagkakaayos no'n na personal niyang ginawa. Dalawang plato, dalawang wine glass, may romantic candles sa gilid, at may mga fresh na bulaklak na nakalagay sa vase. Everything's perfect. But he didn't come home. Narinig niya ang tunog ng pagbukas ng pintuan at napaupo siya ng tuwid, naghihintay sa pagpasok nito. Ang lungkot na naramdaman niya kanina ay mabilis na nawala at napalitan ng kasiyahan, ang mahalaga ay umuwi ito at humabol. "Kaizer?" Huminto ang lalaki sa bungad ng dining area. Nakasuot pa rin ito ng itim na suit na suot niya kaninang pumasok, medyo gusot na nga lang at kapansin-pansin ang marka ng lipstick sa puting kwelyo nito mula sa suot na polong panloob. He looks unbothered. Malamig ang tingin niya kay Solanna at maski nang makita ang inihandang mga pagkain ng babae ay hindi man lang napalitan ang reaksyon na iyon. Not even a single guilt. "Gising ka pa," puna ng lalaki at tumingin sa relo nito. "Hmm," Solanna tried her best to smile as sweet as she can. "Medyo na-late ka, ah?" "Alam ko," masungit na sagot ni Kaizer sa kanya. Nalukot ang mukha ni Solanna. Mukhang nakalimutan nito kung ano ang mayroon sa araw na iyon. "Uhm..." nilaro-laro niya ang kanyang mga daliri. She always felt nervous around him. "Anniversary natin ngayon..." "I know," wala pa ring reaksyon na sabi ni Kaizer. "Naalala mo?" Lumiwanag ang mata ng babae. "How could I not?" He tilted his head. "Ikaw ang naglagay ng event na iyon sa kalendaryo ko." Napakagat ng labi si Solanna. Inilagay niya nga iyon. "N-nagluto nga pala ako ng dinner natin." "I'm not hungry." "Hindi ka pa ba kumain?" Tumaas ang isang kilay ni Kaizer. Kapag tinatanong ito ng medyo personal ay ganoon ang reaksyon nito, kahit papaano'y kabisado na iyon ni Solanna. "I already ate." "Nag-dinner ka na? Saan? Sino ang kasama mo?" "You don't have to know everything," malamig na sabi ng lalaki na medyo sumama pa ang tingin sa kanya. Napakagat ng labi si Solanna at muling napatingin sa lipstick mark sa damit ng lalaki. Bakit ba itinatanong pa niya ang obvious naman? "You're with some other girl... nakipag-date ka?" Tinignan lang siya ni Kaizer na tila wala namang pakielam sa mararamdaman niya. Niluwagan nito ang suot na tie at tinanggal ang salamin na suot. Nilinis niya iyon at inilagay sa kanyang bag bago muling tinignan si Solanna. Nakasuot ng medyo sexy na dress ang babae, kulay pula na mababa ang neckline at medyo backless. Magsisinungaling siya kung sasabihin niyang hindi niya isinuot iyon upang akitin ang sariling asawa. She knows he has needs. Pero bakit parang hirap na hirap ito kapag siya? Hindi ba talaga siya kaakit-akit sa paningin nito? "Let's not talk about this," Kaizer's voice filled the room. "Una palang ay alam mo na kung ano ang pinasok mo." Napalunok si Solanna nang marinig muli ang linyang iyon, ang walang katapusang pagpapaalala ni Kaizer sa kanya na ginusto niya ito, na siya ang may kasalanan nito, at napilitan lang ang lalaki rito. Isang pilit na ngiti ang pinakawalan niya. "Alam ko," bitak ang boses na sagot niya. "I-it's our anniversary though..." "Pagod ako, Solanna, huwag mo akong simulan." Marahang tumango ang babae at napangiti nalang din ng pilit. Umalis ang lalaki sa kanyang harapan at umakyat na sa second floor ng bahay, naiwan siya roon na mag-isa kasama ang mga bagay na pinaghandaan at pinaghirapan niya. Umayos siya ng upo at kahit labag sa loob niya ay pinilit niya nalang din kainin ang mga iyon. She poured herself a wine while tears streams down her face. Pinaghandaan niya ang gabing ito, inaral ang mga dapat araling dish, bumili pa siya ng mamahaling wine, at minadali lahat ng trabaho para maagang makauwi. All for her to wait for someone who doesn't even think about her for a second. Naninikip ang dibdib niya habang humihikbi at sumusubo ng pagkain. Napatingin siya sa paper bag na nasa gilid, laman no'n ang regalo niya sana para kay Kaizer. It's been a year... akala niya may magbabago na pero mula noon hanggang ngayon ay ganoon pa rin, isa pa rin siyang walang kwentang babae sa paningin ni Kaizer, isang babaeng napilitang pakisamahan. And just like that, their first anniversary as husband and wife ended.Naunang umuwi si Kaizer sa bahay nila. The lights are still off. May kasambahay sila na naglilinis pero ilang oras lang ito roon at umaalis din agad. For his food, his wife usually prepares for him.Iba nga lang ang gabing iyon dahil nauna siyang umuwi. Nagbihis ito agad at nag-ayos. He ordered takeout food for the both of them, alam niyang gagabihin si Solanna.He purposedly finished his food and his work early. Para tulog na siya pagkauwi ng babae.Sa mailap na pagkakataon ay tahimik ang buong bahay, no noises coming from a woman. And it feels weird for him.Nakahiga na siya sa kama ng bandang alas-diyes. Wala sa sarili niyang tinitignan ang oras sa cellphone at inaabangan kung may messages ba o tawag siyang matatanggap. But minutes and hours came, no notifications from her. Hanggang sa hindi niya namalayan ay nakatulog na siya.Naalimpungatan siya ng bandang alas kwatro, an hour before his alarm. Mabilis siyang tumingin sa kabilang banda ng higaan pero walang tao roon, ni hindi nag
Nauna nang umuwi si Solanna matapos ang main event sa Gala. Nagpalusot nalang siya na masama ang pakiramdam at mabuti nalang ay naroon ang kaibigan niyang si Caina para ihatid siya.Hindi na niya namalayan ang pag-uwi ni Kaizer.Kinalunesan ay parang bagyo ang trabaho sa opisina. Sunod-sunod ang meetings ni Kaizer at medyo nahihirapan siyang makasabay. Hindi naman kasi siya ang secretary nito at hindi siya pamilyar sa ilang kasalukuyang trabaho nito."Summarize this report, I need it by noon," utos ni Kaizer sa kanya at iniabot ang hardcopy ng report."P'wede ba makuha ang softcopy?" tanong niya dahil aksaya pa sa oras kung ita-type niya pa ulit iyon lahat.Kaizer sighed, a little annoyed obviously."I'll email it to you. You may go," sabi nito ng hindi siya tinitignan.Pagkapasok ni Solanna sa office niya at pagkatingin niya sa kanyang computer ay nai-send naman na ni Kaizer ang report. Alas-diyes na at limitado lang ang oras niya.Wala na siyang time kaya nagpatulong na siya sa AI n
Umiyak si Solanna sa loob ng CR. Pilit niyang kinakalma ang sarili habang nakatingin sa maliit na salamin sa tapat ng sink.She washed her face but her eyes are a bit red. Kaunti lang naman iyon at alam niyang mawawala din iyon maya-maya. Dala niya rin ang make-up kit niya kaya nang kumalma ay nag-retouch din siya.Masikip pa rin ang dibdib niya at masama ang loob sa mga nangyari. She's willing to come with him earlier- kung hindi lang siya pinigilan nito at napagsabihan.Matapos ang halos thirty minutes niya sa CR ay lumabas na siya. CR naman para sa VIP ang ginamit niya kaya walang umistorbo."Oh, nandiyan ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap."Sinalubong agad si Solanna ng kaibigan na si Caina. Nakasuot ito ng halterneck dress na sage green ang kulay. She looks so beautiful with her shoulder-level curly hair.Tinagilid ni Caina ang mukha niya nang may mapansin na tila kakaiba kay Solanna. Solanna smiled at her bestfriend, trying to mask her pain. Pero dahil kilalang-kilala siya n
Nagsimula na ang event, nagsalita na ang lolo ni Kaizer at sunod-sunod na rin ang naging flow ng programa."Bro!" Sabay na napatingin sina Solanna at Kaizer sa lalaking lumapit sa kanila. Namukhaan agad iyon ni Sola bilang si Jaxon Angeles, nakausap niya ang lalaki noong nakaraan lang sa company building ng mga Anderson.Jaxon tapped Kaizer's shoulder like a usual man-to-man greeting."Hi, Sola!" nakangiting bati rin nito na tinagilid pa ang ulo upang makita siya nang mabuti."Nice seeing you here, Jax," magiliw naman na sagot ni Solanna. Gusto niya rin kahit papaanong maging malapit sa mga kaibigan ni Kaizer."Nandito pala kayo hindi kayo nagtatawag," sabi ng isang lalaki na kararating lang din. Dark brown ang buhok nito at may piercing ang isang tainga. Sa likod niyo ay may isa pang lalaki na mukhang masungit. Tumango lang ito sa mga kaibigan bilang bati.Siniko ni Jaxon si Kaizer."Ipakilala mo naman misis mo," bulong nito na narinig pa ni Solanna.Bitterness crept in her heart.












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasan