Share

What's Wrong with Miss Alex?
What's Wrong with Miss Alex?
Author: HailToThee

PANIMULA

NINAIS mo rin bang makawala sa buhay na hindi mo naman pinili pero kailangan?

Ninais mo rin bang angkinin ang sarili mong buhay?

Ninais mo rin bang makawala sa lilim ng punong hindi naman para sa ‘yo at nakisampid ka lang?

Ninais mo rin bang mabuhay hindi bilang isang anak? Hindi rin bilang kapatid? Pinsan? Tiyahin? O kamag-anak ng kung sino man? ‘Yong nabubuhay ka para sa sarili mo lang?

Ninais mo rin ba?

Sampung taon! 10 fuckin’ years! After 10 years! Sa wakas! Makakalaya na rin ako sa utang, makakawala na rin ako sa responsabilidad, makakapag-isip na rin ako ng pangarap na para naman sa akin.

Pagkatapos ng sampung taon na pagtitiis, sa wakas, masasabi kong hawak ko na rin ang sarili kong buhay.

Akin na rin ang buhay ko.

 “Bunso, hindi mo ba sasagutin ‘yan? Kanina pa ‘yan tunog nang tunog!” sigaw ni ate mula sa labas.

Sinuot ko nang maayos ang heels ko bago kinuha ang handbag na nakapatong sa mesa na malapit sa hinihigaan ko.

“Sasagutin na, ate!” singhal ko na lang pabalik.

Nagmamadali akong lumabas ng k’warto dala-dala ang isang makapal na folder sa kanan kong kamay kaparehong lugar kung nasaan din nakasabit ang handbag ko.

“Oh, anak, nand’yan ka na pala! Mag-almusal ka muna, sumabay ka na sa amin.” Paanyaya ni mama kaya sumilay ang ngiti sa aking mga labi bilang tugon saka ako lumapit at kumuha ng dalawang pirasong tinapay. Nilagyan ko iyon ng keso at nilantakan.

Patuloy lang ako sa pagnguya hanggang sa makalabas ako ng bahay.

“Sa opisina na po ako mag-aalmusal, ma! Una na po ako!” Pahabol ko pa habang inaayos na ang pagkakataas ng ponytail bun at inilagay sa tenga ang cellphone kong kanina pang may tumatawag, wala namang ibang tumatawag ng ganitong oras kundi si boss.

“Manong! Pasakay!” huling hirit ko bago pindutin ang answer button at mabilis na sumampa sa taxi.

“Secretary Laxa,” malalim na boses ang narinig ko mula sa kabilang linya.

Pumakawala muna ako ng malalim na buntong hininga. Labanan na naman ito.

“Mr. Estrellas, good morning po!” ani ko pa na may kasabay na malaking ngiti.

“What’s my schedule for this morning?” deretsahan n’yang tanong.

“Ang aga-aga, sir, schedule agad. Hindi ka man lang makapag-good morning?” bulong ko sa aking sarili.

“Are you saying something, Secretary Laxa?” Biglang nawala ang ngiti ko nang marinig iyon. High blood ka na naman, sir.

My gosh! Hindi na naman ba kayo bati ng jowa mo?

“Hehe. Nothing, sir! I am saying that your whole morning is free! You’ll have a lunch meeting with Mr. Fernandez about the hotel construction. 15:00 will be a board meeting then clear!” Mataas na energy kong sambit.

“Nice. I’ll make it up to Prim.” Ay tama naman pala ako! LQ nga, mga mami!

“Should I call Golden Suites for reservation, sir?” Automatic kong offer.

“No,” aniya. Ay! No raw!

“How about a sunflower bouquet with Ferrero as design, sir?”

Paggusto mong manatili sa trabaho mo, offer lang nang offer!

“That would be great. At my house. 9 am, sharp.”

Trabaho na naman!

“Noted, Si—”

Nanbababa ng tawag! Ma-attitude ha!

“Okay, Meg! Inhale! Exhale! Let’s go!”

Tinapik-tapik ko ang mga binti ko atsaka ngumiti nang matamis. CEO whomst? Meganne Lou yata ‘to! Pagche-cheer ko sa sarili ko bago ko balingan ng atensiyon ang suki kong taxi driver.

“Kuya, ibaba n’yo na lang po ako malapit sa flower shop na lagi kong dinadaanan.”

Buti na lang talaga’t on the way.

“Sige, Meg!”

“5,550 po, ma’am,” nakangiting sambit sa akin ng sales lady habang hawak-hawak na ang bouquet na pinagawa ko.

Nilabas ko ang anim na buong tig-iisang libo mula sa bulsa ko atsaka kinuha ang bouquet mula sa babae.

“Teka lang po ang sukli, ma’am.” Tumango lang ako bilang tugon. Ang dami-dami kong bit-bit, Hagardo Versoza na ang lola n’yo!

“Ito po, ma’am. Salamat po!” Dali-dali kong ibinulsa ang sukli atsaka nag-umpisa nang maglakad paalis.

“Salamat!”

Huli kong nasambit bago tuluyang lumabas ng shop na bitbit ang bag, papel at ang bouquet, okay lang talaga ako! Hindi naman masyadong marami ang dala-dala ko, yakang-yaka!

Ang susunod kong ginawa ay ang mag-abang ng taxi papuntang pamamahay ni bossing.

“Royal Village po. 50 pesos,” pakikipagnegosasyon ko sa taxi driver. Ang arte kasi ng mga pampasaherong taxi ngayon, nais din talagang maka-jackpot agad.

“Sige.”

Mabuti nang malinaw bago ako sumakay, nagtitipid pa naman ako.

Wala na akong inaksayang pagkakataon pa at dire-diretso akong sumakay sa likod, inayos ko muna ang bouquet bago ako sumakay. Mas importante ang bulaklak na ‘to, 6k ‘to!

Nang makapuwesto na ako ng maayos ay agad kong kinuha ang iPad na bigay ng kompanya atsaka i-ch-in-eck ang email ko.

“Shit! Nakapagbook din ako sa wakas!” bulalas ko nang malakas.

Ilang taon ko nang sinusubukang mag-book ng reservation sa Constance Moofushi Maldives Hotel at sa wakas!

After 10 years! Nakapasok din! Agad akong nag-scroll down at noong wala namang bago ay agad akong nagtungo sa G****e atsaka muling tinignan ang mga litrato ng hotel.

“Finally.” Ang tangi ko na lamang nasambit habang nakaguhit na ang ngiti sa aking mukha.

Kinuha ko ang Cloud 9 sa bulsa ng bag ko para iyon ay makain.

“Mukhang masarap ‘yong Ferrero kaso mahal, ‘di pa keri ng budget, kaya pa-Cloud 9, Cloud 9 muna tayo.”

Tiis-tiis lang, self!

(12 Hours Later)

            Pagkababa ng sinasakyan kong kotse ay dire-diretso akong pumasok sa loob ng condo namin at agad akong nakita ni mama na kasalukuyang naghahanda na ng hapunan.

“Magbihis ka na anak, sumabay ka na sa aming kumain habang mainit pa itong ulam at kanin na hinanda ko.” Ngumiti ako sa kan’ya bago ko pihitin ang door knob ng k’warto ko.

“Sige, Ma! Sunod ako.”

Sumalampak muna ako sa kama ko atsaka nagpagulong-gulong.

“Yes! Yes! Yes! Nagawa ko rin!”

Masaya kong banggit habang sinusuntok-suntok pa ang unan matapos ng ilang minuto ay bumangon akong may maaliwalas na mukha dahil sa pinaghalong saya at fulfillment.

Tamad kong hinubad ang suot kong heels at itinapon iyon sa kung saan lang tapos ay sinunod ang pagbibihis bago lumabas at umupo sa tabi ni mama.

“Mukhang masaya yata ang bunso namin! May nangyari bang maganda, nak?” panimula ni mama habang si Ate Aikeen at Kuya Clifford na kasama ang mga pamangkin ko ay nakaabang naman sa isasagot ko.

“Tita! Nabili mo na po ba ‘yong doll house? / Tita Ganda! Nabili mo na po ba ‘yong tablet ko?”

Tinignan ko ang dalawa kong pamangkin sabay kurot sa kanilang mga pisngi.

“Opo, ma’am at sir! Nabili na po ng tita.” Nakangiti kong anunsiyo sa dalawa.

Nagsigawan ang silia kaya nginitian ang mga ito ni kuya bago utusang ipagpatuloy na ang pagkain.

“Mukhang hindi ka naman masaya dahil lang doon, bunso. Siguro, may nanliligaw na sa ‘yo!” pang-aasar na sambit ni ate na siyang panganay sa aming tatlo.

“Hahaha! Joker ka, ate! Wala ah! Nag-resign na po ako sa trabaho ko.” Masaya kong banggit na nagpahulog sa balikat ni kuya pero agad akong yinakap ni ate at hinawakan naman ni mama ang mga kamay ko habang nakangiti.

“Sa wakas, anak. / Masaya ako para sa ‘yo, bunso!”

Ngunit natahimik kaming tatlo nang biglang sinipa ni kuya ang upuan ni Ate Aikeen.

“Nag-resign ka?! Tsk! Sa tingin mo talaga napakadali ng buhay ngayon ng walang trabaho?! Nagpapatawa ka yata, Meganne!” Dahil sa reaksiyon ‘yon ni kuya ay wala kaming nagawa nina ate at mama kung hindi ang magkatinginan.

“Anong pinuputok ng butchi mo, Clifford?!” singhal ni ate.

“Aikeen, huwag mo akong pagtataasan ng boses! Akala mo naman kong sino ka! May pinatunayan ka na ba?!” mainit na sagot ni kuya kaya ramdam kong sumiklab din ang galit ni ate.

“Clifford, ako pa rin ang matanda sa pamamahay na ‘to! Baka nakalilimutan mo!” Pabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa.

“Ano ngayon? Ako nga ang nag-iisang lalaki sa pamamahay na ‘to pinagsabi ko ba?” Magsasalita pa sana si ate pero pinigilan ko na siya.

Ako na ang tumayo at humawak sa kamay ni ate para kahit papaano ay aluin siya.

 “Kuya,” tawag ko.

Malalim ang buntong hiningang pinakawala ko bago ituloy ang plano kong sabihin.

“Tama ka nang dinig, kuya, nag-resign na po ako. Tama ka rin, hindi po madali na mabuhay ng walang trabaho pero maghahanap po ako ulit, enough na naman po siguro ang experience ko sa kom---” Hindi pa nga ako tapos ay sumabat na siya.

“Bakit ka pa maghahanap kung nand’yan naman na? Anong klaseng arithmetic sa buhay ang meron ka, Meganne? Paano na lang si mama? Ang renta ng bahay? ‘Yong kuryente! Tubig! Hindi ka ba na talaga nag-iisip?” Hinilot ko muna ang sintindo ko bago sumagot.

Nagtitimpi na lang talaga ako. Respeto na lang talaga.

“Meron pa ba, kuya? ‘Yong tuition fees ng mga anak mo? ‘Yong pagkain mo? ‘Yong mga pinapabili ng anak  mo? Baka may kulang pa, kuya. Hiyang-hiya naman kasi ako sa ‘yo.” Ayaw kong umabot kami sa pagsusumbatan pero hindi naman yata tamang lahat na lang i-asa n’ya sa akin.

Hindi n’ya ako utusan at mas lalong hindi ako robot para hindi maramdamang pagod na pagod na ang katawan kong patunayan ang sarili ko sa kan’ya!

Nagpakatanga na ako sa loob ng sampung taon, tama na, hanggang dito na lang ang kaya ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status