Share

KABANATA 8

Habang naglalakad ako papasok ng kompanya ay halos lahat nang madadaanan ko ay nagtitinginan sa akin. Wow? Dami ko naman yatang fans?

Gulat kayo 'no?

Akala ninyo habang buhay n’yo akong makikita rito? Uy! Hindi! Ako lang ‘to! Ngingiti-ngiti akong naglalakad hanggang sa makasakay ako sa elevator at pinindot ang 14TH Floor kung nasaan ang opisina ng best friend kong umiyak pala kagabi, hmph! Tumunog ang phone ko kaya agad ko iyong kinuha sa bag ko’t sinagot.

“Bantot!” bungad niya agad sa akin. Ganda? Umagang-umaga rinig mo agad ang mabaho niyang tawag sa ‘yo. Saya, sobrang saya lang.

“Good morning, ha? Good morning,” inis kong sagot.

“Kalmahan! Ang puso mo.” Nag-tsk lang ako.

“Good morning, bantot! Nasaan kana? Daanan na ba kita?” Ay wala.

“Sana alam mong ang dadaanan mo palang ay papunta na sa opisina mo,” natatawa kong sagot lalo pa at rinig

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status