Meganne Lou Laxa o mas kilala bilang si Secretary Laxa, she worked hard as the CEO’s Secretary sa Estrellas Group ngunit after 10 years she resigned due to personal reasons. Gusto n’ya rin kasing magawa ang mga oridinaryong bagay lang sa iba pero impossible sa kan’ya, gusto n’yang hanapin, ano ba talaga ang para sa kan’ya? But little did she know na ang katulad n’yang mapagmahal sa pamilya, positive, dedicated, maloko at pala ngiti ay magiging the one ng isang taong hindi pa buong tanggap ng lipunan. Sa tagal ni Secretary Laxa na nagtratrabaho sa Estrellas ay nakatagpo na rin ito ng mga tunay na barkada at ng taong tinuturing n’ya bilang kan’yang matalik na kaibigan sa matagal na panahon, si Alex Estrellas na siya ring bunso ng pamilyang nagmamay-ari ng kompanyang kan’yang pinagtratrabahuhan. Ngunit biglang bumaliktad ang mundo ng sabihin ni Alex ang mga katagang, Meganne Lou Laxa, mahal kita, mahal na mahal kita higit pa sa pagiging kaibigan. Ilang taong naging alipin si Meg ng pagkakataon, na halos mawalan na ito ng sariling buhay para lang maitawid ang pangangailangan ng kan’yang pamilya. Ngayon? Handa pa rin ba siyang panindigan ang gusto n’ya kahit halos kontra ang lipunan? Na halos lahat kwinikwestiyon kung sino at ano ang tao pinili n’yang mahalin? Hanggang kailan kaya mairarason ni Meganne ang mga katagang, bakit hindi siya? Bakit hindi pwedeng siya? Bakit, what’s wrong with Miss Alex?
view moreNINAIS mo rin bang makawala sa buhay na hindi mo naman pinili pero kailangan?
Ninais mo rin bang angkinin ang sarili mong buhay?
Ninais mo rin bang makawala sa lilim ng punong hindi naman para sa ‘yo at nakisampid ka lang?
Ninais mo rin bang mabuhay hindi bilang isang anak? Hindi rin bilang kapatid? Pinsan? Tiyahin? O kamag-anak ng kung sino man? ‘Yong nabubuhay ka para sa sarili mo lang?
Ninais mo rin ba?
Sampung taon! 10 fuckin’ years! After 10 years! Sa wakas! Makakalaya na rin ako sa utang, makakawala na rin ako sa responsabilidad, makakapag-isip na rin ako ng pangarap na para naman sa akin.
Pagkatapos ng sampung taon na pagtitiis, sa wakas, masasabi kong hawak ko na rin ang sarili kong buhay.
Akin na rin ang buhay ko.
“Bunso, hindi mo ba sasagutin ‘yan? Kanina pa ‘yan tunog nang tunog!” sigaw ni ate mula sa labas.
Sinuot ko nang maayos ang heels ko bago kinuha ang handbag na nakapatong sa mesa na malapit sa hinihigaan ko.
“Sasagutin na, ate!” singhal ko na lang pabalik.
Nagmamadali akong lumabas ng k’warto dala-dala ang isang makapal na folder sa kanan kong kamay kaparehong lugar kung nasaan din nakasabit ang handbag ko.
“Oh, anak, nand’yan ka na pala! Mag-almusal ka muna, sumabay ka na sa amin.” Paanyaya ni mama kaya sumilay ang ngiti sa aking mga labi bilang tugon saka ako lumapit at kumuha ng dalawang pirasong tinapay. Nilagyan ko iyon ng keso at nilantakan.
Patuloy lang ako sa pagnguya hanggang sa makalabas ako ng bahay.
“Sa opisina na po ako mag-aalmusal, ma! Una na po ako!” Pahabol ko pa habang inaayos na ang pagkakataas ng ponytail bun at inilagay sa tenga ang cellphone kong kanina pang may tumatawag, wala namang ibang tumatawag ng ganitong oras kundi si boss.
“Manong! Pasakay!” huling hirit ko bago pindutin ang answer button at mabilis na sumampa sa taxi.
“Secretary Laxa,” malalim na boses ang narinig ko mula sa kabilang linya.
Pumakawala muna ako ng malalim na buntong hininga. Labanan na naman ito.
“Mr. Estrellas, good morning po!” ani ko pa na may kasabay na malaking ngiti.
“What’s my schedule for this morning?” deretsahan n’yang tanong.
“Ang aga-aga, sir, schedule agad. Hindi ka man lang makapag-good morning?” bulong ko sa aking sarili.
“Are you saying something, Secretary Laxa?” Biglang nawala ang ngiti ko nang marinig iyon. High blood ka na naman, sir.
My gosh! Hindi na naman ba kayo bati ng jowa mo?
“Hehe. Nothing, sir! I am saying that your whole morning is free! You’ll have a lunch meeting with Mr. Fernandez about the hotel construction. 15:00 will be a board meeting then clear!” Mataas na energy kong sambit.
“Nice. I’ll make it up to Prim.” Ay tama naman pala ako! LQ nga, mga mami!
“Should I call Golden Suites for reservation, sir?” Automatic kong offer.
“No,” aniya. Ay! No raw!
“How about a sunflower bouquet with Ferrero as design, sir?”
Paggusto mong manatili sa trabaho mo, offer lang nang offer!
“That would be great. At my house. 9 am, sharp.”
Trabaho na naman!
“Noted, Si—”
Nanbababa ng tawag! Ma-attitude ha!
“Okay, Meg! Inhale! Exhale! Let’s go!”
Tinapik-tapik ko ang mga binti ko atsaka ngumiti nang matamis. CEO whomst? Meganne Lou yata ‘to! Pagche-cheer ko sa sarili ko bago ko balingan ng atensiyon ang suki kong taxi driver.
“Kuya, ibaba n’yo na lang po ako malapit sa flower shop na lagi kong dinadaanan.”
Buti na lang talaga’t on the way.
“Sige, Meg!”
“5,550 po, ma’am,” nakangiting sambit sa akin ng sales lady habang hawak-hawak na ang bouquet na pinagawa ko.
Nilabas ko ang anim na buong tig-iisang libo mula sa bulsa ko atsaka kinuha ang bouquet mula sa babae.
“Teka lang po ang sukli, ma’am.” Tumango lang ako bilang tugon. Ang dami-dami kong bit-bit, Hagardo Versoza na ang lola n’yo!
“Ito po, ma’am. Salamat po!” Dali-dali kong ibinulsa ang sukli atsaka nag-umpisa nang maglakad paalis.
“Salamat!”
Huli kong nasambit bago tuluyang lumabas ng shop na bitbit ang bag, papel at ang bouquet, okay lang talaga ako! Hindi naman masyadong marami ang dala-dala ko, yakang-yaka!
Ang susunod kong ginawa ay ang mag-abang ng taxi papuntang pamamahay ni bossing.
“Royal Village po. 50 pesos,” pakikipagnegosasyon ko sa taxi driver. Ang arte kasi ng mga pampasaherong taxi ngayon, nais din talagang maka-jackpot agad.
“Sige.”
Mabuti nang malinaw bago ako sumakay, nagtitipid pa naman ako.
Wala na akong inaksayang pagkakataon pa at dire-diretso akong sumakay sa likod, inayos ko muna ang bouquet bago ako sumakay. Mas importante ang bulaklak na ‘to, 6k ‘to!
Nang makapuwesto na ako ng maayos ay agad kong kinuha ang iPad na bigay ng kompanya atsaka i-ch-in-eck ang email ko.
“Shit! Nakapagbook din ako sa wakas!” bulalas ko nang malakas.
Ilang taon ko nang sinusubukang mag-book ng reservation sa Constance Moofushi Maldives Hotel at sa wakas!
After 10 years! Nakapasok din! Agad akong nag-scroll down at noong wala namang bago ay agad akong nagtungo sa G****e atsaka muling tinignan ang mga litrato ng hotel.
“Finally.” Ang tangi ko na lamang nasambit habang nakaguhit na ang ngiti sa aking mukha.
Kinuha ko ang Cloud 9 sa bulsa ng bag ko para iyon ay makain.
“Mukhang masarap ‘yong Ferrero kaso mahal, ‘di pa keri ng budget, kaya pa-Cloud 9, Cloud 9 muna tayo.”
Tiis-tiis lang, self!
(12 Hours Later)
Pagkababa ng sinasakyan kong kotse ay dire-diretso akong pumasok sa loob ng condo namin at agad akong nakita ni mama na kasalukuyang naghahanda na ng hapunan.
“Magbihis ka na anak, sumabay ka na sa aming kumain habang mainit pa itong ulam at kanin na hinanda ko.” Ngumiti ako sa kan’ya bago ko pihitin ang door knob ng k’warto ko.
“Sige, Ma! Sunod ako.”
Sumalampak muna ako sa kama ko atsaka nagpagulong-gulong.
“Yes! Yes! Yes! Nagawa ko rin!”
Masaya kong banggit habang sinusuntok-suntok pa ang unan matapos ng ilang minuto ay bumangon akong may maaliwalas na mukha dahil sa pinaghalong saya at fulfillment.
Tamad kong hinubad ang suot kong heels at itinapon iyon sa kung saan lang tapos ay sinunod ang pagbibihis bago lumabas at umupo sa tabi ni mama.
“Mukhang masaya yata ang bunso namin! May nangyari bang maganda, nak?” panimula ni mama habang si Ate Aikeen at Kuya Clifford na kasama ang mga pamangkin ko ay nakaabang naman sa isasagot ko.
“Tita! Nabili mo na po ba ‘yong doll house? / Tita Ganda! Nabili mo na po ba ‘yong tablet ko?”
Tinignan ko ang dalawa kong pamangkin sabay kurot sa kanilang mga pisngi.
“Opo, ma’am at sir! Nabili na po ng tita.” Nakangiti kong anunsiyo sa dalawa.
Nagsigawan ang silia kaya nginitian ang mga ito ni kuya bago utusang ipagpatuloy na ang pagkain.
“Mukhang hindi ka naman masaya dahil lang doon, bunso. Siguro, may nanliligaw na sa ‘yo!” pang-aasar na sambit ni ate na siyang panganay sa aming tatlo.
“Hahaha! Joker ka, ate! Wala ah! Nag-resign na po ako sa trabaho ko.” Masaya kong banggit na nagpahulog sa balikat ni kuya pero agad akong yinakap ni ate at hinawakan naman ni mama ang mga kamay ko habang nakangiti.
“Sa wakas, anak. / Masaya ako para sa ‘yo, bunso!”
Ngunit natahimik kaming tatlo nang biglang sinipa ni kuya ang upuan ni Ate Aikeen.
“Nag-resign ka?! Tsk! Sa tingin mo talaga napakadali ng buhay ngayon ng walang trabaho?! Nagpapatawa ka yata, Meganne!” Dahil sa reaksiyon ‘yon ni kuya ay wala kaming nagawa nina ate at mama kung hindi ang magkatinginan.
“Anong pinuputok ng butchi mo, Clifford?!” singhal ni ate.
“Aikeen, huwag mo akong pagtataasan ng boses! Akala mo naman kong sino ka! May pinatunayan ka na ba?!” mainit na sagot ni kuya kaya ramdam kong sumiklab din ang galit ni ate.
“Clifford, ako pa rin ang matanda sa pamamahay na ‘to! Baka nakalilimutan mo!” Pabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa.
“Ano ngayon? Ako nga ang nag-iisang lalaki sa pamamahay na ‘to pinagsabi ko ba?” Magsasalita pa sana si ate pero pinigilan ko na siya.
Ako na ang tumayo at humawak sa kamay ni ate para kahit papaano ay aluin siya.
“Kuya,” tawag ko.
Malalim ang buntong hiningang pinakawala ko bago ituloy ang plano kong sabihin.
“Tama ka nang dinig, kuya, nag-resign na po ako. Tama ka rin, hindi po madali na mabuhay ng walang trabaho pero maghahanap po ako ulit, enough na naman po siguro ang experience ko sa kom---” Hindi pa nga ako tapos ay sumabat na siya.
“Bakit ka pa maghahanap kung nand’yan naman na? Anong klaseng arithmetic sa buhay ang meron ka, Meganne? Paano na lang si mama? Ang renta ng bahay? ‘Yong kuryente! Tubig! Hindi ka ba na talaga nag-iisip?” Hinilot ko muna ang sintindo ko bago sumagot.
Nagtitimpi na lang talaga ako. Respeto na lang talaga.
“Meron pa ba, kuya? ‘Yong tuition fees ng mga anak mo? ‘Yong pagkain mo? ‘Yong mga pinapabili ng anak mo? Baka may kulang pa, kuya. Hiyang-hiya naman kasi ako sa ‘yo.” Ayaw kong umabot kami sa pagsusumbatan pero hindi naman yata tamang lahat na lang i-asa n’ya sa akin.
Hindi n’ya ako utusan at mas lalong hindi ako robot para hindi maramdamang pagod na pagod na ang katawan kong patunayan ang sarili ko sa kan’ya!
Nagpakatanga na ako sa loob ng sampung taon, tama na, hanggang dito na lang ang kaya ko.
Alex’s Point of View After 5 years… IT’S THE D-DATE. I was walking back and forth in the room with trembling hands and a pounding heart. “Alex, kumalma ka nga,” mom said. She was sitting comfortably on the white couch with white roses in her hands. “Nasaan na po ba sila kuya?” I asked. “Your Kuya Lennux is with Prim, so, and maybe they’ll be here soon,” mom explained. “How about Kuya Hyjin and his family?” I miss my niece, Melea Ferminelle. “Speaking,” mom said pertaining to Kuya Hyjin na nakatayo na sa may pintuan. “Hi, mom and bunso!” He gives me a peak in my cheek and my niece was running towards me, so I lowered my body para mabuhat ko siya. “Mimay, I saw Tita Meme awhile ago. She was beautiful!” Melea is telling with a smile. “Really? How beautiful is she? Is she l
Meganne's Point of View"FINE! I'm sorry, okay? I'm sorry. Nainis lang talaga ako. Uso namang i-manifest ang magandang pag-uugali ngayong taon."Sa kinahaba-haba ng prosisyon nina Boss Lennux at Ate Prim ay sa simbahan pa rin ang bagsak nilang dalawa. After ilang years na naging sila ay nagpakasal din silang dalawa. Isang church wedding at h-in-eld ang reception sa isa sa pinakamahal na five star hotel sa lugar namin. Nakahawak si Alex sa bewang ko habang naglalakad kami papunta sa table kung nasaan si Mommy Shin."Mom, si Meg muna ang sasama sa 'yo rito. Kausapin lang namin nina Kuya Hjyin at Kuya Lennux 'yong mga bisita," sambit ni Alex bago n'ya ako paghilahan ng upuan at ipaupo katabi ng mommy n'ya."Sure, anak," sagot naman ng mommy n'ya at hinaplos pa ang likuran ko."Kumain ka na ba, anak? Sabayan mo ako," paanyaya ni Mommy Shin sa kin na agad ko namang tinanguan. Tahimik sana kaming kumakain na dalawa sa table
Clifford's Point of View"PARE!" bulalas n'ong isa sa kapitbahay namin ng makita akong nasa balkonahe ng inuupuhan naming maliit na kuwarto malapit lang din sa condominium kung sana kami nakatira dati. Lintik kasi 'tong si Aikeen pakialamera. Imbes na wala akong prinoproblema sa buhay dahil sa sagot lahat ni Meg ay nangialam pa."Oh? Anong problema mo? Wala kaming ulam kaya sa ibang bahay ka na lang humingi ng pulutan mo," sagot ko naman bago ko ibuga ang usok ng sigarilyong hawak-hawak ko."Balita ko birthday ng bunso n'yo, ah? May pa-catering daw 'yong jowa n'yang may-ari ng Estrellas. Bakit hindi kayo humingi roon?""Sino naman ang nagbalita sa 'yo n'yan? Ano bang petsa ngayon? Birthday ba ni Meg ngayon, Patricia!?" pagkakausap ko sa kapitbahay namin bago ako sumigaw sa asawa ko. Lumabas silang tatlo kasama ng dalawa naming anak."28. Birthday talaga ni Meg ngayon hindi ba tayo pupunta roon? Nagsab
Alex's Point of ViewWHEN finally I was able to open my eyes and see the people around me, it was my mother who I first saw who was looking at me while sitting near my hospital bed."Alex? Alex, gising ka na ba? Oh, my God! Doc! Alex is awake!" she started screaming before hugging me napangiwi pa ako n'ong masagi n'ya ang kamay kong may nakakabit pang hiringilya."Mom, teka lang po. Hindi ako makahinga," I said weakly."Sorry! Gosh! I'm sorry, anak," sambit n'ya sa kin bago ito umatras para makalayo and to make way for the doctor and nurse who responded for her call. My two brothers started entering my hospital room, and Kuya Hyjin was the one who held my mother.The doctor started to run simple things in me, such as looking at my eyes, reflexes, and another thing while my mother started crying."How are you feeling, Vice Chair?" the doctor asked me."I think I'm fine.""Thank God
Alex's Point of ViewI was smiling before putting my phone back in my pocket and started walking when Ate Pearl open the door for me. Tahimik kaming naglalakad at paminsan-minsan ay sumasagot ako sa mga pagbati ng mga empleyadong nakakasalubong namin o nakakasabay sa elevator hanggang sa marating na nga namin ang conference hall sa floor kung nasaan ang opisina ni kuya. Supposedly he will be also attending this presentation but I beg him not to. Mapre-pressure lang sa kan'ya si Meg.When I entered the expansive room, they were all there, and I saw the woman of my life standing in front of them. They all stand up to greet me pero hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa and started the presentation immediately. Sa totoo lang pang-formality lang naman na 'to.I know that she is feeling nervous right now kaya ko siya nginitian para man lang mapalakas ang loob n'ya kahit kunti. Ate Pearl started looking at me wearing her. I know
Alex's Point of View"HOLD it! Nabingi yata ako saglit, Alex. Anong sabi mo? Meganne Lou Laxa ang pangalan n'ya at ex-secretary siya ng kuya mo? Kailan pa naging ex-secretary ng kuya mo ang babaeng mahal mo? I am too late? Bakit hindi ko alam 'yan? Akala ko ba magkaibigan tayo?!" she yelled."Kailan lang.""Kailan lang?! At bakit? Anong nangyari bakit hinayaan mo siyang masisanti ng kuya mo? How could you be so irresponsible for your best friend and the woman you love? Akala ko ba pinaghirapan mong ilagay siya sa posisyon na 'yan noon?""Cruzette, kuya didn't fire her. She was the one who resigned by her own means. I am not irresponsible as I did my best to talk to her and help her sort things out. Ayaw ko rin namang malayo siya sa kin.""Oh? Anong nangyari at bakit nasa Escala na siya ngayon at naghahanap ng trabaho?""Wala na akong nagawa. Especially after I confessed to her everything change
Alex's Point of View"I really don't know why you are still considering someone like this to enter our company, Mr. Estrellas. I think you will be making trouble when you let someone be part of Estrellas Group that is so improper, maniac, pervert and have a bad habit. I'm afraid I have to disagree with this, and I will be leaving. Find another company for this project, for I will not agree to this one. Not with this bastard.""Vice Chair! Teka! Nagbibiro lang naman ako! Labas naman 'yong pinagsasabi ko kanina sa trabaho--""Did I even ask for your opinion? You were started that conversation freely in front of us without even thinking how formal this meeting is. Kung hindi mo magawang maging pormal sa ganito pa lang how can we trust you? Ikaw na rin naman ang nagsabing you are overwhelmed by our presence pero pinapakita mo rin sa min kung gaano ka karuming lalaki. I am so disappointed." I started leaving the hall when I felt that he
Alex's Point of ViewWHEN I entered the main entrance of Estrellas everything seems so normal and outgoing. Parang walang nagbago o kung ano man, napakabilis pa rin ang kilos ng lahat at abala sa kan'ya- kan'ya nilang mga ginagawa."Vice Chair, sa conference hall na po ba tayo sa 15th floor didiretso o may kukunin pa kayo sa opsina?" Ate Pearl asks me before closing the elevator."Diretso na nandoon na raw si Kuya Lennux, ate. Baka umapoy na naman ang ilong n'on kapag nagtagal pa ako," I replied before looking down at my phone. Tinignan ko ang wallpaper kung kami lang naman dalawa ni Meganne. The selfie was taken when we attended a product launching of Esterllas last few months ago.Simula n'ong hindi na pumapasok si Meg dito sa Estrellas papalit-palit na ako ng wallpaper ko pero lagi namang kung hindi kaming dalawa ay mukha n'ya lang. Alam kong napaka-cringe at parang napaka-corny pero kailangan kong tignan
Alex's Point of View"MEGANNE Lou Laxa, mahal kita, mahal na mahal kita higit pa sa pagiging kaibigan." There you go. I already drop the bomb and I all I can do right now is to wait for her reaction and reply.As expected, nagulat siya. Inabot ko ulit 'yong batok n'ya para halikan siyang muli pero tinulak na n'ya ako palayo sa kan'ya this time. She immediately grabs her bag and started walking away from me.Pero hindi ko rin naman hahayaang matapos ang gabi na 'to na hindi ko mapatunayan sa kan'ya na mahal ko talaga siya at hindi ako nagbibiro.Even if nakalayo na siya sa kin nilakasan ko pa rin ang loob ko pati na rin ang boses ko to shout my feelings for her. I know that she is starting to be confused right now kaya mas pinili n'ya na lang na lumayo sa kin but a ray of hope strike my heart again when she stopped from walking at nagawa ko ng takbuhin siya para mayakap siya mula sa likod.When I was able to hug her ti
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments