Share

Kabanata 2 - Zariah Sarmiento

"My house, my rule," I touched my forehead and laughed when I heard what he said.

His house, his rule?

"What's funny?" kunot noong tanong nito. Nakitaan ko rin ng inis sa mukha niya.

Lumapit ako sa pintuan at pumasok sa bahay niya, inilibot ko ang tingin ko bago magsalita. "Makapagsabi ka ng my house, my rule, Ito lang naman ang pinagmamalaki mo. Noong mayaman pa kayo, hindi niyo ba 'to pinarenovate? My ghad subrang luma," sambit ko. 

Pagpasok ko ay kitang kita ang sikip ng bahay, hollow blocks nga ang ginamit, pero ang bintana ay gawa sa plywood, nilalagyan ito ng kahoy para mabuksan. Cheap!

"Iisa ang kwarto, iisa ang kama. Lumaki ka sa manila, hindi naman siguro bago sayo ang matulog katabi ang lalake," sambit nito na nakapagpalingon sa akin. Binalewala niya ang sinabi ko kanina.

Masama ang tingin ko sa likod nito habang papalapit sa isang pinto, hawak hawak nito ang maleta ko, mukhang ang pintong iyon ang binabanggit niyang kwarto.

How dare this man judge me?!

I was about to say that I'm not that kind of woman na natutulog katabi ng lalake, pero hindi ko tinuloy. Manigas siya! I will never say that I don't have an experience. I know what he's talking about, even I don't ask.

When he said that 'matulog katabi ang lalake' it means the adult thing. Akala ba niya lahat ng babaeng lumaki sa isang city ay magkakapareho? Kung may kilala siyang tumatabi-tabi na lang sa kahit kaninong lalake, ibahin niya ako!

Yes, I had a boyfriend, but I can't give up myself to him, I don't know why, I just can't give him whole self. Ayokong ibigay ang sarili ko. Hindi naman niya ako pinipilit na ibigay ang sarili ko sa kanya, kaya nga mas minamahal ko siya.

Pinilit kong tanggalin sa isip ko si Miguel. This is not the time to think about him, Zari.

"Hindi ba pwedeng hintayin muna natin na makasal tayo." nag-iwas ako ng tingin ng tanungin iyon.

Hindi pa ito nakakapasok sa kwarto kaya alam kong narinig niya iyon.

"Oh, hindi sinabi ng magulang mo? O baka naman nag mamaang-maangan ka?" imbes na pumasok ay humarap siya sa akin.

Hindi ko maiwasang ikunot ang noo ko, napansin niya ang pagtataka sa mukha ko kaya napailing siya. Binitawan niya ang maleta ko at naglakad papalapit sa akin. Nahigit ko ang hininga ko nang icorner niya ako. 

Napalunok ako nang ilagay niya ang dalawang kamay sa bintana na nasa likod ko. Wala pa rin itong damit at pawisin. Ang nakakainis ay wala akong maamoy na mabaho sa kanya, dapat ay may maamoy ako dahil may pawis siya, pero wala, he smell like a ----wait, this smell looks familiar.

Babanggitin ko sana ang tungkol sa pabango, kaya lang mas nauna itong magsalita. Halos manghina ako nang marinig ang sinabi nito.

"Walang sinabi ang parents mo? So-" tumigil ito at tumitig sa akin. "Hindi mo alam na bukas na ang kasal natin?" nanlaki ang mata ko at mabilis siyang tinulak.

"What the hell are you talking about! No way! Nagsisinungaling ka, right!?" malakas kong tanong at sambit sa kanya.

Imbes na magsalita ay tumalikod ito sa akin at muling naglakad papunta sa pinto na dapat papasukan niya kanina. Mabilis ang lakad kong sumunod at hinawakan ang braso nito para maiharap sa akin.

"Hoy, Lalake! Kinakausap kita! Huwag mo akong tinatalikuran!" sigaw ko at masamang tingin agad ang pinukol ko sa kanya.

"What do you want to hear from me, babae? Kakasabi ko lang, tomorrow is our wedding, diyan sa labas, sa may tabing dagat," irita nitong sabi.

"No!" Hindi ko maiwasang makaramdam ng sakit. Ang bigat ng dibdib ko. Oo at pumayag na ako, pero hindi ko akalain na agad-agad. Ang masama ay hindi ko alam kung may plano ba si Daddy na dumalo.

Hindi nga nila sinabi sa akin, ang ibig sabihin lang non ay wala silang planong pumunta. Grabeng buhay 'to!

Nakita ko ang gulat sa mukha ng lalakeng mapapangasawa ko nang makita na tumulo ang luha ko. Mabilis kong pinunasan iyon at nag-iwas ng tingin.

"He--" 

"M-Magpapahinga lang ako, pagod ako sa byahe," napapikit ako nang mautal ako habang sinasambit ang mga salitang iyon.

Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya, mabilis ko na lang siyang linagpasan, pagtalikod ko ay mabilis na nagpatakan ang luha ko. Ako na din ang bumuhat sa maleta ko papasok. 

Mabuti na lang at may lock din kahit papaano ang pinto, inilock lo iyon bago hinarap ang kabuoan ng kwarto. Mapait akong napangiti.

"W-Welcome to your new home, Zariah Fuente," sambit ko at napahagulgol. 

Para nila akong pinamigay na parang bagay. Hindi nila kayang pilitin si Trixie na gawin ang hindi niya gusto, pero kapag ako, ipipilit nila. Hindi lang naman si Trixie ang kadugo niya. Ang sama niya, napaka sama niyang ama.

Himiga ako sa Ä·ama habang tumutulo ang luha, hindi ko namalayan na sa paghiga ko ay hinila agad ako ng antok.

Sebastian's POV

Hindi ako makapagsalita nang mabilis niya akong nilagpasan. Kita ko ang sakit sa mata niya. Kita ko ang lungkot dito.

Napahawak ako sa sintido ko at napapikit. Stop thinking those things, Sebastian.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at naglakad papalayo sa bahay. I dial the number of my father. Buti na lang at sinagot niya agad.

"Yes, Son? Nandiyan na siya?" tanong nito agad.

"Papa, I don't understand, ibang tao ang nasa letratong ibinigay mo sa dumating dito. Ibang babae ang nandito," I said while facing the sea.

Sigurado akong hindi siya 'yun.

"Oh, I'm sorry, Son, nakalimutan kong sabihin. Nang malaman na nabankcrupt at nabili na ng iba ang companya ay binawi nila ang unang kasunduan. Dapat ang bunso niyang anak ang papakasalan mo, siya ang nasa letratong ibinigay ko sa'yo," tumigil ito dahil may kumausap sa kanya sa kabilang linya.

"Ang babaeng nandiyan ay ang panganay na anak ni Reymondo, she's not famous as her younger sister dahil hindi siya gaanong pinapakilala at isinasama ni Reymondo sa mga gatherings," dugtong nito

Muling pumasok sa isip ko ang mata niya kanina, muli akong napapikit. Bakit parang subra siyang napipilitan sa kasal na 'to. Kung ayaw niya, pwede naman siyang humindi.

"Tomorrow is our wedding, I think hindi sinabi ni Mr. Fuente ang tungkol doon sa kanya. Nagulat nang sinabi ko ang tungkol doon," mahinahong sambit ko.

Narinig ko ang buntong hininga ni Papa bago ulit magsalita, "Nakatanggap ako ng tawag nila kanina lang. Walang makakapunta sa kanila sa kasal ninyo, not even her dad dahil may family dinner daw sila. I think it's also about the engagement of her second daughter. I think tayo-tayo lang talaga sa kasal niyo," 

Naguluhan ako. What happen? Bakit walang pupunta? Kasal ito, hindi lang basta basta dinner.

"Mas mahalaga ba ang engagement ng bunso sa mismong kasal ng panganay?" wala sa sariling tanong ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status