Nakatitig ako sa puting bistida na nasa harapan ko, nakalagay ito sa kama. Unti-unti ko iyong nilapit at hinaplos.
Dahil sa isang desisyon. Dahil sa isang kasunduan malalagay ako sa ganito.
Ikakasal na ba talaga ako sa araw na 'to? Mapait akong ngumiti. Hindi pa rin ako makapaniwala. Ayokong umiyak at ayokong ipakitang apektado ako, pero hindi ko mapigilan. Subrang sakit mawalan ng karapatang pumili ng papakasalan.
Mula pagkabata, sinabi ko sa sarili ko na maghahanap ako ng taong mamahalin ko at mamahalin ako. Taong papakasalan ko, pero hindi na iyon mangyayare.
Mabilis kong pinunasan ang tumulong luha ko nang bumukas ang pinto. Seryoso akong tumingin kay Sebastian, ang taong papakasalan ko.
"Parating na ang pamilya ko," sambit nito.
Tumitig siya sa'kin. Kaawa-awa na ba ako?
Mamaya na ang kasal namin. Ikakasal kami sa dalampasigan habang nagpapaalam ang araw. At least kahit isa may natupad sa pangarap ko, ang makasal sa gilid ng dagat habang lumulubog ang araw, ang pinagkaibahan lang, hindi ang taong mahal ko ang papakasalan ko.
Tumango na lang ako bilang tugon. Tumayo ako at lalabas na sana nang magsalita siya.
"You okay?" Malumanay na tanong niyo.
Hindi ko maiwasang matawa at sumulyap sa kanya. Hindi ba siya marunong makiramdam?
"Tinatanong mo ako niyan? Seryoso ka ba? O nagpapatawa ka lang? Kung nagpapatawa ka... hindi ako na tutuwa. Sa tingin mo magiging maayos ang pakiramdam ko kung papakasalan ko ang taong hindi ko mahal at taong.... walang maipagmamalaki," seryosong sambit ko.
Wala naman talaga sa'kin kung mahirap o mayaman ang mapapangasawa ko, pero kapag ang papakasalan ko ay hindi ko mahal? Ibang usapan na 'yun.
Sinabi ko lang 'iyon para ipamukha sa kanya na ayaw ko sa kasal na 'to, na ayaw kong makasal sa kanya at umaasang ako na siya mismo ang magpapatigil sa walang kwentang kasal na 'to. Kahit malabo ay umaasa pa rin ako, baka sakaling magbago ang isip niya.
Hindi ko na siya hinintay na magsalita. Tuluyan na akong tumalikod at lumabas. Ilang buntong hininga ang pinakawalan ko habang naglalakad papalapit papunta sa batong upuan malapit sa dagat.
Mamaya na ang kasal namin, pero wala pa ring dekorasyon ang buong paligid. Bakit, Zariah? Umaasa kang may magandang dekorasyon? Eh, bahay na nga nila na maliit hindi man lang nila mapaganda.
"Oh my goshhh!" Halos mapatalon ako nang biglang may simigaw malapit sa'kin. "I hate Kuya Sebastian! How could he do this to us? Napakainit kaya!"
Napasulyap ako at nakita ko ang isang batang babae, isang lalake, at ka edad ni Papa na babae at lalake. Napangiwi ako nang makita ko silang dikit dikit sa isang... wait, ano ba tawag diyan?
Teka anong tawag doon? 'Yung motor na may sidecar na bakal, 'yung walang takip. I don't know what they call that. Pero bakit iyan ang sinakyan nila? Pwede naman silang mag trycicle.
Cargo sidecar... something like that. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Alam ko na galing sa mayamang angkan at kahit mahirap na sila ngayon, hindi pa rin sila nababagay sumakay roon.
Dalawang cargo sidecar 'yun, sa isa ay nakasakay ang dalawang babae at may mga bitbit. Sa pangalawang cargo sidecar naman ay yung dalawang lalake.
"Sindy!" Saway ng isang lalake sa batang babae.
"What, Kuya? This is not makatarungan!" Ina na sambit ng batang babae.
Nakitaan ko ang inis sa mukha nang batang babae, ngunit nang masulyapan ako ay nanlaki ang mata niya.
"Are you kuya's bride!?" Malakas ang boses nito nang tanungin ako.
Sumulyap rin tuloy ang mga kasama niya. Mabilis akong tumayo at alanganing ngumiti. Kahit alam kong hindi na sila mayaman ay kitang-kita pa rin na nagmula sila sa mayamang angkan.
Bago pa ako makapagsalita at masagot ang tanong niya ay lumabas na galing sa bahay si Sebastian.
"Bakit po ang tagal niyo?" Tanong ni Sebastian sa kanila at lumapit para tulungan na ang isang lalake sa pagbaba ng mga gamit na dala nila.
"Really, Kuya? Are you really asking that? We can use naman our ca-" natigil ang batang babae nang masulyapan ulit ako. "Tsk! Whatever!" Hindi ko maiwasang maguluhan sa inasta nito.
Sumulyap si Sebastian sa'kin at sinenyasan na lumapit. Ayoko sana dahil naiilang ako, pero ayoko namang maging bastos.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanila. Nang makalapit ay hinawakan agad ng mas matanda sa kanilang babae ang kamay ko.
"I can't believe that your friend have a beautiful daughter, Lito. Iha, I'm Lani, your husband's mother. You can call me mama starting today, I don't want to hear you calling me Tita," nakangiting sambit ng mama ni Sebastian.
Napakagat ako sa labi ko bago ngumiti. She's so kind.
"Nice meeting you po," magalang na sambit ko.
Then she hug me. Nagulat ako at hindi agad ako nakapag react. Mainit ang yakap niya.
"Please be careful of my son's heart," bulong nito bago ulit ako hinarap at nginitian.
"Mr. Fuente, thank you for coming. Zariah will be happy because you are here," I said to Mr. Fuente and sat next to him.Sinabi nito na hindi siya pupunta, pero nandito siya ngayon. Tinapik nito ang balikat ko."Sana lang ay masaya ito na nandito ako," sambit nito.Busy ang iba sa pag-aayos pa ng kailangang ayusin. This place is a perfect place to marry her again. Hindi na ako makapaghintay."Huwag mong sasaktan ang anak ko. Buong buhay niya ay nagkulang ako bilang ama niya. Gusto ko na ngayon ay maging masaya siya," sambit nito.Natahimik ako at pumasok sa isip ko ang sinabi ni Papa kanina. Nakita raw ni Papa si Mr. Fuente noong kinasal kami sa tabing dagat ni Zariah. Hindi ito sigurado kong siya nga iyon kaya hindi niya nasabi agad, kaya ngayon gusto kong tanong 'yun. "Noong kasal namin sa tabing dagat, pumunta ka po ba? My dad saw you," ani ko. Ramdam ko ang pagkatigil niya."Gusto kong dumalo, pero nauunahan ako nang hiya kay Zariah. I hurt my daughter many times. Hindi ko deserv
Sebastian's POV"What? Can you repeat what you said, Sebastian!" Mula sa gilid ni Papa ay dumungay si Mama.I called Papa through video call to say that I wanted to marry Zariah. I am alone here in my room because she still prefers to sleep in the guest room. Kanina pa ako tingin ng tingin sa pinto ko na baka magbago ang isip niya at matulog ngayon dito sa tabi ko. Sinabi ko naman sa kanya na hindi ko ila-lock ang pinto, pero wala ata siguro siyang balak.When she showed me the marriage certificate, I went straight to the house to ask my dad and get the mayor's number. I'll call and ask the mayor that night, and there I'll learn what really happened."Ma, can you all come here tomorrow? Can you help me surprise my wife?" Umayos ng upo si mama nang marinig iyon. Iniharap pa niyang mabuti ang camera sa kanya."Surprise? Can kind of surpris--""I want to marry her again in the hidden garden." Ang hidden garden kung nasaan ang treehouse na pinuntahan namin ni Zariah ay binili noon ni lol
I sat next to Trixie and handed her the jacket I was holding. It's cold here, especially tonight, and she didn't bring a jacket. I had extra, so I gave it to her."Salamat," sambit nito at kinuha ang jacket na iniaabot ko. Nang masuot niya ito ay muli siyang tumitig sa dagat.Nagpaiwan kami rito nila Sebastian. Sila Mama Lani kasama sila engineer ay umuwi sa bahay dahil kukulangin talaga kami ng tutulugan kapag nanatili kaming lahat dito.Ako, si Sebastian, Miguel at Trixie lang ang naiwan dito ngayon."I still can't believe that this day will come. I'll hear you say thank you and we'll be able to talk like this," I couldn't help but say that. I was smiling and just staring at the sea."Nag-uusap naman tayo noong mga bata tayo," sambit nito.Tumawa ako. "Bata pa tayo non, pero bigla kang nagsungit na lang bigla," sambit ko."Kasi naiinggit ako sayo," sambit nito na ikinatigil ko, sumulyap ako sa kanya. Seryoso lang ito habang nakatitig sa harapan niya."Ako dapat yung naiinggit sa'tin
"Hintayin mo ako," sambit ni Sebastian nang mas nauna akong sumulong sa dagat.Hindi ko siya pinansin at nagsimula nang lumangoy. Subrang linaw ng tubig. Kahit walang suot na goggles ay nakikita ko ng malinaw ang ilalim ng dagat. Ilang buwan akong namalagi rito, pero hindi pa rin ako nagsasawa sa ganda nitong lugar.Lagpas na sa ulo ang tubig nang umahon ako. I immediately looked around to look for Sebastian, but I couldn't find where he was.. Kanina lang ay nasa likod ko ito. Nang sulyapan ko sila Engineer ay abala sila. Medyo malayo sila sa'min dahil mas gusto ko nang malayo sa kanila. Kilala ko si Sebastian, mahilig mag PDA 'yun.Kung makapal ang mukha niya at walang pake sa sasabihin ng iba, ako hindi. "Ahh!" Sigaw ko nang may humawak sa paa ko. Mabilis ang kilos ko na lumangoy palayo roon, pero mas mabilis ang kamay na humawak sa bewang ko."Relax, Baby. It's me," sambit ni Sebastian. Dumako agad ang masamang titig ko sa kanya. Inihilamos ko ang palad ko sa mukha ko para matan
I am busy arranging our food on the table. Nasa tabing dagat na kami. Si Danica ay busy sa pagkuha ng letrato kaya hinayaan ko na. Kanina pa ito namamangha rito. Hindi na ako nagulat, subrang linis ng tubig dagat at ang buhangin ah subrang puti at maninipis.Natigilan lang ako sa ginagawa nang may tumayo sa tabi ko."Engineer? Architect? May kailangan kayo?" Tanong ko kila Engineer nang makita ko silang nakatayo sa tabi ko na animo'y may gustong sabihinNasa loob ng bahay pa si Sebastian. Sinabi ko kasi na maglabas siya ng mga upuan. "I'm sorry. Naging insensitive kami," paunang sabi ni Engineer."Don't mind that, Engineer. Kasalanan ko rin naman at hindi ko pinaalam sa inyo. Ayos na 'yun. Kalimutan niyo na," sambit ko sabay ngiti. Binalik ko ang tingin sa inaayos na mga pagkain."I'm sorry talaga. Please. Can you tell Sir Sebastian na huwag akong tanggalin sa trabaho? I'm the breadwinner of my family, kailangan ko ang trabahong 'to," pagmamakaawa ni Architect. Muli ay napasulyap ako
"I just can't get it. We all know that Sir Sebastian and Miss Sandara have something, pero bakit noong umalis si Miss Sandara ay naging malapit 'yung dalawa?" Natigilan ako sa pagkatok nang marinig iyon galing sa loob.Nakagat ko ang labi ko. Tatawagin ko sana sila kasi aalis na kami para pumunta sa pupuntahan namin, kailangan pa namin pumunta sa site para sa picture. Hindi ko alam kung tutuloy ba ako sa pagkatok o hindi pagkatapos kong marinig 'yun."Hindi pa ba malinaw? Sir Sebastian is a cheater, and Miss Sandara is a kind of you know... ahas. Balita ko nga ay mag bestfriend pa sila ni Miss Sandara."Sa ibang pagkakataon ay kaya kong ipagtanggol ang sarili ko, pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang ipagtanggol ngayon ang sarili. "Haist! Naiinis na talaga ako sa kanila. May pinag-aralan nga, pero kung makapag chismiss wagas." Gulat akong napasulyap kay Danica. Nakasandal ito sa kwarto na tinutulugan niya. Mag-isa na lang roon si Danica dahil ang isa sa Engineer ay umuwi da