Share

Chapter 2

[ continuation] 

I held her hand and put it down beside her. She knew that I have a wife, every single one of my friend knows about her even the public, but they don't have any idea about 'who is she' simply because she don't want herself to be on showbiz and in magazines. She don't want attention. 

"Gretzel you do know that I don't see you the way you see me, so please control yourself in public places. You really love the gossip about 'us' " 

I seriously said. Nakitaan ko siya ng pagkagulat pero agad siyang nakabawi at ngumiti sa akin. People thinks that my wife is a gold-digger and I don't think she is cause if I didn't see her in her painful days maybe di rin niya ako natulungan na kunin ang mana ko sa lolo ko. Alam niya na ang pagpapakasal ko sa kanya ay dahil sa mana ko and she also needs money kaya nagkasundo kami. But fvck my grandpa wants a 'little Zaires' so it only means di ko pa nakukuha ng buo yong mana ko. 

"*giggles * oh Ty, don't you find me attractive ? Sana ako nalang pinakasalan mo instead of that girl..you know " 

He leaned towards me and run her fingers in my face to my chin. Tinitigan ko lang siya. She has these blue eyes na bumagay sa dilaw niyang buhok, she's a half American tho. But my wife's eyes are more attractive.  What am I saying ?!  Aish whatever, we've been years being a husband-and-wife kaya nakikitaan ko siya nga atraksyon. She's indeed beautiful in her simple ways. 

"And people thinks we are a perfect couple so why not get it serious ?" 

She was about to kiss me when I stop her inches away. I slightly pushed her away from and stands up. 

" I don't care what people thinks about us, you dont know her so why say such a thing ? " 

Tinignan ko siya at sila Liam at Zeke. Napailing lang sila habang nakatingin sa amin. People sees me as a Casanova even though it's not. Binayaran ko na si Zeke sa ininom ko at nagpaalam na umalis. Di ko na sinagot yong mga tanong nila I just want to go home and relax, it's been so long since the last time I slept with her in our villa. 

Sumakay na ako sa kotse ko at pinaharorot patungong villa. 

~~~

Scarlet's POV

11:30 na ng gabi at gumagawa parin ako ng sketches ko. May itatayong restaurant kasi doon sa syudad at ako ang napili or let's just say sa maliit na company namin sila lumapit at ako ang naatasan na tulungan sila, so yeah. 

Kailan ko kaya ito matatapos ? Bukas babalik na yong taong magpapatayo sa negosyo nila. Inaatok na ako. 

Sabi ko sa sarili ko. See, pati sarili ko kinakausap ko. Yumuko ako sa study table dito sa kwarto namin ni Tyron. Ginamit ko yong mga braso ko pang unan. Mag-iisip muna ako ng idea para mas ma attract sila at mas magustuhan nila yong designs ko. 

I think minutes have passed at di ko namalayan na nakatulog ako at naramdaman ko nalang na may bumuhat sa akin.

"Hmm...Ty" 

Mahinang sabi ko. I recognize him dahil sa perfume na gamit niya at ofc siya lang din bukod sa akin ang may access sa villa na ito. I felt his lips on my forehead. 

"It's late sweetheart are you really like this ? Stop stressing yourself and get enough sleep.." 

Mahinang sabi niya pabalik sa akin. Napangiti naman ako. I think dito siya matutulog. He gentle put me in the bed pero di ko tinanggal yong kamay ko sa leeg niya. 

"Dito ka matutulog ? " 

"Yes. Now let go and go back to sleep " 

I kissed his lips bago ako bumitaw. Pinatay niya muna yong ilaw bago ko siya naramdaman sa tabi ko. He wrapped his hands on my waist and pulled me closer. Ipinatong ko nalang yong ulo ko sa dibdib niya. Di siya masyadong umuuwi pero everytime his close I feel secured. 

Kinabukasan 

Nasa opisina na ako at tinatapos yong  sketches na ginagawa ko. Busing-busy na ako ng marinig ko yong mahina pero maingay na usapan. Shit, di ako maka concentrate sa ginagawa ko. 

'Napaka bagay talaga ni Miss Gretzel!'

'Oo nga! Bagay talaga sila ni Mr. Billionaire. Ah, sana ako nalang siya " 

"Sayang nga eh sana ipina nganak din ako na ganyan ka blessed !'

Napabuntong hininga nalang ako. Lumingon naman ako sa kanila only to see them na hawak ang latest magazine. Walang bago sa balitang yan. Kahit sino nalang na makakasama ni Tyron ay nai-issue at pinagkakaguluhan. Di naman masakit. So okay lang, but I kinda feel jealous dahil sila naid-date niya in public places pero ako ? We just have it every on special occasion or something na bumabawi siya sa ano mang dahilan, yes it's public pero nir-rentahan niya ang buong lugar para sa safety ko. So yon. Buti nagkakaintindihan kami sa ganon. 

Hopefully soon mailalakad niya rin ako in public but I know na di yon mangyayare. 

' Kawawa naman yong Mrs.Zaires pero wala naman siyang magawa dahil anytime na gustong magpalit o nakahanap ng bago si Mr. Billionaire, maybe iiwan rin siya at babayaran ng malaki '

'Oo nga. Nakaka intrega lang dahil wala ni isang nakakita sa mukha nong babae pero they publicly announced na kasal na ang nangungunnag Bilyonaryo sa mundo at dito sa lugar natin. ' 

'Ako tuloy yong naawa' 

'You dont have to pity girl. Maybe gold-digger nga siya ' 

Ibinalik ko nalang ang atensyon ko sa sketch ko. Natigilan ulit ako nong narinig ko yong reporter sa flat screen tv namin dito sa opisina.

Mr. Zaires spotted at Dark Hill Hotel & Restaurant with Miss Gretzel having a date this morning. They're indeed a perfect match. 

"Miss Yu, tignan mo dali " 

Tawag nila sa akin habang yong mga mata parang makikitaan mo na ng puso sa sobrang pantasya. 

"I'm busy. " 

"Ito talagang si Miss Yu, mangarap karin kasi " 

Sabi pa nong isa. 

"Sabi ko naman sa inyo asawa ko siya" 

Diretsong sabi ko na ikinatawa nila. See ? They wont believe me. Oh well, sino ba kasi maniniwala kung inaangkin ko na asawa ako ng bilyonaryo tas yong media wala pa ngang sinasabi kung sino.  

"Aish Ma'am mabuti nalang po talagang mag focus ka jan. Sumobra ka eh. Joke lang Ma'am hihi" 

Sabi niya at sabay nag peace sign at ngumiti. Napailing nalang ako at nagpatuloy sa pagtrabaho. Mga loka talaga.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Edhz Cabrera
Sayang naman 5chapter lng yong free Sana Meron free video,
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status