Share

Chapter 21

Nai-transfer na sa ward ang kapatid niya. Pagkatapos ng napakahaba at maselang operasyon ni Lester, sa wakas ay nakita na niya itong muli.

“Ate…” anito sa mahinang tinig ng magmulat ng mga mata. Lumingon ito sa kanya.

“O bakit?” masuyong tanong niya dito habang hawak ito sa kamay.

“Hindi na sakit ulo ko, Ate.” Tugon nito at ngumiti.

Ginantihan naman niya iyon.

Nawala lahat ng agam-agam sa puso ni Liana ng makitang nakakangiti na ang kapatid.

Tagumpay ang operasyon nito. Kaya’t bukod sa wala na ang tumor sa ulo nito, nailigtas din ito sa nakaambang pagkabulag.

“Di ba sabi ko naman sa ‘yo gagawa ng paraan si Ate para mawala ang sakit ng ulo mo?”

Tumango si Lester. “’Lamat Ate…” tugon nito at muling ipinikit ang mga mata.

Hindi pa nawawala ng tuluyan ang epekto ng anesthesia, kaya hindi pa ito ganoon kalakas.

Nang maramdaman niyang nakatulog itong muli, lumabas siya saglit. Bumili siya ng ilang mga gamit na kakailanganin pa ng kapatid.

Nasa may pasilyo na siya pabalik sa silid ni Lester
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status