Araw ng Sabado at namalengke si Liana. Henry gave her a debit card na sadyang nakapangalan sa kanya to make sure na natutugunan lahat ng pangangailangan nila sa bahay, pati na ang mga gamot ni Lester.Hindi niya sana iyon tatanggapin pero inunahan na siya nito. At kapag ganoon ang nangyayari, hindi na niya nakukuha pang hindian ito. It was all useless by the way.Sa gate pa lang pagbaba niya ng tricycle ay naririnig na niya ang malalakas na tawanan na nagmumula sa loob ng bahay. Napakunot-noo siya.Henry was still busy at the hotel at alam niyang hindi pa ito makakapunta doon.Pagbukas niya ng gate ay naroon lang sa malapit si Aling Perla na halatang balisa. Nang makita siya nito ay kaagad siya nitong sinalubong ng nag-aalalang mukha.“Sino hong bisita natin, Aling Perla?” takang tanong niya sa matandang babae at hinayon ang loob ng bahay. Ang matinis na tawa ni Lester ay dinig na dinig niya sa may gate.Muli niyang ibinalik ang pansin sa katabing babae ng hindi ito sumagotKinabahan
“Pwede ko bang makausap si Mr. Henry Enriquez?” tanong ni Liana sa receptionist ng hotel. Pinuntahan niya agad doon ang lalaki para kausapin. Hindi na siya nag-abalang tawagan ito dahil mas gusto niyang personal silang magkausap. Saglit siyang pinasadahan ng tingin ng kaharap pagkakuwa’y ngumiti. “May I know if you have an appointment with him, Ma’am?” magalang na tanong nito. Umiling siya. “No. Pero kilala niya ako,” aniya. “I’m so sorry Ma’am. He’s quite busy at the moment. If you don’t have any appointment with him, I cannot let you in.” Humihingi ng paumanhing tugon nito. Hindi ito ang madalas na nakikita niyang naka-duty sa lobby kapag pinapupunta siya ni Henry doon, kaya hindi siya nito kilala. Mukha itong mabait hindi kagaya ng iba na kung makatitig sa kanya ay para bang kakainin siya ng buhay. “Ganoon ba?” aniya at sandaling nag-isip. “Pwede bang pakisabi kahit sa sekretarya niya na may importante lang akong sasabihin,” nakikiusap ang tinig na wika niya. Nakakaunawa nama
Amused na tinitigan ni Henry si Liana. “Just like now. Hindi mo namamalayan that you were talking gracefully using foreign language. Parang natural lang sa ‘yo na gawin iyon,” wika niya at tinitigan ang kaharap. Liana shyly looked at him. “Hindi ko alam na nangyayari ang ganoong bagay sa akin. Ikaw pa lang ang nakakapuna noon,” anito and blinked twice. Umangat ang kanang kamay niya and gently run his fingers to her hair na malayang nakalugay ng mga sandaling iyon. And then he looked directly into her eyes. “Do you want me to prove it with you?” tanong niya at nahalinhinan ng pilyong mga ngiti ang nasa mga labi. He grabbed the string of the blinds behind her with his other free hand and closed it all. “Huh?” nagtatakang tanong ni Liana na napalingon pa sa blinds ng sumara iyon and then stares at him. But instead of answering her, he bends his head and claimed her lips again and kissed her like a hungry man. Wala siyang pakialam kung medyo may karahasan ang ginagawa niyang paghali
“’Nay!” gulat na wika ni Liana pagkapasok niya sa kanyang silid at abutan doon ang ina na prenteng nakaupo sa gitna ng kama. “Ano hong ginawa ninyo dito?” tanong niya dito at alertong iginala ang mga mata sa paligid. Sinisigurado lang niyang walang nagalaw na bagay doon.Kilala niya ito. Lahat ng pakikinabangan nito ay hindi nito tinitigalan hangga’t hindi iyon nakukuha.Napataas ang kilay ni Cely sa inasal niya. “Wala akong ginalaw sa mga gamit mo dito,” anito ng mahinuha ang kanyang iniisip.Nakahinga naman siya ng maluwag. Dumeretso siya sa kinaroroonan nito at hinubad ang lumang relo.“Bakit hindi mo pa iyan idinidispatsa? Palagay ko naman malaki ang nahuhuthot mong pera sa lalaki mo. Marami ka ng pambili at alam kong hindi lang isa ang mabibili mo,” wika nito habang nakatingin sa kanya ng matiim.“’Nay!” hindi makapaniwalang palatak niya at pinanlakihan ito ng mga mata.Umingos ito. “Totoo naman ang sinasabi ko, kaya huwag ka ng magmaang-maangan pa d’yan. Hindi naman akong t*ng*
Henry and Liana continued the kind of relationship they have. And somehow, it was running smoothly. The burning passion they have is always been there. Hindi nawawala at mas lalo pa nga yata iyong tumitindi sa paglipas ng araw. And Liana finds herself falling deeply in love with Henry. Even they have arguments from time to time na hindi naman talaga maiiwasan, it just brought more spice on what’s going on between them.Henry, for the second time around, met her mother. And luckily, Cely was very well-behaved then. Hindi alam ni Liana kung talaga bang nagbabago na ito o dahil kailangan lang talaga nitong gawin iyon upang hindi mapaalis sa bahay na tinitirahan nila. But, nevertheless, masaya pa rin siya sa kasalukuyang inaasal ng ina. Her mother rarely go out na ipinagpapasalamat niya, dahil alam niyang hindi ito makakagawa ng kung anong bagay na ikakapahamak nito.And with this harmonious relationship between her and Henry, isang tao ang pumasok sa kanyang isipan. And she wanted to
“Bigyan mo pa ako ng konti pang panahon… Huwag kang mag-alala, madali ko ng makukuha ang gusto ko,” banayad na wika ni Cely sa kausap nito sa telepono. Tumigil ito sandali at pinakinggan ang sinasabi ng nasa kabilang linya. “L*nt*k naman, oo! Ano bang sinasabi mo? Nagpapakasanta na nga ako dito para lang hindi maghinala ang mga anak ko sa akin,” gigil na wika nito sabay hithit ng sigarilyo. Nasa likod-bahay ito at maghahating-gabi na rin ng mga sandaling iyon. Sinadya talaga nitong lumabas ng ganoong oras para walang makarinig dito. “Ay naku, Domeng! Walang pupuntahan ang pag-uusap nating ito. Sa ibang araw na lang ulit ako tatawag at 'wag na 'wag kang makatawag sa akin, naintindihan mo?" anito at mabilis na pinatay ang telepono. Ilang hithit-buga pa ang ginawa nito sa sigarilyo bago iniitsa sa damuhan ang upos niyon at tinapakan nang mariin. “’Nay?” Napapitlag si Cely ng marinig ang tinig na iyon ni Liana na nakadungaw sa may likurang pintuan. “Ano hong ginagawa n'yo dito?” tak
“Anong ginagawa natin dito?” tanong ni Liana ng pumasok sila sa isang botique ng kilalang brand ng damit. The store offers both men and women clothes from casual to formal attires.“What do you think?” balik tanong ng binata sa kanya.“Henry…” nauubusan na ng pasensyang sabi niya.Tumaas ang kilay ng binata. Naa-amused na tinitigan siya nito. From time to time, nalilimutan niya kung ano ba talaga sila and she didn’t know na nagiging bossy siya paminsan-minsan at hinahayaan naman nito.“Could you just follow what will I say? Don’t asked anymore questions, okay?” malambing na wika nito na halos ikahimatay naman niya sobrang kilig.Sunod-sunod ang ginawa niyang paghugot ng malalim na hininga upang payapain ang nagwawalang puso.“Fine…” pagpapahinuhod na sagot niya at iginala ang paningin sa loob ng shop. Napansin niyang sila lang ang tao doon ng mga sandaling iyon.“I reserved this place. Uununahan na kita,” anito ng mabasa ang laman ng kanyang isip.Marahan lang siyang tumango. Lumapit
Pagkatapos nilang mamili, tumuloy naman sila sa isang beauty salon. Pinaayusan siya doon ng binata. Sinigurado talaga nitong babagay siya sa lugar o kung anumang event na pupuntahan nila. At nang matapos na iyon, bigla ay hindi niya nakilala ang sarili. Namamalik-matang pinakatitigan niya ang sariling repleksyon sa salamin. Parang ibang katauhan ang ipinapakita ng repleksyong iyon. “My God, hija! Kung ako kay Sir, hindi na kita pakakawalan pa. Your such a beauty with an innocent looking eyes!” palatak ng baklang nag-ayos ng buhok niya. “Nakakahalina!” tila kinikilig na dagdag pa nito. Napangiti naman siya sa tinurang iyon nito. “At kung straight lang ako, inagaw na kita kay Fafah Henry,” wika naman ng isa pa na ikinatawa niya. Ganoon ba talaga siya kaganda? Kulang sa confidence na tanong niya sa sarili. Pinagmasdan niyang muli ang naging itsura sa salamin, then blinked twice. She never got the chance to dress up and flaunt herself in front of many people, kaya hirap pa siyang pa