Share

CHAPTER 29

Mabilis na naging tao si Vincent nang mailapag na niya ako sa lupa. Hindi ko na maalala ang pinasukan namin upang makapunta rito. Hindi ko na rin maalala ang mga dinaanan namin para makatakas sa kamay ng mga bampira na 'yon.

Nabaling ang tingin ko sa babaeng lobo nang matamaan ito ng sinag ng araw. Nakapatong ito sa malaking bato habang patuloy sa pag-alulong. Ang kaniyang balahimo ay kasing kinang ng bituin sa langit at ang kaniyang mga mata ay tila ba ay replika ng kalawakan.

Mariin akong napapikit nang maramdaman ang sakit sa braso ko. Biglang natuyo ang lalamunan ko't kahit ang tubig ay hindi nito kayang pawiin ang uhaw ko. Naririnig ko ang pagtawag sa akin ni Vincent pero tila naging malabo sa pandinig ko ang mga boses nila.

"Vincent!" Tawag ng dalawang babae nang makita kong lumabas ito mula sa puno.

"W-what are you doing here?" boses iyon ni Vincent.

"Sinundan ka namin. Obvious naman 'di ba?" Aniya pa.

Nakita ko na lang ang paglapit ng kambal sa akin bago nila ako ginamot. They
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status