Share

Chapter 12: Complicate

Ilang beses ba akong muntik mabilaukan? Hindi ko na'rin talaga alam. Grabe naman pala kasi ang acting skills ni Riel, hindi ko alam na ganoon siya ka-talented.

Kapag tumatayo si Saskia para humingi ng tissue o kaya ay para mag-banyo, todo acting si Riel para lang lalong mapaniwala si Creed na bading nga siya. Unang-una, hindi ko alam kung ano ba talaga ang tumatakbo sa isipan niya. Nagkita na sila ni Creed noon, nagkausap, at muntik pa nga'ng mag-away. Hindi siya bading noon sa paningin ni Creed kaya paano naman niya mapapaniwala na totoo nga'ng ganoon siya ngayon? Ano 'yon, na-realize niya lang biglaan?

Siniko ko siya nang nagpipigil pa'din ng tawa.

Si Kent naman ay parang walang pakialam na kumakain. Hindi na'rin niya kami tinatapunan ng tingin at si Saskia lang ang binabalingan kapag may mga tanong ito.

Natapos kaming kumain na hindi napapansin kung nariyan pa ba sila Creed o wala na. Nakatalikod rin kasi ako sa entrance ng café kaya hindi ko alam kung umalis na sila o nandiyan pa.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status