INICIAR SESIÓNJenyfer
Mabilis ang bawat hakbang ko pauwi sa bahay namin dahil iniisip ko ang naiwan na estranghero lalaki sa bahay namin. Gising na kaya iyon? Hays sana lang bumaba na ang lagnat niya. Hindi rin kasi biro iyong may lagnat na siya may sugat pa sa tagiliran niya. Bumili rin ako ng pagkain niya dahil tanghali na rin. Kahit naman hindi ko siya kilala. May damdamin pa rin ako bibigyan ko ng tanghalian pagkatapos itatanong kung saan siya umuuwi para ihatid ko o p'wede rin naman ipasundo ko kung may kamag-anak pa siya. Malapit na ako sa pinto ng bahay namin may tumatawag sa likuran ko. Paglingon ko ang bestfriend kong si Katleen. Tumigil muna ako para antayin ko siya. Kumunot ang noo ko kasi. Hinihingal ang gaga pero tumakbo pa rin palapit sa ‘kin. “Besh naman! Bakit ba nagmamadali ka maglakad? Ako ang hiningal sa iyo maghabol,” sabi niya sa akin sabay tumingin sa bitbit kong plastic na supot. “Bakit kasi naghabol ka? Para naman may atraso ako sa iyo kaya hinabol mo ako. Ayan tuloy napagod ka,” sagot ko sa kaniya. Hindi ba siya pumasok? Bakit nandito lang siya sa lugar namin. Si Katleen, sa mall siya nagta-trabaho. Saleslady siya roon at regular na sa trabaho niya. Niyaya n'ya ako mag-apply noon. Umayaw ako, kasi nga nauna na ang trabaho ko sa palengke bago siya mag-apply sa mall kaya tumanggi ako sa alok niya. “Bakit nandito ka?” tanong ko sa kaniya s'yang kinataas ng kilay niya. Napaka wrong timing naman ng babaeng ito pumunta. Kung kailan mayroon akong tinatagong lalaki, ngayon naman siya pumunta. Aba't inantay ko na nga siya nilampasan ako dahil naglakad na at dereksyon ng lakad n'ya sa pinto ng bahay namin. Nanlaki ang aking mata maagap ko siyang hinawakan sa kamay para mauna ako. Nagtagumpay naman ako sabay na kami nakarating sa tapat ng pinto sa bahay namin. “Hoy Katleen! Bakit nga nandito ka?” “Bawal na ba pumunta?” “Hindi naman diba maytrabaho ka? Bakit ka nandito?” “Lutang ka besh? Hello, alam mo ba ibig sabihin ng day-off?” saad niya kaya pinitik ko siya sa noo niya. “Alam ko! Tss, anong akala mo sa akin hindi matalino? Nagtatanong lang ako bakit ka nandito pati katalinuhan ko dinamay mo,” “Seryoso ka na niyan?” sabay tanong niya. “Mukha ba akong nagbibiro?” tugon ko sa kaniya. “Hmmm bakit pakiramdam ko mayroon nag-iba sa iyo. Besh mayroon nga ba—” Ngumiti ako hindi ako naghalata. “Huh? Anong nag-iba? Parang nag-joke lang ako sa iyo noh. Hirap mong pasayahin. Pero bakit pala nandito ka anong sadya mo?” Nilapitan niya ako. “Gusto ko lang makipag chismisan sa ‘yo. Dali besh buksan mo na pinto,” saad niya kaya nataranta ako. “W-woi m-mamaya na inaantok ako balik ka na lang mamayang ala-sais ng gabi. Isa pa maglalaba ako besh, grabe kasi naipon ang labahan namin—” “Edi tutulungan na lang kita. Dali marami akong chika sa iyo bilis na Jenyfer apaka bagal,” saad niya sabay punta sa pinto nagtaka ng hinarang ko ang katawan ko na para bang kaya ko siyang pigilan sa pagharang ko sa pinto. Humalukipkip si Katleen. Napangiwi ako sabay kamot ko sa buhok ko. Pambihira laki nito problema paano ko kaya siya paalisin ng hindi niya mahahalata na mayroon akong tinatago sa kaniya. “Ayaw mo ba tulungan kita? Bago ito ha? Dati kasi tuwang-tuwa ka pa kapag tinulungan kitang maglaba. Unless may sekreto ka besh. Aminin mo Jenyfer! Anong tinatago mo ha? Bakit pinipigilan mo akong makapasok sa bahay niyo—” “Ang OA mo! Iniisip ko lang naman na mapapagod ka dahil day-off mo nga tapos ubusin ko ang oras mo.” “Aysus parang hindi ko ginagawa ito dati. Parang ngayon ka lang tumanggi besh, kaya nagtataka ako,” Shitt talaga. Paano ko ba ito lulusutan. Lihim akong napalunok. Bestfriend ko naman si Katleen at mapagkakatiwalaan ko siguro naman kapag sinabi ko bawal sabihin sa ibang tao. Hindi niya ipagsasabi. Subok na ang pagkakaibigan namin kaya bahala na nga. Mamaya ko na ipaliliwanag kapag nasa loob na kami ng bahay. “Sabi mo iyan ha, tutulong ka maglaba,” wika ko pa baka magbago pa isip kapag pinatagal ko. “Oo nga! Dati ko pa naman ‘yan ginagawa ah. Tara na habang mahaba pa oras,” saad nito napilitan akong tumango. Nanginig pa ang kamay ko habang sinusuin ang doorknob. Parang slow-motion ko pa iyon tinulak pero natigilan ako nang wala na ang estranghero lalaki. Hindi ko naisip na kasama ko pumasok ang bestfriend ko dahil mabilis ko siyang hinanap. Una akong pumunta sa kusina ngunit wala. Pagkatapos sumunod binuksan ko ang nag-iisa naming k'warto ngunit wala rin. Damn it! Natampal ko ang noo ko ng pagpihit ko nasa harapan ko si Katleen naningkit ang mata niya. “Bakit gan'yan ka kung makatingin?” kandahaba ang nguso ko. Ngumisi ako kasi ginaya ni Katleen ang salita ko pati nguso kuhang-kuha niya kaya natawa ako. Pero hindi siya tumawa. Dahil seryoso ang bestfriend ko. “Kaya mo ako pinipigilan na hindi pumasok sa bahay niyo dahil may itinatago ka ano?” “Ha? Anong pinagsasabi mo r’yan ha, Katleen. Nakita mo naman siguro na walang tao so ano ang tinatago ko?” “Echos mo Jenyfer. Kahit ayaw mo umamin nakita ko ang reaksyon mo,” “Wala nga. Mayroon lang akong check na gamit. Nakalimutan ko kanina para sa pagmamadali kung pumasok. Hindi ko sure kung natanggal ko ba ang saksakan ng rice cooker namin. Tapos sa k'warto ay electric fan namin,” “Nakalimutan mo? Bago iyan, besh,” saad niya nakataas kilay pa. “Napasarap ang tulog ko kagabi. Sa pagmamadali ko hindi ko sure kung natanggal ko ang saksakan. Kung alam mo lang, besh. Salubong sa ‘kin sermon ni Ate Magda.” “Ay oo nga besh. Speaking kagabi. I mean, madaling araw. Alam mo ba ang chismis kanina. Naku umagang-umaga ‘yan ang topic ng mga chismosa. Mayroon daw nakapasok dito sa lugar natin na mga armadong lalaki at mayroon daw hinahanap. Mabuti raw may narinig na serena ng pulis kaya umalis iyong mga at armadong lalaki. Besh, nag-aalala ako sa iyo. Kailan ba uuwi sina Tatay at Nanay mo?” tanong nito. Salamat naman at naiba na ang topic. Akala ko patuloy n'ya akong usasain. “Napasarap ang tulog ko kaya wala akong kaalam-alam at buti na lang din baka manginig ako ng nervous at madaling araw ang pasok ko.” “Sabagay oo nga, mabuti na rin tanghali ka ng nagising. Kasi maaga rin ang pasok mo,” tugon niya tuluyang nakalimutan. Ang binili ko pagkain para sana sa estranghero lalaki, kinain na lamang namin ni Katleen. Hiniling ko na lang sa isip ko na sana mabuti kalagayan ito. Kahit wala akong balak maglaba naglaba ako. Dahil iyon ang sabi ko kanina sa kaniya. Pero kakaunti naman, kahapon kasi naglaba na ako. Kaya maaga akong natapos nagkwentuhan na lamang kami ni Katleen hanggang sa umuwi siya ng alas-siyete ng gabi.Jenyfer Dalawang linggo ang lumipas simula ang muntik akong masagasaan sa palengke. Madalas ng tumawag si Rhys sa akin. Lagi n'yang kinakamusta ang kalagayan naming mag-ina. Pero nakatatawa dahil need pa naming mag-ingat kaya tuwing alas-dos ng madaling araw siya tumatawag para daw walang makatunog. Hinayaan ko lang siya sa trip n'ya. Sinunod ko lang siya kung iyon ba ang makabubuti para sa ‘min ng anak n'ya. Okay lang sa akin kahit madaling araw siya tumawag. Kahit wala naman akong kakaibang nararamdaman sa paligid na tila may nakatunog na buhay siya. Dahil tahimik lang naman ang paligid. Medyo nakapagtataka ngunit ayaw kong maging nega. Nagiging routine ko na ang paggising nang late dahil puyat ako at masarap pa matulog. Inaabala ko rin ang sarili ko sa pagtulong ng magaan na trabaho kay Nanay sa bahay. Kasi hindi na siya sumasama sa Tatay sa tindahan simula ng umuwi ako rito sa bahay, para daw may kasama ako. Sobrang tahimik nga dahil maypasok na si Raysa. Si Dawn wala p
Jenyfer Kinabukasan tinanghali ako ng gising. Para bang puyat ako kahit maaga naman ako natulog kagabi kulang pa ang tulog ko. Gusto ko pa nga matulog kaya lang kailangan ko ng magising dahil hindi pa ako mag-a-almusal. Tiyak din pupuntahan ako ni Nanay para gisingin kapag alas-diyes na tulog pa ako. Gan'yan siya lalo ngayon na may apo na sila. Sermon ang inaabot ko kapag hindi ako kumain ng almusal. "Nanay, good morning po. Sina Tatay po?" tanong ko dahil mag-isa lang siya sa bahay. “Anak? Nasa tindahan na," aniya saglit na tumigil nakatingin lang siya sa akin. "Bakit po?" nagtataka kong tanong sa kaniya. "Anak?" tugon n'ya. “Nay?” tumigil ako umupo sa sofa tumabi ako ng upo sa kaniya. Nakabukas din ang TV, pero walang nanood. Ako na lang ang manood dahil hindi na ako lumalabas ng bahay. Simula nang magkita kami ni Rhys. Sinunod ko ang bilin niya. Pero kung mayroon akong kasama lumalabas ako, hindi nga lang ako nagtatagal sa labas. Natatakot din ako mayroon ulit magtangka
Jenyfer Parang ayaw ko pa matapos ang pag-uusap namin ni Rhys, ngunit hindi maari ang gusto ko dahil kailangan na rin nito umalis. Pauwi na ako sa bahay at ihahatid muna nila ako sa bahay, bago sila magtungo sa apartment na pinag-stay-an nilang tatlo. "Kuya Alfonso, Kuya Sameguil. Ingatan niyo po ang asawa ko ha? Kayo ang mananagot sa akin kapag may nangyari masama sa boss n'yo," pabiro kong sabi sa kanila para malibang ako dahil nalulungkot ako malapit na kami ulit maghiwalay ni Rhys. Nakahawak pa rin ako sa kamay ni Rhys at ayaw kong matulog at kumurap baka kasi paggising ko mawala na naman siya na parang sa panaginip ko lang siya nakasama. Hindi niya rin ako binibitawan. Si Kuya Sameguil ang nagmamaneho. Tumingin ako kay Rhys may naisip ako. “Kung sa bahay na lang kayo magtago,” bigla kong suggest sa kaniya. Naging tabingi ang ngiti ko dahil alam ko naman na impossible ang gusto kong mangyari. Dahil hindi papayag si Rhys. Hindi siya agad sumagot. Nakatingin lang siya sa l
Jenyfer Pinilit kong idilat ang aking mata dahil hinawakan ko ang mukha n'ya baka kapag maayos na ang pakiramdam ko. Hindi ko na ulit siya makita. "Fvck! Baby, 'wag mong gawin ito dahil nag-aalala ako sa iyo," mariin n'yang sabi habang nakayakap siya sa akin. "Ikaw nga iyan, hubby," bulong ko dahil nahihilo talaga ako at ang lamig pa ng pawisa ko. Dala na siguro ito sa shock dahil sa nangyari at samahan pa start na akong naglilihi. "Rhys, dito ka na lang p-please," “Damn it!” malutong na mura ni Rhys, ang naulinigan ko bago ako mawalan ng malay sa bisig niya. Nagising ako tila nasa loob na ako ng sasakyan. kinurap-kurap ko ang aking mata para masiguro maayos na ang pakiramdam ko baka nanaginip ako dahil nawalan ako ng malay. Pero hindi e, dahil nasa loob nga talaga ako ng sasakyan at parang nakasandal ako sa dibdib ni Rhys, oo alam ko siya iyon. Kahit hindi ko pa silipin ang mukha n'ya. Sa lambing pa lang ng yakap n'ya kilala na siya ng puso ko. Kinapa ko pa ang braso
Jenyfer Simula nung narinig ko ulit ang boses ni Rhys. Hindi na ako madalas umiiyak tuwing gabi at nakatutulog na rin kahit paano. Dahil alam ko ligtas siya. Tatlong araw na ang lumipas mula nung tawag na ‘yon. Tatlong araw na paulit-ulit kong inaalala sa isip ko yung boses niya at promise n'ya na soon babalik siya para maayos na ang problema. "Anak, sure ka bang lalabas ka?” tanong ni Nanay, habang inaayos ko yung buhok ko sa salamin. Nasa sala ako si Nanay naman nanood ng TV. Nakaupo siya sa sofa saglit muna n'yang tinigil ang panood niya ng TV dahil nasa akin ang atensyon n'ya. Wala si Tatay. Siya kasi ang pumupunta sa tindahan kasama ng dalawa kong kapatid. Pero malapit na ang pasukan. Two weeks na lang papasok na si Raysa pero si Dawn sa august pa. Ako hindi ako nag-enroll dahil nga buntis na ako. Kahit gusto ko pumasok pinigilan ako ng Nanay at Tatay kapag nanganak na raw ako at saka na ako bumalik sa pag-aaral. Nandiyan naman daw sila para mag-alaga sa apo nila. “Nay
Jenyfer “Ah, ikaw pala. Anong ginagawa mo rito?” mataray pa na sabi ni Vanessa kaya sinamaan ko siya ng tingin. “Parang baliktad yata. Ako dapat ang magtatanong n'yan. Bakit nandito ka sa bahay ng asawa ko?” Ngumisi. “Wala e, swerte kasi kami minalas ang mayabang na pinsan ko, kaya ayon tigok tuloy siya. Kung nakinig lang siya kay papa na ako ang pakasalan niya. Sana buhay siya ngayon at mga ari-arian n'ya sana hanggang ngayon nag-e-enjoy pa siya.” “Galing,” wika ko sabay palakpak. “Pinsan? Asawa? Mabuti na lang talaga hindi kagaya sa ugali niyo ang ugali ng asawa ko dahil nakakasuka ang bulok niyong ugali. Sige mag-enjoy lang kayo dahil hindi magtatagal. Sa kulungan lahat ang bagsak n'yo,” “Wala nang saysay iyang sinasabi mo. Dahil hindi iyon mangyayari. Alis na diyan dahil bubuksan ang gate inaabala mo ang tauhan namin.” “Kasing kapal ng bakal na gate iyang pagmumukha mo. Ay kasama pala ng Tatay at kuya mo na makapal ang mukha," pang-iinis ko sa kaniya. Namula ang mukh
Jenyfer "Ako?" tinuro ko pa ang sarili ko. "May nakita kang ibang babae rito?" seryoso n'yang sagot walang kangiti-ngiti sa labi. "Aba malay ko ba kung bakla ka kasi nagtatago ka sa mga tauhan mo ngayon ka lang lumabas....b-biro," wika ko dahil kinasa n'ya ang baril na hawak n'ya. Nangingin
Jenyfer “Jawo, 'wag mo na lang ipasok sa looban. Dito nalang ako salamat sa libre pamasahe ha, ingat ka kung babalik ka pa sa pasada," saad ko pagbaba ng tricycle n'ya. Tinapik ko pa sa balikat niya. Isang tipid na tango lang ang tugon niya sa 'kin at pagkatapos, umalis din si Jawo. Sabi n'ya uuw
Jenyfer Nakaupo akong tahimik lang sa tabi ng bintana at sa labas lang nakatingin. Natatakot ako pero ayaw ko naman ipahalata sa kaniya. Of course first time ko sumakay ng eroplano tapos pa ibang bansa pa. Mamaya hindi na ako makabalik sa magulang at mga kapatid ko. Kaya natatakot ako. Hindi nam
Jenyfer Pagdating namin sa bahay halos mapatalon sa tuwa ang dalawa kong kapatid pagkakita nila sa akin. Nasa labas kasi sila ng bahay pagbaba ko ng kotse ni Rhys. Inunahan ko na bumaba si Rhys nang maayos n'ya pag-park ng kotse niya. “Nanay! Nandito po si Ate,” sabay pa na sigaw ng dalawa kong k







