PILIT NA PAG-IBIG (SSPG)

PILIT NA PAG-IBIG (SSPG)

last updateLast Updated : 2026-04-27
By:  RamRamUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
3Chapters
3views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Ipinagkasal si Natasha sa lalaking matagal na niyang minahal nang palihim, si Ibrahim. Akala niya ay simula na ng masayang buhay, pero naging impyerno pala ang lahat. Galit na galit ito sa kanya at minamahal lang ang kapatid niyang si Ameira. Pero ang hindi alam ni Ibrahim… siya ang babaeng sumugal at nagligtas ng buhay niya noon, pero hinayaan niyang kunin ng kapatid niya ang kredito. Ngayon, kailangan niyang tiisin ang lamig at pananakit ng asawa niya habang pinapanood itong alagaan ang iba. Hanggang kailan niya kakayaning magmahal nang nag-iisa? At ano ang mangyayari kapag nalaman ang katotohanan?

View More

Chapter 1

CHAPTER 1: THE WEDDING THAT BROKE MY HEART

NATASHA

Love is not always about choosing who makes you happy. Sometimes, it’s about choosing who you are destined to be with… even if that person hates the very ground you walk on.

Nakatayo ako ngayon sa harap ng altar. Ang bawat hakbang ko kanina papunta dito ay parang dinadala ako hindi patungo sa happily ever after, kundi parang dinadala ako sa sarili kong libingan.

Ramdam ko ang lamig ng hangin sa loob ng simbahan. Magarbo ang lahat. Mula sa mga bulaklak na pampalamuti, sa mahabang belo na nakatali sa buhok ko, hanggang sa mga mata ng mga bisitang nakatingin sa amin. Lahat sila nakangiti, parang nanonood ng pinakamagandang fairytale. Pero wala silang alam. Wala silang ideya na sa likod ng ngiting ipinipilit ko, ay isang pusong unti-unti nang nawawasak.

Tumingin ako sa katabi ko.

Si Ibrahim.

Ang lalaking matagal ko nang minahal nang palihim. Ang lalaking pangarap ko makasama simula pa noong mga bata pa kami. At ngayon, nandito siya. Suot ang kanyang eleganteng suit, gwapo na gwapo gaya ng lagi. Pero ang mga mata niya… wala ni katiting na saya.

Nanlilisik ang mga mata niya habang nakatingin sa malayo, parang pinipilit lang ang sarili na nandito. Hindi man lang siya tumitingin sa akin. Para akong hangin sa tabi niya. Para akong isang dekorasyon lang na kailangan niyang isama sa seremonyang ito dahil lang sa utos ng mga magulang namin at dahil sa kontrata.

“Natasha…”

Nagising ako sa pagmumuni-muni nang marinig ko ang boses ni Father. Huminga ako nang malalim at pinilit na ngumiti kahit nanunuyo na ang lalamunan ko.

“Yes, Father?” sagot ko.

“Will you take this man, Ibrahim, to be your lawfully wedded husband? To have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death do you part?”

Natahimik ang buong simbahan. Lahat ng mata ay nasa akin.

Gusto kong sumigaw. Gusto kong sabihin na oo, mahal na mahal ko siya. Mahal ko siya higit sa lahat. Handa akong alagaan siya, mahalin siya, at ibigay ang lahat sa kanya. Pero alam ko… alam ko sa sarili ko na kahit anong gawin ko, hinding-hindi magiging sapat ‘yun.

Dahil ang puso ng lalaking ito… matagal nang pag-aari ng iba.

Tumingin ako saglit sa gilid. Nandoon siya. Si Ameira. Ang kapatid ko. Ang bunsong kapatid ko na sobrang ganda, sobrang bait, at sobrang minamahal ng lahat. Nakaupo siya sa front row, nakangiti pero may halong lungkot ang mga mata habang nakatingin kay Ibrahim. At nakita ko kung paano sumulyap si Ibrahim sa kanya.

Isang saglit na tingin lang, pero ramdam na ramdam ko ang bigat doon. Ang pagmamahal. Ang pangungulila.

Si Ameira ang mahal niya. Hindi ako. Ako lang ang napili. Ako lang ang kailangan para sa pamilya. Para sa negosyo. Para sa tradisyon.

Tumikhim ako at ibinalik ang tingin kay Ibrahim. Kahit hindi siya tumitingin, sinagot ko nang malakas at matatag ang panata.

“I do.”

Nanginginig ang boses ko, pero pinilit kong panindigan.

Lumingon naman si Father kay Ibrahim. “And you, Ibrahim? Will you take Natasha to be your wife?”

Tumahimik ulit ang lahat. Parang huminto ang ikot ng mundo habang hinihintay ang sagot niya.

Nakita ko kung paano kumuyom ang mga kamao niya sa gilid. Ramdam ko ang inis at galit na bumubuga mula sa katawan niya. Alam kong ayaw niya rito. Alam kong kung pwede lang siyang tumakbo palayo ngayon din, gagawin niya. Dahil para sa kanya, ako ang pinakamabigat na parusa na pwede niyang matanggap.

Dahil akala niya… ako ang dahilan kung bakit hindi sila pwede ni Ameira.

Matagal siyang hindi sumasagot. Nagsimula nang magbulungan ang mga tao. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha nina Mommy at Daddy. Pero wala akong maramdaman kundi sakit. Sobrang sakit na pinapahiya niya ako nang ganito harap-harapan.

Hanggang sa dahan-dahan siyang humarap sa akin.

Sa unang pagkakataon ngayong araw, tumingin siya diretso sa mga mata ko. Nanlaki ang mga mata ko sa lamig ng tingin niya. Walang emosyon. Walang pagmamahal. Puro lamig at poot lang.

“I…” panimula niya. Huminga siya nang malalim, parang nilulunok niya ang sarili niyang pride. “I do.”

Malamig ang pagkakasabi niya. Parang binibigkas lang niya ang mga salita dahil obligado siya.

Nang marinig ko ‘yun, parang may kung anong tumusok sa puso ko. Pero ngumiti pa rin ako. Pinilit kong maging matapang kahit sa loob-loob ko, durog na durog na ako.

“You may now kiss the bride.”

Kiss the bride.

Ang parteng pinaka-aabangan ng lahat. Ang parteng nagpapatunay na kami na talaga.

Dahan-dahang inangat ni Ibrahim ang belo na nakatakip sa mukha ko. Nakatitig siya sa akin, pero parang nanonood lang siya ng isang bagay na ayaw niya. Inilapit niya ang mukha niya… pero hindi sa labi ko.

Hinalikan niya ang pisngi ko. Isang mabilis, malamig, at pormal na halik. Wala ni katiting na init o pagmamahal.

Pagkatapos noon, humiwalay siya agad at tumalikod para harapin ang mga tao. “You may now clap your hands for the new couple,” sabi ni Father.

Nagpalakpakan ang lahat. Masaya silang lahat. Pero ako? Nakatayo lang ako doon, hawak ang kamay ng lalaking mahal ko, pero pakiramdam ko ay mas malayo pa kami kaysa dati.

Pagkatapos ng seremonya, dumiretso kami sa reception sa isang malaking hotel. Mas maingay doon. Mas maraming tao. Pero mas naging mabigat ang pakiramdam ko.

Buong byahe papunta dito, tahimik lang kami sa loob ng kotse. Walang nagsasalita. Ang bigat ng atmosphere. Gusto ko sanang magsalita, gusto ko sanang itanong kung okay lang ba siya, pero alam ko ang sagot. Alam kong galit siya.

Pagkarating namin, agad kaming inasikaso. Kailangan naming makipag-usap sa mga bisita, makipag-smile, at mag-pose para sa pictures.

“Smile ka naman, Natasha. Wedding niyo oh!” biro ng isang kamag-anak.

Napilitan akong tumawa. “Oo naman po.”

Tumingin ako kay Ibrahim na katabi ko. Naka-pose siya para sa picture, pero ang mukha niya parang dadagukan na niya anytime soon. Halatang halata na ayaw niya rito. Halatang halata na napilitan lang siya.

Dumating ang oras para sa first dance. Nagsimula ang tugtog ng mabagal na kanta. Inalok niya ang kamay niya sa akin, pero parang pinipilit lang.

Kinuha ko ang kamay niya. Mainit ang balat niya, pero ang hawak niya sa bewang ko ay sobrang banayad, parang takot siyang madumihan o masaktan ako? O baka naman parang ayaw niya akong mahawakan?

Nagsimula kaming sumayaw. Dikit ang katawan namin, pero ang layo-layo ng nararamdaman namin sa isa’t isa.

“Ibrahim…” bulong ko. Hindi ko na kaya ang katahimikan. “Pwede ba… pwede ba tayong mag-usap?”

Hindi siya tumitingin sa mata ko. Nakatingin lang siya sa balikat ko. “Anong pag-uusapan pa, Natasha? Kasal na tayo. Tapos na ang drama.”

Naramdaman ko ang hapdi ng mga salita niya. “Alam ko ayaw mo. Alam ko hindi mo gusto ‘to. Pero please… kahit ngayon lang. Huwag mo akong tratuhin na parang wala lang. Asawa mo na ako.”

Sa sinabi kong ‘yun, bigla siyang tumigil sa pagsayaw. Hinarap niya ako nang maayos. Nasa gitna kami ng dance floor, pero parang kami lang dalawa ang tao sa mundo dahil sa tindi ng titig niya.

“Asawa?” mapait na tumawa siya. “Don’t make me laugh, Natasha. Alam mo at alam ko kung bakit tayo nagpakasal. Dahil sa pamilya natin. Dahil sa kumpanya. Hindi dahil mahal mo ako, at lalong hindi dahil mahal kita.”

“Hindi totoo ‘yan!” depensa ko. Naiiyak na ako pero pinipigilan ko. “Mahal kita, Ibrahim. Simula pa nung bata pa tayo. Mahal na mahal kita.”

Tinaasan niya ako ng kilay. Parang hindi naniniwala. O baka naman nandidiri?

“Mahal?” umiling siya. “Ang alam ko, mahal mo lang ang ideya na magkaroon ka ng perfect life. Kaya mo pinilit ‘to, ‘di ba? Kaya ka pumayag, kasi gusto mo maging Mrs. Ibrahim Montenegro. Kasi alam mong gusto ko si Ameira, kaya ginawa mo ang lahat para makuha ako sa kanya.”

Napasinghap ako. Doon… doon talaga ako nasaktan.

“Hindi… hindi ako gumawa ng kahit ano, Ibrahim. Hindi ko inagaw ka sa kanya. Pinili ako ng mga magulang mo. Pinili ako ng tadhana.”

“Tadhana?” umiling siya ulit at hinigpitan ang hawak sa bewang ko na ikinagulat ko. “Para sa akin, Natasha, hindi ito tadhana. Ito ay parusa. At ikaw… ikaw ang pinakamalaking pagkakamali na gagawin ko sa buong buhay ko.”

Hindi ko na napigilan ang luha ko. Tumulo ito sa pisngi ko. Buti na lang at may make-up artist na nag-ayos kanina kaya hindi agad kumalat, pero ang sakit… sobrang sakit na parang binudburan niya ng asin ang sugat ko.

“Bakit ba galit na galit ka sa akin?” tanong ko habang nanginginig ang labi. “Anong nagawa ko sa’yo? Ginusto ko bang mahalin ka? Ginusto ko bang masaktan ako nang ganito?”

Tinitigan niya ako. Sa mga mata niya, nakita ko ang halo-halong emosyon. Galit, inis, at… lungkot?

“Dahil habang nakikita kita, naaalala ko kung gaano ako kawalan ng laban,” mahina niyang sabi. “Dahil nandiyan ka, pero yung taong gusto ko kasama… nasa gilid lang, nanonood.”

Tumingin siya sa likuran ko. Sumunod ang tingin ko.

Nandoon nga si Ameira. Nakaupo sa table, hawak ang baso ng juice at nakatingin sa amin. Malungkot ang mga mata niya. At nakita ko kung paano lumambot ang mukha ni Ibrahim nang makita siya.

Doon ko tinanggap ang realidad.

Kasal ako sa lalaking mahal ko. Pero ang puso niya, habambuhay na naibigay sa iba. Sa kapatid ko.

“Kaya makinig ka, Natasha,” binalik ni Ibrahim ang atensyon sa akin at bumaba ang boses niya, seryoso at nananakot. “Pwede tayong magpanggap sa harap ng ibang tao. Pwede tayong maging perfect couple sa paningin nila. Pero dito…” itinuro niya ang dibdib niya, “dito hinding-hindi kita mamahalin. Hinding-hindi magiging akin ang puso mo, at hinding-hindi magiging sa’yo ang puso ko. Tanggapin mo na ‘yun dahil hanggang dito lang ang kaya kong ibigay.”

Binitawan niya ako. Iniwan niya ako sa gitna ng dance floor habang tumutugtog pa rin ang musika. Habang pumapalakpak ang mga tao. Habang nakangiti silang lahat.

Tumingin ako sa paligid. Lahat sila masaya. Lahat sila akala ay perfect ang wedding namin. Wala silang alam na kanina lang, winasak ng asawa ko ang puso ko nang paulit-ulit.

Lumapit sa akin si Adam. Ang best friend ni Ibrahim at ang laging kakampi ko simula bata pa kami. Nakita niya ang lahat. Nakita niya kung paano ako iwanan ni Ibrahim.

“Natasha…” nag-aalala ang mukha niya. Inalalayan niya ako. “Okay ka lang ba?”

Ngumiti ako kay Adam. Isang ngiting alam kong pilit, pero kailangan kong gawin. Pinunasan ko ang luha ko at inayos ang gown ko.

“Okay lang ako, Adam. Wala ‘to.”

“Huwag mo nang pansinin si Ibrahim. Mainit lang ulo niya,” pagpapalubag-loob niya.

Umiling ako at tumingin sa direksyon kung saan naglakad palayo si Ibrahim. Nakaupo na siya ngayon sa table namin, umiinom ng alak at hindi man lang ako nililingon.

“Alam ko, Adam. Alam ko.”

Huminga ako nang malalim at hinawakan nang mahigpit ang laylayan ng damit ko.

Ito na ang simula, Natasha. sabi ko sa sarili ko. Ito na ang buhay mo. Kasal ka na sa lalaking mahal mo, pero sa mata niya, ikaw ang pinakaayaw niya sa mundo. Kailangan mong maging matapang. Kailangan mong labanan ‘to. Dahil kahit anong mangyari, kahit masaktan ka nang paulit-ulit… mahal mo siya. At handa kang tiisin ang lahat para lang makasama siya.

“Tara na,” sabi ko kay Adam. “Huwag nating hayaang masira ang araw na ‘to. Kahit para sa iba lang.”

Naglakad ako palapit sa kanya. Umupo ako sa tabi ng asawa ko. Hindi siya kumibo. Hindi siya tumingin.

Pero hawak ko ang kamay ko sa ilalim ng table, nakakuyom at nanunumpa sa sarili ko.

Gagawin ko ang lahat, Ibrahim. Kahit anong mangyari, pipilitin kong mahalin mo ako. Kahit gaano pa kahirap. Kahit gaano pa kasakit.

Dahil ito ang tadhana ko. Ito ang kapalaran ko. Ang mahalin ang taong hinding-hindi makakabalik ng pagmamahal ko.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
3 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status