Jenyfer “Jawo, 'wag mo na lang ipasok sa looban. Dito nalang ako salamat sa libre pamasahe ha, ingat ka kung babalik ka pa sa pasada," saad ko pagbaba ng tricycle n'ya. Tinapik ko pa sa balikat niya. Isang tipid na tango lang ang tugon niya sa 'kin at pagkatapos, umalis din si Jawo. Sabi n'ya uuwi na s'ya ang gulo naman nitong si Jawo. Kausap ko na lang sa king sarili. Pinanood ko siya umalis hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Pagdating ko sa bahay. Naroon na si Tatay. Magkatabi sila ni Nanay sa sala nanood ng favorite ni Nanay na palabas sa luma na naming TV. "Sana all sweet," parinig ko sa kanila. Lumingon sila pareho. Tumawa lang si Nanay at Tatay niyaya akong sumama sa kanila. “Nariyan ka na pala anak, halika nood ka rin," wika ng Nanay ko. "Nah, hindi na po. Istorbo lang po ako sa inyong dalawa," naalala ko kung mayroon ng ulam. Kasi kung wala. Ako na lang bibili sa labas. "Nay, mayroon na po ba tanghalian?" "Oo anak, may pagkain doon sa mesa kung gutom ka na.
더 보기