MasukCHAPTER 168“A-Ano pong s-sabi nyo?” tanong pa ni Bernard at tila ba nabingi siya sa huling sinabi na iyon ng doktor.“Naiintindihan ko po kayo at kahit naman po ako ay gusto na maging maayos ang lagay ng aking pasyente kaya po ginawa ko ang lahat ng aking makakaya para mamonitor ko siya magdamag at ipinagpasalamat ko naman na hindi na siya muling nagseizure. Ayun nga lang ay hindi pa rin po siya nagigising hanggang ngayon kaya kailangan pa rin po talaga siyang bantayan,” sagot ng doktor.Hindi naman napigilan ni Andrea ang kanyang sarili at napahagulhol na lang talaga siya ng iyak dahil sa sinabi na iyon ng doktor kaya naman agad itong dinaluhan ng kanyang asawa na si Maximo. Ang ina naman ni Bernard ay nagulat din dahil hindi talaga niya iyon inaasahan kaya naman agad na niyang linapitan ang kanyang anak. Habang si Bernard naman ay hindi na rin napigilan ang kanyang sarili at kusa na ring pumatak ang kanyang luha.“D-Dok, please gawin nyo naman po ang lahat ng makakaya ninyo para m
CHAPTER 167 “M-Maaari ko ba siyang mabuhat kahit saglit lang?” nauutal pa na tanong ni Bernard sa nurse na nakasunod sa kanya. “Pasensya na po sir pero hindi nyo pa po siya maaaring mabuhat sa ngayo dahil sa mga aparatong nakakabit sa kanya at bukod po roon ay masyado rin pong maselan ang lagay ng bata,” sagot ng nurse kay Bernard. Bigla namang nakaramdam ng lungkot si Bernard dahil sa sinabi na iyon ng nurse pero alam naman niya na hindi talaga niya maaaring bubatin ang bata at nagbakasakali lang talaga siya ngayon. “Pero pwede nyo po siyang hawakan sir. Nakapag sanitize naman po kayo kanina. Maging maingat lang po sa paghawak sa kanya,” sabi pa ng nurse at saka nito itinuro kay Bernard ang gagawin nito. Tila biglang nabuhayan ng dugo si Bernard at hindi na siya nagpatumpik tumpik pa at sinunod na niya ang sinabi ng nurse. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay ng hawakan niya ang kamay ng kanyang anak at kasabay noon ay ang pagpatak ng kanyang luha dahil awang awa talaga siy
CHAPTER 166Pagkabalik naman ng doktor ni Maxene sa OR ay agad na rin naman na inilipat si Maxene sa ICU kaya naman doon naman matyagang nagbantay sila Bernard at ang kanyang pamilya pati na rin ang magulang ni Maxene at si Bea.Nanatili namang walang imik at nakatulala lamang si Bernard sa labas ng ICU kung nasaan si Maxene. Gustong gusto na niya itong makita at mayakap pero hindi pa nga maaari dahil hindi pa muling lumalabas ang doktor nito.Maya maya pa ay linapitan na ni Diana si Bernard at saka niya ito inabutan ng tubig dahil kanina pa ito tahimik na umiiyak sa isang sulok.“Uminom ka na muna. Baka naman kapag magaling na ang iyong mag ina ay ikaw naman ang magkasakit. Tandaan mo na higit na kailangan ka ng iyong mag ina kaya wag mong pababayaan ang sarili mo,” sabi ni Diana kay Bernard at saka siya tumabi rito.Bumuntong hininga naman si Bernard at saka niya tinanggap ang tubig na inaabot ng kanyang ina.“Alam ko naman na nag aalala ka na sa iyong mag ina at kagaya mo ay gusto
CHAPTER 165Samantala naman sa ospital ay matyaga pa rin na naghihintay si Bernard at ang kanyang mga magulang sa labas ng OR. Halos isang oras na rin ang nakalilipas simula ng ilabas doon ang kanilang anak pero hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas ulit ang doktor ni Maxene.“Bakit ang tagal naman yatang lumabas ulit ng doktor ni Maxene? Hindi ba pwede na dalhin na lamang si Maxene sa ICU kung kinakailangan para matutukan siyang mabuti roon. Kesa naghihintay tayo rito na kung ano na ba ang nangyayari sa kanya sa loob,” tila naiinip naman na sabi ni Bernard at naihilamos na lamang din niya ang kanyang palad sa kanyang mukha dahil sobra na talaga siyang nag aalala para kay Maxene.Bumuntong hininga naman si Diana at saka niya linapitan si Bernard.“Anak, alam ng doktor ang ginagawa nila. Sigurado naman ako na hindi nila pababayaan si Maxene sa loob,” sabi ni Diana sa kanyang anak.Napabuntong hininga na lamang ulit si Bernard dahil sobra na talaga siyang nag aalala kay Maxene at pa
CHAPTER 164“M-mom, maniwala po kayo sa akin. Wala po talaga akong kinalaman sa ginawa na iyon ni Irish. Hindi ko alam na balak pala niyang saktan si Maxene,” depensa pa ni Joseph sa kanyang sarili.“Kahit ano pa ang sabihin mo ay nakipagsabwatan ka pa rin sa kanya. Nagtutulungan pa rin kayo para mapaghiwalay sila Bernard at Maxene. Bakit ba kasi hindi ka na lang maging masaya para sa kanila? Ayaw mo ba siyang makita na masaya? Magkakaroon na sila ng sarili nilang pamilya kaya bakit ba hindi mo maintindihan yun,” inis pa rin na sagot ni Pamela sa kanyang anak.Hindi naman makapagsalita si Joseph at nagyuko na lamang din siya ng kanyang ulo dahil sa sinabi na iyon ng kanyang ina.“Kahit pa sabihin mo na hindi mo alam na gagawin ni Irish ang bagay na yun ay isa pa rin ang malinaw na maling ginawa mo. At yun ay ang nakipagsabwatan ka pa rin sa kanya. Joseph, ikaw ang nagloko sa relasyon ninyo ni Maxene pero bakit ba tila ikaw pa itong hindi matahimik. Pabayaan mo na siyang maging masaya.
CHAPTER 163Agad na rin naman na dumiretso sila Jonathan sa kanyang sasakyan at doon na rin niya pinaderetso ang kanyang mga tauhan na may hawak sa kanyang anak na si Joseph.“Dad, saan nyo po ba ako dadalhin? May sarili po akong sasakyan at hindi nyo na po ako kailangang isakay pa rito sa inyong sasakyan,” sabi ni Joseph sa kanyang ama nang isakay na siya ng mga tauhan nito sa loob ng sasakyan pero hindi pa rin siya makagalaw ng ayos dahil hawak siya ng mga tauhan nito.Hindi naman nagsalita si Jonathan at sinenyasan lang din niya ang kanyang driver at pagkatapos ay agad na rin naman na umalis ang kanilang sinasakyan.Buong byahe naman ay wala ng ginawa si Joseph kundi ang magpumiglas sa mga tauhan ng kanyang ama pero dahil nga dalawa ang may hawak sa kanya ay talagang hindi niya kayang makawala sa mga ito.Sa totoo lang ay sobrang kinakabahan na talaga si Joseph ng mga oras na iyon dahil kilala na niya ang kanyang ama at alam na niya kung paano ito magalit.Nang tumigil ang sasakyan
CHAPTER 79Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Bea bago siya muling tumingin sa binata.“Alam ko naman na wala akong karapatan na panghimasukan kayong dalawa. Pero may tiwala ako sa’yo Bernard at umaasa ako na hindi mo pababayaan ang kaibigan ko,” makahulugan na sabi ni Bea sa
CHAPTER 77“N-Naku dad. S-Siguro po ay dahil ngayon nyo na lamang po ulit ako nakita kaya nyo po nasabi yan. Dati pa naman pong ganito ang katawan ko baka hindi nyo lamang po iyon napapansin noon,” sagot ni Maxene sa kanyang ama at sobrang lakas talaga ng kabog ng kanyang dibdib dahil talagang nata
CHAPTER 92Mabilis naman na lumipas ang mga araw at ngayon nga ay araw na ng linggo at ngayon din ang araw ng pagpunta nila Maxene at Bernard sa mansyon ng magulang ng binata upang ipaalam sa mga ito ang tungkol sa pagbubuntis ni Maxene.“Relax ka lang ha. Hindi naman kita pababayaan at isa pa ay a
CHAPTER 94“Mom, pasensya na po kayo kung hindi po kaagad namin sinabi ni Maxene ang tungkol sa pagbubuntis niya. Ang totoo pa nga po nyan ay bago ko po siya ipakilala sa inyo ay ilang buwan na rin po talaga kaming magkarelasyon. Sadyang hindi ko lang po talaga muna siya ipinakilala sa inyo noon da







