Mag-log inMula sa mundo ng mga ilaw, alak, at mga lalaking may pera, sanay na si Aithne Montillano na magpanggap. Magpanggap na masaya siya sa ginagawa niya kahit alam niya sa sarili niyang hindi.Kahit kailan man ay hindi siya magiging masaya sa pagiging club entertainer, pero kahit pa man ganun ang kanyang trabaho ay hinding hindi siya nagpapagalaw sa mga customers niya, tanging hawak lang ang mga ito sa hita niya o kaya hinahalikan siya ng mga ito sa leeg. Kahit palibutan siya ng mga mayayamang lalaki gabi gabi, ay may isang prinsipyo siyang hindi kailanman binasag, ang sarili niya ay hindi kailanman ibebenta kapalit ng salapi. Hanggang nakilala niya si Havoc Marchetti- isang ruthless billionaire CEO, kilala siya sa pagiging walang awa sa negosyo at walang awang pinapalampas na kahinaan. Sanay siyang manalo, sa boardroom, sa deals, at sa buhay. Isang maling desisyon lang ng kalaban ay kaya niyang agawin ang kumpanya, wasakin ang reputasyon, at lumakad palayo na parang wala lang. Perpekto ang buhay ni Havoc. Kahit babae nabibili niya, at wala siyang balak mag asawa dahil para sa kanya ang pagpapakasal ay isang kulungang kailanman ay hindi niya matatakasan, ngunit makulit ang ina niya, madalas siya nitong kinukulit kung kailan siya mag-aasawa at magkaroon ng anak. Sa isang gabing puno ng tensyon at tahimik na titigan ay biglang gumawa ng alok si Havoc na hindi kayang tanggihan ni Aithne. Isang gabi. Isang kontrata. Isang halagang kayang magligtas ng buhay. Dahil sa trahedyang magpapatumba sa kanyang mundo , mapipilitan si Aithne na suwayin ang sarili niyang panata.Habang mas lumalım ang kanilang ugnayan, mas lumalabo ang linya sa pagitan ng pagnanasa, damdamin, at pag-ibig. Sa mundong lahat ay may presyo, hanggang saan mo kayang ibenta ang sarili mo kapag puso mo na ang nakataya?
view moreSanay na akong titigan.
Sanay na akong hubaran ng mga mata—husgahan, ikahon, babuyin sa tingin pa lang. Kaya habang sumasayaw ako sa entablado, paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na trabaho lang ‘to. Wala nang personalan. Hanggang sa bumaba ako ng stage. Hindi pa man ako nakakaupo sa gilid, may humarang agad sa akin—tatlong lalaki, halatang lasing. May isa pang dumura sa sahig bago ngumisi. “Uy, ikaw pala ‘yong kanina,” sabi niya. “Mas masarap ka sa malapitan.” Tumawa ang kasama niya. “Magkano ka? Sabihin mo na, dagdagan namin.” Umiwas ako at sinubukang dumaan sa gilid. “Excuse me,” mahinahon pero matigas ang boses ko. Hinawakan niya ang bewang ko. “Arte mo naman. ‘Di ba ’yan naman ang trabaho mo?” Parang may kumuyom sa dibdib ko. Hindi sa takot—kundi sa galit. Pinilit kong alisin ang kamay niya. “Bitawan mo ako.” Mas lalong tumawa ang isa. “Ay, ayaw? E ‘di mas mahal—” “Leave her alone.” Isang boses ang pumutol sa ingay. Mababa. Kalma. Pero may bigat na hindi ko maipaliwanag. Lumingon kami. Isang lalaki ang nakatayo sa likod nila. Hindi ko siya kilala. Hindi ko pa siya nakikita kahit minsan. Pero iba ang tindig niya—hindi nagyayabang, hindi nagmamadali. Diretso lang ang tingin. “Lumayo kayo,” sabi niya. Walang sigaw. Walang mura. “Ano ka ba?” singhal ng lalaking may hawak sa akin. “Customer din kami.” “Hindi niya kayo customer,” sagot ng lalaki. “At malinaw na ayaw niya.” Napatingin ako sa kanya—gulat, litong-lito. Bakit siya nakikialam? “Uy, hero ka?” nanlilisik ang mata ng isa. “Wag kang sawsaw—” Hindi ko nakita ang suntok na dumating. Isang malakas na dagok ang tumama sa panga ng lalaking nakikialam. Tumilapon siya paatras at napasandal sa mesa. Nabasag ang baso. Sigawan sa paligid. “Hoy!” may sumigaw. Nanlaki ang mata ko. “H-Hey!” Hindi siya gumanti agad. Tumayo lang siya, pinunasan ang dugo sa gilid ng labi, at tumingin sa lalaking sumuntok —walang galit. Mas nakakatakot. “Leave before I’ll do something you will regret.” sabi niya ulit. Nagkatinginan ang tatlo. May mga bantay nang papalapit. Padabog silang umalis, nagmumura. Nanatili kaming dalawa sa gitna ng gulo. “Okay ka lang?” tanong niya, saka lang ako tinignan. Tumango ako, kahit nanginginig ang kamay ko. “Bakit mo ginawa ‘yon?” Tumaas ang balikat niya. “May lumampas sa linya.” “Hindi ka nalang sana nakialam,” sabi ko, halos pabulong. Tumingin siya sa akin—unang beses kaming nagtagpo ng tingin. Kulay tsokolate ang mata niya, diretso, walang pagnanasa. “Mas delikado para sa’yo kapag walang kumikialam,” sagot niya. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may bumitaw sa loob ko. Isang pader na matagal kong itinatayo. “Hindi mo naman ako kilala,” sabi ko. “Hindi kailangan,” tugon niya. “Para gawin ang tama.” Tahimik kami sandali. Ang ingay ng club parang lumayo. “Aithne,” sabi ko, ewan kung bakit ko sinabi ang pangalan ko. Tumango siya. “Okay, Aithne.” Hindi ko tinanong ang pangalan niya. Hindi ko rin alam kung babalik siya sa upuan niya o aalis na lang. Pero bago siya tumalikod, nagsalita siya ulit. “Kung may lalapit ulit,” sabi niya, “sabihin mo sa guard. At kung nandito pa ako—” Huminto siya, parang nag-isip. “—hindi ka nag-iisa.” Umalis siya bago pa ako makasagot. Nanatili akong nakatayo roon, may bahid pa ng takot, pero may bago— isang kakaibang init sa dibdib. Hindi ko siya kilala. Hindi ko alam kung sino siya. Pero sa unang pagkakataon sa lugar na ‘to, may isang lalaking sumuntok para sa akin—kahit hindi niya ako kilala. At sa gabing iyon, alam kong may isang bagay ang nagbago.AITHNE'S POVTahimik ang loob ng sasakyan. Hindi 'yong klase ng tahimik na nagbibigay ng kapayapaan, kundi 'yong klase ng katahimikan na parang may nakatagong sigaw sa bawat segundo. Walang tugtog. Walang kahit anong ingay maliban sa mahina ngunit tuloy-tuloy na ugong ng makina at sa sariling paghinga kong hindi makontrol.Hindi ako makatingin kay Havoc.Nasa driver's seat siya, diretso ang tindig, ang parehong kamay ay mahigpit na nakahawak sa manibela na para bang kung bibitaw siya kahit sandali, may masisira o may mawawala. Hindi ko alam kung galit ba siya, pagod o pareho. Basta alam ko mas mabigat ang presensya niya ngayon kaysa noong una kaming nagkakilala.Ngayon, para akong boluntaryong bumalik sa hawla. Ito ba talaga ang mas ligtas?Huminto ang sasakyan sa harap ng isang napakalaking gate. Itim. Makintab. Matangkad. Parang pader na humahati sa dalawang mundo—at sa sandaling bumukas ito, alam kong wala na akong babalikan.Nung una kasi sa hotel niya lang ako pinatira.Pumaso
AITHNE'S POVMalabo ang paningin ko nang magising ako. Ang katawan ko, parang winasak ng isang bagyong hindi ko alam kung paano ko naranasan. Ang ulo ko, pulikat at parang may matinding martilyo na nagpapabagsak sa utak ko. Mabaho ang paligid—amoy disinfectant, may halo pang antiseptic, parang lahat ng amoy ng hospital ay gustong ipaalala sa akin kung nasaan ako.Napakalabo ng lahat. Hindi ko alam kung tulog pa ba ako o gising na, pero ramdam ko agad ang bigat ng pagkakasaklay ng katawan ko. Inilibot ko ang ulo ko sa kwarto, halatang takot sa kung ano ang makikita ko. Doon ko nakita ang dalawang pares ng matang nagbabaga sa galit—matang dati kong kinatatakutan sa papel, sa kontrata, sa buhay ko mismo.Napalunok ako ng laway, napakapit sa hospital sheets. Ramdam ko kung gaano kalakas ang pintig ng puso ko, parang sasabog.“H-havoc....” halos bulong ko lang, hindi sigurado kung boses ko ay maririnig niya o mawawala sa gitna ng kaba ko.“You just can't leave....” malamig, mabigat, parang
Hindi ako lumingon.Kahit may parte sa akin na gustong tumakbo pabalik, yakapin ang maling seguridad, at magpanggap na hindi ko narinig ang lahat ng salitang bumaon sa laman ko—hindi ako lumingon.Ang paglingon, para sa akin, ay pagsuko.Mabigat ang hangin habang naglalakad ako palayo sa bahay na hindi kailanman naging akin. Tahimik ang paligid, yung katahimikang hindi mapayapa kundi mapanganib. Parang bawat tunog ay pinalalaki ng gabi—ang sariling yabag ko, ang paghinga ko, ang pagkaluskos ng mga dahon sa gilid ng kalsada. Masikip ang dibdib ko. Hindi dahil sa pagod, kundi dahil sa lahat ng hindi ko nasabi. Lahat ng tinanggap ko kahit alam kong hindi ko dapat. Paulit-ulit na sumasagi sa isipan ko ang sinabi ng babaeng 'yon. Mas lalo akong nanliit sa sarili ko. Wala akong choice kundi maging bayarang babae. Napagtanto kong tama naman siya. Ang basahan kahit bihisan ng mamahalin, basahan pa rin. At kahit kailan ang langit at lupa ay hindi magtatagpo. Kasunduang kasal lang ’to.Pau
AITHNE’S POVAkala ko kaya ko.Akala ko sapat na ang katahimikan, ang pagod, ang paghinga nang malalim para matulog at kalimutan ang lahat.Pero mali ako.Pagkaalis ni Havoc sa kwarto—kahit sandali lang—doon bumigay ang lahat.Umupo ako sa sahig, likod ko nakasandal sa kama. Dahan-dahan kong hinubad ang mga alahas na suot ko kanina. Isa-isa. Parang bawat pagtanggal, may kasamang alaala ng mga matang tumingin sa akin na parang hindi ako kabilang.Basahan.Tumawa ako—mahina, basag.“Basahan,” bulong ko sa sarili ko. “Oo nga naman.”Tumingin ako sa salamin sa harap ko. Hindi ko nakita ang asawa ng isang Marchetti. Sabagay, hindi naman ito totoong kasalan. Kailangan ko ng pera para sa kapatid ko, kailangan niya ng asawa para hindi na siya kukulitin ng pamilya niya. Hindi ko nakita ang babaeng ipinaglaban niya sa harap ng lahat.Ang nakita ko—ako pa rin.Yung babaeng sanay husgahan.Yung babaeng mababa ang lipad.Yung babaeng madumi na nagtatrabaho sa club at kung sino sinong lalaki ang hu






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.