Kinabukasan paika-ika akong naglakad. Kagabi pa talaga to. Nag-alala nga sila Nanay. Pero sabi ko okay lang ako. Pagkatapos kong maghanda, lumabas na ako. Nagtaka ako kung saan ba si Tatay.
"Hindi makakapasok ang tatay mo, may sakit daw." Sabi ni Nanay ng mapansin na hinahanap ko si Tatay.
"Asan po si Tatay?" Tanong ko naman.
"Nasa kwarto anak." Sagot ni Nanay. Agad naman akong pumunta sa kwarto nila.
"Tay, ano po bang nararamdaman niyo?" Tanong ko agad mg makapasok sa kwarto nila. Nakita ko si tatay na nakapulupot sa kumot niya.
"Wala to anak, lilipas rin to. Ipapahinga ko lang ito." Iyon ang sabi niya.
"Kaya niyo pa ba Tay?" Nag-aalalang tanong ko. Talagang hindi ako magdadalawang isip na itakbo siya sa hospital.
"Oo anak, sige na at mahuhuli
ka na sa pasok mo." Sabi niya. Nagpumilit pa ako na ipapunta siya sa Hospital pero ayaw niya dahil hindi naman daw iyon seryoso.Tumawag muna ako kay Sir Timoteo na hindi makakapasok si Tatay. Pagkatapos ay naglakad na ako papunta sa mansyon. Naka brown skirt at coat ako na ang panloob ay puti tsaka nagsuot ng pares ng brown sandals.
Buti nalang talaga at hindi ganoon ka taas ang takong ng sandals na ito. Pa ika-ika parin ako sa paglakad. Hanggang sa makaabot sa mansyon ng mga Castillo.
Dumiretso na ako sa taas ng wala akong nadatnan na sir sa baba. Pagkapasok ko ay nasa veranda na siya may inaasikaso sa laptop niya.
Tinignan niya ako ng makapasok pero binalik din agad ang tingin sa ginagawa niya. Naglinis nalang ako sa kwarto niyang sobrang kalat. Pagkatapos sa banyo, sa walk-in-closet niya at pumunta na ako sa Veranda.
"What's my schedule for today?" Tanong niya agad ng nasa veranda na ako ng kwarto niya.
"Sa hapon lang po may meeting sir, with Mrs. Redondiez at exactly 2 pm po." Sagot ko naman sa kanya.
"May kailangan pa po kayo sir?" Tanong ko naman.
"Milk, bacon, egss and rice." Sabi niya. Bumaba naman ako para paghandaan siya ng pagkain.
Nagluto ako ng mga sinabi niyang ulam. Hinubad ko muna ang coat ko at sinuot ang apron. Madali lang naman iyong gawin.
Kaya pumanhik na ako pabalik sa taas ng para hatiran siya ng breakfast. Maingat ko itong nilagay sa mesa niya. Tinabi ko muna ang mga gamit niya para walang sagabal.
Una niyang sinubo ang bacon tsaka kanin. Oo, binabantayan ko siya habang kumakain. E sa wala akong magawa e. Nangunot ang noo niya ng malasahan ang gatas.
"Ang tabang." Angil niya.
"Hala, sorry po sir. Papalitan ko nalang po." Pagpapaumanhin ko bago bumalik sa baba para ikuha siya ng freshmilk na ibang brand.
Pagkapanhik ko sa kwarto niya, nilahad ko ang gatas at lumayo. Distansya nga, diba? Ayaw ko rin namang makatabi siya.
"I want cow's milk." Aniya at binalik ulit sakin ang baso. Bumaba ulit ako para kumuha ng cow's milk. Tapos bumalik ulit sa kwarto niya.
"I don't like it, goat's milk nalang." Reklamo niya ulit. Bumaba ako ulit para kunin ang goats milk na gusto niya. Nagdala pa ako ng iba ibang gatas. Pati thermos dinala ko. Para kung sakaling may reklamo pa siya, titimplahan ko nalang siya ng gatas.
Malapit pang mahulog ang mga dala ko ng pa-akyat na ako sa hagdan. Ang sakit pa ng balakang ko. Nakakainis naman tong among to!
"Heto sir." Sabi ko at nilagay lahat sa mesa ang dala ko.
Nangunot naman ang noo niya. Nilasahan niya ang isang basong goat's milk. Napangiwi naman siya. Alam ko na ang susunod na mangyayari nito.
"I really don't like the taste of the milks, mag te-tea nalang ako sa baba." Iyon ang sinabi niya at tinalikuran na ako.
Nananadya talaga ang isang to! Bwesit talaga siya! To the highest level ang ka bwesitan!
Niligpit ko na ang pinagkainan niya at binalik sa baba. Nagpa balik-balik pa ako dahil sa dami kong gatas na nakuha. Si sir naabutan ko lang sa Sala na nag tsa-tsaa. Sarap niya hambalusin ng hard!
Pumanhik ako ulit sa kwarto niya para maglinis. Bumaba lang ako ng malapit na alas dos. Dahil nga may meeting kami. Nasa banyo ako ng maid's quarter ng biglang tumunog ang phone ko.
*Mikeolo calling*
Agad ko naman itong sinagot at pinwesto sa may tenga ko.
"Oh Mi—
"Kley! Sinugod si Mang Jiro sa hospital!" Sabi niya sa kabilang linya na ikinakaba ko!
"Ha!?bakit!?" Nag-aalala na ako, lumabas ako sa banyo at inayos ang gamit ko.
"Namimilipit at sumisigaw na siya sa sakit.." rinig ko ang pag-aalala sa boses ni Miko.
"Sige
papaunta na ako diyan. I text mo kung saang hospital." Tugon ko at binaba na ang telepono at walang paalam na umalis.Nag-aalala na ako masyado kay Tatay! Sabi ko naman kasi sa kanya na dalhin ko na siya kanina pa! Lakad takbo ang ginawa ko hanggang sa makakita ng tricycle.
Tinext na ni Miko kung saan silang hospital. Medyo malayo layo iyon sa mansyon kaya medyo natagalan ako sa byahe kaya malaki din ang pamasahe.
Pagkadating ko dun nakita ko si Nanay na umiiyak, katabi niya si Mikeolo at katapat naman nito si Kagawad na ama ni Miko.
"Kley!" Tawag ni Miko akin ng matanaw na ako. Ng makaharap ko sila nagmano ako agad kay Kagawad Arthur at Nanay.
"Nay, anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ko. Puno na ako ng pawis dahil nga lakad takbo ako kanina. At sobrang init pa. Pero hindi ko na ininda iyon, gusto ko lang makita si Tatay.
"Hindi ko alam kung ano ang nangyari anak, basta nalang siyang nagsisigaw at namimilipit sa sakit. Nag-aalala ako. Kaya tinawag ko si Miko. Tumulong naman sila ni Kagawad para maidala siya dito." Sabi ni Nanay na umiiyak pa. Niyakap ko si Nanay at pinatahan.
Natinag kami ng may biglang lumabas na doctor.
"Kayo ho ba ang pamilya ng pasyente?" Tanong ng doctor, napatango tango naman ako.
"Opo, kami nga po. Kumusta ho ang lagay ni Tatay?" Tanong ko.
"He's still under observation. So he will stay here in the hospital for the meantime. We gave him pain killers already, we still don't have findings about his case." Iyon ang sinabi ng doctor. Napatango tango lang ako at nagpasalamat.
Pinayagan na kaming makapasok sa kwarto ni Tatay. Naabutan namin siyang natutulog. Bumili pa kami ng pagkain ni Miko. Tahimik lang ako, at hindi ko alam ang gagawin ko.
Ilang sandali lang nagpaalam na sila Miko. Nagpasalamat naman ako sa pagtulong nila sa pamilya ko. Si Nanay, tahimik lang na pinanonood si Tatay. Nakatingin lang ako sa bintana. Napansin kong medyo makulimlim na.
At dahil dun, may bigla akong naalala.
Teka! Agad Kong nahulbot sa bulsa ko ang cellphone! May tatlong missed calls na at isang text galing kay Sir Thomas!
'Don't ever think of coming back.'
Kinabahan ako sa text niya. Agad akong nagpaalam kay Nanay na babalik muna sa mansyon. Pinayagan naman niya ako.
Gabi na ng nakarating ako sa mansyon ng mga Castillo. Pagkapasok ko, Wala ng mga kasambahay sa loob. Siguro ay nag hahapunan na. Pumanhik ako sa itaas at pumunta sa kwarto ni Sir.
Papasok sana ako ng maabutan ko siya sa veranda ng mansyon. May laptop, mga papeles, at inumin sa mesa niya.
Narinig niya siguro ang ingay ng takong ko kaya napalingon siya sakin. Tinaasan niya ako ng kilay. Napayuko ako.
"Sir, sorry talaga si—
"Do you know that this project is really important?" Aniya. Napayuko lang ako at hindi sumagot.
"Do you know how important it is!? Huh!?" Sigaw na niya kaya napatalon ako sa gulat!
"Shit!" Malutong na mura ang narinig ko at ang mga papeles ay nahulog sa sahig.
"Don't do it again! Or else I will fire you!" Aniya at tinalikuran ako.
Hindi ko na mapigilan ang luhang kanina pa nagbabadyang tumulo. Umiiyak ako habang pumupulot ang nakakalat na papeles sa sahig. Dinala ko na ang gamit niya sa kwarto niya. Tsaka nagpaalam at umuwi.
Mag-isa lang ako sa bahay, ni hindi ako kumain dahil wala akong gana. Nilubog ko ang sarili ko sa higaan at doon nilabas ang sakit na nararamdaman ko.
Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng bayarin sa hospital. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Pero Isa lang ang nasa isip ko, ang maayos na kalagayan ni Tatay.
Hindi ko na talaga naiintindihan ang nangyayari.
Maaga akong nagising para mangisda. Paniguradong klarong klaro ang mugto ng mata ko ngayon pero wala akong pakialam, gusto ko lang maghanapbuhay para may ipambayad kami."Kle— hoy anong nangyari sayo?"Tanong ni Miko ng makababa na kami ng bangka. Kela Manong Bitoy kasi ako sumakay.
Inimpake ko na ang gamit ko nung gabing iyon. Dahil sa mansyon ako matutulog ngayon. Pagkadating ko sa mansyon. Tahimik na. Pumunta naman ako sa maid's quarter."Uy?Ditoka na matutulog?"Tanong n
Kumalas na si Sir ng marinig na tumahan na ako, nakapamulsa niya akong tinignan at bigla nalang akong tinalikuran.Hindi ko naman inaasahan na may sasabihin pa siya. Ginawa ko nalang ang trabaho ni Tatay sakit na gabi na ay may poste nanam na nagsisilbing ilaw ko.Pumasok na ako ng dinalaw na ng
"Goodmorning Sir!"Bati ko ng makapasok kinabukasan sa kwarto niya."Morning, Kleian."Wow si Sir improving. Ganoon parin siya, nakaharap sa laptop niya at mga papeles sa mesa niya.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Hindi pa ako naligo dahil mangingisda ako ngayon. Pagkalabas ko nagulat ako ng makita si Sir sa kitchen. Naaninag ko naman na medyo madilim pa sa labas."Good morning sir."Bati ko ng makita siyang nakatingin sakin. Tinignan niya ako na parang inaalam kung saan ako papunta.
Nang matapos ang basketball namin kahapon ni Sir ay nagpahinga na kami at nagpagpasyahan niya rin kung saang bar.Sana talaga hindi ako pumayag sa deal nayun! Tamo tuloy! Papasok ako sa bar mamaya! Ang isang Maria Kleain Fuentes!? Yung mabait na anak ni Jiro at Maria!? Papasok sa bar!? Hindi ako makapaniwala.
Nagpatawag ako ng tauhan galing sa mansyon para sunduin kami at kunin ang kotse ni Sir Thomas. Pano ba naman kasi to si Sir Thomas, nagkalat ng masyado. As in literal na kalat. Yung nagkalat ha talaga yung kalat na grabe talaga. Yung parang nagwawala na siya ganon. Sobrang lasing na lasing siya kung ano ano nalang pinagsasabi."Nakonaman&n
Nagpahanda si Sir sa resort at sa mansyon kahapon, masaya naming na diwang iyon. Puro bati ang ginawa ni Sir sakin. Kahit na alam kong, yung pag post lang ng pictures sa social media ang nagawa ko pero ini-insist niya parin na malaking tulong na daw iyon.Palagi niya akong sinasabihan na ang galing ko daw, may marketing skills daw ako. Nako ini-echos pa ako.