The Billionaire's Real Wife

The Billionaire's Real Wife

last updateปรับปรุงล่าสุด : 2026-01-10
โดย:  Darkshin0415ยังไม่จบ
ภาษา: Filipino
goodnovel18goodnovel
คะแนนไม่เพียงพอ
5บท
0views
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด

แชร์:  

รายงาน
ภาพรวม
แค็ตตาล็อก
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป

'Pipigilan ko ang sarili ko na mahulog sa kanya, dahil kahit ano pa ang gagawin ko, hinding-hindi niya ako mamahalin... K-kahit pa, mukha niya ang nakikita niya sa akin....'

ดูเพิ่มเติม

บทที่ 1

CHAPTER 1

THE BILLIONAIRE'S REAL WIFE CHAPTER 1 

3RD POV 

"Anong ibig mong sabihin John?" Gulat na tanong ni Rose sa asawa niya. 

"Nakita na namin ang totoong Anak natin." Sagot nito sa asawa niya, habang bakas sa mukha nito ang gulat. 

"Hindi ba, sinabi ko na sa 'yo na 'wag mo na siyang hahanapin pa!" Galit na sigaw nito sa asawa niya. 

"Alam mong matagal ko nang natatanggap na wala na siya." 

"Rose, Anak natin siya, kaya may karapatan siyang bumalik sa bahay natin." 

"Pero paano na si Zoe? Gusto mo bang masaktan ang Anak natin?" 

"Maintindihan naman tayo ni Zoe, dahil patitirahin lang naman natin siya rito, at hindi naman natin siya mamahalin, katulad sa pagmamahal natin kay Zoe." Wika nito sa kanya. 

"Kahit na, alam mong si Zoe lang ang gusto ko, at wala nang iba pa." Madiin na wika ng asawa niyang si Rose, at mabilis na tinalikuran si John. 

"Zoe!" Tuwang wika nito, matapos nitong makita si Zoe, na bumaba sa kotse. 

"Mommy.." Tuwang wika nito, habang mahigpit na niyakap si Rose. 

"Halika Anak, alam kung gutom kana, naghanda ako ng mga pagkain." Ngiting wika nito kay Zoe. 

"Mommy, mga paborito ko ba ang hinanda mo?" Maktol na tanong nito sa kanya, habang mabilis siyang tumango rito. 

"Alam mo naman na lahat ng gusto mo, ay binibigay namin Anak." Wika ni Rose, habang mahigpit itong niyakap. 

"May gusto ba kayong sabihin sa akin Mommy?" Tanong nito, kaya natigilan si Rose, hindi niya alam kung paano sabihin sa rito, ang tungkol sa tunay nilang anak. Ayaw niya rin itong masaktan at natatakot siyang bigla nalang itong magtampo at iiwan sila. 

"'Yong nawawala naming Anak.." Wika niya, habang kunot-noo itong tumingin sa kanya. 

"Ayaw niyo na ba sa akin Mommy? Gusto niyo na ba akong umalis sa baha-." 

"Hindi! Nagkakamali ka Anak, hindi ko papayagan 'yon." Iyak na wika niya rito. 

"Alam mo naman na ikaw lang ang mahal ko Zoe." 

"Kung ganun, bakit n'yo pa siya hinanap Mommy?" Iyak na tanong nito sa kanya. 

"Anak, pwede bang 'wag kang umiyak. Alam mo naman na nasasaktan ako, tuwing nakikita kitang umiiyak." Hikbing wika ni Rose rito. 

"'Wag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat, mawala lang ulit siya sa bahay." Napatingin si Zoe rito, dahil sa sinabi nito. 

"Hindi mo na kailangan na gawin pa 'yon Mommy, dahil gagawin ko nalang siyang katulog." Ngiting wika nito, habang pinunasan niya ang mga luha niya sa mga mata. 

"Lola!" Sigaw nito habang nilapitan niya ang kanyang lola. 

"Ang ganda naman ng Apo ko, kumusta ang klase?" Tanong nito, habang tumabi si Zoe rito at yumakap. 

"Nakakapagod Lola, kung pwede pa lang na hindi nalang ako mag-aral." Ngiting wika niya, habang napangiti rin ito sa kanya. 

"Sige kung 'yon ang gusto mo Apo," 

"Mama, alam mo naman na hindi pwede 'yon." Mabilis na sumimangot si Zoe, matapos niyang marinig ang sinabi ng kanyang ama. 

"Alam n'yo naman na siya lang ang tanging tagapagmana sa pamilya natin." Muling wika nito, sa malumanay na boses. 

"Kaya kahit nahihirapan ka Anak, ituloy mo ang pag-aaral mo." Wika nito, habang hinalikan sa pisngi si Zoe.

"Daddy, mayaman na naman tayo, kaya pwede na na hindi ako mag-aral. 'Di ba Mommy?" Tanong nito kay Rose, habang mabilsi itong tumango. 

Malawak naman na na-pangiti si Zoe, habang tumingin sa kanyang ama, dahil alam niya, na hindi mananalo ang kanyang ama sa kanilang tatlo. 

"Sir, nandito na po ang daddy niyo kasama si Maam Zena." Wika ng katulong, kaya mabilis na kumunot ang noo ni Zoe. 

"Rose, siya ang tunay mong anak si Zena." Wika ni Leon kay Rose. 

Galit naman na tumingin si Rose, sa dalaga na kasama ng beyenan niya. 

"Alam mong hindi ko siya anak! Bakit ba hindi mo matanggap si Zoe bilang Anak ko?!" Galit na sigaw niya rito, kaya mabilis siyang nilapitan ni John. 

"Tama na." Wika ni John, habang tumingin sa dalagang katabi ng kanyang ama. 

"Dalhin niyo siya sa silid niya." Utos nito sa katulong. 

"Zoe, pumasok ka muna sa silid mo." Wika ni John dito. 

"Ayoko Daddy, alam ko naman na matagal nang ayaw sa akin ni Lolo, at alam ko na hindi niya ako mahal." Iyak na wika nito, kaya mabilis itong nilapitan ni Rose. 

"Mali ka Apo, alam mo bang kaya ko siya hinahanap, ay dahil balak kung siya ang ipalit ko sa mga Johnson." Taka silang napatingin kay Leon, dahil sa sinabi nito. 

"Ano ang ibig mong sabihin Daddy?" Tanong dito ni John. 

"Ayokong maikasal si Zoe sa anak nila, dahil alam ko kung gaano kasama ang ugali ng batang 'yon." Sagot nito, habang biglang nagningning ang mga mata ni Zoe. 

"Totoo ba yang sinasabi mo Lolo?" Tuwang tanong ni Zoe rito, habang mabilis itong tumango. 

SAMANTALA, hindi naman maiwasan na masaktan ni Zena, dahil sa sinabi sa kanya ng tunay niyang pamilya. Ang akala niya noon, ay kapag mahanap na niya ang tunay niyang pamilya ay nararamdaman na niya ang tunay na pagmamahal mula sa kanila. Pero mali pala siya, dahil kahit ang tunay niyang ina, ay hindi siya matanggap. 

"Ma'am, ito na po ang damit nyo." Wika ng katulong, habang inabot sa kanya ang isang paper bag. 

"At sino ang nag-utos sa 'yo na ibigay mo 'yan sa kanya?" Gulat siyang napalingon at nakita si Zoe, na galit na tumingin sa kanya. 

"Simula ngayon, 'wag na 'wag mo siyang bigyan ng bagong damit. Ang ibigay mo sa kanya, ay ang mga luma kung damit. Naintindihan mo ba?!" Sigaw nito sa katulong, kaya mabilis itong tumango. 

"Kung sa tingin mo, ay makukuha mo ang pamilya ko mula sa akin, nagkakamali ka." Galit na wika ni Zoe, at mabilis na iniwan si Zena. 

“Bantayan niyo ang babaeng ‘yon, dahil baka magnakaw siya rito.” Bilin nito sa katulong, habang naglalandas ang mga luha sa mga mata ni Zena. 

‘Sana hindi nalang ako sumama sa kanila.’ 

‘Sana nanatili nalang ako sa ampunan.’ Napa-hikbi siya, habang niyakap ang kanyang maliit na bag. Naisipan niya naman na tumakas, dahil iniisip niya na walang silbi ang pananatili niya sa kanila. 

แสดง
บทถัดไป
ดาวน์โหลด

บทล่าสุด

บทอื่นๆ

ถึงผู้อ่าน

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

ไม่มีความคิดเห็น
5
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status