Share

Chapter 4

THIRD PERSON'S POV

"Hide Deianeira!" mando ng lalaki sa mag-ina niya.

"I'll help–"

"No! Stay with Deianeira! I can handle this!"

"But Deiphobus–"

"Marnella, please! I told you to trust me! I don’t want the both of you to get hurt!"

Walang nagawa ang babae kundi ang sumunod na lang sa sinabi ng kanyang asawa. Taranta niyang kinuha ang maskara ng anak nila na nakatago sa nag-iisa nilang tukador at agad itong sinuot sa anim na taong gulang na bata. Then, the woman locked the door of their bedroom. She got back to her daughter, who's silently crying on the bed, and immediately embraced her.

"M-Mama... what's happening? Will Papa be okay?"

"Sshh, it's nothing, baby. He'll be okay. He'll... he'll be okay, don't worry." Naiyak na rin ang babae. Just hearing the cries of her baby breaks her heart. Paano pa kaya kung nasa panganib ito? And thinking that her husband is outside, fighting the enemy, terrifies her to death. She doesn’t want to lose either of them. She wants to keep on creating beautiful moments with them. She just wants to forget the secrecy of their dirty pasts, but the people from their past keeps on appearing to bury them along with it.

Napaigtad sila nang makarinig ng malakas na kalabog sa labas. Mas hinigpitan din ng babae ang yakap niya sa anak niya. Samantalang ang bata ay hindi na matigil sa pag-iyak habang nakatingin lang sa may pinto, umaasang papasok doon ng ligtas ang kanyang Papa.

Ilang beses pang nasundan ang kalabog kaya ilang beses din nagdasal ng tahimik ang mag-ina. Mayamaya lang ay bigla na lang tumahimik ang kapaligiran. With the tears on their cheeks, they stopped praying and stared on the door with a heavy heart. Nang bumukas ito ng malakas at makita ang lalaki na sugatan ay agad silang tumakbo para lapitan at alalayan ito.

"Deiphobus!/Papa!"

Nagyakapan ang pamilyang Madigan sa malamig na sahig. Ang lalaki na nakapikit, iniinda ang sakit sa natamong sugat at nagpapasalamat na hindi nasaktan ang mag-ina niya, ang babae na hindi matigil sa pagluha dahil sa pag-aalala, at ang kanilang anak na napapagitnaan nila na siyang palakas nang palakas ang hagulhol. For them, it was such a relief. They managed to get through it.

Yes, it was a terrifying and gloomy night along with the darkness of the starless sky. Ang kinakatakutan nila ay nagsisimula nang magparamdam. They thought they would lose their only child. They thought they would suffer together with their innocent daughter.

"Remember this Deianeira: don't lean on the world outside of these four walls and don't taint your good soul with bad people. Stick to your beliefs and principles. Always choose what's right. The world is no longer safe because of the scary people trying to conquer it. You need to be strong by your own. You need to fight, even when you're pinned on the ground. You need to live, Deianeira. You need to live and be the light."

Sinubukang ipaintindi ng mag-asawa sa kanilang anak kung ano ang naghihintay sa kanila sa labas. Pinangaralan nila ang bata sa abot ng makakaya nila sa pamamagitan ng mga salita. They also taught her the basic defenses, and how to understand the movements of the enemy and their way of thinking. Pinaalala rin nila na huwag na huwag tatanggalin ang maskara at kung para saan ito.

"Let's just leave this place, Papa, Mama," sabi ng walong taong gulang na bata. "Hindi po ba't mas hindi po halata kapag nasa mataong lugar tayo? But of course, sa lugar po na walang nakakakilala sa atin. I'm afraid to stay here any longer po..."

"I’m sorry you need to get involved in this, my baby." Yinakap ng babae ang anak niya. "We’ll protect you at all costs. Don’t worry, okay? We’ll always be by your side."

Pinagbigyan nila ang anak nila. Nang dumating ang gabi ay tumulak na sila paalis sa kabundukan. Lingid sa kanilang kaalaman ay may nakasunod sa kanila simula 'nong gabi ng pag-atake, tahimik na nagmamasid sa lahat ng mga galaw nila.

Sadly, they only got a week to spend in their new house before the tragic incident happened.

Nilusob sila ng mga armadong kalalakihan. Sunod-sunod na tumigil ang mga sasakyan sa harap ng malaking gate. Ang ilan sa mga kasamahan ng kalaban ay nauna na ring nakapasok sa bakod at likod ng bahay. Bigla na lang nagulat ang Madigan family nang paputukan ng kalaban ang buong bahay. Nagtago naman agad sila sa lugar na hindi tinatamaan ng bala, iginapang din nila patago ang kanilang anak.

"Stay here. Huwag na huwag kang lalabas hangga’t hindi ka namin kinukuha rito." Niyakap ng mag-asawa ang anak nila bago binitawan ang kamay nito. They made sure that the only way for the secret room is secured, and only their daughter can open it as to what they have practiced.

They were outnumbered. Pero nagawa pa rin nilang lumaban. Nakipagpalitan sila ng putok ng baril.

"Marnella, stop."

Nagkatitigan ang mag-asawa.

"Why?!"

"They are waiting."

"For what?"

"For us to be unarmed."

"What–"

Biglang sumabog ang pinto at huli na para umilag ang babae.

"Marnella!" Lalapitan na sana ng lalaki ang asawa niya pero naramdaman niya agad ang bala sa binti niya, dahilan ng pagbagsak niya sa sahig.

"Pagsamahin niyo sila," mando ng isang kalabang lalaki.

Linapitan naman agad ng mga kalaban ang mag-asawa. Walang nagawa ang lalaki kundi ang magpumiglas at indahin ang balang nakatanim sa binti niya. His eyes didn’t even left his wife’s unconscious body. Mas lalo lang siyang nagalit nang bigla itong buhusan ng isang galloon na gasolina. And they were all just laughing while watching them suffer.

Bad people. The girl thought while the tears kept on flowing down her cheeks. Tinatakpan niya ang bibig niya para pigilan ang sarili na huwag magpakawala ng kahit na anong ingay mula sa tinataguan niya habang kanina pa pinagmamasdan ang mga pinaggagagawa ng mga kalaban sa kanyang magulang.

"Paano 'yong bata?"

"Hayaan mo na iyon. Sapat na ito. Tutal... kung nasaan man siya ngayon ay hindi na rin siya makakaligtas pa."

Fear crept on the girl's skin when she saw the man looking to where she is hiding with a smirk on his lips. Nanlaki ang mga mata niya't nanginig ang buong katawan. Bahagya siyang lumayo sa maliit na butas ng pader sa takot na bigla siyang lusubin ng mga ito.

Sa pagpikit ng mga mata niya ay siya ring pagpatak ng panibagong luha. Hindi niya inalis ang tingin niya sa mga magulang niya habang pinapahirapan ito ng mga kalaban. Later on, fire started to eat the house. Mabilis na umalis ang mga kalaban at naiwan siyang nag-iisa na may takot sa batang puso niya.

Narinig niya ang pag-alis ng mga sasakyan. Nang masigurado niya na wala na ang mga kalaban ay saka na siya lumabas. Inalis niya ang maskara na suot niya at agad itong nabitawan nang tumambad sa kanya ang katawan ng kanyang mga magulang. Napahagulhol siya. Dala ng panghihina, napaupo siya sa sahig nang hindi inaalis ang tingin sa mga magulang niya.

You can see clearly in their eyes the fear and pain even without the soul. They were on the run for years and they expected this to happen to them, but knowing that their daughter will be left alone in this scary world, the eagerness to continue to fight fed them up. But in the end, they still lost the fight. They still couldn't live to see their daughter grow into a good person. They still couldn't bear to endure the pain. The eyes tell it all.

"Mama... Papa..." The girl cried even more as she crawled towards her parents. Natatakot man ay nagawa niya pa rin silang yakapin na puno ng paghihinagpis. Hindi niya namalayan na unti-unti na palang sinasakop ng apoy ang katawan ng mga magulang niya. When she felt the sting from her waist 'til to her shoulder, that's when she knew what was happening.

Sumigaw siya nang sumigaw sa sakit habang sinusubukang lumayo sa katawan ng mga magulang niya na ngayon ay unti-unti nang nalulusaw sa mainit na apoy. She shook her head repeatedly when she saw their eyes looking at her, as if begging to save them. Mas kumabog lalo ang puso niya nang lumuwa ang mga mata nito.

Naalis niya ang apoy sa damit niya pero nagbunga pa rin ito ng paso at sugat sa katawan niya. When she was about to stand, debris started to fall. Natamaan siya sa likod kaya napasigaw at napaluha na naman siya nang maramdaman ang init at sakit ng apoy.

Mama... Papa...

She kept on calling them on her mind as the dark spots started to invade her vision. She closed her eyes and when she opened them again, she saw the mask she dropped on the floor. She pushed herself to grab it with a feeble body. Nang mahawakan niya na ito ay tinago niya agad ito sa loob ng damit niya.

Series of moments with her parents flashed on her mind. They were full of love, happiness, and hope that it torments her heart even more, knowing that they will never be able to experience it again. She knew that without her parents, life will never be bright again. Life will never be secured again.

Bumigat ang mga talukap ng mga mata niya't unti-unti na siyang nilulubayan ng kanyang ulirat. From that moment, hindi lang ang paningin niya ang sinakop ng kadiliman kundi pati na rin ang batang puso niyang ilang taong iningatan ng kanyang mga magulang. Kaya naman tinatak niya sa isip niya ang mukha ng mga lalaking sumira sa buhay nila. Tinatak niya sa isip niya ang gabi ng pagpatay sa kanila ng mga masasamang tao.

"You need to be strong by your own. You need to fight, even when you're pinned on the ground. You need to live, Deianeira. You need to live and be the light."

And so she live... once again.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status