Share

Chapter 26 - Trump Card

Bumagsak ang balikat ni Ms. Javier nang makita niya ang lahat ng nakikiusisa na nakataas ang kamay at tanging siya, ang tatlo pang sales personnel, si Pauline at dalawang security guards lang ang pumapanig sa kanya.

Talagang mas pinili nilang sabayan ang kasinungalingan ni Ken. Kung sabagay ay hindi niya rin masisisi ang mga ito. Marahil ay natatakot lang din ang ilan sa kanila.

Ibinaling nito ang kanyang tingin kay Luke. Kita niya kung gaano kakampante si Luke pero para sa kanya ay wala rin itong magagawa laban kay Ken.

Hindi nga natakot si Ken kay Pauline na isang Executive Manager, sa isang security guard pa kaya?

"Nakakalungkot lang isipin Mr. Sy, na kahit buong mundo pa ang pumanig sa'yo, hindi mo maaalis ang katotohanang isang kasinungalingan ang pinanghahawakan mo. Hanggang sa hukay ay dadalhin mo ang pakiramdam na pinaglaban mo ang isang walang kabuluhang bagay, manalo ka man o matalo." sambit ni Luke.

Ang iba sa mga nakikiusisa ay medyo naunawaan ang sinabi ni Luke. Ano nga ba
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Robert Labrague
chapter 27 plzzzzz....
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status