Share

Chapter 30 - Circumstances

Pagkatapos ng kaguluhang naganap sa ENDX, at pagkatapos maihabilin ni Luke kay Bernard ang lahat ng dapat asikasuhin ay napagdesisyunan niyang magtungo agad ng restaurant kung saan siya nagpapart-time job.

Nadatnan ni Luke ang abalang mga crew ng restaurant. Halos lahat ng naroon ay nagkakandaugaga na at nakapokus lang sa ginagawa na kahit na mismo ang kanyang pagdating ay hindi nila napansin.

Mabilis naman agad na tumulong si Luke sa paghahakot ng mga gamit papunta sa service truck nang makita niya ang sitwasyon.

"Saan tayo mag ki-catering service?" tanong ni Luke sa kasamahan nitong katulong niya na nagbubuhat ng folding table.

"Ah hindi ka pa pala nainform? Sa bahay ng pamilya Alanis." tugon nito.

Napataas ang kilay ni Luke. Hindi man siya pamilyar sa pamilya Alanis ay pamilyar naman siya sa pangalang Joey Alanis na Manager ng Laurentshé Restaurant. Kamag-anak ba ng pamilya Alanis si Joey?

"Bakit anong meron?" muling tanong ni Luke.

"Yun ang hindi ko rin alam. Basta ang alam ko lang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status