Chapter Thirty-Three
Daxton's Perspective
Abala ako sa pagpapakain sa mga kabayo, natapos ko ng pakainin ang ibang tupa kaya naman naisipan ko na ipagpatuloy na dito sa mga kabayo. Matapos nun ay sinilip ko si Alice, sinuri ko kung ayos lang ba siya nasabi kase sa akin ni Kibby na medyo hindi daw maganda ang pakiramdam niya.
"Doing okay, Alice?" tanong ko sa kanya at hinaplos ang ulo niya saka ako pumasok sa loob ng cage niya nang may narinig akong nag-uusap na mga kababaihan, nang marinig ko ang pinag-uusapan nila ay agad naman akong nagtago sa likuran ni Alice."Uy, nakita niyo ba si sir Leon at yung asawa ni sir Daxton?" sabi ng isang babae.
"Si ma'am Zoe ba?" sagot naman ng isa.
"Oo, magkasama daw sila ngayon, nag-aaral daw ata si ma'am magkabayo."
"Eh, ano naman ngayon, Nina?"
"Sabi kase ni Tonya, nakita niya sila ha
Chapter Thirty-Four Leon's Perspective "Thank you, pero sasabay na lang ako kay Leon," sabi ni Zoe nang iabot ni Daxton ang kamay niya para isakay siya sa kabayo. Napatingin naman agad ako kay Zoe, dahil akala ko kay Daxton siya sasakay matapos nang nagawa ko. "Let's go?" matamlay na ngiti sa akin ni Zoe, hindi ko alam kung matutuwa ba ako na pinansin niya ako after what just happened. Pero sa ngiti niyang iyon alam kong napipilitan lang siya. I just smiled back at her and help her climb, she's at the back and I glance at Daxton. Hindi ko mawari kung anong nararamdaman o reaksyon ni Daxton, parang nabigla siya sa nangyari pero nakita ko siyang ngumisi ng palihim na parang bang tinatawa niya na lang ito. Pinatakbo niya na si Kobby at agad naman akong sumunod sa kanya. "Kapit ka ng mabuti," mahinang sambit ko kay Zoe at dahan-dahan naman siyang huma
Chapter Thirty-Five Daxton's Perspective "What's going on, mom? Bakit niyo pinahawak kay Leon yung kumpanya? Though I don't care if that's what dad told you to do, pero bakit biglaan ata?" sabi ko nang umalis na si Leon. Ngumisi naman si mom at binigyan ako ng matamis na ngiti. "Your dad doesn't know everything about this, honey," she responded and I gave her a huge stare, I can't believe what's happening here, she is up to something. "Mom, did you and dad fight? That is why you're here and dad went to Australia? Are you having an act of revenge on dad or what?" I raised an eyebrow and then she chuckled, an annoying chuckles my mom could give. "Of course, not, Daxcton." Napairap naman ako dahil mas lalo akong naiinip sa pangiti-ngiti ni mom, hindi niya pa ako diretsyuhin para matapos na. "Alright, spit it out, mom," I begged and she smiled again, but this time, a devili
Chapter Thirty-Six Zoe's Perspective Nakaupo ako sa labas, kung saan madalas kaming magkape ni Leon. Nalaman ko na umalis siya ng napakaaga at hindi man lang nagpapaalam sa akin. Kahit pa alam ko kung ano ang dahilan niya, masakit pa rin sa akin na umalis siya ng maaga, dahil bukas pa naman sana ang alis niya. Pinilit ko na lang ngumiti, sa kabila ng paghalik niya sa akin, hindi ko magawang magtanim ng galit dahil sa mga ginawa niyang kabutihan at saka isa pa humingi naman siya ng tawad kagabi, pero sana man lang nagpaalam man lang siya bago magpaalam. Hawak ko ang mainit na basong may laman na kape, ramdam na ramdam ng dalawang kamay ko ang init nito, the atmosphere is warm just like this coffee. Ngumiti ako at hinigop ang inumin ko nang biglang dumating si Miss Diana, halos nakalimutan ko na ang pagdating niya, hindi kase siya kumain dito kahapon, lumabas sila ni Daxton. &
Chapter Thirty-Seven Zoe's Perspective Pasulyap-sulyap sa akin ang tatlo sa tuwing napapadaan sila, habang ako ay hindi ko pa din alam kung paano ko lulutuin ang lobster na 'to. Kinakabahan ako pero mas lalo akong kinakabahan dahil sa mga tingin ni Ma'am Diana. Si Daxton lumabas muna at kung tama ang rinig ko pinuntahan niya ang kabayo niya. Ngayon ko lang napagtanto na namiss ko agad si Leon, kung nandito sigurp siya, tutulungan niya ako, pero maaaring imposible dahil meron si Ma'am Diana. Ilang beses kong pinaghahawak ang lobster pero wala talaga akong idea kung paano ba ito iluto nang maalala ko ang binigay ni Sir Herbert na phone agad naman ako umakyat pero napahinto ako nang marinig ko ang boses ni ma'am Diana. "Where are you going? Don't tell me you're running away from what I'mm asking you to do?" sabi nito at nilingon ko siya at saka yumuko bilang paghingi ng t
Chapter Thirty-eight Third Person's Perspective Nang tikman ni Mrs. Diana Shaw ang pagkaing hinanda ni Zoe ay agad niya ng binalikan ng tingin ang asawa ng kanyang anak na kinaiinisan niya. Ang mga titig niya ay hindi dahil sa pagkadismaya kundi dahil sa pagkamangha niya sa niluto ng manugang nito. Napakasarap ng luto niya at hindi ito makapaniwala. Sa loob-looban niya ay hindi niya masabi kung ano ba ang dapat niyang sabihin dahil hindi niya maitatanggi na nagustuhan niya ang pagkain na hinanda ni Zoe. Sa kabilang banda naman ay hindi mabasa ni Daxton ang reaksyon ng kanyang ina kaya naman tinikman niya na lamang ang pagkain para malaman kung ano ang posibleng dahilan ng pagtitig ni Mrs. Diana sa kanyang asawa. Nang tikman niya ito ay pareho sila ng naging reaksyon ng kanyang ina. Hindi ito makapaniwala sa kinakain niya dahil it's perfect for a we
Chapter Thirty- Nine Zoe's Perspective Isang Linggo ko nang pinagsisilbihan si ma'am Diana at Daxton. Ako nagluluto, naghuhugas, naglalaba at naglilinis ng buong bahay. Sanay naman na ako sa gawaing iyon, kase ginagawa ko din ang lahat ng ito kay papa, pero dahil napakalawak at taas ng bahay na ito, ramdam ko ang pagod at bigat ng mga ginagawa ko. Nahihirapan ako pero hindi ko alam kung bakit nagpupursigi pa din akong lumaban at tumayo... Sa kabila ng hirap at pagod, tila nanatili lahat sa akin ang ala-ala ko kay mama na laging nagsasabing kahit gaano kahirap at kagulo ang buhay at ang sitwasyon, hindi dapat ako susuko, dahil lahat ng paghihirap ko ay gagantimpalaan ng magandang kinabukasan. Lagi iyon sinasabi ng aking ina, lagi naman pinapalakas ng nga salitang iyon ang loob ko, pero sa sunod-sunod na nangyayari sa buhay ko... si papa na nawala ang pagmamahal sa akin, ako na naging asawa ng isang anak ng mayaman, at na
Chapter Forty Zoe's Perspective Tapos na akong magluto, halos ilang oras pa bago ako natapos sa dami ng dapat iluto para sa mga trabahador. Laking pasalamat ko naman sa nga cook na nandito dahil kasama ko sila sa pagluluto, buong akala ko ako lamang gagawa pero buti na lamang meron sila dahil hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala sila. Kahit pa halos sa akin kahalusan ang madaming trabaho na sigurado akong iyon ay pag-uuto ni ma'am Diana, na-appreciate ko pa din ang pagtulong nila sa akin. "Ma'am, Zoe, salamat po sa pagtulong sa amin," sabi ng isang babae. Mga nasa 40's na siya kung titignan. Naupo ako sa labas ng munting kusina nila dito sa bahay pahingaan at hinihintay ang mga trabahador na dumating para kumain. Ngumiti ako sa babae. "Wala pong anuman," sabi ko at naupo din siya sa tabi ko. "Ako po pala si Megan...
Chapter Forty-One Zoe's Perspective Isang linggo na ang nakakalipas nang dumating ang nanay ni Daxton. Isang linggo na din akong nagsisilbi sa kanila ng halos buong araw na walang pahinga. Gayon pa man nakilala ko naman ang mga trabahador ng paunti-unti, hindi man ako ganun kalapit sa mga kababaihan dahil sa mga kung anu-anong kumakalat tungkol sa akin bilang isang gold digger ay hindi ko na lamang pinapansin, sanay na akong mapag-isipan ng masama, masaya na ako na meron sina Ate Edna, ate Cora at Ate Rowena na kakampi ko at iba sa mga matatanda dito, kabilang na din ang binatang si Kibby na mukhang malapit din kay Daxton. Madalas ko kase silang nakikitang nag-uusap. "Zoe?" rinig kong sigaw ni ma'am Diana mula sa ranch house, nagsasampay ako ng nga damit. Araw-araw kaseng nagppalaba si ma'am Diana kahit pa ang unti pa ng labahan niya at ni Daxton ay patuloy siya sa pag-utos sa akin. Agad akong tum