LOGINMga bata pa lamang sila ay mahal na ni Ann ang CEO ng Luxury Hotel and Resort na si Collin, kaya nang ligawan siya nito at yayaing magpakasal agad ay hindi siya nagdalawang-isip at pumayag agad. Akala niya ay magiging masaya ang buhay niya dahil sa lalaking mahal niya siya nagpakasal ngunit nagkamali siya. Dahil kinasangkapan lang pala siya ni Collin para paghigantihan ang daddy nito na siyang pangalawang asawa ng mommy niya. Dahil sa sobrang pagmamahal niya sa asawa ay tiniis niya ang mga pasakit na ginagawa nito sa kanya. Ngunit hanggang saan ang gagawin niyang pagpapaka-martir dahil sa pag-ibig? Kung sobrang durog na durog na ang kanyang puso? Kung pati sa kanyang sarili ay tuluyan na siyang mawalan ng respeto at hindi na niya kaya pang bumangon pa? Bago pa mangyari iyon ay lumayo na siya habang dala sa sinapupunan niya ang bunga ng pagmamahal niya sa asawa. Pagkalipas ng limang taon ay muling nag-krus ang mga landas nila. Lahat gagawin ni Collin makuha lamang sa kanya ang anak nila. Ngunit hindi siya papayag sa plano nito dahil may sarili siyang plano. At ang planong iyon ay uumpisahan niya sa pamamagitan ng kanyang anak. Subaybayan ang kuwento ng isang babaeng sobrang nagmahal kaya sobrang nasaktan. Kung paano niya binuo ang pira-pirasong puso at kung paano niya pinalambot ang tila bakal na puso ng kanyang dating asawa sa pamamagitan ng kanilang nag-iisang anak na siyang muling magbubuklod sa kanilang dalawa.
View MorePakiramdam ko ay may hindi nakikitang kamay na pumipiga sa aking puso. Ang sakit at tila ba hindi ako makahinga. Akala ko ay nag-uumpisa nang maayos ang relasyon namin ni Collin. Akala ko ay magiging maayos na ang pagsasama naming dalawa. Hindi pala. Dahil lahat ng iyon ay puro lang pala akala.Kalahating araw akong nag-iiyak hanggang sa ma-realized ko na hindi ako dapat na umiyak. Dapat ay ipaglaban ko ang karapatan ko bilang asawa ni Collin. Sa halip na magalit ako ay dapat ipakita ko kay Collin na karapat-dapat akong maging asawa niya. Sa isiping iyon ay lumakas ang loob ko. Inayos ko ang sarili ko. Hindi ako dapat na magpatalo sa Samantha na iyon.Imbes na isipin ko ang nakita ko ay nilibang ko ang sarili ko sa paglilinis ng bahay at pagkatapos ay nag-grocery ako sa supermarket. Magluluto ako ng masasarap na pagkain at sabay kaming maghahapunan ng asawa ko. Pagkatapos kong magluto ng mga pagkain ay nagpahinga lang ako saglit pagkat
Nagising ako sa isang silid na puro puti ang pinturang nakikita ng aking mga mata. Patay na ba ako? Nasa langit na ba ako? Ito ba ang langit? Magkakasunud-sunod kong tanong sa aking isipan. Ngunit dagli ring nabura ang ideyang patay na ako nang mapansin ko ang nakakabit na dextrose sa aking kamay. Hindi pala ako patay kundi nasa loob lang pala ako ng isang ospital. Malamang ay si Collin ang nagdala sa akin dito sa ospital.Tinangka kong bumangon sa kinahihigaan ko. Hindi pa ako nakakabangon ng tuluyan nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Collin na may dalang isang basket ng mga prutas. May pag-aalala na napatakbo siya palapit sa akin."Huwag ka munang bumangon at hindi ka pa magaling," pigil niya sa akin. Maingat na ibinalik niya ako sa pagkakahiga sa hospital bed. "Kumusta ang pakiramdam mo? Sumasakit ba ang sugat mo?"Hindi ako makakibo. I'm speechl
Hindi man lang nagpaliwanag sa akin si Collin pagkatapos ng nasaksihan ko sa opisina niya. Pagdating niya sa condo ay deretso lamang siya sa kuwarto niya na para bang walang nangyari. Hindi ako nakatiis at pinuntahan ko siya sa guest room na ngayon ay kuwarto na niya. Talagang hinintay ko ang pagdating niya para makapag-usap kaming dalawa."Anong kailangan mo?" malamig ang tono na tanong niya sa akin matapos niya akong pagbuksan ng pintuan. Kahit konting pagka-guilty ay wala akong nababanaag sa kanyang mukha. Para bang hindi siya nagkaroon ng kasalanan sa akin."Hindi ka man lang ba magpapaliwanag tungkol sa nakita ko kanina sa loob ng opisina mo, Collin?" tanong ko sa kanya. Pilit kong pinapatatag ang boses ko para huwag itong gumaralgal. Palagi na lang kasi akong nagmumukhang kawawa sa harapan niya kaya kahit sa mga ora na iyon ay maging matapang man lang ako na harapin siya.
Maaga akong gumising para ipaghanda ng almusal si Collin. May kasabihan kasi tayo na "A way to a man's heart is through to his stomach" kaya naman susubukan ko ang paraan na 'yan at baka sakaling umepekto sa asawa ko. Bago ako lumabas sa kusina para magluto ay naligo muna ako para presko at magaan sa pakiramdam. Napangiti ako paglabas ko sa kuwarto nang makita ko na bukas ang ilaw sa kabilang kuwarto kung saan natutulog si Collin. Hindi kasi kami magkasamang natutulog sa iisang kuwarto. Ako ang natutulog sa kuwarto niya noong wala pa siyang asawa at siya naman ay sa guest room natutulog. Kahit magkaiba kami ng kuwartong tinutulugan ay masaya pa rin ako dahil umuuwi na siya rito tuwing gabi. Kahit ang simpleng bagay na iyon ay nagpapasaya na rin sa akin. Hindi naman ako gano'n kagaling magluto pero ngayong may asawa na ako ay mas natuto pa ako. Para ka
Masakit ang ulo ko nang magmulat ako ng mga mata. Napansin ko na nasa loob na ako ng silid namin sa condo at nakahiga sa kama. Ang huling natatandaan ko ay bigla akong hinimatay matapos kong matagpuan ang kuwintas ni Collin na aksidente kong naitapon sa basurahan.


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore