Share

Chapter 8

Author: Daylan
last update Last Updated: 2022-01-07 09:52:24

Hindi man lang nagpaliwanag sa akin si Collin pagkatapos ng nasaksihan ko sa opisina niya. Pagdating niya sa condo ay deretso lamang siya sa kuwarto niya na para bang walang nangyari. Hindi ako nakatiis at pinuntahan ko siya sa guest room na ngayon ay kuwarto na niya. Talagang hinintay ko ang pagdating niya para makapag-usap kaming dalawa.

"Anong kailangan mo?" malamig ang tono na tanong niya sa akin matapos niya akong pagbuksan ng pintuan. Kahit konting pagka-guilty ay wala akong nababanaag sa kanyang mukha. Para bang hindi siya nagkaroon ng kasalanan sa akin.

"Hindi ka man lang ba magpapaliwanag tungkol sa nakita ko kanina sa loob ng opisina mo, Collin?" tanong ko sa kanya. Pilit kong pinapatatag ang boses ko para huwag itong gumaralgal. Palagi na lang kasi akong nagmumukhang kawawa sa harapan niya kaya kahit sa mga ora na iyon ay maging matapang man lang ako na harapin siya.

 

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • A Wife For Revenge    Chapter 10

    Pakiramdam ko ay may hindi nakikitang kamay na pumipiga sa aking puso. Ang sakit at tila ba hindi ako makahinga. Akala ko ay nag-uumpisa nang maayos ang relasyon namin ni Collin. Akala ko ay magiging maayos na ang pagsasama naming dalawa. Hindi pala. Dahil lahat ng iyon ay puro lang pala akala.Kalahating araw akong nag-iiyak hanggang sa ma-realized ko na hindi ako dapat na umiyak. Dapat ay ipaglaban ko ang karapatan ko bilang asawa ni Collin. Sa halip na magalit ako ay dapat ipakita ko kay Collin na karapat-dapat akong maging asawa niya. Sa isiping iyon ay lumakas ang loob ko. Inayos ko ang sarili ko. Hindi ako dapat na magpatalo sa Samantha na iyon.Imbes na isipin ko ang nakita ko ay nilibang ko ang sarili ko sa paglilinis ng bahay at pagkatapos ay nag-grocery ako sa supermarket. Magluluto ako ng masasarap na pagkain at sabay kaming maghahapunan ng asawa ko. Pagkatapos kong magluto ng mga pagkain ay nagpahinga lang ako saglit pagkat

  • A Wife For Revenge    Chapter 9

    Nagising ako sa isang silid na puro puti ang pinturang nakikita ng aking mga mata. Patay na ba ako? Nasa langit na ba ako? Ito ba ang langit? Magkakasunud-sunod kong tanong sa aking isipan. Ngunit dagli ring nabura ang ideyang patay na ako nang mapansin ko ang nakakabit na dextrose sa aking kamay. Hindi pala ako patay kundi nasa loob lang pala ako ng isang ospital. Malamang ay si Collin ang nagdala sa akin dito sa ospital.Tinangka kong bumangon sa kinahihigaan ko. Hindi pa ako nakakabangon ng tuluyan nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Collin na may dalang isang basket ng mga prutas. May pag-aalala na napatakbo siya palapit sa akin."Huwag ka munang bumangon at hindi ka pa magaling," pigil niya sa akin. Maingat na ibinalik niya ako sa pagkakahiga sa hospital bed. "Kumusta ang pakiramdam mo? Sumasakit ba ang sugat mo?"Hindi ako makakibo. I'm speechl

  • A Wife For Revenge    Chapter 8

    Hindi man lang nagpaliwanag sa akin si Collin pagkatapos ng nasaksihan ko sa opisina niya. Pagdating niya sa condo ay deretso lamang siya sa kuwarto niya na para bang walang nangyari. Hindi ako nakatiis at pinuntahan ko siya sa guest room na ngayon ay kuwarto na niya. Talagang hinintay ko ang pagdating niya para makapag-usap kaming dalawa."Anong kailangan mo?" malamig ang tono na tanong niya sa akin matapos niya akong pagbuksan ng pintuan. Kahit konting pagka-guilty ay wala akong nababanaag sa kanyang mukha. Para bang hindi siya nagkaroon ng kasalanan sa akin."Hindi ka man lang ba magpapaliwanag tungkol sa nakita ko kanina sa loob ng opisina mo, Collin?" tanong ko sa kanya. Pilit kong pinapatatag ang boses ko para huwag itong gumaralgal. Palagi na lang kasi akong nagmumukhang kawawa sa harapan niya kaya kahit sa mga ora na iyon ay maging matapang man lang ako na harapin siya.

  • A Wife For Revenge    Chapter 7

    Maaga akong gumising para ipaghanda ng almusal si Collin. May kasabihan kasi tayo na "A way to a man's heart is through to his stomach" kaya naman susubukan ko ang paraan na 'yan at baka sakaling umepekto sa asawa ko. Bago ako lumabas sa kusina para magluto ay naligo muna ako para presko at magaan sa pakiramdam. Napangiti ako paglabas ko sa kuwarto nang makita ko na bukas ang ilaw sa kabilang kuwarto kung saan natutulog si Collin. Hindi kasi kami magkasamang natutulog sa iisang kuwarto. Ako ang natutulog sa kuwarto niya noong wala pa siyang asawa at siya naman ay sa guest room natutulog. Kahit magkaiba kami ng kuwartong tinutulugan ay masaya pa rin ako dahil umuuwi na siya rito tuwing gabi. Kahit ang simpleng bagay na iyon ay nagpapasaya na rin sa akin. Hindi naman ako gano'n kagaling magluto pero ngayong may asawa na ako ay mas natuto pa ako. Para ka

  • A Wife For Revenge    Chapter 6

    Masakit ang ulo ko nang magmulat ako ng mga mata. Napansin ko na nasa loob na ako ng silid namin sa condo at nakahiga sa kama. Ang huling natatandaan ko ay bigla akong hinimatay matapos kong matagpuan ang kuwintas ni Collin na aksidente kong naitapon sa basurahan.Kahit mabigat ang pakiramdam ko ay bumangon pa rin ako sa kama at hinanap ang asawa ko ngunit wala siya sa loob ng condo. Nalungkot ako nang malaman kong umalis n siya kaagad. Hindi man lang niya ako ipinagluto ng almusal kahiy siguradong alam niya na masama ang pakiramdam ko dahil mainit ang katawan ko.Walang ibang magbubuhat sa akin at magpapasok sa loob ng condo lalo pa ang bihisan at nilisan ako kundi ang asawa ko. Basang-basa ksi ako kagabi at maruming-marumi dahil sa mga basurang kinalkal ko mahanap lamang ang kuwintas niya. Kahit paano ay nakadama ako ng ligaya sa pag-iisip na binihisan at nilisan ako ni Collin. Ibig sab

  • A Wife For Revenge    Chapter 5

    Pagkagising ko kinabukasan ay wala pa rin si Collin. Nadudurog ang puso ko sa isiping magkasama ang dalawa sa buong magdamag habang ako ay parang tanga na hinihintay siyang umuwi sa condo. Kaysa isipin na naroon si Collin sa bahay ng ibang babae ay minabuti ko na lamang na alisin na ang mga nasayang na dekorasyonna ginawa ko. Mahirap na at baka maabutan pa iyon ng aking asawa ay mas lalo lamang siyang magalit sa akin dahil hindi ko pa naliligpit ang aking "kalat" Pagkatapos kong magligpit ay naglinis na rin ako ng buong condo at naglaba ng mga damit. Nilabhan ko rin ang mga maruruming damit ng asawa ko para naman pag-uwi niya ay matuwa siya sa akin kahit saglit lamang. Pagkatapos ko sa mga gawaing bahay ay saka pa lamang ako naligo at nagluto ng aking makakain. Kahit tila ayaw malunok ng pagkain ay pilit ko pa ring nilunok para malagyan ng laman ang aking sikmura. Kasalukuyan kong is

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status