"Mapaglaro talaga ang tadhana, hindi ba?" bulong na tanong ni Airith sa bakanteng upuan sa kanyang tabi, kasalukuyan siyang sakay ng bus. Ang mapupungay niyang mata ay kakikitaan ng lungkot na maaaninag sa repleksyon ng mamasa-masang salamin ng bintana.
Pagkatapos ng masalimuot na gabing iyon, madaling araw palang ay napagdesisyunan niya nang lisanin ang bahay ng pamilya Vergara. Hindi na siya nagpaalam. Alam niya rin namang wala silang pakialam at baka nga ikatuwa pa nila ang ginawa niyang iyon. Napatitig siya sa labas ng bintana, pinagmamasdan ang bawat gusali, imprastraktura at mga punong nadaraanan ngunit parang tumatagos sa mga iyon ang kanyang paningin. Ramdam niya ang lamig ng upuang gawa sa katad sa pamamagitan ng kanyang palad habang ang kanyang mga daliri ay abala sa pagtapik doon kasabay ng hindi panatag na pagkabog ng kanyang dibdib. Binabalot ang kanyang isip ng napakabigat niyang desisyon. Dalawang linggo na siyang buntis simula nang may nangyari sa kanila ni Sebastian, aksidenteng pangyayari kumbaga. Wala ni isa man ang nakakaalam sa pamilya Vergara kahit na mismo si Sebastian, na sigurado siyang gustong malaman iyon. Pero ibang usapan na ang maaari nitong gawin kapag nalaman nito ang tungkol doon. Nalubak ang bus na siyang nagpahinto ng kanyang malalim na pag-iisip. Kusang pumatong ang kanyang palad sa ilalim ng kanyang tiyan na para bang pinoprotektahan iyon. Ang pakiramdam ng pagkahilo ay umaakyat sa kanyang lalamunan na mas lalo pang pinatindi nang manuot sa kanyang ilong ang amoy ng gasolina. Ipinikit niya nalang ang kanyang mata at sinubukang makatulog. Sa muli niyang pagdilat, nagbago na ang tanawin sa labas ng bintana. Pamilyar na sa kanya ang manilaw-nilaw at berdeng kapaligiran. Paminsan-minsang may nadadaanang mga bahay na agwat-agwat ang distansya, ang ilan pa ay gawa sa anahaw ang bubong. Mahigit isang taon na rin ang nakalipas mula nang lisanin niya ang lugar na ito. Nakakapanibago pero sa parehong pagkakataon ay nakakaramdam siya ng kaginhawaan sa papalapit na papalapit na pagdating niya sa kanyang destinasyon. Huling nandito siya ay noong kolehiyo pa siya, nakatira sa simpleng maliit na bahay kasama ng pamilya ng dati nilang katulong na si Clara. Parang pangalawang nanay na ni Airith si Clara, laging naroon habang may hawak na tasa ng tsaa kapag kailangan niya ito. Pinapayapa siya ng alaala nilang iyon. Napagdesisyunan niyang doon muna umuwi sa bahay nito, ang tanging taong kailangan niya sa ngayon na siyang makakaintindi sa kanya nang walang paghuhusga. Nang huminto ang bus sa maliit na bayan kung nasaan ang bahay ni Clara, nakaramdam si Airith ng pinaghalong galak at pangamba. Bumaba siya ng bus, nangangatog pa nang bahagya ang kanyang mga tuhod dahil sa naging byahe. Tumambad sa kanyang paningin ang parehong maliit na pamilihan, ang parke na minsan ay kung saan siya nag-aaral noon, ang simbahan kung saan dumadalo sila ng simba ni Clara tuwing linggo. Lahat ng iyon ay naghatid sa kanya ng pakiramdam na matagal niya nang gustong muling maranasan. Hinanap ng kanyang paningin ang kinaroroonan ng bahay nina Clara. Nang matagpuan ito, naramdaman niya ang pagluwag ng buhol sa kanyang tiyan. Katulad pa rin ito ng nasa alaala niya, isang munting dalawang palapag na bahay na pinapaligiran ng puting bakod na gawa sa pininturahang kawayan. Marahan niyang tinungo iyon, bawat hakbang ay sinasabayan ng kakaibang pakiramdam habang iniensayo sa isip ang kanyang sasabihin. Pagkapasok niya sa tarangkahan ay nakita niya sa tabi ng bahay ang maliit na hardin na inaalagaan nang husto ni Clara. Ang mga bulaklak ng mga halaman doon ay parang sinasalubong ang kanyang pagbabalik sa bahay na iyon. Kasabay ng pagpapakawala niya ng malalim na buntong hininga, buo ang loob na tumayo siya sa harap ng luma at kahoy na pintuan. Pero bago pa man siya makakatok ay naunahan na siya ng pagbukas niyon, bumungad doon ang nagulat na mukha ni Clara. "Airith?" naiusal nito habang namimilog ang mga mata. "Anong ginagawa mo rito?" Napalunok nang husto si Airith habang ang kanyang isang kamay ay nakadampi sa ilalim ng kanyang tiyan. "Wala akong ibang mapupuntahan," wika niya sa medyo namamaos na boses. "Kailangan ko ng makakausap, at wala na akong ibang maisip na pwedeng malapitan." Saglit na siniyasat ng nagitlang mukha ni Clara si Airith pagkatapos ay may pag-aalalang pinagmasdan siya sa mata. "Pasok ka," sambit nito pagkatapos ay gumilid upang patuluyin siya. Ang loob ng bahay ay may nakakaginhawang init na katulad pa rin ng dati, bumabalot iyon sa kanyang katawan na parang kumot. Ang amoy ng nilulutong pagkain ay humahalimuyak mula sa kusina. Naupo siya sa sala. Maliit lang iyon pero napakakomportable. Sa tapat ng luma pero malilinis na sopa ay ang maliit na TV na ginagamitan lang ng antena upang mapanoodan. Sa gitna ay ang maliit na mesa na gawa sa kawayan at kahoy. Ang daming memoryang nagbalik habang iginagala niya ang kanyang paningin. Bumalik si Clara na may dalang tasa ng tsaa. "Inumin mo muna 'to, hija." "Salamat po." tugon niya lang habang may bahagyang pagngiti. Narinig niya ang mababaw na pagbuntong hininga ni Clara, nasa mukha nito at nakapinta ang pinagsamang pagtataka at pag-aalala. "Anong nangyari?" tanong nito. Ipinatong muna ni Airith ang hawak niyang tasa sa mesa saka nagsimulang ipaliwanag ang mga nangyari nang walang pag-aalinlangan, lalo pa't alam niyang pakikinggan siya nang husto ni Clara. Ikwinento niya rito ang mga paghihirap niya sa pamilya Vergara, ang lamig ng pagsasama nila ni Sebastian, at ang nangyaring paghihiwalay nila kagabi. Sinundan iyon ng malayang pagpatak ng kanyang luha, walang halong pagpipigil. Marahang hinila ni Clara ang kanyang kamay papalapit sa hita nito at pinisil iyon. Mapupuna sa medyo may edad nitong itsura ang awa sa kanya habang nasa kalooban ang galit sa pamilya Vergara. Saglit na humito si Airith sa pag-iyak, pinahid ng kamay ang namumulang mata at pisngi, pagkatapos ay tiningnan sa mata si Clara. Nagulumihanan si Clara sa tingin na iyon ni Airith. "'Wag kang mag-alinlangang ilabas lahat ng saloobin mo, makikinig ako." wika nito na sinabayan ng matamis at nakakaginhawang pagngiti. Nababasa nitong meron pang gustong sabihin si Airith. Kasunod ng malalim na pagbuntong hininga, sinabi ni Airith ang tungkol sa kanyang pagbubutis. Sinabi niya rin na hindi iyon alam ng pamilya Vergara at wala siyang planong ipaalam sa kanila ang tungkol doon. Saglit na natigilan si Clara, sinundan iyon ng gulat na ekspresyon ng mukha nito. Sa kabila niyon ay sinuportahan pa rin siya nito at sinabing tama lang ang kanyang ginawang iyon. Kung hindi talaga siya mahal ni Sebastian ay mas mainam na ilihim niya rito ang tungkol sa kanilang anak. Mas lumambot pa ang ekspresyon sa itsura ni Clara. "Hindi ka nag-iisa, hija. Kasama mo ako sa pagharap mo nito at nandito lang kami ng tatay Hector mo. Susuportahan ka namin sa anumang desisyon mo." Saglit itong huminto, ang kanyang tingin ay dumako sa sinapupunan ni Airith. "Magiging ina ka na, isa 'yang... napakagandang bagay at hulog ng langit." Muling napuno ang mata ni Airith ng luha dahil sa sinabi ni Clara. Pagkatapos ng isang taong paghihirap na dinanas niya sa pamilya Vergara, at sa piling ng kanyang malamig na dating asawa, ay heto siya ngayon at bitbit ang gantimpala na siyang magdudulot sa kanya ng panibagong pag-asa sa buhay. Ang pag-asang muling bumangon."You know, hindi lang talaga ako makapaniwala na naghiwalay kayong dalawa. Like, hindi ba't may matatag na kasunduan ang dad mo at si Lord Agustin? How could be that idiot so cold to you? Mas pinili niya pa ang Geraldine na 'yon eh alam naman nating mas mabango ka kaysa sa babaeng 'yon." nakangiwi sa inis na saad ni Erica.Kasalukuyan sila ngayong naglalakad sa kahabaan ng pedestrian lane habang parehas na may dalang kape na nakalagay sa paper cup.Nakatitig lang si Airith sa hawak na baso ni Erica na medyo nayupi na sa pagkakahawak nito.Sumimsim siya sa kanyang baso. "Hindi naman alam ng pamilya Vergara ang naging kasunduan ni papa at Lord Agustin." wika niya.Sinubukan niyang sabihin pero hindi siya pinaniwalaan ng mga ito. Wala naman siyang pakialam doon. Ang importante sa kanya ay alam niyang sila iyong tipo ng mga taong hindi kailangang bigyan ng patunay. Kapag naniwala sila ay paplastikin ka lang nila. Pekeng makikisama sa'yo."Yeah, right. Hindi nga pala nila alam ang tunay na
Anong sasabihin niya kay Erica? Naturingan niya pa man din itong best friend pero ni wala man lang siyang binanggit dito na kung ano noon patungkol sa kanyang pagdadalang tao.Pinagmasdan niya muna ang numerong nakatipa na sa screen ng kanyang cellphone, bago napagdesisyunang pindutin ang call button niyon.Segundo lang ang lumipas, narinig niya ang boses ng kaibigan na puno ng buhay sa kabilang linya ng tawag. "Airiiiiiiith! I missed you so so so much! Kamusta ka na? I was waiting for you to call for like an eternity!" bulalas nito.Hindi niya namalayan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi. Na-miss niya nang husto ang matinis at makulit na boses ng kaibigan."Ayos lang naman. Ikaw kamusta ka na? Nag-chat ka man lang sana sa'kin bago ka umuwi nang nasalubong kita." wika niya."I did, Airith. Nag chat kaya ako sa'yo. Ikaw 'tong hindi ako sini-seen. Akala ko nagtatampo ka sa'kin, ganern. But I noticed na ilang araw ka nang offline. Anong pinagkakaabalahan mo bhie? Musta na kayo ni Dadd
"I-I'm sorry. Akala ko—""Leave," malamig na wika ni Airith.Yakap-yakap niya ang kanyang sarili habang diretso ang tingin sa kinatatayuan ni Stephen. Muntik lang namang may mangyari sa kanila na muntik niya na namang pagsisihan.Narinig niya ang pagbuntong hininga nito at pagbukas at pagsarado ng pinto. Pabagsak na inihiga niya ang sarili sa kama."What the hell is wrong with you, Airith? Muntik mo nang makalimutang may anak ka na!" panenermon niya sa sarili sa mahinang boses.Nagtalukbong siya ng kumot. Paano kung hinayaan niya lang si Stephen at nabuntis siya nito? Siguradong kakarmehin na siya ng kanyang ama kapag nangyari nga iyon.Kung anu-anong posibilidad at maaaring mangyari sa hinaharap sakali mang magkatuluyan sila ni Stephen ang naglalaro sa kanyang isip.'Did he just admitted that he's actually inlove with me? O parte lang 'yon ng kalasingan ko?' tanong niya sa kanyang isip habang inaalala kung totoo nga iyong ginawang pagtatapat ni Stephen sa kanya kanina.Iniiling-iling
"Awe, ang sweet naman nila, aren't they?" wika ni Geraldine sa mapaglarong tono habang nakayakap sa braso ni Sebastian.Kasalukuyang nakaupo ang mga ito sa gilid ng bulwagan habang nanonood sa mga sumasayaw. Pero inagaw nina Airith ang atensyon ng mga ito maging na ang ibang bisita roon."Ooh, they're wild!" komento ng isa habang sinisiko ang katabi nito. "They should get a room, right?""What a lovely couple. Nakakainggit naman sila." wika rin ng isa."Ang swerte naman ni Mr. Stephen. Ang ganda-ganda ng mapapangasawa niya." puri naman ng isa pa. "Bagay sila sa isa't-isa."Naikuyom nalang ni Sebastian ang kamao nito matapos marinig ang mga iyon. Hindi nito kayang makita ang ginagawa ni Airith at Stephen kaya sa ibang direksyon ito ng bulwagan nakatingin.Para sa kanya ay mas lalo lang pinatunayan ni Airith kung gaano ito kadesperadang makapangasawa ng mayaman.Ang mas ikinaiinis pa nito ay pinuntirya ni Airith ang kanyang kapatid.Tumayo ito at naglakad papaalis."Sa'n ka pupunta? Are
Matapos ng ilang minutong paghahalughog nina Stephen sa buong bahay ay muli silang nagkita ni Tim sa may ibaba ng hagdan. Hinahanap nila ngayon si Airith.Nagpalitan sila ng tingin na sinundan ng pagtaas-baba ng balikat ni Tim. Ngayon ay mas lalo pang nag-alala si Stephen."Hindi kaya umuwi na 'yon at 'di lang sa'yo nagpaalam?" hinuhang tanong ni Tim."I don't think so. Magsasabi naman 'yon kung gusto niyang umuwi."Isa pa ay sa banyo ang sinabi nitong pupuntahan nito. Si Geraldine ang nakasalubong niya nang magtungo siya roon at sinabi nitong kakaalis lang ni Airith at pabalik sa bulwagan ang direksyon nito, hindi palabas ng bahay.Pero paano kaya kung nagbago ang isip ni Airith at napagdesisyunan nitong lumabas?Makaraan ng ilang saglit ay napasampal siya sa kanyang noo. Bakit ngayon lang iyon pumasok sa isip niya?"Bakit?" usisa ni Tim."I'll be right back. Check mo ulit sa grandhall baka bumalik siya ro'n."Tumango-tango lang si Tim at naghiwalay sila ng direksyon.Pagkarating niy
Kumabog ang dibdib ni Airith dahil sa sinabi ni Stephen. Isipin niya palang ay naiimahina na niya kung anong klaseng titig ang ipinupukol sa kanya ni Sebastian. Pagkadismya iyon, panigurado."Oh, Airith. Nandito ka rin pala," Tumabi si Geraldine kay Stephen. "Nice meeting you, again. Sorry about sa nangyari the other day. Hindi ko inaakalang... well, alam mo na." wika nito sa kanya sa tila nanunudyong tono na ikinukubli lang nito sa pilit nitong pagngiti."Geraldine, please." sita ni Stephen rito sa seryosong mukha habang makahulugan itong tinititigan."No, no, I didn't mean it that way," Mahinang natawa si Geraldine. "Na-curious lang ako. Airith was such a wonderful, kind... generous girl back then noong nasa college kami, but I don't know why they hate her so much. I mean... she's very lovely woman!" Mahina nitong siniko si Stephen sa tiyan. "Kaya nga nahulog ka sa kanya, hindi ba?""That's true," sang-ayon ni Stephen kasabay ng pagtaas-baba ng balikat, "But please, 'wag na nating