Chapter: Chapter 345Bumukas ang pintuan ng conference room at pumasok mula roon sina Duncan kasunod ang magkapatid. Kasabay ng pagtahimik ng mga tao roong ipinapakita lang sa pamamagitan ng hologram, sabay-sabay na napatingin ang mga ito sa magkapatid.Makikita sa paraan ng tingin na ginagawa ng mga ito ang pagkakaiba-iba ng iniisip ng mga ito ngayon."I thought they were abducted?" biglang wika ng isa sa mga ito. Roy Wilbur ang pangalan nito.Walang imik na napalingon dito ang ibang konsehal, dahilan para mamayani ang saglit na awkward na katahimikan."What?" taas balikat na tanong nito, tila nagmamaang-maangan pa sa halata namang dahilan kung bakit nila ito pinagtitinginan."Mr. Wilbur, si Mr. Chairman na mismo ang kumumpirma na totoong dinukot nga sila." wika ng isang ginang, mahahalata ang pagkadismaya sa tono ng boses nito.Evelyn Roosevelt naman ang pangalan nito. Ang bukod tanging babae sa organisasyon.Iginala nito ang paningin nito sa ibang miyembro na para bang iniisa-isang tingnan ang mga ito.
Last Updated: 2025-02-16
Chapter: Chapter 344Pagkarating sa Green Palace, sinalubong sila ng mga security personnel. Partikular na ginabayan ng mga ito ang magkapatid.Nandoon din si Duncan, magkasalikop ang mga kamay sa likod na naghinhintay. Mahahalata sa kulubot ng mukha nito ang pagod na itinatago lang nito sa bahagyang pagngiti habang nakasunod ang tingin sa magkapatid. Pero agad na naglaho iyon nang dumako ang tingin nito kay Luke na kakababa lang ng sasakyan.Kasama sina Leon ay lumapit si Luke rito at magalang na binati ito. Hindi agad ito umimik. Base sa ekspresyon ng mukha nito ay hindi ito masayang makita si Luke roon.Batid din naman ni Luke ang dahilan niyon."Pasensya na po 'lo kung... nanghimasok man ako. Pero hindi ako pwedeng basta nalang maupo." paliwanag niya, pero tinugon lang iyon ni Duncan ng pagsalubong ng kilay.Noong huli nilang pag-uusap, pagkatapos mismo ng araw ng hukom, hinabilinan na siya ni Duncan na huwag nang makisali pa sa labang ito ng kanilang pamilya. Masama ang loob nito sa naging desisyon n
Last Updated: 2025-02-16
Chapter: Chapter 343Matapos na maisalba ang magkapatid na Doe, inihatid ito nina Leon sa Green Palace kung saan naghihintay ngayon sina Duncan at buong miyembro ng DCIG. Hindi naging madali ang operasyon, pero salamat kay Luke. Kung hindi dahil sa kakayahan niyang hindi saklaw kahit na mismo ng kalawakan ay hindi magiging madulas ang lahat."Excuse me? Hindi mo ba alam kung gaano ako nagtiis sa amoy ng lalaking iyon?" Mataray na sambit ni Joanna kay Warren.Nasa loob ang mga ito ng sasakyan at nagbabangayan na naman.Binalingan ni Joanna ng masamang tingin si Dylan. "Ni wala ka man lang sinabi na ubod pala ng pangit ang Jovert na 'yon. Hmph!" inis na sambit nito."Aba'y malay ko ba? Nakasuot sila ng bonet eh." natatawang pagrarason ni Dylan. "Saka kahit nakita ko man ay hindi ko pa rin sasabihin sa'yo ang tungkol do'n." pang-aasar nito. Parehas na tumawa ito at si Warren saka nag-apir pa ang mga ito."It was Mr. Cruise who did all the part so stop spouting nonsense," wika ni Warren sa mapang-uyam na tono
Last Updated: 2024-12-22
Chapter: Chapter 342Paglabas ng pinto ng magkapatid ay nadatnan nilang wala na roon sina Leon. Talagang iniwanan sila ng mga ito?"Where did they go?" kinakabahang tanong ni Ashley."Let's hurry up," saad lamang ni James. Paniguradong hindi na talaga sila bubuhayin ng mga kidnapper sakaling maabutan sila ng mga ito.Tinakbo nila ang kahabaan ng pasilyo. Pero bago pa man nila marating ang pinto ay bumukas na iyon at pumasok roon ang mga armadong kalalakihan. "Ayon sila!"Walang pagdadalawang isip na pinaulanan sila ng mga ito ng bala ng baril. Mabilis na nagkubli ang magkapatid sa malaking haligi sa kanilang gilid.Nang makitang lumabas naman ng pinto ng fire exit ang mga kalalakihang humahabol sa kanila kanina ay parehas na nanlaki ang mata nila at lumipat sa kalapit na haligi, kung saan iyon na ang pinakakagilid ng pasilyo.Wala na silang ibang mapupuntahan.Parehas na napayuko ang magkapatid nang paputukan sila ng mga ito ng baril. Nagkabitak-bitak ang haligi.Napatakip nalang sa magkabilang tainga si
Last Updated: 2024-12-22
Chapter: Chapter 341"May nakakatawa ba sa sinabi namin?" may pagkadiskumpyado sa tonong tanong ng lalaking nagngangalang James habang nakataas ang isang kilay.Nginitian ito ni Luke sa pamamagitan ng kanyang mata. "Mukhang kayo ang hindi nakakaunawa ng nangyayari sa inyo ngayon. Sarili n'yong niluto pero hindi n'yo alam kung ano ang mga sangkap at kung anong mga rekado."Ipinagsalikop niya ang kanyang mga kamay sa kanyang likod saka marahang lumapit sa magkapatid. Bahagyang nakaramdam ng pagkailang ang mga ito sa paraan ng ginagawa niyang pagtitig kaya nag-iwas ang mga ito ng tingin."Gustong-gusto kong ipaunawa sa inyo kung bakit may kinalaman dito si Jason Zheng, pero may kailangan akong unahin kaysa pagpapaliwanag sa inyo," kampanteng wika niya, ang tinutukoy niya ay ang mga papalapit na kalalakihan. Hinarap niya si Leon. "Sundan n'yo lang ako." utos niya rito."On it, Mr. Cruise.""W-wait, what are you going to do? Napakarami nila." May pag-alala sa boses na wika ni James. "Fighting them head-on will
Last Updated: 2024-12-20
Chapter: Chapter 340Sa security room ng gusali, nagkukumpulan sa isang monitor ang tatlong nagbabantay roon kung saan ang kaganapan ay ang nangyayari ngayon sa tapat ng gate. Hindi nila napansin ang pagbabago ng anggulo ng CCTV sa pasilyo kung nasaan ngayon sina Luke.Matapos sungkitin ni Warren ang CCTV at baguhin ang pagkakatutok niyon ay hinudyatan nito sina Luke sa pamamagitan ng pag-thumbs-up.Dali-dali nilang tinahak ang pasilyo at nagtungo ng fire exit. Kahit na nagmamadali ay napaka-ingat ng ginagawa nilang paghakbang sa hagdan.Bumagal ng paghakbang si Luke nang marinig niya ang bulungan sa ilalim ng hagdan. Sa kanyang hudyat ay nagsihinto sila sa paghakbang. "May tao." wika niya.Kumunot pare-parehas ang noo nina Leon sabay dungaw sa ibaba ng hagdan. Wala naman silang makita at wala rin silang naririnig. Gayunpaman ay sinundan pa rin nila si Luke nang umuna na itong pumasok sa pintong dinaanan nila upang magtago roon saglit. Isa iyong maliit na storage room kaya nagsiksikan sila sa loob.Maya-m
Last Updated: 2024-12-20

Ang Dominasyon Ni Luther Rutherford
Isa sa mga tagapagmana ng pamilya Kingsley si Luther Rutherford, ang pinakamayamang pamilya sa buong Pilipinas. Ngunit sa edad na labingpitong taong gulang, napagpasyahan niyang talikuran ang kanyang pamilya dahil sa kagustuhan niyang magrebelde.
Namuhay siya bilang isang ordinaryo sa loob ng maraming taon, kumpletong kasalungat ng pamumuhay na mayroon siya noong nasa puder pa siya ng pamilya Kingsley. Natutunan niyang mangalakal, mamalimos, tumira sa ilalim ng tulay, makipagbasag-ulo sa lansangan, pero ang pinakaimportante sa lahat ay ang tumayo sa sariling mga paa nang sarili lang ang inaasahan.
Isang dekada ang lumipas. Isang araw, nakulong siya dahil sa kasong physical assault. Ngunit makaraan lang ang isang linggo, isang ubod na gandang babae ang bumisita sa kanya sa kulungan at piniyansahan siya nito. Wala siyang kaide-ideya kung sino ang babae at kung bakit nito ginawa iyon.
Pero nabigla siya sa naging sagot nito nang tanungin niya ito, "Gusto kong magpanggap ka bilang kasintahan ko, kapalit ng kalayaan nating dalawa. It's a win-win, right?"
Doon nag-uumpisa ang panibagong buhay ni Luther, bilang isang good-for-nothing boyfriend. Pero ang hindi nila alam, sa likod ng kanyang ordinaryong kaanyuan, ay ang mga katangiang ikagugulat at ikakaawang ng bibig nilang lahat.
Read
Chapter: Chapter 22 - Lone Wolf SentinelIglap lang ay napalitan ng negatibong imahe si Luther sa mata ng lahat matapos na malaman ng mga itong miyembro lang ito ng low class society. Hindi iyon dahil sa inimbistigahan din nila ang pagkakakilanlan nito, kung hindi ay dahil sa ipinagkalat iyon mismo ng ilang miyembro ng pamilya Acosta."Talaga? Hindi siya kabilang sa pamilya Rutherford sa America? What a shame.""There's no way. I really thought he's somehow belong to a very powerful family. It turns out na estudyante lang pala siya dati ni Old Cheng, kaya pala siya tinulungan nito.""Hindi kaya tsismis lang 'yon? He offended the Acostas after all. Baka gawa-gawa lang nila 'yon para siraan siya.""It's probably real. Baka pineke niya lang ang apelyido niya para pagmukhain tayong t*nga. That *sshole!""Ang lakas pa ng loob niyang sirain ang okasyong ito at saktan sina Mr. Jared at Mr. Baron! Nang dahil lang sa bisikleta? Hmph! Ridiculous.""Haha! Now you mentioned it, I found it hilarious too! Baka matagal niyang pinag-ipunan
Last Updated: 2026-02-04
Chapter: Chapter 21 - Still, Letting Him OffNakita ng mga itong natigilan si Luther kasabay ng pamimilog ng mga mata nito, na para bang saktong nahulaan ng ama ni Jared ang totoong nangyari dito sa loob ng apat na taong pagkawala nito.Sa wakas ay pakiramdam ng mga ito ay sila na ang nasa ibabaw ng kumbersasyong iyon."P-paano mo nalaman?" tanong ni Luther sa gulat na reaksyon habang bagsak ang balikat.Kunwari.Ang totoo ay pinaglalaruan niya lang ang emosyon ng mga ito.'Fools. Wala ni isa man sa inyo ang kwalipikadong malaman ang tunay kong pagkakakilanlan. Not even your ancestors.' natatawang saad niya sa kanyang isip."That's it!" Humalukipkip si Agnes, kahit papaano ay gumaan-gaan ang pakiramdam nito matapos mawala ang pagkaarogante sa mukha ni Luther. "You're too arrogant, huh? Akala mo kung sino ka kung umasta? 'Yon lang pala ang nangyari sa'yo sa loob ng so-called-so-mysterious na apat na taong 'yon? I thought you had been kidnapped by some sort of terrestrial beings that's why you disappeared for years without a trace
Last Updated: 2026-02-04
Chapter: Chapter 20 - So?"Agnes, itigil mo 'yan!"Hindi nag-abalang tumayo si Reginald pagkasigaw nito. Sapat na ang awtoridad na kaakibat ng boses nito upang pahintuin ang ina ni Jared sa anumang gusto nitong gawin kay Luther."But Dad, are we just going to—""I said, stop!"Mabilis na itinikom ni Agnes ang bibig nito matapos makita ang galit na mukha ni Reginald. Hindi nito gustong suwayin ang habilin nito, ngunit nang makita nito kung gaano kaarogante si Luther na parang wala lang dito ang presensya ng pamilya Acosta matapos ng ginawa nito kay Jared ay hindi na nito napigilan pa ang sariling atakihin ito.Napalunok naman ang tatlong miyembro ng pamilya Silva na nakasaksi ng nangyari kanina sa bulwagan. Bahagyang umurong ang mga ito papalayo kay Luther sa pagkabahalang madamay ang mga ito sakali mang mas uminit pa ang tensyon sa pagitan nito at ng mga miyembro ng pamilya Acosta.Lalo na si Brigette na muling tinakpan ang mukha ng hawak nitong pamaypay, umaasang hindi ito papansinin ni Luther."Mr. Luther, h
Last Updated: 2026-02-04
Chapter: Chapter 19 - They Already Know The Truth"Dad, naniniwala ka ba talaga sa matandang 'yon? He must be that guy's master, that's why he's protecting him!" pagalit na saad ng ama ni Jared kay Reginald pagkatapos ay binalingan nito ng tingin si Wilfredo. "Sang-ayon ako kay Brigette, Lord Fredo. 'Wag mo hahayaang maloko nalang nang ganito ang 'yong apo. Let's just get rid of him. Hayaan nating ikasal kay Denver si Catriona kung gusto mo ng matibay na kolaborasyon." suhestiyon nito.Nagsalubong ang kilay ni Wilfredo pero hindi ito nag-abalang umimik. Bahagya itong nadismaya sa paraan ng pananalita ng anak ni Reginald sa kanya.Hindi kabilang ang pamilya Silva sa mga nangunguna sa high class, oo. Pero pinuno pa rin siya ng kanilang pamilya at nakakatanda siya rito. Dapat lang na magbigay ito ng respeto sa kanya kahit papaano.Anumang desisyon ni Reginald ay iyon din ang kanyang magiging desisyon."Hah! He acted all high and mighty. He even dare to bully my son! What so good about his fighting skills? Hindi n'on maisasalba ang buhay
Last Updated: 2026-02-03
Chapter: Chapter 18 - Luther's Mysterious BackgroundNang bumalik si Catriona sa kinaroonan ni Luther ay nadatnan nitong kinukuyog ito ng ilang mga miyembro ng pamilya Silva. Daig pa ng mga ito ang reporter na nagpapaunahang ihain ang kani-kanilang katanungan, kulang nalang ay mikropono.Ngunit parang balewala iyon kay Catriona. Diretsong nakatitig lang ito kay Luther sa blangkong mukha.'Talaga bang... isa siyang high ranking official?' tanong nito sa isip.Hindi malabong maging totoo iyon kung tutuusin. Sa husay pa lang ni Luther sa pakikipaglaban ay isa na iyong katangian ng isang sundalong may mataas na ranggo sa hukbong-sandatahan.Ngunit kasalungat niyon ang pagiging miyembro ni Luther sa low class society. Kung isa man itong sundalong may mataas na ranggo, bakit kabilang pa rin ito sa low class pagkaalis nito ng serbisyo?"It doesn't makes any sense." magkasalubong ang kilay na bulong nito.Makaraan ng ilan pang saglit na pagtitig ay iwinaksi rin nito ang ideyang iyon. Kahit na maghapon at magdamag niya pang titigan si Luther hab
Last Updated: 2026-02-02
Chapter: Chapter 17 - Strange Gap"I did my best after all, bakit parang ako pa ang may kasalanan ngayon? Hindi ka ba masaya sa resulta?"Sa kalagitnaan ng pagiging abala ng lahat, ay abala rin si Catriona sa panunumbat kay Luther at pagalitan ito sa mga ginawa nito. Panay rason naman si Luther.Lahat ng nakatingin sa kanilang direksyon ay inakalang paraan lang nila iyon ng paglalambingan. Iyong iba ay nakaramdam pa ng pagkainggit."Hmph! Moron." pagsuko ni Catriona sabay halukipkip, iniisip na lahat ng ito ay nang dahil lang sa pagiging buwenas ni Luther.Kung kamag-anak ito ng kamalasan, bukod sa wala ngayon dito si Old Cheng upang matulungan ito, ay wala ring pamilya Rutherford sa America na kabilang sa high class society."Geez. Ganyan ba ang paraan mo ng pasasalamat?" nakasimangot na saad ni Luther habang hinihimas ang tingin niya ay namamaga niya na ngayong balikat."By the way," sumeryoso ang mukha ni Catriona. "How about Old Cheng?" muli nitong tanong.
Last Updated: 2026-02-01

A Woman's Unparalleled Love
"Ganyan ka ba talaga kadesperada, Airith? Pati kapatid ko ay pipikutin mo para lang guminhawa ang buhay mo? Pera lang ba talaga ang habol mo sa isang lalaki?"
Iyan ang katagang dumurog sa puso ni Airith sa muli niyang pagbabalik sa bahay ng pamilya Vergara, lalo pa't nagmula mismo ang mga salitang iyon sa dati niyang asawang si Sebastian.
Anak ng pinakamayamang negosyante sa kanilang syudad si Airith Almazan, pero inilihim niya ang pagkakakilanlan niya sa pamilya Vergara. Kaakibat ng kontrata nilang kasal ni Sebastian ay itrinato lang siya sa pamamahay ng pamilya nito na higit pa sa isang katulong sa loob ng isang taon, hindi bilang isang manugang. Hindi lang iyon, napagdesisyunan pa ni Sebastian na makipaghiwalay sa kanya sa parehong araw na ibabalita niya sana rito ang tungkol sa kanyang pagbubuntis.
Makalipas ang dalawang taon, isang araw ay ipinadukot siya ni Stephen, ang nakatatandang kapatid ni Sebastian. Humingi ito ng tulong sa kanya at inalukan siya nito ng isang pekeng kasal upang tuluyan na nitong manahin ang kumpanya at maisalba sa nagbabadyang pagbagsak.
Nalaman niya mula rito na mayroong makapangyarihang tao ang umaatake sa kumpanya ng pamilya Vergara kaya ito nalagay sa ganoong sitwasyon. Saka niya lang din nalaman na kagagawan pala mismo iyon ng kanyang ama, upang kaparusahan sa pang-aapi sa kanya ng pamilya Vergara noon.
Sa kagustuhang ayusin ang ginawa ng kanyang ama, napagdesisyunan niya na tulungan si Stephen. Kasama ito ay muli siyang nagbalik sa bahay ng pamilya Vergara.
Kalaunan, ang akala niyang pekeng kasal nila ni Stephen ay unti-unti na palang nagiging totoo kasabay ng unti-unting pagkahulog ng kanyang loob dito.
Read
Chapter: Chapter 49"You know, hindi lang talaga ako makapaniwala na naghiwalay kayong dalawa. Like, hindi ba't may matatag na kasunduan ang dad mo at si Lord Agustin? How could be that idiot so cold to you? Mas pinili niya pa ang Geraldine na 'yon eh alam naman nating mas mabango ka kaysa sa babaeng 'yon." nakangiwi sa inis na saad ni Erica.Kasalukuyan sila ngayong naglalakad sa kahabaan ng pedestrian lane habang parehas na may dalang kape na nakalagay sa paper cup.Nakatitig lang si Airith sa hawak na baso ni Erica na medyo nayupi na sa pagkakahawak nito.Sumimsim siya sa kanyang baso. "Hindi naman alam ng pamilya Vergara ang naging kasunduan ni papa at Lord Agustin." wika niya.Sinubukan niyang sabihin pero hindi siya pinaniwalaan ng mga ito. Wala naman siyang pakialam doon. Ang importante sa kanya ay alam niyang sila iyong tipo ng mga taong hindi kailangang bigyan ng patunay. Kapag naniwala sila ay paplastikin ka lang nila. Pekeng makikisama sa'yo."Yeah, right. Hindi nga pala nila alam ang tunay na
Last Updated: 2024-12-04
Chapter: Chapter 48Anong sasabihin niya kay Erica? Naturingan niya pa man din itong best friend pero ni wala man lang siyang binanggit dito na kung ano noon patungkol sa kanyang pagdadalang tao.Pinagmasdan niya muna ang numerong nakatipa na sa screen ng kanyang cellphone, bago napagdesisyunang pindutin ang call button niyon.Segundo lang ang lumipas, narinig niya ang boses ng kaibigan na puno ng buhay sa kabilang linya ng tawag. "Airiiiiiiith! I missed you so so so much! Kamusta ka na? I was waiting for you to call for like an eternity!" bulalas nito.Hindi niya namalayan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi. Na-miss niya nang husto ang matinis at makulit na boses ng kaibigan."Ayos lang naman. Ikaw kamusta ka na? Nag-chat ka man lang sana sa'kin bago ka umuwi nang nasalubong kita." wika niya."I did, Airith. Nag chat kaya ako sa'yo. Ikaw 'tong hindi ako sini-seen. Akala ko nagtatampo ka sa'kin, ganern. But I noticed na ilang araw ka nang offline. Anong pinagkakaabalahan mo bhie? Musta na kayo ni Dadd
Last Updated: 2024-12-04
Chapter: Chapter 47"I-I'm sorry. Akala ko—""Leave," malamig na wika ni Airith.Yakap-yakap niya ang kanyang sarili habang diretso ang tingin sa kinatatayuan ni Stephen. Muntik lang namang may mangyari sa kanila na muntik niya na namang pagsisihan.Narinig niya ang pagbuntong hininga nito at pagbukas at pagsarado ng pinto. Pabagsak na inihiga niya ang sarili sa kama."What the hell is wrong with you, Airith? Muntik mo nang makalimutang may anak ka na!" panenermon niya sa sarili sa mahinang boses.Nagtalukbong siya ng kumot. Paano kung hinayaan niya lang si Stephen at nabuntis siya nito? Siguradong kakarmehin na siya ng kanyang ama kapag nangyari nga iyon.Kung anu-anong posibilidad at maaaring mangyari sa hinaharap sakali mang magkatuluyan sila ni Stephen ang naglalaro sa kanyang isip.'Did he just admitted that he's actually inlove with me? O parte lang 'yon ng kalasingan ko?' tanong niya sa kanyang isip habang inaalala kung totoo nga iyong ginawang pagtatapat ni Stephen sa kanya kanina.Iniiling-iling
Last Updated: 2024-12-03
Chapter: Chapter 46"Awe, ang sweet naman nila, aren't they?" wika ni Geraldine sa mapaglarong tono habang nakayakap sa braso ni Sebastian.Kasalukuyang nakaupo ang mga ito sa gilid ng bulwagan habang nanonood sa mga sumasayaw. Pero inagaw nina Airith ang atensyon ng mga ito maging na ang ibang bisita roon."Ooh, they're wild!" komento ng isa habang sinisiko ang katabi nito. "They should get a room, right?""What a lovely couple. Nakakainggit naman sila." wika rin ng isa."Ang swerte naman ni Mr. Stephen. Ang ganda-ganda ng mapapangasawa niya." puri naman ng isa pa. "Bagay sila sa isa't-isa."Naikuyom nalang ni Sebastian ang kamao nito matapos marinig ang mga iyon. Hindi nito kayang makita ang ginagawa ni Airith at Stephen kaya sa ibang direksyon ito ng bulwagan nakatingin.Para sa kanya ay mas lalo lang pinatunayan ni Airith kung gaano ito kadesperadang makapangasawa ng mayaman.Ang mas ikinaiinis pa nito ay pinuntirya ni Airith ang kanyang kapatid.Tumayo ito at naglakad papaalis."Sa'n ka pupunta? Are
Last Updated: 2024-12-03
Chapter: Chapter 45Matapos ng ilang minutong paghahalughog nina Stephen sa buong bahay ay muli silang nagkita ni Tim sa may ibaba ng hagdan. Hinahanap nila ngayon si Airith.Nagpalitan sila ng tingin na sinundan ng pagtaas-baba ng balikat ni Tim. Ngayon ay mas lalo pang nag-alala si Stephen."Hindi kaya umuwi na 'yon at 'di lang sa'yo nagpaalam?" hinuhang tanong ni Tim."I don't think so. Magsasabi naman 'yon kung gusto niyang umuwi."Isa pa ay sa banyo ang sinabi nitong pupuntahan nito. Si Geraldine ang nakasalubong niya nang magtungo siya roon at sinabi nitong kakaalis lang ni Airith at pabalik sa bulwagan ang direksyon nito, hindi palabas ng bahay.Pero paano kaya kung nagbago ang isip ni Airith at napagdesisyunan nitong lumabas?Makaraan ng ilang saglit ay napasampal siya sa kanyang noo. Bakit ngayon lang iyon pumasok sa isip niya?"Bakit?" usisa ni Tim."I'll be right back. Check mo ulit sa grandhall baka bumalik siya ro'n."Tumango-tango lang si Tim at naghiwalay sila ng direksyon.Pagkarating niy
Last Updated: 2024-12-03
Chapter: Chapter 44Kumabog ang dibdib ni Airith dahil sa sinabi ni Stephen. Isipin niya palang ay naiimahina na niya kung anong klaseng titig ang ipinupukol sa kanya ni Sebastian. Pagkadismya iyon, panigurado."Oh, Airith. Nandito ka rin pala," Tumabi si Geraldine kay Stephen. "Nice meeting you, again. Sorry about sa nangyari the other day. Hindi ko inaakalang... well, alam mo na." wika nito sa kanya sa tila nanunudyong tono na ikinukubli lang nito sa pilit nitong pagngiti."Geraldine, please." sita ni Stephen rito sa seryosong mukha habang makahulugan itong tinititigan."No, no, I didn't mean it that way," Mahinang natawa si Geraldine. "Na-curious lang ako. Airith was such a wonderful, kind... generous girl back then noong nasa college kami, but I don't know why they hate her so much. I mean... she's very lovely woman!" Mahina nitong siniko si Stephen sa tiyan. "Kaya nga nahulog ka sa kanya, hindi ba?""That's true," sang-ayon ni Stephen kasabay ng pagtaas-baba ng balikat, "But please, 'wag na nating
Last Updated: 2024-12-02