Playing Fire with My Boss

Playing Fire with My Boss

last updateปรับปรุงล่าสุด : 2026-11-20
โดย:  ExDealersอัปเดตเมื่อครู่นี้
ภาษา: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
3 การให้คะแนน. 3 ความคิดเห็น
138บท
2.6Kviews
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด

แชร์:  

รายงาน
ภาพรวม
แค็ตตาล็อก
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป

"I want you to be mine- No, You're mine, Freya, sa'kin lang!" Bilang isang submissive maid, ang tanging misyon ni Freya Hernandez ay magtrabaho nang tahimik para sa nag-iisang amo at maitaguyod ang kaniyang pamilya. Subalit ang kaniyang tahimik na buhay ay biglang gumuho dahil sa cold, ruthless na anak ng kaniyang amo—si Raphael Wade Grandford. Mula sa mga asar at bangayan hanggang sa umabot sa isang aksidenteng halik, unti-unti siyang nalulunod at nahuhulog sa tamis ng pag-ibig na ngayon pa lamang niya naranasan. Ngunit paano kung sa gitna ng pag-ibig na ito ay biglang bumalik ang ex-fiancee ni Raphael? Ang babaeng nag-trigger ng kanyang pagka-germophobic; ang dahilan ng pagiging malamig at matigas ng puso nito; at ang babaeng minsan niyang minahal nang labis. Kaya ba ni Freya na panindigan ang pag-ibig nila, o susuko na lang siya ngayong nagbalik na ang unang babaeng minahal nang lubusan ni Raphael?

ดูเพิ่มเติม

บทที่ 1

Prologue

“B-Bakit po, Sir? May kailangan po ba kayo?” nauutal na tanong ko sa kaniya.

Sino ba namang hindi mauutal?! Pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ng banyo, napansin ko agad na nakabukas ang p***o ng kuwarto ko. Kaya dali-dali akong pumasok sa loob at doon ay nakita ko ang aking kinatatakutan—si Sir Raphael. Titig na titig siya sa kama ko, kaya napatingin na rin ako doon.

Agad na namula ang mukha ko. Hindi dahil sa kilig, kundi dahil sa matinding hiya! Sino ba naman kasing hindi mahihiya?! Ang tinititigan pala ng billionaire na 'to ay ang mga pamalit kong damit na nakalatag sa kama!

Dali-dali akong lumapit at dinampot iyon para itago sa likod ko. Diyos ko po! Ang panty kong itinatago-tago sa kailaliman ng cabinet dahil manipis na at bahagya pang may butas sa garter, exposed na exposed!

‘Hay naku! Bakit kasi sa mismong kuwarto ko pa ako naglapag ng bihisan?!’ sigaw ng naghihingalong kaluluwa ko sa isipan.

Naiilang kong inilagay sa likuran ko ang aking mga kamay habang hawak-hawak pa rin ang pamalit na damit. Grabe, nakakahiya talaga!

Tahimik ang buong silid habang nakatitig sa akin si Sir Raphael sa paraang parang nag-a-analyse siya ng krimen. Napahawak ako sa magkabila kong braso nang makaramdam ako ng lamig. Doon ko lang napagtanto... hindi pa pala ako nakakapagbihis at nakatapis pa rin ako ng tuwalya!

Sheeeet! Pakiramdam ko ay lulutuin na ang mukha ko sa sobrang init at hiya! Ano ba kasing ginagawa ng gwapong 'to sa kuwarto ng kasambahay?!

“Play with me. Sinusumpong ako ng sakit ko,” wika niya bago inilihis ang tingin sa akin at tumitig sa dingding ng silid ko kung saan nakadikit ang kung ano-anong posters at pictures. “Bilisan mong magbihis at sumunod ka agad sa akin.”

“S-Sige po, Sir... Hintayin niyo na lang po ako sa labas, susunod din po ako agad.”

Hindi pa rin siya agad kumilos. Nanatili siyang nakatitig sa mga pictures sa dingding na tila nadikit na doon ang kaniyang mga mata at ayaw nang maalis. Kaya naisip kong magsalita muli bago pa ako atakihin sa puso.

“M-Magbibihis lang po ako, Sir...”

‘Huwag mong sabihing gusto mo pa akong panooring magpalit ng panty, Sir?!’ hysterical na tanong ng utak ko.

Dahan-dahang lumipat ang tingin niya sa akin. Titig na titig siya habang bumababa ang kaniyang paningin sa buong katawan ko. Awtomatikong gumalaw ang mga kamay ko para takpan ang sarili ko gamit ang basahang mukhang tuwalya. Halos mapanganga ako nang dahan-dahang tumaas ang isang sulok ng kaniyang labi at nag-pakawala ng isang nakakatunaw na ngisi.

“May maipagmamalaki ka pala...”

“SIRRRR!!!” malakas kong sigaw sa kaniya—iyong tipong umalingawngaw sa buong mansyon! Siyempre, sa loob-loob ko lang iyon. Baka mamaya ay mawalan pa ako ng trabaho, ano na lang ang ipangda-dialysis ni Nanay at ipangkakain namin?! Tsk!

Nang tuluyan na siyang makalabas ay mabilis kong isinara at inilock ang p***o. Kinapa ko ang aking dibdib bago napahawak sa aking magkabilang pisngi na nagbabarako sa init.

Umiling-iling ako at tinapik-tapik ang pisngi ko nang malakas. “Go, go, Freya! Laban para sa pamilya!”

Nagbihis ako nang mabilis gamit ang simpleng t-shirt at pajama. Paglabas ko ng p***o, nakasandal doon si Sir at tila inip na inip na naghihintay.

‘Ang taray! Akala mo naman tatakasan ko siya sa gitna ng hatinggabi!’ asik ko sa sarili ko.

Nang mapansin niya ako ay agad siyang naglakad palabas ng maid’s quarters. Sumunod naman ako agad sa kaniya. Akala ko sa malawak na sala o sa garden kami tatambay para maglaro, pero laking gulat ko nang sa sarili niyang kuwarto kami dumiretso!

Lumakas nang husto ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay nasa bingit ako ng kamatayan nang unti-unting bumalik sa utak ko ang halik na ibinigay niya sa akin noon. Napatigil ako sa mismong pintuan.

Nilingon niya ako at bahagyang tumaas ang kaniyang kilay nang makita ang pag-aalinlangan sa mukha ko.

‘Sheeeet! Bakit kahit nakataas ang kilay, mukha pa ring model ng luxury brand?!’

“Don’t worry, maglalaro lang tayo,” sabi niya sabay ngisi. “I won’t do anything to you.”

‘Ikaw, Sir, wala! Eh paano ako?! Baka ako ang may magawa sa’yo, Diyos ko po!’

Tumango na lang ako at tahimik na sumunod sa kaniya. Nauna akong maupo sa couch na malapit sa terrace. Sa center table, naroon na ang chessboard at nakahanay ang mga piyesa.

Marahil ay hindi nga talaga siya makatulog dahil sa insomnia niya. Pero for Pete’s sake! Alas-doce na ng hatinggabi at katatapos ko lang maglaba at maligo! Hindi ba uso sa mga bilyonaryo ang magpahinga?!

Nakasunod lang ang tingin ko sa kaniya habang nagtutungo siya sa mini-refrigerator sa loob ng kuwarto niya. Kumuha siya doon ng dalawang bote ng beer at tsokolate. Sa cabinet naman sa tabi ng ref ay naglabas siya ng mga imported crackers at isang bowl ng mani.

‘Wala man lang bang Sogo? Sogu? Sugo? Ano nga ba 'yung brand ng mani na 'yon na laging nakahain sa lamesa ni Tatay kapag nag-iinuman sila ng mga kumpare niya?’

“Are you okay?”

Naputol ang malalim kong pag-iisip nang magsalita siya.

“A-Ah, opo, Sir!” mabilis kong sagot.

“Umiinom ka naman siguro, 'di ba?” tanong niya bago binuksan ang bote ng beer gamit lang ang kaniyang hinlalaki.

‘Astig! Sa amin, kinakagat pa 'yan, ginagamitan ng singsing, o kaya ipinupukpok sa kanto ng lamesa. Naalala ko pa, sinubukan pa noon ni Ate Nara na buksan 'yon gamit ang buhok niya... ayun, panot siya nang isang linggo.’

“Hey?”

“O-Opo, Sir!” nauutal kong sagot bago inabot ang bote.

Lumagok ako roon at naramdaman ang pagguhit ng malamig na beer sa aking lalamunan. Isang beses pa lang ako nakakapag-inom sa buong buhay ko—noong 18th birthday ko kasama ang mga tropa ko. At ngayong 23 na ako, limang taon na rin ang nakalipas mula noong huli akong tumikim ng alak.

Umupo siya sa pang-isahang couch sa tapat ko. Sinimulan ko na ring iayos ang mga piyesa sa chessboard.

Unang ilang round ng chess, at sa bawat laro ay ako ang nananalo. Nangingiti ako nang patago habang si Sir Raphael naman ay lalong nagiging seryoso ang mukha. Marahil ay napapahiya na sa sunod-sunod niyang pagkatalo. Sayang nga lang at walang pusta!

“Ang boring,” bigla niyang wika.

“Sabi mo lang 'yan kasi natatalo ka,” walang kagat-labing sagot ko.

Nangiti siya at napahawak sa kaniyang baba habang bahagya itong hinahimas gamit ang tatlong daliri. “Gawin nating mas masaya ang laro.”

“Paano?” tanong ko. Wala akong dalang kahit singko rito.

Medyo may tama na rin ako mula sa beer na iniinom namin. Nasa ikalawang bote na ako kaya ramdam ko na ang pangangapal at pag-iinit ng mga pisngi ko. Marahil ay mukha na akong kamatis.

“Kung sino ang matalo sa bawat round... maghuhubad ng suot,” seryosong hamon niya.

Hindi ako agad nakapagsalita. Tinaasan niya ako ng kilay na tila ba sinasabing duwag ako. Seryoso ba talaga siya?!

“O-Okay!” sagot ko sabay ngisi. Lasing na nga ata ako dahil kung ano-ano na ang pumapasok sa utak ko!

Tumawa siya nang mahina. Akala mo naman matatalo niya ako sa chess! Marahil dala ng alak ay hindi ko na naisip ang kahihiyang mangyayari kapag ako ang natalo.

Sinimulan na namin ang panibagong laro. Pero sa pagkakataong ito... ako ang natalo! Nag-checkmate ang King ko!

Nataranta ako, pero mabilis kong hinawakan ang tainga ko at tinanggal ang isang hikaw ko. Natulala siya sa ginawa ko kaya nginisihan ko siya.

“Madaya,” reklamo niya.

“Paanong madaya? Suot ko naman 'tong hikaw ah!” katwiran ko. Mabuti na lang at hindi ko ito tinanggal kanina!

Hindi ako dapat matalo. Kaso kung siya ang matalo... ibig sabihin...

Hindi ko maipaliwanag kung nahihiya ba ako o na-e-excite! At heto na nga, sa sumunod na round, siya ang natalo! Ang una niyang hinubad ay ang mamahalin niyang relos.

Subalit sa mga sumunod na galaw ng mga piyesa, kinain niya ang aking Queen at muli akong natalo! Kagat-labi kong hinubad ang aking t-shirt. Natalo ako ulit sa kasunod kaya sinunod kong hubarin ang aking pajama!

Ngayon, panty at bra na lang ang tanging suot ko! Malamig ang aircon pero parang nag-aapoy ang balat ko dahil sa pinaghalong alak at labis na pagkailang.

Sa wakas! Sa sumunod na round, nanalo rin ako! Una niyang hinubad ang kaniyang t-shirt.

Napalunok ako. Hindi ko maalis ang mga mata ko sa kaniyang katawan. Ang ganda ng hubog! Batak ang kaniyang muscles at halatang alaga sa gym. Ang tiyan niya ay matigas na matigas sa pumupuputok na abs. Binilang ko pa sa isip ko—walo! Grabe!

Ngumisi siya nang mapansin ang reaksyon ko. Nag-iwas ako ng tingin at muling inayos ang mga piyesa. Pero sa kasamaang-palad, ako ulit ang natalo sa kasunod na round!

Hindi ko na magawang tumingin sa kaniya sa labis na hiya. Para akong kakapusin ng hangin habang dahan-dahang hinuhubad ang aking bra. Tumambad ang bilugan at mapuputi kong dibdib, at ang aking mga balat ay tayong-tayo sa lamig at kaba.

Nakatingin siya nang mariin sa dibdib ko. Nakita ko pa ang marahang paggalaw ng kaniyang Adam's apple habang napapalunok siya.

Tumikhim ako at muling nag-ayos ng board gamit ang nanginginig kong mga daliri. Sa gitna ng tensyon, siya naman ang natalo! Naghubad siya ng kaniyang boxer shorts. Nag-iwas ako agad ng tingin bago pa man iyon tuluyang maibaba. Alam kong may suot pa siyang briefs sa loob, pero hindi ko kayang tingnan... tiyak na may bumubukol doon!

Naglagay siya ng panibagong beer sa tapat ko. Inubos ko ang bote ko upang kumuha ng lakas ng loob. Pansin ko na panay pa rin ang sulyap niya sa dibdib ko. Tiningnan ko rin siya. Nasa kulang dalawang metro lang ang layo namin sa isa't isa.

Nagsalubong ang aming mga mata. Ang mga labi namin ay parehong nakaawang. Wala sa sarili na kinagat ko ang aking labi nang makita ko ang pasimpleng pagbasa niya sa sarili niyang labi gamit ang kaniyang dila.

Maya-maya pa, mabilis siyang tumayo mula sa kaniyang upuan at dahan-dahang lumapit sa akin...

แสดง
บทถัดไป
ดาวน์โหลด

บทล่าสุด

บทอื่นๆ

ถึงผู้อ่าน

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


ความคิดเห็น

Bodin Baz Matthias
Bodin Baz Matthias
maganda ang story palaban ang bida...
2026-07-26 03:29:31
2
0
Gretchen Maghanoy
Gretchen Maghanoy
walang duda super ganda nito
2026-05-30 00:58:27
3
0
reyanaa
reyanaa
mukhang nakakaexcite, more ud please miss A
2026-05-21 22:12:55
3
0
138
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status