Nang matapos kaming kumain ng hapunan ay nagpaalam si Ash na tatapusin ang assignment nya.
Kinuha ko ang laptop ko sa kwarto at umupo sa mini library na naroon, kitang kita rin ang city lights mula sa babasaging salamin na katabi nito.
Nagscroll ako sa wattpad ng mga messages at comments ng readers. Natawa pa ako sa iilang comments.
Agad akong nagtipa sa aking laptop ng iuupdate para sa story na ginawa ko, habang pinagmamasdan ang mga city lights ay nakakakuha ako ng maraming idea at lumalawak ang imahinasyon ko, kung kaya't nakakabuo ako ng iba't ibang senaryo.
Nasa kalagitnaan ako ng pagsusulat ng magvibrate ang cellphone ko.
+639********
WazzuuUp?
Napakunot ang noo ko ng mabasa ko ito. Agad akong nagtipa ng irereply rito bago ilapag sa upuan na kinauupuan ko.
Uh, who's this?
Nagvribate uli ito pahintulot na may nagtext rito.
+639*********
Hulaan moooo.
Magtatype na sana ako ng isasagot rito ng magvibrate uli ito, kasunod nito ang text na nagbigay ng clue sa akin.
+639*********
Grabe naman, lumuwas ka lang ng maynila ay hindi ka na agad
nakakilala:((
Aha! Nate?
Inantay ko itong magreply. Makalipas ang ilang minuto ay may tumatawag sa phone ko, agad ko itong sinagot.
[WazzzuuUup?] malakas na sambit nito na halos ikabingi ko.
"Ang ingay mo hoy!" sita ko rito.
He chuckled.
[Kamusta madam?] sambit nito na nakapagpangiti sa akin.
"Ayos naman, ikaw? Sila mama?" tanong ko rito.
[Yiee, tinanong nya kung kamusta na ako.] he giggled.
Siraulo talaga.
"Sira, kamusta sila mama, si tita diyan?" tanong ko ulit rito.
[Wait lang sasagutin ko muna tanong mo kanina. Ako? Ayos lang ako, ito gwapo pa rin.] naiimagine ko na naman itong pinagyayabang ang mukha niya sa akin.
"Ang kapal mo talaga!"
He laughed.
[Ayos naman sila tita.] sambit nito.
"Si tita at tito kamusta?" mahinahong tanong ko rito.
[Ayos naman sila mama, namimiss ka na daw nila di ka man lang daw dumalaw nung umuwi ka, nagtampo tuloy.] sambit nito.
"Pakisabi nalang pag uwi ko dadalawin at ipagluluto ko sila, pasensya na kako nagmamadali ako nung nakaraan." tugon ko rito.
[Makakarating madam! Bakit gising ka pa pala? Alas onse na ah.]
"Wala nagtatype ng iu-ud ko dun sa story na ginagawa ko." sambit ko rito.
[Ganun ba? Naabala ba kita? Sorry 'di ko alam.] nagaalalang tanong nito.
"Hindi naman, ano ka ba? Kailan pa kayo naging abala sakin? Okay na din yun nangamusta ka." bahagya akong napangiti sa sinabi ko.
[Yiee, sige na una na ako may pasok pa ako bukas. Ikaw rin matulog ka na. Goodnight madam mwaps.] narinig ko pa itong hinalikan ang cellphone nya.
"Siraulo! Sige na, Goodnight!" natatawang sambit ko bago ibaba ang tawag.
Lumipat ako sa kama at nagtype uli sa laptop upang matapos na ito.
Hanggang sa unti-unti na akong inantok at humiga na. Iniwan kong nakabukas ang laptop at tuluyang isinara ang mabibigat kong talukap.
Nagising lamang ako sa katok ni Ash sa pinto ng kwarto ko.
"Girl? Ready na breakfast, bangon na!" pasigaw na sambit nito.
"Sunod ako!" pabalik kong sigaw rito bago bumangon at iniligpit ang laptop ko. Agad akong dumiretso sa walk-in closet at kinuha ang damit doon para diretso na sa cr.
Pagkatapos kong maligo at magayos sumunod na ako kay Ash sa kusina.Nadatnan ko itong nagsasandok ng kanin.
"Wala kang work later diba?" tanong nito habang inaabot ang kanin sa akin.
"Ouhm." Patango-tango kong sagot rito habang may pagkain sa bunganga.
"Grocery tayo later, magaayos tayo ng gamit." anito bago sumubo ng pagkain.
"Goods and needs ba?" tanong ko rito habang inaabot ang bacon na nasa plato.
"Oo, naglagay kasi uli si mommy ng pera sa bank account ko sabi ko wag na. Maghahanap na rin ako ng part time." nakangiting sambit nito.
"Pumayag si tita?" gulat na tanong ko rito.
"Hindi."
"Edi hindi pwede."
"Ayaw nya, sabi niya pinayagan na nga daw tayong humiwalay sa kanila eh." she pouted.
"Okay lang yarn!" masiglang sambit ko rito.
"Siguro sa susunod nalang kapag okay na kay mommy." sambit nito.
Tumango ako rito at bahagyang ngumiti.
Mas mabuti ng sundin nya na muna si tita, pumayag naman ito na lumipat kami siguro sa susunod na lang yung pabor na hiningi ni Ash sa mommy nya.
Nang makarating kami sa school mabilis ding dumating ang teacher namin. Nagbigay ito ng assignments at quiz bago umalis. May meeting raw ang mga teacher ngayon, kaya halos walang pumasok sa ibang subject, dahilan para pauwiin kami ng maaga.
Dahil nga wala akong part time this day sasamahan ko nalang muna si Ash maggrocery. Dumiretso agad kami ni Ash sa condo para magpalit bago tuluyang pumunta sa malapit na mall.
"San tayo? Supermarket muna?" marahang tanong ko rito.
Mamili rin daw kasi kami ng pandagdag gamit sa kwarto o kahit saang parte ng condo ni Ash o kaya bumili daw kami ng pagkakaabalahan namin sabi ni tita.
"Supermarket muna." sambit nito.
Nang makarating kami sa supermarket hinila ko ang isang shopping cart at sinabayan si Ash sa paglalakad.
Inuna namin ang mga karne at prutas. Humiwalay si Ash sa akin at pumunta sa may chips and drinks section.
Alam nating soju lang kukunin noon dun. Dumiretso ako sa mga de-lata at kumuha ng tig- sampung piraso ng cornbeef, meetloafs, spam at iba pa kumuha rin ako mga condiments like soy sauce, vinegar and ketchup.
Nakita kong nakasimangot na naglalakad palapit sa akin si Ash.
"Oh anong nangyare sayo? Bakit ka nakasimangot diyan?" I chuckled a bit.
"Walang soju!" She pouted.
"Saan ba pwedeng makabili non?" tanong ko rito habang kinukuha ang mga napili niyang chips at iba pang drinks like C2, chuckie and yakult.
AaaAaa chuckieee my fave, Ash knows me well.
"Sa Wang mart!" masiglang sambit nito habang kumikislap pa ang mga mata sa tuwa.
Nagmadali akong kumuha ng pasta at sauce nito. Dumampot na rin ako ng pancit canton hindi pwedeng mawala yun. Kumuha rin ako ng cup noodles na pwedeng istuck, kakailanganin rin ito.
Kumuha din ako ng mga condiments like vinegar, soy sauce and ketchup at pumila na sa counter tulak ang isang shopping cart na punong puno ng laman na kay Ash naman ang isa pang shopping cart.
Tinulungan ako ni Ash na maglapag ng mga binili sa counter, umabot ito ng apat na kahon. Nang makalabas kami pinadala na ito ni Ash sa condo para makabalik din ng mabilis ang driver para sa bibilhin nitong ref.
Ang ref kasi na nasa condo niya ay dinala sa bahay nila kasi hindi naman daw nagagamit, kaya ito bibili ng bago.
Ang napiling nitong ref ay double door na may dalawang compartment at may ice and water dispenser. Nagpatulong ang driver para maisakay ito.
Sumakay si Ash sa kotse sumunod ako rito.
"Kuya daan po tayong Wang mart!" anito sa driver habang inaayos ang wallet niya.
Tumingin nalang ako sa bintana at pinagmasdan ang mga taong naglalakad at nagkakasiyahan. Marahan akong napangiti.
Namimiss ko na sila mama.
Tumigil ang sasakyan ng makarating na ito sa tapat ng Wang mart. Dire-diretsong bumaba ito ng kotse, sumunod nalang ako rito para tumulong sa bibilhin nito.
"How much for the two boxes of soju?" marahang tanong nito.
"Six-thousand ma'am." anito bago ngumiti.
Mabilis na kumuha ng cash si Ash sa wallet na dala niya.
"Seriously? Mauubos mo yan?" kunot noong tanong ko rito.
"Stuck, sinong nagsabing ako lang iinom nito? Ikaw din no." she winked
Inirapan ko lang ito bago sumakay sa kotse.
Nang makarating kami sa condo, pinaayos na agad ang ref para mailagay ang ilalaman rito.
Mabilis din naman itong naayos isa isang nilagay ni Ash ang mga pinamili namin na mga karne sa compartment ng ref.
Kinuha ko ang mga de-lata at isa isang inarrange sa white na kitchen cabinet.
Nang matapos kami rito ay kumuha ako ng isang pancake mix at hinalo ito habang pinapainit ang kawali.
Nang mainit na ang kawali naglagay ako ng butter rito at naglagay ng pancake mix, binaliktad ko ito. Nang maluto ito ay inilagay ko ito sa isang pinggan na nasa lamesa. Ginawa ko itong paulit-ulit hanggang sa maubos ang mixture at maluto lahat.
Nilagyan ko ito ng chocolate syrup bago tawagin si Ash na nasa kwarto niya at nagliligpit ng damit.
"Ash? May pancake sa kusina sunod ka nalang." sigaw ko rito habang kumakatok.
"Susunod ako girl, ilalagay ko nalang tong huling damit." pabalik na sigaw nito sakin.
Nagpalit muna ako sandali ng t-shirt dahil pawis na pawis na ako. Mga ilang minuto rin bago lumabas si Ash, nanonood ako ng tv habang kumakain katabi ko ito.
Nagkatinginan kami ng may kumatok.
"Ako na magbubukas." nakangiting tugon ni Ash hinayaan ko ito at nagpatuloy sa pagkain at panonood.
Naririnig ko ang maliliit na bulungan mula sa pinto ngunit hinayaan ko lang ito.
"Tara sa sala." naririnig kong ani ni ash.
"Kesh, Andito si Akio!" narinig kong sigaw ni Ash papunta rito.
Oh e ano naman?
"Ahh may pancake pa don sa kusina, magtutupi muna ako ng damit ko." paalam ko.
Pumunta ako sa kwarto ko at inangat ang dalawang maletang dala ko inilabas ko ang laman nun. Inuna kong ayusin ang mga sapatos kong nakalagay dito sunod ay ang lotion, suklay at underwear.
Isa isa kung tinupi at hinanger ang ibang damit katulad ng ibang suit at dress na dala ko.
Nang matapos ko ang ginagawa ko kinuha ko ang laptop ko at lumabas ng kwarto upang magluto ng hapunan.
Naabutan kong nasa sala sila Ash nanonood at nakahanda na ang soju.
"Ashley! Mamaya na yang soju mo kumain muna kayo." saway ko rito.
"Yes girl, magluluto na nga dapat ako e lumabas ka." anito.
"Ako na magluluto, diyan nalang kayo." marahang sabi ko rito.
Tumango lamang ito at itinuloy ang pinapanood.
Pumunta ako sa kusina at napagdesisyunang buffalo chicken wings nalang ang lulutuin.
Magaling si mama magluto kaya siguro ay marunong akong magluto, tinuturuan rin ako nito nung nasa high school pa lang ako. May sariling karinderya sila mama sa probinsya, kaya pinapangako na kapag naging isang ganap na flight attendant na ako ay papagawan ko ito ng sariling restaurant.
Napangiti ako sa mga iniisip ko. Hindi ko namalayang nasa likod ko si Akio.
"K-kanina ka pa diyan?" turo ko sa kinatatayuan nito.
Bakit ba ako nauutal? Nagulat lang ako. Oo, nagulat lang ako.
"Not really." sagot nito bago buksan ang ref at kumuha ng tubig.
I nodded.
Kinuha ko ang malaking bowl na inihanda ko at inilagay ang buffalo wings na niluto ko.
"It looks delicious huh." nagulat ako dahil sa sinabi nito.
He chuckled.
"Bakit ka nanggugulat!?" bwesit na singhal ko rito.
"I didn't mean it, magugulatin ka pala." he smirked.
Hindi ko nalang ito pinansin at niligpit na ang pinaglutuan ko bago ayusin ang mga pinggan sa lamesa.
Tinawag ko si Ash nang matapos ako rito.
"Girl, kain muna." sigaw ko mula sa kusina.
Narinig ko rin ang mga yapak nito. Agad kong kinuha ang nakahain na kanin at sumandok rito. Nakita ko ding sumandok ang dalawa.
"Kesh, soju tayo later? Gusto mo?" ani Ash bago sumubo ng kanin.
"May pasok bukas." sagot ko ng hindi tumitingin rito.
"Please, konti lang sayang punta ni Akio e." pagmamakaawa nito.
Nakakain naman 'to ng libre ah, anong sayang dun?
"Sige, dalawang bote lang sa akin." malalim na paghinga muna ang pinakawalan ko bago sabihin iyon kay Ash.
"Yey! Labya girl." tuwang tuwa na sambit nito.
Inirapan ko lang ito at pinagpatuloy ang pagkain.
"Kamusta si tita Aika sa Japan?" narinig kong sambit ni Ash.
"Okay naman si Kaa chan at si Aimi, si Otousan nasa korea."
Ano daw utusan? Kachan? Parang charan ganun?
"Hmm, anong ginagawa ni tito sa korea?" curios na tanong ni Ash.
"Business, you know." anito bago ipagpatuloy ang pagkain.
"I see." tipid na sagot ni Ash.
"How about you girl? Kamusta sila tita Kianna?" tanong nito habang nakatingin sakin para bang inaantay ang sagot ko.
"Ayos naman daw malakas bentahan." sambit ko rito.
"Bentahan ng?" curios na tanong ni Akio na biglang namutla sa sinabi ko mukhang iba iniisip nito pft.
Ay kausap ka?
"Bentahan ng lamang loob ng tao." biro ko rito.
"What the!" muntik na nitong maibuga ang kinakain niya.
Tumawa kami ng malakas ni Ash sa nakita.
"Bentahan sa karinderya pft." I chuckled.
Nahimasmasan naman ito sa sinabi ko at ipinagpatuloy ang pagkain
Kaa chan- mother/mommy.
Utousan - father/daddy.
Akio's POVI decided to buy a camera for my sister, while looking at it there's a girl who caught my attention.She's simple pretty, medyo curl ang buhok nito. Nakaskirt siya at cropped top. Magpaparty ba 'to? Bakit ganiyan suot niya?Napansin ko ang isang kasama nito, Ash?Oh, Ash friend? Maybe, best friend.Parehas sila ng damit. Napailing ako. Ibinalik ko ang headphone sa tamang pagkakasuot nito. Binili ko ang camera na tinitingnan ko kanina.Nang palabas na ako sa shop na iyon ay sinadya ko ang pagbangga sa kaniya.Hindi ko inaasahan na mapapalakas iyon, tutulungan ko sana siya. Ngunit parang wrong move kung yun ang gagawin ko.Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makalabas ng mall.___Ang malas naman bakit ngayon pa? Ma
"Daddy's here!" Cayleigh shouted.Napatingin sa akin si Nate. Nagtataka ang mga titig nito. Ngumiti lang ako sa kaniya bago napagpasiyahang umakyat sa kwarto para makapagpalit ng damit.Obvious namang hindi ko pa naipapaliwanag kay Nate ang lahat. Nasabihan ko na rin naman sila mama, sila Ash, Iza, Anika, Si Mommy at Daddy tungkol kay Akio at Cayleigh.Ayos lang naman sa kanila, as long masaya ang anak ko.Mamaya na lang siguro ako magpapaliwanag kay Nate.Bumaba na rin ako pagkatapos ko magpalit sa taas, wala na rin naman akong gagawin roon.Pagbaba ko ay nakita ko si Nate, saktong nakatingin siya sa akin. Katapat niya si Akio at Cayleigh na naguusap.Maya maya lang ay tumakbo na si Cayleigh papunta kay Nate. May sinabi ang anak ko sa kaniya bago siya hilahin papunta sa kusina. 
Nagkwentuhan ang dalawa samantalang ako pasimple lamang silang sinusulyapan habang sumisimsim sa inumin ko.Bagay silang magsamang mag-ama, parehas sila English-speaking. Hmp.Nagtagal pa kami ng dalawampung minuto sa shop na iyon bago mag-aya si Cayleigh sa kung saan. Hindi ko narinig dahil wala naman silang balak iparinig.Silang dalawa lang ang naguusap, animo'y may mga sariling mundo at walang pake sa taong nasa paligid nila.Humawak si Cayleigh sa kamay ng ama niya. Bahagya akong napaiwas ng tingin. Ewan ko kung bakit bigla na lang may kumurot sa puso ko.Pero hindi ko din naman siya masisisi tatlong taon din niyang hindi nakita si Cayleigh, ganoon rin si Cayleigh sa kaniya.Dumaan sila ng timezone kaso sa hindi malamang dahilan sarado iyon."Daddy, I want to play!" ani Cayleigh na nakahawak sa daddy niya at nanlulumo dahil s
Tumalikod na ako at akmang aalis na ng may sumigaw at tinawag ang pangalan ko."Kesh!" narinig kong sigaw ng pamilyar na boses.Kumalabog ang dibdib ko ng marinig ang boses niya.Hindi ko siya nilingon at binilisan na lang ang mga hakbang ko. Nagsisimula ng lumabo ang paningin ko dahil sa mga luhang tumatabon rito. Hilong hilo na rin ako dahil sa nainom ko.Hindi ko namalayan na may nakaharang sa daanan ko, nabangga ako sa isang matigas na bagay.Agad kong inangat ang tingin ko ng masinghot ko ang amoy ng taong mahal ko.Bakit niya ba ako sinusundan?! Pilit na ngiti ang ibinigay ko rito. "Oh, Hi! Ikaw pala!""Geez, you're drunk. Why are you crying?" gusot ang noo nito at madilim ang aura na nakapaligid sa kaniya.Anong problema niya? "Hindi ako lasing 'no, magkaiba ang lasing at tipsy h
Nagmamasid ako sa anak ko na nasa harap na ng stage at nakikipagkulitan sa mga ninong niya.Sila na yung nakialam sa pagpapalaro. Napairap ako sa mga kalokohan na pinaggagawa nila sa harapan.Kanina nga ay may umiyak na bata dahil natalo sa laro, binigyan na lang nila ng laruan. Nagsisihan pa kung sino ang may gawa.Kahit kailan at sakit sa ulo ng mga abogado na 'to.Akala mo hindi mga abogado kapag kasama si Cayleigh eh.Lumapit ako sa kanila dala ang malambot na bimpo na ilalagay ko sa likod ni Cayleigh.Buhat na ni Nate si Cayleigh, nakangiti lang ang anak ko buong program panay ang pagkanta at pagtawa."Baby, put this towel first." inayos ko ang likod nito kahit buhat siya ni Nate. Masiyado niyang namiss tito ninong niya."Ami, malaki yung gift ni tito ninong unlike ninong Zach."Nabulunan naman si Zach na umiinom sa g
Maaga akong nagising dahil sa halik ni Cayleigh sa mukha ko. Napangiti ako.Hindi pumalya si Cayleigh sa pagpapasaya sa akin."Ami, wake up! Breakfast ish rewdy. " niyugyog nito ang braso ko at panay ang halik sa mukha ko.Isang linggo at tatlong araw na rin simula ng nagtrabaho ako.Nakapunta na ako sa iba't ibang bansa dahil roon.Madalas kong abutan na tulog na si Cayleigh sa kwarto naminkung hindi ay sa kwarto ni mama, minsan na rin siyang nakipabonding kala mommy kasama si Ash.Si Ash naman ay ipinasok na ni daddy sa kompanya nila, pumayag naman si Ash basta raw ay ipasok si Iza at Anika.Ako naman nagiipon, nagbabalak akong bumili na lang ng condo na titirhan namin ng anak ko ng sa gayon ay hindi kami makaabala dito.Tumayo ako at nagayos. Bukas ang 3rd birthday ni Cayle